logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 10

SAGLIT na natahimik si Carmella. Pilit siyang may inaalala.
"Pamilyar sa akin ang boses mo," pagdaka'y sabi niya. "Ikaw ang nag-alaga sa akin noong bumabalik pa lang ang ulirat ko."
Ngumiti ulit ang lalaki sa kanya.
Grabe! As in grabe! sa loob-loob ni Carmella. Mala-Engkantado pala sa kaguwapuhan ang lalaking nag-asikaso at nag-alaga sa kanya noong unang araw niya sa Isla. Sayang lang at hindi ito ang una niyang nakita nang matanggal ang benda sa mga mata niya.
Bigla siyang na-conscious. Kulang nalang ay takpan niya ng kanyang buhok ang mukha niya na may marka pa ng mga pasa.
"Glad at natatandaan mo ang boses ko." Sabi nito. "Hindi ka ba nahihilo?"
Kiming ngumiti si Carmella.
"Hindi na. Mabuti na ang pakiramdam ko, puwede na nga akong tumambling-tambling dito sa loob ng kuwarto."
"Okey, let me see kung talagang magaling ka na nga." Dinama ng lalaki ang kanyang noo. Hinawakan din ang isa niyang kamay para pulsuhan. Nakamata lang siya sa ginagawa nito.
Nasundan ng tingin ni Carmella ang kamay ng lalaki nang mayroon itong dinukot sa bulsa ng pantalon. Nakita niya ang stethoscope na nasa kamay na nito.
Napaigtad siya nang itapat nito sa kanyang dibdib ang chest-piece ng stethoscope.
"Malakas ang palpitation ng puso mo," sabi nito. "Kinakabahan ka ba?"
Pakiramdamn niya namula ang magkabilang pisngi niya.
"D-doktor ka?" Tanong niya.
"Wala ba nabanggit sayo si Tita Camellia?"
"Hindi ko maalala,"
Ngumiti ang lalaki. Alam nito na nako-conscious lang siya kaya kinakabahan.
"I'm a doctor, mi amor." Sagot nito. Muli nitong isinuksok sa pantalon ang stethoscope. "And thank god at ito ang pinili kong trabaho dahil sobrang tinakot mo ako nang makita kitang walang malay-tao sa dalampasigan malapit sa mga batuhan. Ang akala ko'y patay ka na."
"Hindi ko rin inaaasahan na makakaligtas ako sa trahedyang kinasangkutan ko." Medyo nahihiya pa niyang sabi. "Nang sumabog ang barko, buong akala ko pati ako ay masusunog din ng buhay. Mabuti nalang bago muli sumabog ang barko nakalabas ako ng cabin."
Ginagap ng lalaki ang kamay niya, nailang siya pero hindi nagpahalata.
"Pero narito ka sa Isla, buhay na buhay." Sabi nito. "Iyon ang mahalaga sa lahat. Naniniwala ka ba sa destiny, mi amor?"
Parang tala sa langit ang kanyang mga mata na kumurap-kurap, lalo na nang titigan siya nito sa mga mata.
"O-oo," sagot niya, sabay lunok ng laway.
"Pinasaya mo ako sa iyong sagot. Because you're destined to be my guest here in Destiny Island. Huwag ka mahihiyang sabihin kung ano ang gusto at kailangan mo, ibibigay ko 'yon sa'yo sa abot ng aking makakaya."
"Sa totoo lang sobra na ang tulong na nagawa mo saakin, kayo ni Miss Camellia. Nakakahiya man aminin, baka hindi na ako makabayad ng utang na loob sa inyong mag tiyahin."
Binitiwan nito ang kamay niya.
"Wala kang dapat tanawin na utang na loob sa akin. Masaya nga ako't narito ka kasama ko sa Isla. Ako pa nga ang dapat magpasalamat sa pagdating mo. Dahil natapos na ang matagal kong paghihintay. Natupad na ang isa sa aking pinapangarap."
"Paghihintay? Pinapangarap?" Parang nalito si Carmella. "Anong ibig mo sabihin?"
Tinapik siya nito sa kamay.
"Don't worry, maiintindihan mo din balang-araw. Pero sa ngayon magpahinga ka muna. Gusto ko makita kang lubusang magaling, magpalakas ka dahil ipapasyal kita sa paligid ng Isla bago tayo bumalik ng Siyudad.
"Pero magaling na ako, Dok." Sabi niya. "Kung pag-uusapan naman ang mga pasa ko sa mukha, sanay na ako, Dok. Sa tuwing magkakapasa ako, iniisip ko na may tattoo ako na kusang nabubura."
Hindi napansin ng dalaga ang palihim na pagkuyom ni Prince ng kamao. Nabanggit na sa kanya ni Tita Camellia ang pang-aabuso ng kamag-anak nito sa dalaga. At hindi niya 'yon nagustuhan.
Napabunting-hininga si Prince.
"Alam ko na magaling ka na. Pero gusto ko pa din na makapagpahinga ka. E relax mo ang iyong katawan at isipan. Masyadong traumatic ang pinagdaanan mo kaya huwag mong bibiglain ang 'yong sarili." Sabi nito sa dalaga. "Hindi mo ba napapanaginipan ang trahedyang nangyari sa'yo?"
"Hindi naman," umiiling ang ulo na sagot niya.
"So meaning no nightmares," sabi ng lalaki. "Sige, maiwan na muna kita para makapagpahinga ka. Kababalik ko lang din dito sa Isla, iidlip lang ako para makapagpahinga din. I'll see you later, marami pa tayong dapat pag-usapan."
Parang may kumudlit na kaba sa dibdib ni Carmella.
Ano kaya ang pag-uusapan nila? Naisaloob niya.
Tumalikod na ito sa kanya pero pinigil niya.
"Dok, Prince!" tawag niya sa lalaki bago pa man ito makalapit sa pinto ng silid.
Lumingon ito sa kanya.
"Kung hindi man nakakahiya, may gusto sana akong itanong, Dok."
Ngumiti ito sa kanya. "Sure, ano ba 'yong itatanong mo?"
Napahinga siya ng malalim.
"Hmmm, e kasi-" alanganin niyang ituloy ang sasabihin.
"Ano 'yon?" Ulit nito. "Huwag ka na mahiya, mi amor."
Napangiwi si Carmella.
"Wala naman akong sakit na pagkalimot 'diba, Dok?"
"You mean, amnesia?"
Tumango siya.
"No," sagot nito.
"Kung wala akong sakit na amnesia bakit mi amor ang tawag mo saakin? Ano ba ang ibig sabihin ng mi amor?"
Napakagat-labi si Prince sa kainosentehan ng dalaga.
"Kanina ko pa kasi naririnig sayo ang salitang mi amor," may pakumpas-kumpas pa siya ng kamay. "Carmella ang binigay na pangalan sa akin ni Inay. 'Yon nga lang wala akong palayaw. Ano ba ibig sabihin ng mi amor? Pangalan din ba 'yon?"
Natawa ang lalaki.
"Mahaba ang pangalan mo na Carmella kaya pinaiksi ko na. Hindi lang magkatunog pero mas gusto ko na tawagin ka na mi amor. T'saka masyadong malapit ang pangalan mo at ni Tita Camellia, kaya mula ngayon huwag ka na magtataka kung lagi kitang tatawagin na mi amor. Isipin mo nalang na 'yon ang palayaw mo."
Ngumiti si Carmella.
"Gusto kong tawagin mo akong mi amor. Bago siya sa pandinig ko, pero nagustuhan ko." Pag-amin niya.
"Labis mo akong pinasaya mi amor," nagustuhan nito ang sinabi ng dalaga.
"Alam ko na kalabisan na ito, pero gusto ko din sana itanong kung nabanggit ni Miss Camellia sayo na huwag na i-report sa mga awtorida na nakaligtas ako? Na buhay ako,"
Napamaang si Prince.
"Hindi pa," sagot nito na nakakunot ang noo. "Walang nabanggit sa akin si Tita Camellia tungkol do'n. Ayaw mo ba malaman ng mga kamag-anak mo na nakaligtas ka sa pagsabog ng barko?"
Malungkot na umiling ang dalaga.
"Mas nanaisin ko na isipin ni Tiya Matilda na patay na ako. Ang pakiusap ko lang, Dok, huwag n'yo na ipaalam sa kanila na nakaligtas ako."
Napatango-tango si Prince.
"Kung 'yon ang nais mo," sabi nito. "May itatanong ka pa ba?"
Umiling siya.
Tumayo si Carmella. Lumapit siya sa lalaki at niyakap ito ng mahigpit.
Nabigla naman si Prince sa ginawa ng dalaga, pero lihim itong natuwa.
"Wala na akong itatanong, Dok." Sabi ni Carmella. "Paulit-ulit akong magpapasalamat sa'yo sa pagliligtas ng buhay ko. Ang bait-bait mo. Ikaw ang hero ng buhay ko."
"Oh, mi amor!" Sabi lang nito. "Huwag ka mag-alala mi amor, handa akong maging hero mo habambuhay."
"Eh!" Kinikilig na bumitaw siya sa pagkakayakap niya sa lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit para siyang kinikiliti sa kilig.
Muling nagpaalam sa kanya ang lalaki. Kumindat pa ito sa kanya bago tuluyan lumabas ng pinto.
GALIT NA GALIT si Matilda habang kausap ang isang pulis. Nakapameywang pa ito habang nagsasalita.
"Ano ba naman 'yan tsip! Hanggang ngayon wala pa din balita sa pamangkin ko."
"Pasensiya na Misis," hinging paumanhin ng pulis. "Hindi naman po tumitigil ang mga rescuer sa paghahanap sa pamangkin mo at sa ibang pasahero ng sumabog na barko."
"Paulit-ulit ko ng naririnig 'yan, tsip!" Bulyaw pa ni Matilda sa kausap. Tumalsik pa ang ilang butil ng laway nito sa mukha ng pulis. "Sana naman sa susunod ko na balik dito may magandang balita na akong marinig,"
Tumango-tango ang pulis habang pinupunasan ng tissue ang mukha.
"Ayoko pong paasahin kayo Misis, ginagawa naman po namin ang lahat para mahanap ang pamangkin mo."
"Basta gusto ko makita n'yong buhay ang pamangkin ko!" Yon lang at tinalikuran na ni Matilda ang kausap.
Nasundan naman ng tingin ng pulis ang matabang babae na pakembot-kembot kung lumakad.
"Naku, huwag mo na intindihin si Mrs. Santos. Ganyan talaga ang ugali niya ang hirap pakiusapan." Naiiling ang ulo na sabi ni SPO1 Matchas. "Hindi naman siya nag-aalala sa kanyang pamangkin, gusto niyang malaman na buhay ang pamangkin dahil malaki daw ang pagkakautang na pera nito sa kanya."
"Halata naman sa mukha niya. Para siyang tigre," natatawa nalang na sagot ni SPO2 Ceasar, na siyang kausap ni Matilda. Itinuon nito ang paningin sa files ng mga biktima ng sumabog na barko sa Isla Gilligan.
Tinapik-tapik ni SPO1 Matchas sa balikat ang kasamahan.
"Ang mahalaga ay ginagampanan natin ang ating trabaho. Hindi naman tumitigil ang mga rescuer sa paglilibot sa Isla upang mahanap ang mga katawan ng mga biktima."
"Tama ka," sang-ayon na din ni SPO2 Ceasar. "Nagugutom ako. Halika, pumunta muna tayo sa canteen para magmeryenda."
Hinimas naman ni SPO1 Matchas ang tiyan.
"Mabuti pa nga, katatapos ko lang din gawin ang report ko."
Magkasama na ngang tinungo ng dalawang pulis ang canteen habang patuloy na pinag-uusapan ang tungkol sa sumabog na barko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (1091)

  • avatar
    Vy My

    Thật tuyệt vời tôi cảm thấy vui sướng và hạnh phúc khi biết nó và tôi xem đọc suốt ngày mà không thấy chán

    27/12/2021

      1
  • avatar
    VillaflorCeline

    I've read alot of fiction books before but this one hits different. Fantastic work,author! Keep up the good work!

    21/12/2021

      1
  • avatar
    BALILIMAYLYN

    IM AM A FAN OF LOCAL PILIPINOS WRITERS...AND THANK U MISS CORA VARGAS IM REALLY ENJOY READING THIS"UNCONDITIONAL LOVE" talaga namang langit at lupa Ang pagitan at Ang daming hadlang ,kapag love Ang PAG.uusapan talagang gawin Ang lahat Makita at makasama lang Ang minanahal..♥️♥️ thumps up sayo writers👍👍 nabitin ako sa love story ni Kristine and Ely sa Isang island at nandon Ang kontrabidang si Raphael Sana mabasa ko Sila sa susunod na mga book story mo at isa ako na mag,aabang sa mga rules nla

    20/12/2021

      3
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด