logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

THE CEO'S BODYGUARD (Chapter 7)

Tanghali na ng makarating sina Vienna at Bryan sa isla na pag-aari ng Tiyo Ronald niya. Tinulungan sila ng boy na ibaba ang mga gamit nila at maidala sa loob ng mansiyon. Bahay-bakasyunan ito ng mga kamag-anak o malalapit na kaibigan ng kaniyang Tiyo Ronald. Nang marating niya ang kaniyang magiging silid ay agad siyang nahiga.
"Pagod ka?" tanong sa kaniya ni Bryan dahil ipinapasok nito ang bagahe niya sa loob ng silid niya.
"Medyo," aniya at biglang napabangon ng may maalala.
Speaking of his girlfriend, pumayag ba ito sa pagpunta nito rito? Tiningnan niya ito pero ng mga sandaling iyon bumaba ang tingin niya sa matitipuno nitong katawan. Napalunok siya pero agad ding itinuon ang tingin kay Bryan na nahuli niyang nakatitig sa kaniya. Tumikhim ito.
"Punta lang ako sa kwarto ko. Kung gusto mo magpahinga, magpahinga ka muna. Tatawagan kita kapag kakain na," anito pero bago pa man ito makaalis ay tinawag na niya ito.
"Bryan, sandali!" aniya. Agad naman itong lumingon sa gawi niya.
"Alam ba ng girlfriend mo na pupunta ka rito? Na kasama mo ako?" tanong niya. Bigla itong sumeryuso at tumitig sa kaniya. Pakiramdam niya hinihigop siya ng titig nito.
"Vienna, hiwalay na kami ni Herlene. Ilang araw na magmula ngayon dahil may mahal na akong iba," anito habang titig na titig pa rin sa kaniya. Bakit pakiramdam niya siya ang tinutukoy nito? No! Hindi siya pwedeng umasa, masakit ang umasa. Ngumiti lamang siya.
"Nalulungkot ako para sa paghihiwalay ninyo pero mahirap talaga turuan ang puso. Sige, magpapahinga muna ako," aniya.
Tumango lamang ito at umalis na. Nang makaalis na ito ay napakagat-labi siya para pigilin ang luhang gustong dumaosdos sa kaniyang pisngi pero kahit anong pilit niya ay kumawla pa rin iyon. Siguro nga hindi siya ang tinutukoy nito.
Marahang napabuntong-hininga si Bryan ng makalabas siya ng silid ni Vienna. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang sakit ng banggitin niya na may mahal siyang iba. Hindi kaya may pagtingin rin ito sa kaniya? Naninikip ang dibdib niya dahil hindi niya kayang ipagtapat rito ang nararamdaman niya pero siguro sa ngayon hindi pa. Hahanap siya ng tiyempo para sabihin rito na ito ang mahal niya. Nagtungo na siya sa kusina para magluto ng pananghalian nila. Mahilig din kasi siyang magluto at gusto niyang matikman ni Vienna ang luto niya. Napangiti siya sa isiping iyon. Habang nagluluto, tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon sa bulsa ng short at tiningnan ang caller. Si Darwin, agad niya iyong sinagot.
"Darwin," bati niya.
"Okay na ang lahat naasikaso na ang mga taong konektado sa kaniya. Pwede ka na umalis bilang bodyguard niya dahil hindi na manganganib ang buhay niya," anito. Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib dahil sa kaalamang aalis na siya. Na hindi na niya makakasama si Vienna pagkatapos ng bakasyong ito. Huminga siya ng malalim para kahit papaano mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.
"Salamat, brad. Expect the money within this days. Nasa bakasyon kasi ako," natawa ang nasa kabilang linya.
"Brad, no need. I'm doing this dahil magkaibigan tayo. Malay mo isang araw kailanganin ko ang tulong mo, di ba?" anito na ikinatawa niya. Mabuti talaga itong kaibigan.
Nagpaalam na ito at siya naman ay itinuon ang atensiyon sa nilulutong bicol express. Hindi niya maiwasang mapangiti habang iniisip na darating sila sa punto ni Vienna na gagawin niya ito rito bilang isang kasintahan o asawa.
Pagkatapos magluto, nagtungo na siya sa kwarto ni Vienna at kumatok. Nakailang katok na siya pero hindi pa rin nito binubuksan ang pinto hanggang sa pihitin niya ang seradura at buksan ang pinto. Pumasok siya sa loob at nakita si Vienna na mahimbing na natutulog.
Lumapit siya sa dalaga at pinakatitigan ito. Hindi niya maiwasang humanga sa ganda nito at sa kinis ng balat nito. Ano ba ang mayroon rito at sa konting panahon ay natutunan niya na itong mahalin? Nagulat siya ng bigla itong nagmulat ng mga mata at agad na napabangon.
"Bryan. Bakit?" gulat nitong tanong. Ngumiti siya.
"Kain na tayo," aniya at tumayo na saka hinintay itong makatayo at sabay silang pumunta sa kusina para pagsaluhan ang niluto niyang bicol express.
Hindi maiwasang humanga ni Vienna sa luto ni Bryan. Kuhang-kuha nito ang lasa ng Bicol Express. Tamang-tama lang din ang anghang. Pinuri niya ang luto nito at parang mapupunit na ang labi nito sa pagkakangiti na hindi naman niya binigyan ng malisya. Gaya nga ng sabi niya, ayaw niyang umasa na pagtingin rin sa kaniya ang binata.
"Nabusog ako!" aniya habang hinihimas himas pa ang tiyan niya.
"Mabuti naman at nabusog ka," anito. Napasandal siya sa upuan dahil sa busog.
"Gusto mo ba pumunta sa dagat?" alok niya rito.
Tumango ito at sumang-ayon. Napagdesisyunan nila na mamayang magtatakip-silim sila magswiswimming. Magkatulong silang naghugas ng plato. Panay naman ang biro ni Bryan na laging nagpapatawa sa kaniya. At nang mga sandaling iyon ay masaya siya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (354)

  • avatar
    Lopes CostaNaara

    amei 💕

    06/01

      0
  • avatar
    MelkamuAhmed

    nice story

    03/12

      0
  • avatar
    Khawla Athmani

    chaba

    17/11

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด