logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

Kumunot yung noo ko, pinagsasabi nito? Saang teleserye naman niya nakuha ang binibintang sakin. At paano niya nalamang binili ko lahat ng ticket? Alam kong andun din sya kanina pero ilang minuto lang yata yung tinagal niya dun.
"Alam mo kung napadaan ka lang, mas mabuti ipagpatuloy mo nalang yung ginagawa mo kesa masayang oras mo dito"
Napailing itong itinaas ang camera at simulang itinutok sakin na agad kong ikinaiwas. Pinapakita lang nito na ginagawa niya kunyari ang trabaho. Para akong dinala ni Yves sa nakaraan dahil sa kilos nitong ipinakita sakin, malayo sa lalaking puro kasungitan ang alam. Minabuti kong ibinalik ang pagdungaw sa quadrangle na kaonting estudyante nalang ang naroon.
Natahimik ito ng ilang segundo, hindi ko narin inabalang lingunin at baka aalis rin agad agad. Pero di ko inasahan ang sunod niyang sasabihin.
"Are you really that loyal to him that you can't choose a random guy for your work later? Magkano ka na ba ngayon sa isang gabi?"
Hindi ko nagustuhan ang mga sinabi ni Yves kaya't humarap ako sa kanya at agad itong sinampal. Wala na akong pake kung meron mang isa o dalawang nakakita sa gawi namin. Nanginginig kong ibinaba ang kamay, naghalo yung emosyon sa sistema. Wala akong maintindihan sa gustong ipahiwatig ng dating iniibig. Naiinis ako dahil ilang taon ang lumipas pero iba sa katotohanan ang pinaniwalaan nito.
Ngumisi lamang ito habang hinimas himas ang pisngi tsaka tumingin sakin ng diretso.
"Truth hurts isn't it?"
Halos manlabo na yung paningin ko dahil sa namumuong luha sa mata pero sadyang malakas talaga ang radar ng lalaking nasa harap.
"Iiyak ka nalang ba?" Pag uulit nito.
"Ganyan ka na ba talaga ka walang hiya ngayon? Anong klaseng kababuyan pa ang naiisip mong magagawa ko Silvester?"
Halos hindi ko na siya makita sa harap dahil sa tuluyang pagbuhos ng mga luha. May mas isasakit pa pala sa mga naramdaman kong poot dati. Agad tumunog yung cellphone na nasa kaliwang kamay ko lamang, hinayaan kong mag ingay ito bago ko binuksan at itinapat sa tenga. Diretso parin ang tingin ko kay Yves, wala na sigurong mas hayop pa sa ugali niya ngayon.
"Mich san ka? Naiwan ko yung phone sa office sorry. Pauwi na ako" Sambit ni Duke sa kabilang linya.
"N-nasa dorm na ako" Pagsisinungaling ko kay Duke na nasa kabilang linya habang sinusubukang maging kalmado ang boses, hindi ko na hinintay ang sagot nito dahil binaba ko agad ang tawag.
Sa huling pagkakataon, hinarap ko si Yves na may galit sa mga mata. Diretso lang din ang tingin nito, mukhang di natinag sa sakit na idinulot sakin.
Nilisan ko ang campus na may dinadalang sama ng loob sa lalaking yun, naghalo yung mga alaala mula sa nakaraan at sa mga sinabi nito kanina. Ilang taon yung lumipas pero wala akong alam na ganun ka babaw yung tingin ni Yves sakin, dinamay niya pa si Duke na walang kamuwang kamuwang sa naging trabaho ko sa nakaraan.
Madilim na ang kalangitan nung napahinto ako dahil sa panibagong tunog sa cellphone. Nakakapanibagong may natanggap akong mensahe mula sa di malamang numero. Hindi naman gawain ni Duke ang mag text dahil panay tawag lamang iyon.
Pinunasan ko ang luha dahil nagmumukha akong gusgusin dito sa daan tsaka ko binuksan ang text. Pumagilid pa ako para maayos ko itong mababasa.
"Mich, hindi ako sigurado kung makakarating pa sayo to. Ayaw na sana kitang disturbohin sa buhay mo ngayon pero karapatan mong malaman ang kalagayan ng Pamilya. Pinaalam lang ni Manong Edmon kaninang madaling araw na naibenta na nila yung bahay ni Nanay. Wala akong magawa dahil hindi narin ako nakauwi nun matapos naming maglaho ni Jasper, masakit para sakin na sinasabi ko ito sayo ngayon. Kahit anong tanong ko kay manong at ibang pinsan, hindi ako sinasagot nang maayos. Hindi na nila binigyan nang halaga yung bahay na iniwan satin ni Nanay. Sinisisi ko ang sarili dahil hindi sana magiging ganto ang lahat kung di ako nagpadala sa problema dati. Hindi man lang tayo hiningan ng pabor bago magdesisyon, ganun parin kababaw yung tingin nila satin Mich. Kung nababasa mo man ito, wala akong intensiyong gulohin ka dahil sobra na yung naging kasalanan ko sayo. Pinilit kong hingin yung number mo kay Duke dahil nabalitaan ko lang na malapit kayong dalawa ngayon, huwag ka sanang magalit sa kanya. Namimis na kita Mich, hiling ko na sana kung hindi man ngayon, sana'y mapatawad mo ako sa muli nating pagkikita. Walang araw na hindi kita naiisip, mag ingat ka."
Para akong dinurog habang binasa ang text na galing kay Mia, panibagong luha na naman ang di nagpapigil na tumulo ngayon. Hindi ko maintindihan kung anong dapat kong maramdaman, basta't naghalo halo lamang ito sa sistema.
Ilang sandali pa'y nakaramdam ako ng pumatak sa balikat. Sunod sunod ang maliliit na patak nito dahilan para humugot ako ng malalim na paghinga. Maging ang langit ay nakiramay sa kalungkotang nararamdaman ko ngayon, napapagod na ako sa buhay kong to.
Bumuhos lalo ang ulan sa kalagitnaan ng madilim na gabi. Para akong pinagkaisahan ng langit at ng mundo, hindi ko kailanman hinangad na maging lugmok uli.
Lumipas ang mga oras ay nakita ko na lamang ang sarili na tulala sa bintana ng bus, ang mga ilaw sa daan na lamang ang natatanging patunay na tahimik na ang mundo. Mukhang ilang oras yata akong nakatulog sa biyahe at lagpas alas onse na nang hating gabi. Tumunog ang cellphone na nasa ibabaw ng bag na agad ko ring pinatay.
Ngayon ko nalang uli gagawin to, huling beses kong ipaalala sa sarili ang mga kwento ng kahapon. Masakit man para sakin, pero dapat kong harapin yung mga naiwan ko sa nakaraan.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (129)

  • avatar
    Dumpling Tumi

    I love it

    16d

      0
  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    gndasmch

    10/08

      0
  • avatar
    Ro Na Ld

    it's good ❤

    29/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด