logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 11

Dave's POV.
Ngayon ay alam ko nang mapagkakatiwalaan si Jannelle. Nakangiti akong lumabas ng bahay ngunit naglaho ang ngiting iyon at napalitan ng pagkaseyoso dahil sa bampirang nasa harapan ko ngayon.
"What do you need?" seryosong tanong ko rito.
"Sinabi ko na sayo kanina... All we need was you," sagot niya.
"Bukas, pumunta ka rito at malalaman mo ang desisyon ko," seryosong sagot ko atsaka mabilis na tumakbo para mahuli ang isang hayop na nakita ko ilang dipa ng layo sa kaniya.
Ilang oras pa ang lumipas ay nakahuli na ako nang sapat na hayop para gawing pagkain.
Umuwi na ako sa bahay at inilagay ang mga hayop na nahuli ko sa kulungan na ako mismo ang gumawa. Pumasok na ako sa kuwarto at agad na naligo, ilang minuto ay natapos na ako sa pagligo kaya naman ay nagbihis na ako at humiga sa aking kama. Ipinikit ko na ang aking mga mata at natulog.
Ilang oras ang lumipas, ramdam ko ang paglabas ng araw dahilan para mapabangon ako sa kamang aking hinihigaan.
Pumasok na ako sa banyo para ihanda ang sarili, nagsuot ng isang black oversized long sleeve shirt at black pants.
Pagkatapos ayusin ang sarili ay lumabas na ako patungo sa kuwarto ni Jannelle.
"Tok, tok, tok, " katok ko sa pinto ng kuwartong kinalalagyan ni Jannelle. Wala akong narinig na response kaya naman ay inulit ko ang pagkatok, hindi ko alam kung bakit hindi siya nag-re-response. Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang siya mismo ang bumukas dito.
Nakita ko siyang nakasuot ng black tube dress that below on her knees, at naka-regular cute stlye. " 'Di halatang nagmamadali," natatawang saad ko sa sarili nang makitang buhaghag ang kaniyang buhok.
"Yay! Maganda yata gising mo," natatawang saad ni Jannelle habang nakatingin sa akin.
"Mmm, your hair was messy. Hindi ka ba nagsuklay?" tanong ko rito.
"Style tawag diyan," natatawang tugon nito dahilan para mapatango na lamang ako.
Nang tuluyang makalabas si Jannelle sa kuwarto ay nabigla kaming dalawa dahil sa malakas na katok galing sa labas, at mukhang alam ko na kung sino iyon.
"Sino na naman kaya 'yon?" she curiously asked.
"I think, it's Braille," I answered
"Ba't naman gano'n siya kagrabe kumatok? Pa'no kung masira yung pinto?" naiinis na saad niya.
"Matibay ang pinto," natatawang saad ko.
"Owws!"
"Tara na baka wala na tayong pinto na maabutan," dugtong pa niya.
"Dito ka lang," seryosong saad ko.
"Eh... Sama na ako," pangungulit niya habang hawak ang braso ko.
"Tsk! Fine, " saad ko. Nakita ko naman siyang ngumiti at hinila ang braso ko kaya naman sabay naming tinungo ang front door.
Pagkarating sa pinto ay binuksan ko na agad ito. 'Di ko namalayang nakahawak pa rin pala si Jannelle sa akin dahilan para makita at ma-obserbahan siya ni Braille. Tiningnan ko si Jannelle at mukhang gulat na gulat siya at nalaman ang pagkakamaling ginawa, dapat ay nagtago siya sa likod ko ngunit 'di niya iyon nagawa dahil siguro'y nakalimutan niya. Pagkatapos obserbahan si Jannelle ay napatingin ako kay Braille nang masama.
"Who is she?" seryosong tanong sa akin ni Braille.
"I've already talled you that it's non of your f*c**ng business!" halos pasigaw na sagot ko.
"S-sorry," paghingi niya nang pasensiya.
"By the way, tungkol sa desisyon mo?" pag-iiba nito sa topic.
"Im acceptibg it," seryosong sagot ko.
Ramdam ko naman ang pagtingin sa akin ni Jannelle kaya naman tiningna ko rin siya, nakita ko ang mukha niyang naguguluhan at nagtatanong at sa inaasahang bagay ay nagsalita nga siya.
"Tungkol saan?" tanong niya habang nakakunot ang noo.
"Do you remember what he offered yesterday?" I asked.
"Ahh 'yong leadership," sagot niya.
"Yep!"
"Sama ako..."
"Delikado,"
"Mag-iingat naman ako, ayaw ko rin mag-isa rito sa bahay mo," pangangatuwiran niya.
"Tsk! Fine, just promised...
"Promise... Mag-iingat ako," pangako nito.
"Mag-asawa ba kayo?" biglang sulpot at tanong ni Braille.
"Eh..."
"Tsk shut that nonsense question!" naiinis na saad ko rito.
"S-sorry, ok tara sa aming area, " saad ni Braille.
"Baka mamatay tayo sa init," saad ni Jannelle na ikinagulat ko. Hindi naman siya bampira kaya bakit pati siya mamamatay?
"Humawak kayo sa akin," utos nito sa amin. Nakahawak pa rin sa akin si Jannelle at ayaw ko sanang humawak sa lalaking iyon but I have no choice, Jannelle already hold my hands dahilan para mapahawak din ito kay Braille.
"Pumikit kayo," utos pa nito sa amin.
"Tsk!" singhal ko.
"Gawin mo na lang Dave... " saad ni Jannelle sa akin dahilan para inis kong maisara ang aking mga mata.
"Ok, open your eyes now!" utos na naman ni Braille.
Binuksan ko ang mga mata ko at doon nakita ang iba pang mga bampirang tulad ko na ngayo'y may mga bagay na ginagawa ngunit nahinto ito nang makita kami ni Jannelle, nakangiti itong nakatingin sa amin ni Jannelle ngunit kalauna'y ibinalik na nang mga ito ang paningin sa kaniya-kaniya nilang gawain. Nilingon ko naman si Jannelle at doon nakitang nakangiti, hindi ko maiwasang mapatanong kung na saan kami ngayon, kung saan kami dinala ni Braille...
"Welcome!" saad ni Braille.
"Thank you," nakangiting saad ni Jannelle sa kaniya.
"Tara at ipapakilala ko kayo sa mga bampirang pinagkakatiwalaan ko," saad a nito.
Nagpasi-unsa itong naglakad, kaya sumunod na lamang kami sa kaniya. Sabay kami sa paglalakad ni Jannelle na nakahawak pa rin sa braso ko. Ngunit nabigla ako nang bigla niyang tanggalin ang mga kamay niya sa braso ko, marahil ay nahihiya siya...
"Ayy, s-sorry," ang tanging saad niya pagkakuha sa kaniyang kamay.
"It's ok," saad ko sabay kuha sa kamay niya at ibinalik sa braso ko.
"This is Rose Broniola," pakilala ni Braille sa babae.
Lahat ng bampira ay maputla at may mapulang mga labi kaya hindi ko na iyon dapat na pagtakahan, nakasuot ito nang crop top off shoulder with tops laces at nakapalda.
"Sa kaniya ko na ipapasa ang sinabi kong pagpapakilala sa mga mapagkatitiwalaang bampira," saad bigla ni Braille. Tsk! Niloloko niya ba kami?
"Sige... " saad ni Jannelle. Umalis na ito at itong Rose Broniola ang nasa harapan namin ngayon.
"Hi to the both of you... Im Rose Broniola your tour guide for today... Charot!"
"Hi," sagot ni Jannelle at nag-wave pa sa kaniya.
"Ano pangalan mo teh?"
"Jannelle, but you can call me Ja," sagot naman ni Jannelle.
"Eh, yang katabi mo?"
"Ayy wag mo na tanungin 'yan, baka mabugahan ka nang apoy,"
"Ayyt, ok. Lets start,"
Naglakad pa kami nang may biglang lumapit sa aming isang lalaki na 'di katangkaran pero mas matangkad sa Rose na nagpakilala sa amin.
"Ito si Peter," pagpapakilala nito sa amin.
"Isa ba siya sa pinagkakatiwalaan?" tanong ni Jannelle.
"Hindi," sagot naman nito.
"Tsk! Ba't mo pa pinakilala sa amin if he's not a trusted person here?" naiinis na tanong ko.
"S-sorry..." paghingi nito nang tawad sa akin.
"Sungit naman ng jowa mo!" bulong nito kay Jannelle dahilan para mainis ako.
"If you'll gonna whisper please secure that I can't hear that," seryosong sagot ko.
"Tama na 'yan kalma lang," awat sa akin ni Jannelle.
"Sorry Rose... Pagpasensiyahan mo na may menstruation kasi araw-araw eh," natatawang saad ni Jannelle.
"Anong menstruation?" takang tanong ni Rose na halatang hindi alam ang binanggit ni Jannelle sa kaniya.
Ang natatawang Jannelle kanina ay nanghihinayang na ngayon, looks like she's joking but no one can relate to those jokes.
"Never mind," seryosong saad nito.
"A-o-ok," tugon ni Rose.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad, at mukhang 'di mahagilap ang mga taong pinagsasabi ni Braille na mapagkakatiwalaan, tsk...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (457)

  • avatar
    Antonio Cloves Parnoff

    muito bom

    17d

      0
  • avatar
    Udinsarmi

    505

    21/08

      0
  • avatar
    Yunita06Eka

    ⭐⭐⭐⭐⭐

    03/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด