logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 14

"Masaya ka nga ba? Bakit parang malungkot ka?" Tanong ni Prince sa dalaga.
"Akala ko po kasi single ka pa, Dok," pabulong na sagot ni Carmella, nakayuko ang ulo niya.
"Anong sabi mo?" tanong ng binata nang hindi nito malinaw na narinig ang sinabi ng dalaga.
"Sabi ko po sana makadalo ako sa kasal mo, Dok, kahit 'yon na ang huling beses kitang makita. Para masaksihan ko kung gaano ka kasaya kasama ng iyong magiging asawa."
Ngumiti ito sa kanya.
"Huwag ka mag-alala, mi amor," sabi nito na hinawakan siya sa baba para iangat ang kanyang mukha. Tinitigan nito ang kanyang mga mata kaya na-conscious siya. "Titiyakin ko na naroon ka sa aking magiging kasal,"
"Huwag nalang po kaya,"
"Bakit naman?" tanong nito sa kanya at binitiwan na ang kanyang baba. "Hindi puwedeng wala ka sa seremonya ng aking kasal,"
Napakagat-labi siya. Nag-isip siya ng idadahilan.
"Wala po kasi akong maayos na damit na maisusuot sa araw ng 'yong kasal, Dok. Nakakahiya naman sa iyong mga bisita kung simpleng pambahay lang ang suot ko. Baka hindi din magustuhan ng magiging asawa mo na may gusgusin na imbitado."
"Huwag mo problemahin ang isusuot mo, mi amor. Ako ang bahala sa isusuot mo, ang importante ay naroon ka sa kasal ko."
"P-pero kasi-" tatanggi pa sana siya ngunit pinigilan siya ng lalaki na magsalita. Nakalapat sa kanyang labi ang dalawang daliri nito.
"Wala ng pero-pero," sabi nito at inalis sa pagkakalapat sa labi niya ang daliri nito. "A-attend ka sa kasal ko kung ayaw mo sumama ang loob ko sa'yo."
Iyon ang ayaw mangyari ni Carmella, ang sumama ang loob nito sa kanya. Malaki ang utang na loob niya sa lalaki kaya dapat lang na tumbasan niya. Masaktan man siya sa kanyang makikita kakayanin niya.
Ang drama mo self! Ilang araw mo pa lang nakakasama si Dok, Prince, feeling mo naman... Kastigo niya sa sarili.
"Sige po, makakaasa ka Dok, naroon ako sa kasal mo." Ngumiti siyang pilit.
"Very good," nakangiting turan nito. Tumingin ito sa suot na relong pambisig. "Eleven o'clock na pala, bumalik na tayo sa kastilyo, tiyak na nakahanda na ang tanghalian."
Tumango siya. Sa ilang araw niyang pananatili sa Isla, wala na siyang ibang ginawa kundi ang kumain at matulog. Para na siyang patabain na baboy!
Hindi siya pinakikilos ni Dok, Prince. Gusto nito lagi lang siyang nasa loob ng kuwarto para magpahinga. Para daw hindi siya mabinat.
NASA bungad na sila ng malaking pinto nang makasalubong nila si Maila. Agad itong yumuko ng ulo upang magbigay galang kay Dok, Prince.
"Sir, kanina pa kayo hinihintay ni Miss Camellia sa hapag-kainan." Sabi nito at nag-angat ng mukha.
Tumango lang si Prince bilang tugon.
Napalingon si Carmella sa mukha ni Dok, Prince, nang hawakan nito ang kanyang kamay. Hawak kamay silang tinungo ang kusina.
Ang suwerte talaga ng mapapangasawa ni Dok, bukod sa guwapo, mabait ay malambing pa! hiyaw ng utak niya.
Ramdam niya ang init ng palad nito habang magkadaop ang kanilang mga palad.
Habang kumakain sila ay muling inungkat ni Prince ang tungkol sa kasal nito. Nag presenta siyang tutulong nalang sa pag-aasikaso ng mga bisita upang ganti sa kabutihan nito sa kanya.
"Hindi ka katulong," sabi ni Prince. Uminom ito ng tubig at tumingin sa gawi niya. "Bisita kita. Kailangan naroon ka sa araw ng kasal ko. At sa engagement party ay ipapakilala kita sa mga kaibigan at katrabaho ko sa hospital, maging sa aking mga kamag-anak."
Napasulyap si Carmella kay Miss Camellia. Napansin kasi niya ang pananahimik nito habang kumakain. Mahigpit ang hawak nito sa kutsara't, tinidor.
"E, Dok, hindi mo naman kailangan ipakilala ako sa kanila," sagot niya nang ibaling niya ang paningin sa lalaki. "Hindi mo naman po ako kapamilya para makilala pa nila. Gaya ng lagi mo sinasabi, bisita mo lamang po ako. Sa totoo lang nakakahiyang makihalubilo sa mga taong katulad n'yo, dahil mahirap lang ako."
"Oo nga naman," sabat ni Miss Camellia, nang mag-angat ito ng mukha. Tumingin ito kay Carmella.
"Tita!"
Sabay na napalingon sila ni Miss Camellia sa lalaki. Tila galit ang ekspresyon ng mukha nito.
"Sumang-ayon lang ako sa sinabi ni Carmella," sagot ni Miss Camellia na itinuro pa ang dalaga. "Hindi kayo magka-level, galing siya sa mahirap na pamilya."
"Hindi kasalanan ni Carmella kung bakit mahirap siya," sagot ni Prince.
"Baka mapahiya ka lang sa mga kakilala mo kapag itinuloy mo ang iyong kalokohan, Prince!"
"I'm positive na hindi mangyayari 'yon, Tita!" gumalaw ang panga ng lalaki na tila nagtitimpi ng galit. "Ang gusto ko ay naroon si Carmella sa kasal ko, at hindi ko siya ikahihiya kahit kanino."
Napakunot-noo si Carmella. Dahil sa kanya ay nagtatalo ang magtiyahin.
"E-excuse me lang po," naiilang na singit ni Carmella sa usapan ng dalawa. "Baka lang po nakakalimutan ninyo na nasa harap tayo ng pagkain,"
Tumahimik naman ang magtiyahin.
"Pasensiya ka na mi amor," hinging paumanhin sa kanya ni Dok, Prince. "Ipagpatuloy mo na ang iyong pagkain."
Alanganin na ngumiti siya sa lalaki. Napasulyap siya kay Miss Camellia. Kakaunti pa lamang ang nababawas na pagkain sa plato pero tumayo na ito.
"I'm full, excuse me," paalam ni Camellia, uminom ito ng tubig at lumabas na ng kusina.
Sumunod naman na tumayo ay si Dok, Prince. Pati tuloy siya ay napatayo na din. Ngunit pinaupo ulit siya ng lalaki.
"Kailangan mo kumain ng marami," sabi nito. "Papupuntahin ko dito si Maila para may makasama ka,"
Ibinuka ni Carmella ang kanyang bibig ngunit walang namutawing salita sa kanyang bibig. Muli nga siyang umupo.
Lumapit sa kanya si Dok, Prince, ginagap nito ang kanyang mga kamay.
"Pagpasensiyahan mo na kami ni Tita, mayroon lamang kami hindi pagkakaunawaan ngunit maaayos agad naman ito." Sabi nito sa kanya. "Kumain ka at mamaya ay magpahinga ka dahil bukas na ng umaga ang alis natin papuntang Maynila."
Napatango siya dahil wala siyang maisip sabihin.
"Sige, maiwan na muna kita. Pupuntahan ko lang si Tita," paalam nito sa kanya. Binitiwan nito ang mga kamay niya at walang lingon-likod na lumabas ng kusina.
Naiwan siyang nakatitig sa nakahain na pagkain sa lamesa.
"Sayang naman ang mga pagkain, puro sea foods. Lalantakan ko ang mga ito kung ayaw nila," sabi niya habang nagbabalat ng buttered shrimp.
MULING naging panauhin sa tanggapan ng presinto si Matilda. Tulad ng dati ay para na naman'g tigreng galit habang nagsasalita.
"Usad pagong ang ginagawa n'yong pag-imbestiga sa nangyaring pagsabog ng barko. At hanggang ngayon wala pa rin balita kung nakita na ang pamangkin ko." Namumula ang mukha ni Matilda sa inis.
Kasama ni Matilda ang dalawa nitong anak. Panay ang pa cute ni Malou sa isang pulis na nag-asikaso sa kanilang magkapatid.
"Sir!"
Mula sa likuran ni Matilda ay may isang pulis na bagong dating.
"SPO1 Cruz, anong balita?" sabi ng pulis na kausap ni Matilda. "May report na ba galing sa San Roman Hospital?"
Tumabi naman si Matilda upang bigyan daan ang bagong dating na pulis.
"Yes, Sir!" Sagot ni SPO1 Cruz. "Narito po sa files,"
"Si Mr. Roberto Sanchez ay isa sa mga survivor at isang crew sa barkong sumabog." Ayon sa nabasa ni Police Captain, Duren. "At ayon sa kanyang salaysay namukhaan niya sa larawan si Miss Carmella Santos."
Nanlaki ang mga mata ni Matilda, tila nabuhayan ito ng pag-asa na buhay pa nga ang kanyang pamangkin.
"Anong sinabi niya? Buhay daw ba ang pamangkin ko?" tanong ni Matilda. Tinawag nito ang dalawang anak.
"Bakit, Mom?" Panabay na tanong ng magkapatid. Lumapit sila sa kanilang ina.
Hindi sumagot si Matilda, nakinig siya sa pag-uusap ng dalawang pulis.
"Sabi ni Mr. Sanchez, narinig daw niya ang paghingi ng tulong ng isang babae sa loob ng cabin. Sinubukan niya itong buksan ngunit naka-locked. Kaya naisipan niyang sirain ang pinto ng cabin,"
"Paano'ng naka-locked ang pinto ng cabin?" tanong ni Police Captain, Duren.
"Ayon kay Mr. Sanchez may kanya-kanyang susi ang mga pasahero. Kaya nagtaka rin siya kung bakit nakakulong sa loob ng cabin si Miss Carmella Santos. Nagtagumpay siyang mapalabas sa cabin ang dalaga ngunit hindi niya alam kung nakaligtas ba ito sa pangalawang pagsabog ng barko." Paliwanag ni SPO1 Cruz.
Tila nanlamig naman ang pakiramdam ng magkapatid sa kanilang narinig.
"Tingin ko may sadyang nagkulong kay Miss, Santos, sa loob ng cabin. At iyon ang dapat nating alamin. Kailangan natin makuha ang listahan ng mga pasahero ng barko ng araw na 'yon. Kailangan din natin malaman kung may kasama ba siya sa cabin." Sagot ni Police Captain, Duren.
"Mom, anong gagawin natin?" bulong na tanong ni Malou sa ina.
"Tumahimk ka," saway ni Matilda sa panganay na anak. "Huwag ka'ng magsasalita ng kahit na ano,"
"Misis!"
Sabay na napatingin ang mag-iina sa police na kanina lang ay sinisigaw-sigawan ni Matilda.
"Hindi pa nakikita ang katawan ng iyong pamangkin kaya hindi namin masabi kung patay na ba siya o buhay pa. Pero huwag kayong mag-alala, dahil hindi naman tumitigil ang mga rescuer at ang ating mga kapulisan sa paghahanap sa kanya. Aalamin na din namin kung may foul play sa kaso ng pamangkin mo."
"F-foul play?" ulit ni Matilda sa sinabi ng pulis.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (1091)

  • avatar
    Vy My

    Thật tuyệt vời tôi cảm thấy vui sướng và hạnh phúc khi biết nó và tôi xem đọc suốt ngày mà không thấy chán

    27/12/2021

      1
  • avatar
    VillaflorCeline

    I've read alot of fiction books before but this one hits different. Fantastic work,author! Keep up the good work!

    21/12/2021

      1
  • avatar
    BALILIMAYLYN

    IM AM A FAN OF LOCAL PILIPINOS WRITERS...AND THANK U MISS CORA VARGAS IM REALLY ENJOY READING THIS"UNCONDITIONAL LOVE" talaga namang langit at lupa Ang pagitan at Ang daming hadlang ,kapag love Ang PAG.uusapan talagang gawin Ang lahat Makita at makasama lang Ang minanahal..♥️♥️ thumps up sayo writers👍👍 nabitin ako sa love story ni Kristine and Ely sa Isang island at nandon Ang kontrabidang si Raphael Sana mabasa ko Sila sa susunod na mga book story mo at isa ako na mag,aabang sa mga rules nla

    20/12/2021

      3
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด