logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

THE CEO'S BODYGUARD (Chapter 4)

Habang lulan sila ni Bryan ng kaniyang kotse pauwi ng bahay at nasa kalagitnaan na sila ng biyahe ay bigla siyang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. Napamura si Bryan at agad na inilapat ang kamay sa kaniyang ulo para payukuin siya.
"Yuko!" sigaw nito na dagli naman niyang sinunod. Kinuha ni Bryan ang baril sa compartment ng dashboard at ibinigay sa kaniya ang isa. Samantala, dalawa naman ang para rito. Nagtatakang tiningnan niya ito.
"Anong gagawin mo?" tanong niya. Sunod-sunond na putok ng baril pa rin ang naririning nila na tumatama sa kaniyang kotse. Nakayuko sila pareho ng mga sandaling iyon.
"Lalabas ako ng sasakyan, dito ka lang. Haharapin ko sila," anito habang nagkakatitigan sila. Kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha nito. Aalis na sana ito ng pigilan niya sa braso.
"Mag-iingat ka, Bryan. Hindi biro ang makakalaban mo, mukhang marami sila," aniya sa nag-aalalang tinig. Ngumiti ito ng matamis sa kaniya.
"Huwag kang mag-alala kaya ko ito. Basta, huwag kang lalabas," anito at umalis na. Wala siyang nagawa ng mga sandaling iyon ng makarinig ulit siya ng putok ng baril. Napapikit siya para mag-usal ng panalangin para sa kaligtasan ni Bryan.
Paglabas ni Bryan ay agad niyang pinatamaan ang isang lalaki na nagtatago sa isang poste. Bagsak ito. Dahil dalawa ang hawak niyang baril ay pareho niya iyon kinakalabit para paputukan ang mga kalaban na agad naman napapatamaan. Hindi siya papangalanan na fearless kung hindi dahil sa galing niya sa paghawak ng baril at kaya rin siya pinangalanan na fearless ay handa siyang sumabak sa maraming kalaban.
Hindi niya napansin na may isang lalaki sa di-kalayuan na nakaumang sa kaniya ang baril nito kaya wala siyang nagawa ng patamaan siya nito mabuti nalang at agad siyang dumapa kaya tumama iyon sa braso niya. Pagdapa niya ay iniumang niya sa lalaki ang baril at pinaputok iyon. Sapol ito sa puso.
Napamura siya ng sunod-sunod ng maramdamn ang sakit na nanggagaling sa kaniyang braso. Bulagta lahat ng kalaban niya sa semento. Walang natira kahit isa. Dali-dali siyang nagtungo sa kotse at tiningnan ang dalaga na nakayuko pa rin. Binalingan siya nito at niyakap ng mahigpit ng makitang ligtas siya.
"Salamat naman at ligtas ka, Bryan. Nag-alala ako ng sobra sa iyo," anito na umiiyak. Niyakap din niya ito at hinagod ang likod.
"Okay lang ako. Buhay pa naman ako," paniniguro niya. Agad na kumalas ito sa pagkakayakap sa kaniya at tiningnan siya ng masama.
"Kahit na—" Naputol ag iba pa nitong sasabihin ng lumapat ang kamay nito sa kaniyang braso na naging dahilan para malagyan ng dugo ang kamay nito. Nag-aalalang tiningnan siya nito.
"May tama ka!" histerikal nitong sabi. Ngumiti siya.
"Malayo sa bituka iyan," pagbibiro niya. Agad naman siya nitong pinapunta sa passenger's seat saka sinabi na ito na ang magmamaneho pauwi sa bahay para magamot na siya nito. Siya naman ay tinawagan ang pinakamatalik na kaibigan para linisin ang pinangyarihan. Habang nasa biyahe ay ipinikit muna niya ang mga mata para makapagpahinga. Payapa siyang nakatulog dahil walang masamang nangyari kay Vienna na hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon na para bang handa siyang gawin ang lahat para sa kaligtasan nito.
Pagdating nila sa bahay ay agad na inalalayan ni Vienna si Bryan para makalabas ng kotse saka sila nagtungo sa loob ng bahay. Si Manang Aseng ang nagbukas ng pintuan para sa kanila. Gulat ang makikita sa mukha nito ng makita si Bryan na may tama ng baril.
"Ano ang nangyari sa kaniya?" nag-aalala nitong tanong.
Pumasok muna sila sa loob at pinaupo sa sofa si Bryan saka pinasuyo ang first aid kit sa matanda. Ikwenento naman niya ang nangyari sa kanila habang pauwi sila. Ang nangyaring pakikipagbarilan ni Bryan sa mga nais pumatay sa kaniya. Kitang-kita ang pag-aalala at paghanga sa mga mata ng matanda.
"Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa iyo, iho," anito na bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha. Ngumiti lamang si Bryan at idinahilan na masamang damo ito kaya nakatanggap ito ng masamang tingin galing sa kaniya. Iyon lamang at umalis na ang matanda. Samantala, sinimulan na niyang gamutin ang tama ng baril ni Bryan sa braso nito.
"Mabuti na lang at iyan lang ang nangyari sa iyo. Paano na lang kung grabe? Papatayin mo ako sa pag-aalala!" galit niyang sabi na hindi niya napansin na napataas na pala ang boses niya. Titig na tiitg ito sa kaniya na marahil ay nagulat sa ginawa niyang pagsigaw. Nagbaba siya ng tingin para itago ang hiyang nararamdaman.
"Sorry, nag-alala lang kasi ako sa iyo," aniya at napakagat-labi.
"Ayos lang, naiintindihan ko. Ano ka ba ayos lang iyon malayo sa bituka," anito habang napapapiksi dahil sa pagdampi ng bulak sa sugat nito. Nang maging ayos na ang sugat nito ay nilagyan niya na ito ng benda saka tiningnan ang lalaki.
"Ayos na—" aniya at napatitig rito dahilan para magtitigan sila.
"Maganda ka pala kapag malapitan," puri nito sa kaniya na naging dahilan para pamulahan siya ng pisngi saka nagbaba ng tingin. Gusto niya itong sungitan pero sincere ito sa sinabi at isa pa ay iniligtas siya nito sa kapahamakan. Wala namang masama kung magpapasalamat siya.
"Salamat," aniya at tiningala ito saka ngumiti.
Nang ngumiti ito ay nakaramdam siya ng malakas na kabog ng dibdib roon. Ano ba itong nararadaman niya? Bakit siya nakakaramdam ng ganito? Nakaalis na si Bryan pero nang mga sandaling iyon ay laman pa rin ng isip niya ang nangyari kanina. Hanggang sa kaniyang paghiga ay iyon pa rin ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Napabalikwas siya ng bangon at napasabunot sa kaniyang buhok.
"Aarrrgghhh! Ano ba ito! Baka nagwagwapuhan lang ako sa kaniya o di kaya ay dahil iniligtas niya ako," bulong niya sa sarili at muling nahiga at pinilit ang sarili na makatulog.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (354)

  • avatar
    Lopes CostaNaara

    amei 💕

    06/01

      0
  • avatar
    MelkamuAhmed

    nice story

    03/12

      0
  • avatar
    Khawla Athmani

    chaba

    17/11

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด