logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7

"Ibig kong sabihin, hindi mo sinagot nang maayos yung guest kanina. Ipinagbabawal ng policy yung personal na interes, alam mo namang trabaho yung sadya natin dito, kaya trabaho lang yung priority mo" Medyo natakot ako sa naging tono niya mukhang sakin siya may galit.
"Sorry pero hind----"
"Dito yung work mo sa pool hanggang uwian, yung sa beach mamayang 2 may pumalit na" wika nito tsaka umalis, hindi man lang ako pinatapos magsalita. Sinundan ko siya ng tingin habang sarado ang isipan ko sa ibig niyang ipahiwatig.
Personal na interest? Ano bang pinagsasabi nun? Bahala nga siya.
Dumaan ang tanghalian tuluyan na kaming nilamon ng trabaho lalo pa't dagsaan na ang bisita. Paminsan minsan ko nalang nakita yung mga kasamahan baka andun na sila sa beach, panigurado iisipin nang mga yun may nagawa na naman ako kaya naiwan ako dito sa pool area.
Matapos ang shift ay dali dali akong naglakad palabas ng resort. Hindi gaya nung dati hindi na ako nahirapan maghanap ng masasakyan pauwi dahil marami akong kasabayan.
Kumaway si manong nung makita ako, pamilyar na siguro ako sa kanya dahil halos araw araw akong pabalik balik ng bayan. Ilang bakante nalang at mapupuno na ang tricycle, pumwesto na ako sa harap sa gawing gilid.
"Going to market kuya, dito ba sasakay?"Rinig kong tanong ng kung sino mula sa di kalayuan, mukhang napipilitan pa itong magsalita ng tagalog. Hindi namin ito nakikita mula sa loob dahil sa bandang gilid yata ito  ni manong driver.
"Oo sir, sa bayan lang yun" matapos makapwesto ng huling pasahero sa likod ay umalis narin kami.
Naglakbay ang tingin ko sa labas, marami rami ang tao sa gantong oras hindi na masyadong pansin ang sinag ng araw at medyo may kadiliman na. Huminto ang tricycle pahiwatig na may bababa sa mga pasahero.
"Excuse po" wika ng katabi, dun ko lang napagtantong kailangan ko palang lumabas muna bago sya makadaan.
"Wait, let me sit there" rinig kong sabi ng lalaki tsaka ako bumalik sa pwesto. Sanay na akong may mga kasabayan na hindi taga rito sa Bayan, ang iilan ay namamalagi sa Resort at gustong maglibot libot sa labas. Umusog pa ako dahil sa bagong katabi pero ganun na lamang yung kaba ko nung makita kung sino iyon. Kapansin pansin ang pabango nito na di mo maiiwasang langhapin. Agad akong umiwas at medyo hinawi ang buhok paharap. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito pero nahihiya ako sa gwapong nilalang na tumabi. Ano bang nangyayari sakin?
Ilang minuto ang dumaan medyo nakahinga ako nung hindi niya ako napansin. Sino ba naman ako para maalala ng gwapong guest kanina? Ni hindi ko nga sya napagsilbihan ng maayos.
"Enough na yata to no, Miss? Papuntang Market?" Ayoko mang sagutin pero kami lang naman ang magkatabi dito sa harap. Dahan dahan kong nilingon ang tinutukoy niya, isang benteng papel ang hawak.
"Ten pesos lang" wika ko at nanahimik na. Napapikit na lamang ako at tila nagdasal na hindi na ito magtanong ulit.
Mukhang mas bumagal yata ang pagtakbo ng tricycle nung tumabi tong guest namin sa resort, hindi ako mapalagay sa inuupuan ko gusto ko siyang maglaho agad. Mabuti na nga lang at dito lang sa Bayan ang sadya. Huminto ang tricycle sa public market, hindi narin ako nag aksayang tumingin pa sa pagbaba ng lalaking katabi.
"Sandali may sukli pa to" rinig kong sambit ng driver na ikinatingin ko sa kanya mula dito sa loob. Pilit kong sinilip ang lalaki, akmang tatalikod na ito pero may pahabol pa.
"For two Manong"
"May kasama ka ba dito?"
"Yung katabi ko"
Nilingon ako ng driver, tsaka ko lang nakuha yung tinutukoy nung lalaki. Ba't naman niya babayaran yung pamasahe ko? Hindi ko alam kung bakit naiinis ako kesa matuwa. Nakikilala niya ba ako?
"Oh siya, sakto walang sukli " Rinig ko nalang sa kawalan bago umandar ang tricycle.
"Boypren mo pala yun Ineng?" Kinilabotan ako sa tanong ni Manong, ang swerte ko naman pag ganun mukhang artista yung tao tapos ako? Nakakasuka. Ako na ang umiiwas sa ideyang yung dahil sobrang hindi magkatugma.
"Hindi po"
Hanggang nakauwi na ako sa bahay hindi mawala sa isip ko kung bakit yun nangyari? Nakikilala niya ba ako? Baka inisip nun wala akong pamasahe dahil serbidora ako sa Resort? Pero ang hindi ko lubos maintindihan kung bakit gusto ko siyang makita ulit.
"Michel"
Nahinto yung mga katanungan sa isip nung marinig ang pamilyar na boses ng lalaki. Mag iisang taon narin nung huli ko siyang makita pero halos hindi ko siya nakilala.
"D-dinalaw ko lang yung mag ina"
Napilitan akong ngumiti at pumasok ng sala, maayos na humarap si Warren ngayon kaya't walang dahilan para bastosin ko ang bisita.
"Buti nakadalaw ka" Tanong ko rito habang abala na nilapag ang bag sa mesa na gawa sa kahoy.
"Ah oo, ilang buwan narin kasi"
"Bumisita lang siya Mich, uuwi rin maya maya" Bungad ni Mia na kakalabas lang ng kwarto, hindi ito mapalagay sa maaari kong reaksyon dahil sa bisita nito.
"Pwede naman siya dito magpalipas nang gabi" Suhestiyon ko na agad ikinatahimik ng dalawa.
"Nako hindi na makakaabala pa ako" Dahilan ni Warren kahit alam ko namang labag sa kalooban niya ito.
Tiningnan ko ang kapatid, kita ko na agad ang nais pero ayaw niyang sabihin. Natatakot siyang magdesisyon ngayon, lalo pa't andito yung taong minsan naring nagpabago ng buhay niya.
"Tsaka may shift rin ako, baka walang maiiwan sa dalawa" Sambit ko na ikinataas nang kilay ni Mia.
"Ha?"  Alam niyang gawa gawa ko lang iyon kaya't di na ako nag abalang sumagot, kinuha ko agad ang bag sa mesa tsaka umakyat ng kwarto kung saan nakaharang ang katapid sa pintuan, tila hindi sigurado sa gagawin.
"Wag mong pababayaan si Jasper" Wika ko tsaka pumasok ng kwarto. Papalitan ko lang tong dalang damit para bukas at mag ayos narin nang kaonti.
"Mich, hindi naman kailangan tsaka nakapag usap naman na kami ni Warren. Pinilit ko siyang umuwi kanina nung maaga pa pero ayaw niya hanggat hindi ka pa raw umuuwi"
Napabuntong hininga ako tsaka lumingon sa kaniya. Naintindihan ko yung trauma na dinulot nang mga nangyari pati yung galit ko sa lalaking yun nung una dahil sa pag iwan nito sa dalawa. Pero ayoko naman na dahil lang sa pagkakamaling yun at sa galit ko sa isang tao maging hadlang pa ako sa posibleng magandang mangyari.
"Kung hindi ko ba sinabi yun magiging masaya ka?"
Napanguso si Mia, hindi pa nga ako tapos sa mga itatanong ko mukhang nakuha ko na ang sagot.
"Nakakainis!" Sagot nito na ikinailing ko, mukhang nasobrahan yata sa karupokan tong isa, hindi na nadala sa isang Jasper.
"Siguradohin mo lang na di masundan si Jasper" Biro ko at pinagpatuloy ang pagbukas ng cabinet.
"Ano ba, hindi no!"

หนังสือแสดงความคิดเห็น (129)

  • avatar
    Dumpling Tumi

    I love it

    16d

      0
  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    gndasmch

    10/08

      0
  • avatar
    Ro Na Ld

    it's good ❤

    29/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด