logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 7

Magkasabay na umuwi sina Liz at Bea sakay ng isang taxi. Sa kabila ng naging sagutan nila ay ito at magkasama pa rin sila na parang walang nangyari. Hindi na nila pinag-usapan pa ang tungkol sa naging sagutan nila dahil para sa kanila ay tapos na ‘yon. Saka wala naman ng dapat pag-usapan at mas lalong wala silang dapat ayusin dahil hindi naman sila nagkasira o nagkasamaan ng loob. Naiintindihan naman ni Liz kung bakit ganoon na lang ang naging asal ni Bea kanina.
Hindi rin naman galit si Bea kay Liz dahil katulad nga ng sabi niya kanina kay Liz‚ buhay ito ni Liz. She’s her best friend but that doesn’t give her the right to control her life and tell her what to do. As Liz’s best friend‚ what she can only do is to warn her and be at her side whenever she needed someone.
Hinihiling lang ni Bea na sana ay huli na ‘to. Na sana pagkatapos nitong lalaking nakilala ni Liz ay wala nang sumunod pa. Masyado na itong nasasaktan. She can’t take it anymore. Kung nakakaya ni Liz na paulit-ulit na masaktan‚ siya hindi niya kaya na makita itong paulit-ulit na nasasaktan at gabi-gabing umiiyak dahil mas nasasaktan siya para dito bilang kaibigan nito.
Tungkol naman sa isyu tungkol sa ama raw ni Bea‚ wala na rin iyon kay Bea. Para sa kaniya ay tapos na ‘yon. Bea can’t be mad at her just because of that matter. Saka humingi na rin naman ng tawad si Liz kaya ayos na sa kaniya ‘yon. Huwag na nga lang sanang mauulit.
Naputol ang malalim na pag-iisip ni Bea nang mag-ingay ang phone niya‚ tanda na may tumatawag. Agad niyang hinanap ang phone niya na nasa loob ng kaniyang bag. Nang mahawakan niya na ito ay agad niya itong kinuna mula sa kaniyang bag para i-check kung sino ang tumatawag.
Nang mabasa ni Bea ang caller ID ay agad niyang ibinalik ang phone niya sa loob ng kaniyang bag at ipinagsawalang-bahala na lang ang tawag kahit panay pa rin ang pag-iingay ng phone niya.
“Oh? Hindi mo ba sasagutin ‘yan?” takang tanong ni Liz nang mapansin niyang tinitigan lang ni Bea saglit ang phone nito tapos ay ibinalik din agad sa loob ng kaniyang bag.
“Just don’t mind it‚” tanging sagot ni Bea saka niya itinuon ang kaniyang atensyon sa labas ng bintana ng kotse para ipagsawalang-bahala ang ingay na nagmumula sa phone niya.
“Paano ko naman gagawin ‘yon? E ang ingay-ingay niyang phone mo‚” reklamo ni Liz.
“Ignore it then‚” bagot na sagot ni Bea kay Liz nang hindi man lang inaabala ang sarili niya para tingnan ito.
“Bakit? Sino ba ‘yan? Bakit ba ayaw mong sagutin?” irita nang tanong ni Liz na mukhang hindi na matagalan ang ingay ng phone ni Bea na kanina pa pinagsisigawan ang ‘You and Me’ na isa sa mga kanta sa paborito nilang movie na Descendants.
“Just someone.” Bea shrugged her shoulder to show Liz that it’s not that important.
“Sino nga?” irita pa ring tanong ni Liz at bahagya nang tumaas ang tono ng kaniyang boses sa sobrang pagkainis niya.
“Isang kakilala‚” tanging sagot ni Bea para tumigil na si Liz sa katatanong nito sa kaniya.
“Okay‚” napipilitang sagot ni Liz at nakanguso itong humalukipkip sa tabi ni Bea.
Hindi na nagsalita pa ulit si Liz hanggang sa mas lumakas pa ang tunog na nanggagaling sa phone ni Bea nang tumuntong sa chorus ang kanta na nagsisilbing ringtone nito.
“Bea‚ ano ba naman ‘yan? Ang ingay! Patayin mo na nga lang ‘yong tawag kung wala kang balak sagutin ‘yan!” pasigaw na utos ni Liz kay Bea sa sobrang pagkairita niya sa nakaririnding ingay ng phone nito.
Napamura na lang si Bea sa isipan niya dahil sa sobrang kulit ng tumatawag. Kailan ba kasi ito titigil katatawag? Hindi ba ito makaramdam na ayaw niya itong makausap?
Umayos si Bea ng pagkakaupo niya at binigyan niya ng malamig na tingin si Liz. “Kahit patayin ko ang tawag ay tatawag at tatawag pa rin ‘yan‚” tamad na sagot ni Bea na totoo naman talaga kaya nga hindi niya na inabala pa ang sarili niyang patayin ang tawag.
“Edi sagutin mo na para matapos na ‘to‚” suhestiyon ni Liz na bakas na sa mukha ang sobrang pagkainis.
Sa itsura ni Liz ngayon ay natitiyak ni Bea na kapag hindi niya pa sinagot ang tawag ay ito na mismo ang sasagot nito. So obviously‚ she has no other choice but to answer the d*mn call.
Bea sighed in defeat. “Tss. Fine.”
Tamad na dinukot ni Bea mula sa kaniyang bag ang phone niya na kanina pa nag-iingay. Nang sasagutin na sana ni Bea ang tawag ay hindi niya namalayang nakatingin na rin pala sa phone niya si Liz kaya nagawa nitong mabasa ang caller ID.
“Teka. ‘Yong kapatid mo pala ‘yong tumatawag. E bakit ayaw mong sagutin?” takang tanong ni Liz pagkabasa niya sa name ni Zia na naka-flash sa phone’s screen.
Zia is Bea’s half sister. She’s eleven years old. Siya ang kauna-unahang bunga ng pagtataksil ng magaling niyang ama. Limang taon lang ang agwat nito at ni Cassy na nangangahulugang matagal na palang niloloko ng malandi at taksil nitong mga magulang ang mama niya. Ang masakit pa nito ay nalaman lang nila ang lahat noong labing-apat na taong gulang na siya at may panibago na naman silang anak na pinangalanan nilang Renier. Renier is turning to five a few months from now.
“Tss. Sasagutin na nga‚ hindi ba?” sarkastikong tugon ni Bea bago niya sinagot ang tawag.
“Hello‚ Zia? Oh? Napatawag ka?” walang kaamor-amor na bungad ni Bea sa caller.
“A-Ate... si... si papa‚” nahihirapang wika ni Zia.
Panay ang iyak ni Zia sa kabilang linya kaya paputol-putol ito kung magsalita.
“Oh? Bakit? Anong nangyari sa papa mo?” walang kagana-ganang tanong ni Bea sa kapatid na nasa kabilang linya.
Bea may sound like a heartless b*tch but there’s something inside her that she can’t explain. Parang biglang sumikip ang kaniyang paghinga at bigla ring bumigat ang pakiramdam niya lalo pa’t panay ang iyak ni Zia sa kabilang linya na para bang may hindi magandang nangyari.
“Na-Naaksidente siya. Na-Nasa ospital na siya ngayon. Sa Kheinetic Hospital‚” nangangatal na sagot ni Zia habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
Hindi maintindihan ni Bea kung bakit bigla na lang siyang nanlamig kahit hindi naman aircon ang nasakyan nilang taxi. Para siyang binuhusan ng mga natunaw na yelo sa sobrang lamig na nararamdaman niya. Hindi niya rin maipaliwanag ang kabang nararamdaman niya sa mga oras na ito dahil sa sinabi ng kapatid niya. Ngunit sa kabila nito ay pinilit niya pa ring huwag magpaapekto sa sinabi ni Zia at pinilit niyang umakto na parang wala lang sa kaniya ang nalaman niya.
Kinamumuhian ni Bea ang tinatawag na papa ni Zia kaya para sa kaniya ay dapat wala siyang pakialam kung mapaano pa ito. He deserves it after all. After what he did to their family‚ after he ruined it and chose to build his own‚ he deserves to suffer in hell.
“Ganoon ba? E bakit ako ang tinawagan mo at hindi ang mama mo?” sarkastikong tanong ni Bea na may tono ng nang-aasar para ipaalam at ipaalala kay Zia na maling tao ang tinawagan nito.
“Bea‚ ano ka ba? Ama mo ‘yong tao pero kung umasta ka ay parang hindi mo siya kaano-ano‚” saway ni Liz kay Bea na kanina pa pala nakikinig sa usapan nina Bea at Zia.
Binalingan naman ni Bea ng tingin si Liz at binigyan ito ng tinging nagsasabing hindi ito dapat makialam sa kung anumang ginagawa niya tulad ng kung paano niya ito hinayaang makipaglapit sa lalaking kakikilala pa lang nito kanina.
“Shut up‚ Liz. I’m on the phone‚ can’t you see?” pagpapatahimik ni Bea kay Liz na mukhang gumana naman dahil inirapan lang siya nito bago nito ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.
Kahit nasa labas na ng bintana ang tingin ni Liz ay natitiyak ni Bea na nakikinig pa rin ito sa usapan nila ni Zia. Pero sa halip na pagsabihan pa ito ay hinayaan niya na lang din ito dahil hindi naman ito paaawat kahit anong sabihin niya.
“Tinawagan ko na siya. Pe-Pero baka sa makalawa pa raw ang dating nila galing probinsya‚” hindi na mapakaling tugon ni Zia.
Napaikot na lamang ng mata si Bea sa kaniyang narinig.
‘Tss. Probinsya‚ huh?’ sarkastikong tanong ni Bea sa kaniyang isipan.
“At talagang nagawa pang magbakasyon ng magaling mong ina?” hindi makapaniwalang tanong ni Bea.
Nanatiling tahimik si Zia sa kabilang linya pero rinig na rinig pa rin ni Bea ang walang tigil nitong pagsinghot at ang mabibigat nitong paghinga.
“E ‘yong ibang kamag-anak mo? Bakit hindi sila ang tawagan mo?” may bahid na ng inis na tanong ni Bea.
Sa lawak ng Manila ay imposible namang walang ni isang kamag-anak si Zia na nandito. Kaya hindi talaga maintindihan ni Bea kung bakit sa bilyon-bilyong tao sa mundo ay siya pa ang tinawagan ni Zia gayong alam naman nitong ayaw na ayaw niyang nagkakaroon ng komunikasyon sa sinuman sa pamilya nito.
“Hindi ko sila ma-contact‚” nanlulumong sagot ni Zia.
Bakas sa boses ni Zia na hindi niya na rin alam ang gagawin niya kaya siya napilitang tawagan si Bea kahit alam naman niyang hindi niya ito maaasahan.
“So kaya ako ang tinawagan mo? I’m sorry but I’m busy. I can’t be there‚” pagsisinungaling ni Bea kahit ang totoong dahilan kung bakit ayaw niyang pumunta sa ospital para samahan ang kapatid sa pagbabantay sa ama nila ay dahil ayaw niyang makita ang taong matagal niya nang ibinaon sa limot at itinakwil bilang ama niya tulad ng kung paano nito kinalimutang may mga anak itong naiwan sa una nitong asawa.
“Pe-Pero‚ ate... ka-kasi ano...” nauutal na wika ni Zia na hindi na malaman kung paano sasabihin ang gusto niyang sabihin kay Bea.
“Ano?” iritang tanong ni Bea at hindi niya na napigilan pa ang pagtaas ng boses niya sa inis.
Hindi na naitago pa ni Bea ang kaniyang inis dahil sa pagiging maligoy ng kausap. Kanina niya pa gustong malaman kung anong pakay sa kaniya ni Zia nang sa gayon ay matapos na ang nakakapang-init ng ulo na usapan nila.
“Hindi raw kasi nila gagamutin si papa hangga’t hindi kami nagbabayad‚” nag-aalangang sagot ni Zia.
Mariing napapikit si Bea upang kalmahin ang kaniyang sarili. She already expected this. Naaalala lang naman sila ng bagong pamilya ng ama niya kapag kailangan sila ng mga ito. Pero kung wala silang kailangan sa kanila ay nagpapakasaya ang mga ito bilang isang buong pamilya at kinakalimutang may isa silang pamilyang sinira sa kagustuhan nilang bumuo ng sarili nilang pamilya.
Nakakatawa ring isipin na estudyante pa lamang siya at umaasa lang din sa allowance na ibinibigay ng mama niya buwan-buwan mula sa itinayo nitong grocery store pero hinihingan na siya ng tulong-pinansiyal. Pero ano nga ba namang aasahan niya sa anak ng ama niya sa ibang babae? Hindi nahiya ang ina nito noon na lumandi sa lalaking may asawa na kaya malamang ay ganoon din ito—walang hiya at delikadesa kaya ganoon na lang kakapal ang mukhang hingan siya ng tulong.
Nang pakiramdam ni Bea ay medyo nabawasan na ang inis niya kahit papaano ay humugot siya ng malalim na hininga kasabay ng pagmulat niya.
“So ayon‚ lumabas din ang totoo. Kaya ka lang tumawag sa akin ay para humingi ng pera. O siya‚ sige‚ magpapadala ako ng pera diyan basta huwag mo na akong kukulitin. Maliwanag ba?” pagpayag na lang ni Bea para matapos na ang usapan nilang magkapatid at nang tigilan na siya nito sa kadramahan nito.
Hindi naman problema sa kaniya ang pera dahil matipid siyang tao kaya malaki-laki na ang naitatabi niyang pera mula sa buwan-buwang allowance na ipinapadala ng mama niya. Madalas nga ay hindi lang ito isang beses sa isang buwan magpadala ng pera sa kaniya dahil na rin sa kagustuhan nitong makasabay siya sa mga kaklase niya at hindi siya mahirapan sa mga pangmatrikula sa kanilang eskuwelahan at iba pang gastusin mapaeskuwelahan o apartment man.
“O-Oo‚” tila nag-aalangan pang sagot ni Zia.
“K. Bye.” Hindi na hinintay pa ni Bea ang sagot ni Zia. Agad niya nang pinatay ang tawag at muli niyang ibinalik ang phone niya sa loob ng kaniyang bag.
“Talaga bang hindi ka pupunta?” dismayadong tanong ni Liz nang maibaba na ni Bea ang tawag.
“You heard it. I don’t have any plan on going to the hospital where he is‚” diretsahang sagot ni Bea kay Liz.
“E sinong mag-aalaga at mag-aasikaso sa papa mo? Napakabata pa ni Zia. Hindi niya kayang mag-isang alagaan ang papa mo‚” puno ng pag-aalalang saad ni Liz.
Lihim na napamura si Bea sa kaniyang isipan sa narinig na sinabi ni Liz. Is that what she was worried about? The hell she care! May bago ng pamilya ang papa niya kaya hindi na nila problema ‘yon at wala na rin silang responsibilidad para alagaan ito. He has his family now.
“Correction. He’s not my father. Matagal nang wala ang papa ko. Saka problema na nila ‘yon. Bahala silang mag-alaga sa kaniya. Bibigyan ko na nga sila ng pera kaya bakit pa ako pupunta?” pagtatama ni Bea sa sinabi ni Liz dahil alam naman nitong matagal niya nang kinalimutang may ama pa siya.
Para kay Bea ay matagal nang patay ang Papa Henry niya. Halos limang taon na ang nakalilipas magmula nang makipaghiwalay ito sa kaniyang ina at pinili nito ang kabit nito at noong araw ding iyon ay itinuring niya na itong patay.
“Pero hindi sapat ‘yon. Mas maganda kung ikaw mismo ang magdadala sa kanila ng pera para may makasama ang kapatid mo sa pagbabantay sa papa ninyo. Kahit na isang gabi lang‚” giit ni Liz na talaga yatang gustong ipilit na dalawin ni Bea ang lalaking tinatawag niyang papa nito.
“Sorry‚ Liz‚ but I have more important things to do and I can’t waste my time going to that freaking hospital‚” Bea firmly answered.
“May mas mahalaga pa bang bagay kaysa sa papa mo na nasa ospital? My God‚ Bea! Ang tigas ng puso mo‚” dismayadong sambit ni Liz.
“He’s the one who turned me like this‚” malamig na turan ni Bea at mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata para pigilan ang pagkawala ng emosyon niya na kanina pang gustong kumawala.
Rinig ni Bea ang malalim na buntong-hininga ni Liz bago ito nagsalita.
“Mabuti pa ay ako na lang ang magdadala ng pera sa kanila. Babalitaan na lang kita kung anong lagay ng papa mo‚” pagprisinta ni Liz at sa isang iglap lang ay biglang gumaan ang pakiramdam ni Bea at parang bulang biglang nawala lahat ng hindi nito maipaliwanag na emosyong kanina pa nitong pilit itinatago at pinagtatakpan.
Looks like what Bea felt a while ago was a sign of being concern and anxious for someone’s condition.
“Do whatever you want‚” tanging sagot ni Bea sa sinabi ni Liz.
“Manong‚ diretso po tayo sa Kheinetic Hospital‚” pagbaling ni Liz sa driver.
“Okay po‚ ma’am‚” agad namang tugon ng driver.
♡•♡•♡•♡•♡
Mag-uumaga na nang dumating si Liz sa apartment nila ni Bea. Saktong pagkatapos kumain ni Bea ay ang siya namang pagbukas ng pinto ng apartment na iniluwa si Liz na mukhang zombie sa itsura nito: gulo-gulo ang buhok‚ nangingitim ang ilalim ng mga matang parang pipikit na anumang oras at hindi na maayos ang pagkakasukbit ng bag sa balikat nito.
“Naibigay ko na sa kanila ‘yong pera‚” pahayag ni Liz nang maabutan niya si Bea sa sala na katatapos lang kumain.
“K‚” tanging sagot ni Bea at sinimulan na niyang iligpit ang pinagkainan niya na nakakalat sa round table sa sala. Sa sala na siya kumain dahil inabangan niya ang pagdating ni Liz.
Tamad na ibinagsak ni Liz ang kaniyang sarili sa sopa. Sa itsura niya ngayon ay bakas na bakas sa kaniya ang sobrang pagod at halatang wala pa siyang tulog.
“Mabuti naman na ang lagay ng papa mo. Minor injuries lang ang natamo niya sa pagkakabangga ng truck na minamaneho niya sa isang poste. Pero under observation pa siya kaya ilang araw siyang mananatili sa ospital‚” pahayag ni Liz kahit wala namang kahit anong tinatanong sa kaniya si Bea.
“You don’t have to inform me. I’m not asking anyway‚” walang emosyong turan ni Bea.
Bea might sounds like she doesn’t care or anything but honestly‚ she’s glad at what she heard. It ease the anxiousness that she’s feeling since yesterday because of the call that she received from Zia.
“I’m just telling you in case na nag-aalala ka sa papa mo kahit papaano‚” Liz said in a sarcastic voice emphasizing the last two words of her sentence.
“I’m not worried‚” mariing tanggi ni Bea.
“I said just in case‚” mariin ding wika ni Liz na ikinaikot na lang ng mata ni Bea.
“Yeah‚ whatever. Sige na‚ kumain ka na ng almusal. Maliligo lang ako. Matulog ka na rin sa kwarto. Huwag ka na lang pumasok ngayong araw. Ako nang bahalang mag-excuse sa ‘yo sa klase‚” suhestiyon ni Bea dahil wala pang tulog si Liz at kailangan din nito ng sapat na pahinga.
“Kumain na ako.” Inaantok na naghikab si Liz saka niya ipinagpatuloy ang kaniyang pagsasalita. “Siya nga pala‚ papasok ako sa klase kaya hindi mo na kailangan pang gumawa ng excuse‚” dagdag niya na ikinabilog ng mata ni Bea at ikinaawang ng bibig nito.
Hindi makapaniwalang napatingin si Bea kay Liz na para bang napugutan ito ng ulo. Hindi siya makapaniwalang sa itsura nito ngayon ay may balak pa talaga itong pumasok. Gusto ba nitong bumigay ang katawan nito sa sobrang pagod? Kasi kung oo‚ siya mismo ang magpapadala rito sa ospital gamit ang kamao niya.
“Are you sure? You look so tired and sleepy. You need to rest‚” puno ng pag-aalalang pahayag ni Bea.
“I’m fine. Thanks for your concern. And by the way‚ alam na rin nina tita ang nangyari. Sinabi ko na sa kanila‚” Liz informed her.
“Oh? Tapos? Anong sabi nila?” bagot na tanong ni Bea.
“Luluwas daw sila ng Manila para dalawin ang papa mo sa ospital. Sinabi ko na rin na dito na lang sila tumuloy ng ilang araw sa apartment para hindi na sila mahirapan pang maghanap ng matutuluyan‚” mahabang salaysay ni Liz sa naging usapan nila ng ina ni Bea.
“Ganoon ba? Salamat sa info. Sige‚ maliligo na ako‚” paalam ni Bea kay Liz.
Akmang tatalikuran na ni Bea si Liz para iwan ito sa sala nang tawagin siya nito.
“Bea‚” tawag ni Liz sa pangalan ni Bea na ikinatigil ng huli sa paghakbang.
Binigyan ni Bea si Liz ng nagtatanong na tingin. “Oh?”
“Hindi mo man lang ba dadalawin ang papa mo sa ospital?” mahinang tanong ni Liz na ikinataas ng isang kilay ni Bea.
“Bakit pa?” sarkastikong tanong ni Bea.
“Para kumustahin siya‚” kibit-balikat na sagot ni Liz.
“Okay na siya‚ hindi ba? Hindi ko na kailangang pumunta. And besides‚ may pamilya naman siyang mag-aalaga sa kaniya‚” kibit-balikat ding sagot ni Bea.
“Pero‚ Bea‚ ama mo pa rin siya‚” giit ni Liz.
“Talaga? Pasensya na pero matagal nang wala ang ama ko‚” sagot ni Bea at pilit niyang pinasigla ang boses niya pero bigo siya dahil medyo pumiyok ang kaniyang boses sa huling katagang binitiwan niya.
“Bea—”
“Let’s stop this nonsense talk. I’m not in the mood. Sige na‚ maliligo na ako. Maligo ka na rin after‚” putol ni Bea sa usapan nila ni Liz bago pa siya tuluyang bumigay at mailabas niya ang tunay niyang nararamdaman sa harapan nito.
Hindi na hinintay pa ni Bea na magsalita si Liz. Agad na siyang nagtungong banyo para maligo na at nang makapaghanda na siya para sa kanilang pagpasok sa university.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (45)

  • avatar
    Joahanna Pedro

    magandang ang pag kasulat ng May akdang ito at naiinganyo ang nakararami sa pagbabasa ng storyang ito!

    13/01/2022

      0
  • avatar
    John Guerrero Sena

    Ganda

    13/07

      0
  • avatar
    Ashley Nicole Bagadiong

    love this story

    27/01

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด