logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

Umuwi ako ng bahay na hindi parin tapos kakaisip sa bagay na wala akong alam. Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Andrea, di kaya nagkita sila nung dati niyang nobyo sa resort at muling nag usap? Kung ganoon masaya ako sa kanila, halatang masaya siya kanina. Hindi naman siguro mali kung malalaman ng iba yun.
Pagdating ng bahay agad kong hinanap ang kapatid, dumiretso ako sa kusina pero wala ang dalawa.
"Andito na ako"  nilapag ko na ang bag pero walang sumagot. Si Mia lang naman ang marunong sumagot dito maliban sa iyak ni Jasper.
Pumasok ako ng kwarto at nadatnang mahimbing na natutulog ang kapatid habang dilat na dilat si Jasper. Mukhang ang bata yata ngayon ang nagbabantay sa Nanay.
"Musta naman tong malaking bata na binabantayan mo Jasper?" Ngumingiti lamang ito, tila naaliw.
Nabaling yung tingin ko kay Mia, tuluyan kong pinagmasdan ang bawat detalye ng mukha nito. Ibang iba na sya ngayon kung ikukumpara nung mga bata pa kami. Hindi ko man maamin pero nasasaktan ako sa kanya. Nais kong magkaroon siya ng kumpletong pamilya para kay Jasper, yung tipo ng Pamilyang pinagkait samin noon. Hindi ko siya sinisisi sa sinapit niya o sa mga pinag gagawa niya sa buhay. Kahit halos kalokohan lamang ang pinagsasabi nito, hindi ko napansing pinaghihinaan sya ng loob o talagang ayaw niya lang pag usapan. Ibang iba yung pinag bago niya mula nung dumating si Jasper, gaya ngayon nakaligtaan na niyang magkilay at maglagay ng kung ano ano sa mukha di gaya nung dalaga pa ito, kahit may bibilhin lang sa labas kailangang maayos ang hitsura. Sabay kaming lumaki, halos kambal na nga yung turing samin dito dahil hindi mapaghiwalay. Pano ko naman magawang iwan ang kapatid ko? Lalong lalo na't may Jasper na sya?  Napalunok ako sa mga iniisip kong yun, sobrang mapaglaro talaga ang buhay.
"Andito ka na pala, nakatulog ako" Iniwas ko ang mukha sa gawi nila at dahan dahang pinunasan ang pisngi.
"Umiiyak ka ba?" Tanong nito at agad bumangon na ikinatayo ko.
"Hindi ah"
"Umiiyak ka eh"
"Wala nga, ano? Kumain na kayo?" Medyo natigilan ito tsaka umiwas ng tingin.
"Ah oo" lumapit ito sa tahimik na si Jasper tsaka nagpatuloy sa pagkwento.
"Tsaka dumaan si Warren kanina, kinamusta ka. M-may mga dala rin siya nasa kusina" Inayos ni Mia ang higaan ng anak habang nakatingin lamang sa kanya si Jasper. Alam kong umiiwas siya sakin pag yung usapan ay tungkol na sa dating nobyo nito.
"Mabuti naman at nakaalala pa, musta naman sya?" Tanong ko pabalik, di ko pinahalata na may kaonting dismaya sa boses ko.
"Mukhang okay naman siya, nakakaraos na sa buhay" Lumingon si Mia sakin, alam ko ang tingin niyang to. Hindi pa niya sinasabi alam na alam ko kung anong nais itanong ng kapatid ko.
"Paano kung---"
"Gusto mo ba?" Hindi ko na sya hinintay pa na ipagpatuloy ang sasabihin.
"Sabi ko lang, pag iisipan ko pa"
Hindi na ako umimik at piniling umiwas na lamang sa kanila nung gabing iyon. Ako ba talaga ang ayaw mang iwan? O ako yung ayaw maiwanan?
Dinala ko hanggang trabaho ang mga tanong na iyon. Naiinis ako minsan, kung sana napunta ako sa ibang pamilya, kumpleto, may mga magulang, may kaya sa buhay. Siguro hindi ko poproblemahin ang mga gantong bagay. Hindi sana ako nagpapakahirap mag ipon para may maipangtustos ako kung sakaling magawa kong makapag aral sa kolehiyo. Yung tipong nag aantay lang may magbigay ng allowance every week at bayad ng tuition. Mga ganung buhay na ang hirap hirap sungkitin.
"Lalaki lang katapat niyan girl" Wika ni Andrea nung dumaan sa pwesto ko. Napabalik ako sa ulirat at umupo ng maayos, kung ano ano kasing inìisip sobrang aga pa.
"Wag mo ngang igaya sayo!" Sunod na sambit ni Rina na ikinangiti nung isa. Kasalukuyan naming hinihintay yung dalawang kasamang naglilinis parin ng kwarto.
"Ano ka ba biro lang yun! Baka isipin niya may tinatago tayo, alam mo naman yung si Madam baka sinisiraan na tayo sa kanya. Sila pa naman yung close, diba Mich?"
"Kahit na, sobrang bata pa niya sa mga ganong usapan. Huwag mo nalang idamay"
"Okayyyy! Eto na oh, give up na ako! Stop na"
Nakikinig lang ako sa dalawa, siguro nasa apat o limang taon yung agwat namin. Matagal na sila dito sa resto kaya nakikibagay nalang din ako at hindi na nag abalang magsalita pa kahit kating kati na akong magtanong. Lalo pa't isa isa ko nang naintindihan ang ninanais ipahiwatig ng mga to.
Matapos makabalik nung dalawa at magligpit ng gamit ay sabay na kaming lumabas sa kwarto. Dagsaan na ang bisita ngayon lalo pa't malapit nang mag tanghalian.
Ganitong oras sa may pool area kami na assign, malapit na mag twelve madami nang mag lunch. Bilang serbidora ang trabaho namin sa oras na to. Paminsan minsan ang ganitong trabaho hindi ko maiwasang mainggit at magpursige na rin na kahit papano sana sa susunod isa kami sa kumakain sa resto at naliligo sa pool. Tipong hindi na iniisip kung ilan pa ang sukli sa kinakain ko o di kaya may budget pa kayang matitira pagkatapos magpahinga dito sa resort.
"Hey hey! Watch your steps" Agad akong naestatwa nung mapagtanto ang nangyari. Buti nalang tapos ko nang ma serve yung orders at tanging tray nalang ang bitbit ko ngayon. Nakakahiya!
"S-sorry po" Dali dali kong paumanhin sa bisita.  Nakayuko pa ako at akmang aalis pero agad itong nagsalita.
"It's okay, you're a staff here right? "Sunod sunod na pag eenglish nito kaya di ko mapigilang tingnan ang nagtatanong.
Diretsong nagtama ang mata namin na sana di ko nalang pala ginawa. May kung anong hinugot sa kalamnan ko na nagpatigil sakin.
"S-sorry dahil sa uniform mo kasi, but am I right Mich?"
"Ang gwapo" bulalas ko sa kawalan.
Sobrang gwapo niya, bukod sa katangkaran at kakisigan nito hindi mo lubhang maisip na purong pinoy sya kung ihahambing sa karamihan.
"Hahah Thank You" Ngumiti ito dahilan para bumalik ako sa reyalidad. Huli na ang lahat nung lumapit ang nakaunipormeng lalaki na mukhang dito rin sa pool na assign.
"Sir, do you need anything?"
"Yes, I wanna have my lunch first but I need someone to bring these to my room"
Dahan dahan akong tumalikod at hinayaan ang dalawa. Hawak ko parin ang tray habang iniisip ang mga nangyari. Agad nawala ang ngiti nung napagtanto ang ginawa ko. Binalikan ko ulit ang gawi nila, patuloy lamang sa pag uusap ang gwapong bisita habang nagtama ang tinginan namin nung kasamahang lalaki, agad itong umiling iling na diretso ang tingin sakin. Napano naman to?
Ibinaling ko ang tingin dun sa bisita kahit likod nalang ang kita dito. Para siyang artista, baka nga modelo ito na nagpapalipas oras lamang sa resort. Napabuntong hininga ako ng malalim, ilang segundo pa yata ako nagtagal tumingin bago bumalik sa ginagawa. Masayang magtrabaho lalo na pag umaga halos hindi mo mapapansing nagtatrabaho ka pala. May ilang mga estudyanteng naninilbihan rin dito kung may iilang oras silang bakante nung pasukan. Pero sa ngayon iilan lang ang nagtatrabaho nang limitado dala ng bakasyon sa skwela. Malapit lang ang resort sa kaisa-isang kolehiyo dito sa bayan, malayo sa kabuuan ng Baryo Andres na tahimik at halos pahirapan sa pang araw araw kung may pangangailangan ka man. Makikita mo lang yung kabuuan ng resort parang nadadala ka narin sa pagpalipas oras ng mga bisita.
"Ba't mo sinabi yun?"  Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses, di ko inasahan ang lalaking kasamahan sa pool kanina.
"Anong ibig mong sabihin? M-may problema ba?" Tanong ko sa kanya. Mukhang matagal na rin sya dito sa resort, nakikita ko siya paminsan minsan pero di kami gaano nagkausap.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (129)

  • avatar
    Dumpling Tumi

    I love it

    16d

      0
  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    gndasmch

    10/08

      0
  • avatar
    Ro Na Ld

    it's good ❤

    29/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด