logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

THE CEO'S BODYGUARD (Chapter 6)

Pauwi na si Bryan ng mga sandaling iyon na may ngiti sa mga labi lalo na ng maalala ang halik na pinagsaluhan nila ni Vienna. Kailangan na nilang mag-usap ni Herlene. Mahal na niya si Vienna at hindi makabubuti na sila pa rin ni Herlene. Ayaw niyang mamangka sa dalawang ilog. Sa katunayan, may mga ugali si Herlene na hindi niya gusto pero pinanghawakan lang niya ang relasyon nila. Ngayon lang niya napagtanto na hindi si Herlene ang gusto niyang makasama habam-buhay. Speaking of Herlene, tumatawag siya ngayon. Marahan siyang napabuntong-hininga at sinagot ang tawag. Ito na siguro ang pagkakataon para makipaghiwalay siya rito.
"Hello babe!" matinis nitong sigaw sa kabilang linya.
"Hello, pwede ba tayo mag-usap ngayon?" masigla nitong tanong. Sumang-ayon naman si Herlene at sinabi na sa condo na lang daw nito sila mag-uusap hanggan sa tapusin na niya ang tawag. Pinausad na niya ang sasakyan patungo sa condo nito.
"Patawarin mo ako Herlene," aniya sa sa sarili.
Nang marating niya ang room ng condo nito ay agad siyang nagdoor bell. Ilang sandali lamang ay bumukas iyon at bumungad sa kaniyang harapan ang masayang mukha ni Herlene. Agad na naglambitin ito sa kaniyang leeg at hinalikan siya ng mapusok. Hindi niya alam pero wala siyang maramdamang kilig o pananabik sa paglalapat ng kanilang mga labi. Siya na ang unang bumitaw sa halik na namamagitan sa kanila.
"I miss you," madamdaming pahayag ni Herlene. Huminga siya ng malalim saka tinitigan ang katipan.
"Narito ako para makipag-usap sa'yo Herlene," aniya sa seryusong tinig. Napahawak si Herlene sa dibdib
"Ano iyan? Napakaseryuso mo naman," anito sa natatarantang tinig. Inakay niya ang dalaga patungo sa sofa at hinawakan ang kamay nito saka pinakatitigan. Napakagat-labi si Herlene at ramdam niya na anumang oras ay maiiyak na ito dahil sa kaba.
"I'm sorry to tell you that i'm inlove with someome else. I'm sorry Herlene basta naramdaman ko na lang na gusto ko siya at mahal ko siya saka masaya ako kapag kasama ko siya. Siguro hindi lang tayo ang para sa isa't-isa," aniya at hinawakan ang pisngi nito. "You deserve someone better," aniya at tumayo na saka nagtuloy-tuloy na umalis ng condo nito na hindi lumilingon sa dalaga. Alam niyang nasaktan ito pero mabuti na rin iyon dahil ayaw niyang umasa ito.
Narito ngayon si Bryan sa kaniyang opisina kasama si Darwin. Isa rin itong FBI Agent na makakatulong niya para matapos na ang problema nila na ngayon ay masosolusyonan na. Napatingin sa pintuan si Bryan ng bumukas iyon. Sumilip ang kaniyang sekretarya at bahagyang ngumiti.
"Sir, nandito na po si Mr. Caval," anito.
Tumango siya tanda na pinapasok na niya ito. Niluwangan nito ang pinto at pumasok ang isang matandang lalaki na may malakaing pangangatawan. Matanda man ito ay kakikitaan pa rin ng awtorisasyon ang tindig nito. Ngunit hindi magpapatinag si Bryan rito. Tumayo siya mula sa kinauupuan saka nilapitan ang matanda.
"Ikinagagalak ko po kayong makadaupang palad Mr. Caval," aniya. Tinanggap naman nito ang pakikipagkamay niya. Inilahad niya ang sofa na naroon para doon sila maupo.
"Bakit ka pala nagpa-set ng meeting, iho?" tanog nito sa kaniya. Ngumiti siya.
"Gusto ko lang malaman kung ikaw ba ang may pakana ng pagkakabaril ni Vienna?" tanong niya at tinitigan ito. Natawa ito pero kitang-kita niya ang nerbiyos sa mukha nito. Pinagpawisan din ito. Si Darwin ay nakatayo lamang hindi kalayuan sa kaniya at anumang oras ay reresbakan siya kapag may ginawa itong hindi maganda.
"Anong pinagsasasabi mo, Mr. Cristobal? Narito ako para sa negosyo hindi sa kung anoman na ibinibintang mo sa'kin. Negosyo nga ba talaga ang dahilan kaya pinapunta mo ako rito? Huwag kang nagbibintang ng walang ebidensiya," anito sa nagbababalang tinig. Ngumisi siya at tumayo saka binigyan ng masamang tingin ang matanda.
"Pina-trace ko ang numero na ginamit at galing iyon sa'yo. Nang mga sandaling iyon ay hindi mo pa natanggal ang sim card sa cellphone dahil kampante ka. Mr. Caval na walang manghuhuli sa'yo. Iyong lalaking bumaril kay Vienna ay kasabwat mo rin at dinaan mo sa pera kaya hindi nagsalita. Sumuko ka na lang!" sigaw niya at inilabas ang baril sa kaniyang tagiliran at itinutok iyon dito. Natawa ang matanda.
"Tama ba na tutukan mo ako ng baril?" anito pero bigla itong sumeryuso at ilang sandali lamang ay may hinugot ito sa likod ang baril.
Mukhang hindi na pinag-abalahan pang siyasatin ng gwardiya si Mr. Caval lalo at siya ang nagpatawag ng meeting rito o di kaya ay nakaligtaan. Bago pa man maiumang ni Mr. Caval ang baril sa kaniya ay agad niyang itinaas ang kanang paa at sinikmuraan ito na naging dahilan para tumilapon ang baril nito di kalayuan sa kanila. Hinawakan nito ang tiyan at napaubo. Dali-dali namang lumapit si Darwin at pinosasan si Caval.
"Magbabayad ka Bryan!" sigaw pa ng matanda habang inilalabas ni Darwin ito. Napailing-iling na lamang siya. Tinanguan niya si Darwin bago kinuha sa pantalon ang kaniyang cellphone saka tinawagan ang ang isa niyang kaibigan na Chief Of Police.
"Oh, tol!" anito sa kabilang linya.
"Nahuli na namin si Mr. Caval. Ikaw na ang bahala sa mga alipores niya," aniya sa seryusong tinig. Natawa ang nasa kabilang linya.
"Masusunod, boss," anito at pinatay na ang tawag.
Siya naman ay napaupo sa sofa at hindi maiwasang mapangiti ng maalala si Vienna. Tiyak na matutuwa ito dahil wala ng banta sa buhay nito. At mapapanatag na rin ang loob ni Mr. Fillan. Kaysarap sa pakiramdam na nagawan mo ng maganda ang isang tao. Maya-maya lamang ay pupuntahan niya si Vienna para ibalita ang nangyari.
Hindi mapakali si Vienna sa kaniyang opisina ng mga sandaling iyon dahil ang isip niya ay na kay Bryan. Sa totoo lang, namimiss niya na ang binata. Dalawang araw niya na itong hindi nakikita dahil nagpaalam ito pansamantala na may aasikasuhin daw na pinayagan naman ng kaniyang ama. Bale, may bodyguard siya ngayon na kakilala ng binata. Napabuntong-hininga siya at pinilit itinuon ang atensiyon sa ginagawa. Ilang minuto na siya sa pag-rereview ng dokumento ng tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon sa mesa at tiningnan kung sino ang caller. Ang kaniyang ama. Dali-dali niyang sinagot iyon.
"Dad?" tanong niya.
"Anak, pwede ka ba pumunta rito? Narito si Bryan at may mahalaga siyang sasabihin sa'yo at sa'kin," anito sa tonong nakikiusap. Biglang sumikdo ang puso niya ng marinig ang pangalan ng binata na kaytagal niyang namimiss. Napatayo agad siya.
"Opo, dad. Pupunta na po ako diyan," aniya.
Nagpaalaman na sila saka hinintay na muna niya na patayin nito ang tawag bago niya isinilid sa bag ang kaniyang cellphone saka dali-daling lumabas ng kaniyang opisina. Ipina-cancel na muna niya nag lahat ng meeting sa kaniyang sekretarya dahil hindi niya sigurado kung papasok pa ba siya mamaya.
Nang marating niya ang bahay ay halos liparin niya na ang pintuan para makapasok sa loob. Mabuti na lang at bukas iyon. Nadatnan niya si Bryan at ang kaniyang ama na nag-uusap at nagtatawanan. Napabaling sa kaniya si Bryan at ngumiti. Halos malaglag ang kaniyang puso dahil sa pagngiti niya. Ginantihan naman niya ito ng isang masuyong ngiti.
"Hi," aniya na para bang ngayon lang sila nagkakilala. Bago pa man ito nakasagot, sumingit na ang kaniyang ama.
"Oh, narito ka na pala, iha. Alam na ni Bryan kung sino ang may pakana ng pagbaril sa iyo nitong mga nakaraang araw," masayang sabi ng kaniyang ama.
Napatingin siya kay Bryan. Titig na titig sila sa isa't-isa. Hindi pwedeng malaman ng kaniyang ama ang totoong may sala. Tiyak na masasaktan ito at baka maging dahilan para atakehin ito sa puso. Ngunit binigyan siya ng tingin na nagpapahiwatig na kailangan nitong malaman ang totoo. Huminga siya ng malalim. Wala na siyang magagawa. Tumango na lamang siya bilang pagsang-ayon.
Nagsimula ng magkwento si Bryan tungkol sa nalaman at sa lahat ng ginawa nito at ang pag-frame up kay Jeric Cabal para mahuli ito. Kitang-kita niya ang pagkagulat at galit sa mukha ng kaniyang ama. Nakakuyom din ang kamao nito na tanda ng pagpipigil ng galit. Maging ang pagtaas-baba ng dibdib nito. Kaya naman agad niya itong nilapitan at pinakalma.
"Dad, okay ka lang?" tanong niya. Huminga ito ng malalim at tiningnan siya saka bahagyang ngumiti.
"Ayos lang ako anak, noon pa man ay may suspetsiya na ako na siya ang kumakalaban sa'kin hindi ko lang matanggap dahil matalik ko siyang kaibigan. Masakit man pero kailangang tanggapin dahil hindi naman lahat ay puro ang intensiyon sa iyo," anito sa malungkot na boses. Niyakap niya ito.
"Atleast dad ngayon okay na tayo. Okay na ako, magiging panatag na ang loob ko dahil wala ng magtatangka sa buhay ko," aniya saka binalingan si Bryan. "Maraming-maraming salamat, Bryan. Salamat sa pagresolba sa problema naming ito," sinsero niyang sabi.
Ngumiti lamang ito at sinabi na trabaho niya iyon. Nasaktan siya sa isiping trabaho lang iyon. Bakit ba kasi umaasa siya ang dahilan kung bakit nito ginagawa iyon? May kasintahan din ito. Masakit pala umibig ng lalaking may mahal ng iba. Pasasaan ba't mawawala rin itong nararadaman niya lalo at matatapos na ang obligasyon nito sa kaniya.
"Dahil sa ginawa mo. Bibigyan ko kayo ng isang Linggo para magbakasyon. May bahay-bakasyunan sa Isla Buenua na pag-aari ng Tiyo Ronald mo, Vienna. Doon muna kayo mag-stay. Okay lang ba?" tanong ng kaniyang ama.
Pakiramdam niya ay may kabayong naghahabulan sa kaniyang puso dahil sa bilis niyon. Magkakasama sila ni Bryan sa isang isla? Masaya siya pero at the same time natatakot siya dahil baka mas mahulog pa ang loob niya sa binata. Siguro, huli na ito. Hahayaan niya ang sarili niya na makasama ang binata sa huling pagkakataon. At pagkatapos nito, kakalimutan na niya ito.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (354)

  • avatar
    Lopes CostaNaara

    amei 💕

    06/01

      0
  • avatar
    MelkamuAhmed

    nice story

    03/12

      0
  • avatar
    Khawla Athmani

    chaba

    17/11

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด