logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7

Kung nakakamatay lang ang masamang tingin kanina pa nakabulagta itong lalaking kasama ko. Kung nakakayaman lang ang pag buntong hininga siguro nabili ko na ang kaluluwa niya kay san pedro. Paano ba naman kasi, dalawang oras na kami rito limang item palang ang nakuha eh ang haba ng listahan niya.
"Isukat mo kung tama ba ang size mahirap na magkamali babalik na naman ako dito para magpa change item."
Another buntong hininga. Iyan,dahil d’yan sa pagsukat-sukat na 'yan kaya kami nagtagal dito. Huminga ako ng malalim at sinunod ang gusto niya. Kaunti nalang maubos na ang pasensiya ko sa kanya.
"Pati ba itong dalawang rolyo ng hose isukat ko din?" I asked.
"Yes,please." Agad na sagot niya habang sinisipat ang hose na nasa harapan niya.
Tiningnan ko siya ng masama saka padabog na inabot sa kanya ang panukat na hawak ko.
"Isukat mo ‘yan mag isa mo," inis na sambit ko saka siya tinalikuran. Ang sigurista naman niya,anong akala niya sa store dito scammer? Ngayon lang yata yan nakapasok sa hardware e.
"Hey! Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos."
"Uuwi na ako. Sa iba ka nalang magpa assist ayaw ko may overtime ngayon," sagot ko hindi man lang siya hinarap.
"Oy! Teka. Paano iyong pinamili ko?" habol niyang tanong malaki ang hakbang na sumunod sakin.
"Kainin mo. Mukhang kulang ka sa kain eh," pabalang na sagot ko at nagmadaling pumasok sa locker room. "Bawal ho ang hindi empleyado dito, Sir." sarkastikong sambit ko na naka ngiting aso sa kanya saka siya pinagsarhan ng pinto.
Huminga ako ng malalim at pinakalma ang puso ko na kanina pa kay bilis ng tibok niya. Hindi ko alam kung dahil sa sa inis na naramdaman ko sa kanya o kung dahil sa presensya niya dahil magkadikit kaming dalawa?
Napahinto ako sa aking paghakbang nang may makita akong pamilyar na tao. Agad itong lumingon sa akin ng maramdaman ang presensya ko. Huminga ako ng malalim at blangkong tumingin sa kanya.
“Anong ginagawa mo rito?” kaswal na tanong ko. Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi man lang ako na utal.
Humakbang siya palapit sakin ngunit agad ring huminto nang umatras ako. “Elies, I. .I want. .to talk-,”
“Wala na tayong dapat pang pag-usapan pa, Patrick.” agad na sagot ko. “Noong araw na tinapos mo kung ano man ang mayroon sa atin iyon rin ang araw na tinapos ko ang ugnayan ko sayo. Tatlong buwan…tatlong buwan na ang nakalipas tapos bigla kang susulpot at gusto mo akong kausapin para saan pa ha, Patrick?”
“Dahil mahal kita.”
Napasinghap ako at napatawa sa sinabi niya. ”Mahal mo ako?...Wow! ano ‘yon,ngayon mo lang na realize na mahal mo ako? Or, I must say napagsawaan mo na iyong babaeng ipinalit mo sa akin kaya heto ka ngayon habol ng habol sa akin dahil may isang bagay kang hindi nakuha sa akin?”
Hindi siya nakasagot,panay lang ang paglunok nito at pagbuka ng kanyang bibig pero wala namang salitang lumalabas. Muli akong huminga ng malalim dahil naninikip ang dibdib ko sa galit na namumuo dito sa dibdib ko. Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap ng buo ang rason niya kung bakit niya ako hiniwalayan noon tapos heto babalik siya at sasabihin na mahal niya ako,isang kahibangan.
“Kung mahal mo pa ako..hindi kita mapipigilan riyan..pero I’m sorry Patrick, I don’t love you anymore. Maraming dahilan kung bakit hindi na kita kayang mahalin at alam mo sa sarili mo kung ano ang mga dahilan na iyon. Isa lang ang hiling ko. .please ‘wag mo na akong gulohin.”
I saw pain, regret, sadness in his eyes pero paano naman ang sakit at trauma na inukit niya sa puso at isip ko? At sa nakikita ko,wala ng pagmamahal kundi isa nalang determinasyon na makuha niya ako ulit..makuha ang isang bagay na kailanman hindi ko kayang ibigay sa kanya noong panahong kami pang dalawa.
“Elies-.”
“Ang tagal mo. Kanina pa ako naghihintay doon,nilamok na ako.”
Nawala ang atensiyon ko kay Patrick ng bigla nalang sumulpot si Kenzo, salubong ang kilay at nakabusangot ang mukha. Ang kaninang mabigat kung damdamin biglang nag iba,ang bilis ng tibok ng puso ko at dinig na dinig ko sa lakas ng kabog nito.
Napaiktad ako sa gulat nang kunin niya ang bag ko na nakasabit sa aking balikat at isinukbit iyon sa kanyang balikat. Ngunit agad ring napalitan ng inis ang naramdaman ko nang pinitik niya ang noo ko.
“Masama na pinaghintay ang gwapo mong boyfriend, maraming nanglalandi sa akin doon,kinikilabutan ako,” napangiwi ako ng umakto pa itong nandidiri.
“Is he the reason that’s why you don’t love me anymore?” napalingon ako kay Patrick nang magsalita ito, saglit kong nakalimutan na narito pala siya. “May boyfriend ka na pala-,”
“Bakit? Masama ba?” supladong sabat ni Kenzo na ikinalaki ng mata ko. “Boyfriend niya ako kaya ‘wag mo ng balakin na manligaw sa kanya…dahil wala akong plano na bitawan siya. Tara na.”
Para akong isang papel na nakalitaw sa alapaap, pakiramdam ko lumilipad ako habang hawak ni Kenzo ang kamay ko naglalakad patungo sa kanyang sasakyan. Nawala ako sa aking katinuan at tanging tibok ng puso ko lang ang naramdaman ko doon lang ako natinag nang ibalik niya sa akin ang bag ko.
“Ingat sa pag uwi,maraming masamang tao ngayon,” ani nito at sumakay sa kanyang sasakyan at mabilis na pinaharurot palayo.
Napanganga ako sa kanyang ginawa, hindi makapaniwala. “At isa ka sa mga masamang tao na iyon!” inis na sigaw ko. Ang buong akala ko ay ihatid niya ako pauwi pero gage siya ang lakas niyang mang trip. “AHH!” nanggigigil sa inis na hiyaw ko sa Kenzo sa iyon. “Kumati sana ang talampakan mo.”
Hanggang sa pag uwi dala-dala ko ang inis na naramdaman ko sa lalaki na iyon. Hmp. Huwag lang siyang magpakita sa akin dahil kakalbuhin ko siya. Pagkatapos niyang sirain ang intense moment namin ni Patrick iiwan niya ako doon ng ganon lang? Huh! Nasaan ang hustisya?
Pasalampak akong humiga sa kama kinapa ko ang aking dibdib, tama ba iyong sinabi ko kay Patrick kanina? Totoo ba na wala na akong pagmamahal na naramdaman sa kanya? Kasi kung wala ng pagmamahal, bakit masakit parin kapag naalala ko ang nakaraan namin? Bakit umiiyak parin ako sa tuwing naiisip ko kung paano niya sinabi sa akin na may iba na siyang mahal? Bakit hanggang ngayon masakit parin?
Ilang beses ko ng sinabi na hindi na ako iiyak, na hindi ko na siya iiyakan dahil hindi niya deserve ang luha ko pero hindi ko mapigilan sa tuwing bumabalik sa aking isipan ang magandang alaala na iniwan niya..na ngayon napalitan ng bangungot at trauma.
Malapit ko na sanang malampasan iyon pero bumalik pa siya, pati ang sugat sa puso ko na unti-unti ng naghihilom naging sariwa ulit at mas dumoble ang kirot at sakit. Sakit na gusto ko ng mawala ng tuluyan ngunit muling bumalik at hindi ko alam kung hanggang kailan hihilom ulit.
Katulad ng dati,nakatulugan ko ang pag-iyak at mabigat ang dibdib.
Nagising ako na mahapdi ang mata at masakit ang ulo. Sa pag e-emote ko kagabi nakalimutan ko kumain ng hapunan at late na rin ako nagising ngayon at wala na akong panahon para magluto ng agahan kaya no choice kundi mag kape nalang at bread. Parang pasan ko ang mundo pagkarating ko ng store dahil sa subrang sakit ng ulo ko.
“Finally,dumating ka narin.”
Mariin akong napapikit,lalong sasakit ang ulo ko nito. Panginoon ko, tulungan niyo po ako na pahabain ang pasensya ko sa lalaking ito na nag ngangalang Kenzo.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (37)

  • avatar
    RubisJenny

    it's nice

    07/11/2024

      0
  • avatar
    Margielyn Mojado Gucotano

    Ang ganda 🥰😘

    31/10/2024

      0
  • avatar
    Christine Niña Agdeppa

    ang galing at ang ganda ng plot

    26/09/2024

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด