logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 13

PAGKATAPOS nilang mag-usap ni Dok, Prince, hindi na niya ito nakita. Inisip niya na abala ito.
Nagpasya na lang si Carmella na tignan ang mga larawan na nakasabit sa wall.
"Akala ko hindi ka matutuloy!" nakangiting bati ni Nicole kay Prince. Humalik ito sa pisngi ng binata.
Mabilis na isinuot ni Prince ang kulay puting Doctor suit. Isinabit niya sa kanyang leeg ang stethoscope.
"Hindi pa ba ako late?" Tanong ni Prince. Tinignan niya ang suot niyang wrist watch. Natawa siya ng mahina. "Sakto lang pala ang dating ko,"
Inayos ni Nicole ang kuwelyo na suot ng binata. At tinapik ito sa dibdib.
"May ginawa akong sandwich kanina, binaunan na din kita dahil alam kong gutom ka pagdating dito,"
"Nag abala ka pa," nahihiyang sabi ni Prince. "Kumain ako bago umalis, pero maraming salamat. Kakainin ko nalang mamaya sa lunch."
Ngumiti si Nicole.
"Sige," sabi nito. " Anyway, sa dental ako nakalagay at ikaw naman ay sa eye check up. See you later,"
Tumango siya.
Umalis na sa harapan niya ang dalaga, nasundan niya ito ng tingin.
"Uy! Dok, Prince, ang lagkit ng tingin mo kay Dok, Nicole." Si Ivan. Isa sa mga nurse na naroon. "Alam mo, Dok, bagay na bagay talaga kayong dalawa. Guwapo at maganda,"
Pasimple siyang natawa.
"Magkaibigan lang kami ni Nicole," sagot niya.
"Sayang naman, Dok. Kung ako kasing guwapo mo liligawan ko si Doktora,"
"Guwapo ka naman, Ivan. Wala pa naman nobyo si Nicole maari mo siyang ligawan."
Napakamot sa ulo ang nurse.
"Dok, naman, sa'yo ko nga pinapaligawan si Doktora, tapos ibibigay mo sa akin." Sagot ni Ivan. "Basted lang ang matatanggap ko kay Doktora Nicole,"
Natawa siya.
"Halika na, magtrabaho na tayo. Ikaw na ang maging assistant ko."
"Sigo po, Dok."
Hindi naman napansin ni Prince na mula sa kinauupuan ni Nicole ay mataman itong nakatitig sa kanya.
Naging abala na ang buong araw ni Prince. At ang una niyang napansin ay ang mga batang malnutrition.
State of the World’s Children.
Tungkol sa mga bata, pagkain at nutrisyon ay nagsiwalat na isa sa tatlong batang Pilipinong wala pang limang taong gulang ay nababagabag, na nangangahulugang sila ay masyadong maikli para sa kanilang edad, habang humigit-kumulang na pitong porsyento ng mga bata ay masyadong payat para sa kanilang taas.
Bukod dito, ang ikasampu ng mga kabataang Pilipino ay sobra sa timbang ngayon.
Ang nadagdagang kahinaan sa sakit dahil sa hindi magandang pag-uugali na naghahanap ng kalusugan, hindi kumpletong pagbabakuna, hindi magandang gawi sa kalinisan at pangangalaga, at hindi sapat na diyeta - kapwa sa dami at kalidad - ay nagdudulot ng undernutrisyon sa maagang pagkabata.
At ang unang dahilan na naiisip ni Prince ay ang payak na pamumuhay ng mga naninirahan sa Baryo San Roman.
"Dok, may problema ba sa mga mata ko?" pukaw ng matandang babae sa kanyang pananahimik.
"Nay, ang grado ng mga mata mo at mataas. Ma-e-rekomenda ko ay kailangan n'yo na magsuot ng reading glasses na may grado na +1.50 to 2.00 D." Sagot niya, habang nagsusulat sa malinis na papel.
"G-ganun ba," wari nalungkot na sabi ng matandang babae. "Dok, wala po akong sapat na pera para makabili ng salamin sa mata."
Napaangat ng mukha si Prince.
"Huwag po kayo mag-alala, Nay, mamimigay po kami ngayon ng libreng reading glasses sa mga senior na katulad mo." Nakangiting pahayag niya. "Katunayan nga inilista ko na ang iyong pangalan sa mabibigyan."
Umaliwalas ang mukha ng matandang babae.
"Talaga, Dok?!" waring hindi makapaniwala na sabi nito. "Maraming salamat, Dok. Hulog kayo ng langit sa amin."
Ngumiti siya.
"Tungkulin po namin na mabigyan kayo ng libreng serbisyo," sagot niya. "Ito po ang papel, nakasulat riyan ang buo mong pangalan at numero. Hintayin mo na lamang po na tawagin ang iyong pangalan."
Nagagalak na tumango ang matandang babae nang tanggapin nito ang papel. Muli itong nagpasalamat sa kanya bago nagpaalam na aalis.
"Next!" pagkuwa'y sabi niya.
Isang matandang lalaki naman ang susuriin niya.
UMABOT na ang gabi pero hindi na muling nakita ni Carmella si Dok, Prince. Nahihiya naman siyang tanungin si Miss Camellia.
Napatingin siya sa malaking orasan na nakasabit sa ding-ding.
Ten o'clock na ng gabi ayon sa orasan. Bumangon siya sa kama. Pagbukas niya ng bintana ay dumampi sa kanyang balat ang malamig na simoy ng hangin.
Mula sa bintana ng kuwarto ay tanaw niya ang lighthouse na nagbibigay liwanag sa ilang bahagi ng dagat. Tahimik ang dagat, walang alon.
Napatalungko siya sa bintana.
Paano kaya ang magiging bukas niya sakaling makaalis na siya sa Isla?
Hindi naman maaaring manatili siya roon. Magaling na siya at sapat na ang tulong na ibinigay sa kanya ng magtiyahin. Nahihiya na nga siya dahil patuloy pa din siyang pinagsisilbihan ni Maila kahit na malakas na siya at kaya na niyang kumilos mag-isa.
"Saan kaya ako pupunta?" tanong niya sa sarili.
Kapag nakabalik na siya sa Siyudad, kailangan niyang makahanap agad ng mapapasukan na trabaho. Kahit anong trabaho basta marangal. Ayaw na niyang bumalik sa poder ng malupit niyang tiyahin. Ito na ang pagkakataon para sa bagong pahina ng kanyang buhay, at ang gusto niya ay mamuhay ng masaya. Tutuparin niya ang pangako sa kanyang Inay na magtatapos siya sa pag-aaral.
"Haist," buntong-hininga ng dalaga.
Ilang minuto pa siyang nanatili sa bintana bago magpasyang bumalik sa kama upang matulog.
Kinabukasan ay maagang nagising si Carmella kaya naligo siya. Isinuot niya ang damit na binigay sa kanya ni Miss Camellia noong nagdaan na araw pa.
Nakaupo siya sa harap salamin at nagsusuklay ng kanyang buhok.
"Bukas 'yan!" sabi niya nang marinig ang katok sa pinto.
"Hi! Good Morning!"
Agad na napalingon si Carmella sa gawing pinto. Si Dok, Prince ang kanyang nakita. Mabilis siyang tumayo.
"Pasok ka, Dok,"
Pumasok ito sa kuwarto niya.
"Sumabay ka sa akin mag-almusal dahil ipapasyal kita sa labas." Sabi nito.
"Hindi ba nakakahiyang sumabay kumain sa'yo, Dok?"
"Hindi mo naman kailangan mahiya dahil guest kita dito sa Isla."
Ngumiti siya.
"Dok, salamat pala sa flowers," sabi niya. "Pasensiya na at nalanta na ang talulot. Wala po kasi akong mapaglagyan hindi ko na sila na-save, ayan tuloy nalanta,"
Bahagyang natawa si Prince.
"Mabuti naman at nagustuhan mo, mi amor."
"Opo, nagustuhan ko sobra! Unang beses ko po kasing makatanggap ng bulaklak. Kaya maraming salamat, Dok."
"Halika na sa kusina, kumain na muna tayo bago mamasyal."
"Sige po,"
PAGKATAPOS nilang mag-almusal ay lumabas na sila ng kastilyo.
Namangha si Carmella sa kanyang mga nakita. Ipinakita sa kanya ng lalaki ang kabuuan ng Isla. Ang batuhan kung saan doon siya nito nakita na nakalutang at walang malay. Pagkatapos ay pumunta sila sa likuran ng kastilyo, nakita niya ang kulay abuhin na chopper plane na nakaparada roon.
May nakita rin siyang speedboat na nakatali sa bakal.
"Ang chopper plane ang madalas namin gamitin ni Tita Camellia sa tuwing umuuwi kami rito sa Isla. Mas mabilis kami nakakarating rito kapag ito ang aming ginagamit." Kuwento ni Prince sa dalaga.
"Hindi ba ninyo ginagamit ang tatlong speedboat?" Tanong ni Carmella na itinuro ang kinaroroonan ng mga speedboat.
"Hindi ako sumasakay ng speedboat. Hindi ako marunong lumangoy, kapag lumakas ang alon ay delikadong humampas ako sa batuhan. Ikaw ba, naranasan mo na ba sumakay ng helicopter, mi amor?"
Umiling ang dalaga.
"Hindi pa ho, Dok," pag-amin niya. "Bus palang po ang nasasakyan, ko. Bakit mo po naitanong?"
"Ang chopper plane kasi ang gagamitin natin para maihatid tayo sa Maynila." Sabi nito. "Para maranasan mo na din makasakay ng chopper plane,"
Kinabahan siya.
"E, Dok, kagagaling ko lang sa shipwreck. Baka kapag diyan ako sumakay biglang bumagsak o kaya sumabog sa himpapawid matutuluyan na ako!" naroon pa din ang kaba sa kanyang dibdib.
Parang bigla siyang nagka-phobia na sumakay ng anumang sasakyan mula ng masunog at lumubog ang barko na sinakyan niya. Pakiramdam niya may mangyayari na namang masama sa kanya.
Ginagap ni Prince ang mga kamay ng dalaga upang pakalmahin ito.
"Mi amor, huwag kang mag-alala dahil safe tayong makakarating sa Maynila. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa iyo." Pagpapalubag loob nito sa dalaga.
Tumango naman si Carmella, pero halatang napipilitan lang ito.
"Dok, kailan ba tayo pupunta sa Maynila?"
"Bukas na, mi amor." Sagot nito at binitiwan na ang kanyang mga kamay. "Marami akong trabaho sa hospital kaya hindi ako maaring magtagal dito sa Isla. "Maghahanap ako ng pansamantalang mamamahala sa ospital namin dahil malapit na akong ikasal. Magiging abala ako sa preparasyon ng kasal,"
Gulantang si Carmella sa narinig. Parang gusto niyang isipin na nabingi siya at iba ang kanyang narinig.
"Ikakasal ka na, Dok?!" hiling niya na sana'y mali lang siya ng narinig. Palihim siyang nag cross finger.
Ngumiti ito sa kanya.
"Nakalimutan ko yatang banggitin saiyo kahapon nang mag-usap tayo." Kumibit-balikat ito. "Baka nawala lang sa isip ko, pero tama ka sa iyong narinig. Ikakasal na nga ako, mi amor,"
Nalungkot si Carmella. Ikakasal na pala ang lalaking pinagpapantasyahan niya.
Parang gusto niyang mag-protesta!
"Congratulation po, Dok," nakangiti niyang bati. Pilit na pinasigla niya ang kanyang boses kahit na ang totoo ay nalulungkot siya. "Masaya ako para sayo, Dok."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (1091)

  • avatar
    Vy My

    Thật tuyệt vời tôi cảm thấy vui sướng và hạnh phúc khi biết nó và tôi xem đọc suốt ngày mà không thấy chán

    27/12/2021

      1
  • avatar
    VillaflorCeline

    I've read alot of fiction books before but this one hits different. Fantastic work,author! Keep up the good work!

    21/12/2021

      1
  • avatar
    BALILIMAYLYN

    IM AM A FAN OF LOCAL PILIPINOS WRITERS...AND THANK U MISS CORA VARGAS IM REALLY ENJOY READING THIS"UNCONDITIONAL LOVE" talaga namang langit at lupa Ang pagitan at Ang daming hadlang ,kapag love Ang PAG.uusapan talagang gawin Ang lahat Makita at makasama lang Ang minanahal..♥️♥️ thumps up sayo writers👍👍 nabitin ako sa love story ni Kristine and Ely sa Isang island at nandon Ang kontrabidang si Raphael Sana mabasa ko Sila sa susunod na mga book story mo at isa ako na mag,aabang sa mga rules nla

    20/12/2021

      3
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด