logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 5

Kabanata 5
Father, Husband
--
"Anak..."
Nang marinig ko iyon, para akong natunaw. Mas lalong sumakit ang puso ko na kahit anong gawin kong paghinga ng malalim, ayaw huminto. Tuloy tuloy pa rin ang pagbuhos ng mga luha ko at hindi ko na napigilan pa ang paghikbi ng matindi.
Sa harap ko ay ang Papa ko. Ang lalaking matagal ko nang pinapangarap na makita. Ang lalaking matagal ko nang gustong makasama ulit. Ang lalaking pinaka mamahal ko. Nandito na sya sa harap ko ngayon, nasasaktan at masaya rin sa parehong pagkakataon.
Mas lalo akong napaiyak.
"Anak.. Amora..." pagtawag nya muli. Naging malaki muli ang epekto noon sa akin.
"P-Papa..." pagtawag ko rin.
Kitang kita ko rin ang laki ng epekto noon sa kanya. Bumagsak ang kanyang mga luha at mas lalong ngumiti. Mas lalo nyang inangat ang kanyang kamay, umaasang tatakbo ako sa kanya.
Hindi naman na ako nagsayang pa ng oras. Tumakbo ako papunta sa kanya at buong puso nya naman akong tinanggap. Mahigpit ko syang niyakap sa baywang at ganon rin sya sa akin. Humagulgol ako.
"Papa," iyak ko.
"Shh... I'm sorry. I'm so sorry..." namamaos nyang bulong sa tenga ko.
Mas lalo akong humagulgol, hindi na nakapag salita. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya, takot na mawala sya ulit sa akin. Sobrang tagal kong hinintay ang araw na ito at ngayon ay hindi lang haplos ang nararamdaman ko sa aking puso, matinding haplos na iyon na sinasaktan na ako. Humigpit pa lalo ang yakap nya sa akin.
Ramdam na ramdam ko ang pangungulila nya sa mahigpit nyang yakap. At alam kong ganon rin ako sa kanya.
Naramdaman ko ang mga halik nya sa buhok at noo ko, ganon na rin sa pisngi ko habang patuloy pa rin ang hagulgol ko. Napapikit ako at mas lalo pang napaiyak nang maramdaman ang mga halik nya. Miss na miss ko yon. Miss na miss ko ang yakap nya. Ang lahat sa kanya. Hindi ako makapaniwalang niyayakap ko na sya ngayon.
Sa nagdaang taon, hinihiling ko lang ito. Sa nagdaang taon, pinapangarap ko lang ito. At ngayong natupad na lahat ng pantasya ko, wala akong maramdaman kundi saya. Ngunit ang sakit at pagtatampo ay nandoon pa rin sa aking puso.
Pero hindi ko muna iyon inintindi at niyakap lang ng mahigpit si Papa. Wala na akong pakialam kung mabasa na ang damit nya dahil sa mga luha ko. Basta masaya ako at nasasaktan ako. Gusto kong ilabas lahat ng pangungulila ko sa bisig nya.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal nagyakapan at nag iyakan roon. Pakiramdam ko hindi ko na ulit kayang humiwalay pa sa kanya. Ayokong bitawan sya dahil pakiramdam ko iiwan nya ulit ako, kami. Pakiramdam ko mawawala ulit sya. Natatakot na akong bumitiw.
Ngunit nilakasan ko ang loob ko at pagkatapos ng halos kalahating oras, dahan dahan akong humiwalay at tiningala ang matangkad kong Papa. Hinaplos nya ang mukha ko. Inayos nya ang buhok ko at pinunasan nya ang mga luhang nasa buong mukha ko na.
Mas lalo akong nanlambot sa haplos nya. Ang haplos ng isang ama ang matagal ko nang hinihintay, matagal ko nang hinihintay ang haplos nya. At ngayong ginagawa nya na yon, natutunaw na naman ako.
Kahit huminahon na ako ay patuloy pa rin ang mga luha ko. Walang tigil na parang gripo, na parang ulan. Dahil sobrang sakit.
"Bakit ngayon ka lang, Papa? Bakit ang tagal tagal mo?" Tanong ko habang humihikbi.
Hinaplos nya ang pisngi ko at muli akong hinila payakap sa kanya. Muli akong napahikbi.
"I'm so sorry. Patawarin mo ako, anak..." sambit nya.
Ilang sandali na naman kaming ganon ang ayos hanggang sa bahagya na akong kumalma. Tiningala ko sya at tinitigan. Ganon rin ang ginawa nya sa akin at kitang kita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Bumagsak muli ang mga luha ko.
Hinila nya ako patungo sa kahoy na bangko namin at pinaupo ako roon. Niyakap sya ni Amara at niyakap nya rin ito. Habang si Mama ay tahimik na nakaupo ngayon. Bumabagsak pa rin ang mga luha nya ngunit nakikitaan ko ng galit at poot ang kanyang mukha. Yumuko ako.
"U-Uh... t-tita, Amora, Amara, mauna na muna kami," marahang paalam ni Pearl at ngumiti. "Babalik nalang po kami sa susunod. Amora..." bumaling sila sa akin.
Tumango ako at bahagyang ngumiti. "Salamat. Ingat kayo..."
Nginitian ako ni Joy at Pearl, kumaway ng palihim si Bea at nag thumbs up naman sa akin si Sofia. Ngumiti ako sa kanilang lahat. Sinundan ko sila ng tingin paalis at nang mawala na sila ay katahimikan ang bumalot sa aming lahat.
Tinignan ko si Papa at Amara na huminahon na. Si Amara na tumutulo pa rin ang mga luha ay kumalma naman na. Si Mama naman ay ganon pa rin, nakaupo ng maayos at wala pa ring tigil ang mga luha. Patuloy nya namang pinapaalis yon ng paulit ulit.
Tinignan ko si Amara na umupo na sa tabi ni Mama sa kabila. Tumigil na sya sa pag iyak at base sa mukha nya, mukhang mas umiyak pa ako kesa sa kanya. Pero kitang kita ko pa rin ang kalungkutan, sakit at saya sa mga mata nya.
Habang si Mama naman ay wala pa rin talagang emosyon. Patuloy lang ang mga luha nya. Inis na nyang pinapaalis ang mga yon ngayon.
"Patawad kung ngayon lang ako bumalik, Amora, Amara, Anna..."
Walang nagsalita. Tinitigan ko si Papa.
"Patawarin nyo sana ako..." marahang sinabi ni Papa, namamaos ang boses. "Hindi ko ginustong iwan kayo noon..."
Tinignan sya ni Mama. Base sa ekspresyon ni Mama, halatang hindi sya natutuwa.
"Hindi ginusto? Eh, halos magmaka awa kami wag mo lang iwan pero iniwan mo pa rin kami. Tapos hindi ginusto? Ginusto mo rin yon, Brayden!"
"Mama..." marahan kong tawag at hinawakan ang kanyang kamay na nakakuyom.
Pero hindi sya natinag. Ni hindi nya ako tinignan. Matalim pa rin ang paningin nya kay Papa. Bumagsak muli ang mga panibagong luha sa mga mata ko.
"Kinailangan ko lang kayong iwan noon. Patawarin mo ako, Anna. Naduwag ako--"
"Naduwag saan?" Putol ulit ni Mama. "Naduwag kang mamuhay kasama kami dahil wala kang sapat na pera para buhayin kami? Ganon ba?"
Halatang nagulat si Papa sa sinabi ni Mama. Napatitig na rin ako kay Papa dahil kahit ako mismo, gusto talagang malaman ang dahilan nya. Gustong gusto kong malaman dahil kahit papaano ay may pagtatampo pa rin ako sa kanya. Galit nga ako pero nangingibabaw ang pangungulila ko sa kanya kaya hindi ko magawang magalit. Gusto ko syang marinig dahil alam kong may dahilan sya. Gusto ko syang intindihin.
"Ano, Brayden? Naduwag ka ng dahil lang roon? Naduwag ka dahil akala mo mananawa kami sayo nang dahil lang wala kang sapat na pera? Naduwag ka kaya mo kami iniwan? Ha?!"
Kitang kita ko ang pamumula ng mga mata ni Papa habang nakatitig kay Mama.
"Ganon ba ang tingin mo samin? Sakin, ha, Brayden? Sa tingin mo ba magpapakasal ako sayo ng ganon kaaga kung pera lang ang habol ko? Ni hindi ka nga mayaman nung nagpakasal tayo!"
"I know. Please... let me explain..." nanginginig ang boses ni Papa, nagmamaka awa ang mga mata kay Mama.
"Sige! Magpaliwanag ka! Magpaliwanag ka, Brayden! Sabihin mo sa amin lahat ngayon!" Mas bumuhos ang mga luha ni Mama.
Yumuko si Papa at huminga ng malalim. Pinunasan ko ang mga luha ko at nakinig sa sasabihin ni Papa. Nasasaktan ako. Sobra. Galit rin ako kaya gusto kong marinig ang paliwanag nya. Tinitigan ko si Papa na pinipilit patatagin ang loob nya. Umaasa ang mga mata nya habang nakatingin kay Mama at sa amin, umaasang papakinggan sya.
"Tama ka. Naduwag ako dahil wala akong pera pambuhay sainyo," panimula ni Papa. "Hindi ko na kayang makita kayong nahihirapan kaya ginusto kong umalis at magtrabaho--"
"Pwede kang mgatrabaho habang kasama mo kami! Bakit mas pinili mong iwan kami, Brayden!?"
"I'm so sorry. Sobrang naduwag ako. Sobra akong nagkamali..."
Mas lalo akong nasasaktan dahil nakikita ko syang sobrang nasasaktan.
"Buti alam mo!" Singhal ni Mama.
Huminga ng malalim si Papa. Namumula na ang kanyang mga mata at nagbabadya na ang mga luha.
"Nagkaroon ako ng pagkakataong magtrabho sa ibang bansa at natukso ako dahil mas magkakaroon ako ng pera roon pangtustos sainyo--"
"Pera!" Si Mama.
Parang naputol na ang pasensya nya at galit na galit na.
"Sa tingin mo ba mahalaga sa amin ang pera? Sa tingin mo ba mahalaga ang mga materyal na bagay? Sa tingin mo ba mahalaga para sakin yon? Hindi, Brayden! Hindi yon mahalaga! Kaya bakit kinailangan mo pa kaming iwan?! Bakit mas pinili mong magpayaman kesa manatili sa amin?! Bakit mas inuna mo ang mga yan kesa sa amin, Brayden?! Mas mahalaga ba yan kesa sa amin? Mas mahalaga ba yan kesa sa mga anak mo? Mas mahalaga ba yan kesa sakin? Ha?" Punong puno ng sakit ang bawat salitang binibitawan nya. Humagulgol sya.
Hindi naman nakapagsalita si Papa.
"Brayden, nangulila sayo ang mga anak mo! Nangulila ako sayo! Nasaktan kami nang dahil sayo! At dahil lang pala lahat ng yon sa pera? Hindi mahalaga sakin ang pera, Brayden! Ikaw ang mahalaga! Ikaw ang gusto kong nasa tabi ko hindi ang pera! Kaya kong magtrabaho, maglabada para magkapera basta manatili ka lang sa tabi ko! Kaya ko ang lahat! Ang dami daming paraan! Pero mas pinili mong iwan at saktan kami para lang magkaroon ng mas maraming pera? Napaka sama mo!"
Humikbi si Mama. Umiiyak sya habang sinisigaw lahat ng yon. Hindi na ako nakapag salita at bumuhos na lamang ang mga luha ko.
"Hindi mo manlang inisip ang nararamdaman ko! Mas inuna mo ang pera mo kesa sa kapakanan ko at ng mga anak natin. Hindi mo alam kung ilang araw silang umiyak dahil wala ka na sa tabi nila! Wala na silang Papa na nagluluto sa kanila ng agahan. Wala nang Papa ang nagpapatulog sa kanila sa gabi. Wala nang Papa ang nagtatanggol sa kanila kapag may umaaway sa kanila. Kaya ko iyong gawin pero, Brayden, ikaw ang hinahanap nila! Alam mo ba kung gaano kasakit sa aking makitang sobrang nasasaktan at nangungulila sayo ang mga anak mo? Wala akong magawa para patahanin sila! Wala akong maisagot sa tuwing nagtatanong sila kung anong problema dahil ako mismo walang alam! Wala kang sinabing dahilan at basta mo nalang kaming iniwan! Kung sana sinabi mo nalang yang dahilan mo, eh! Kung sana sinabi mo nalang na mag aaral ka sa ibang bansa kaya ka aalis. Pero hindi! Hindi mo sinabi! Wala kang sinabi! Wala kang puso!"
Napayuko si Papa at kitang kita ko ang pagtulo ng kanyang mga luha. Napaiyak ako lalo.
"Halos mamatay ako dahil akala ko hindi mo na ako mahal..." bahagyang huminahon si Mama, nahihirapan na. "Akala ko nagsawa ka na sakin. Akala ko sumama ka na sa ibang babae. Yung mayaman at kaya kang buhayin. Sobrang bigat ng damdamin ko at ilang taon ko iyong tiniis. Hindi natigil ang sakit at sa bawat araw na nagdaan, mas lalo akong nangungulila sayo, mas lalo akong nasasaktan..."
Tuluyang bumigay si Mama at humagulgol ng matindi. Niyakap ko sya at pati ako, sobrang naiyak na rin. Pinatahan rin sya ni Amara pero hindi kami sapat para tumahan sya.
Muli syang umahon at marahas na pinaalis ang mga luha sa kanyang pisngi. Matalim ulit syang tumingin kay Papa na nakayuko at bumubuhos ang mga luha.
"Sige, Brayden! Magpaliwanag ka! Magsalita ka! Sabihin mo ngayon lahat! Sabihin mo ang mga dahilan mo! Sabihin mo!"
Kitang kita ko ang paghihirap ni Papa. Tuloy tuloy na rin ang kanyang mga luha na halos hindi ko sya matignan dahil sobra akong nasasaktan. Niyakap ko na lamang si Mama at umiyak.
"U-Umalis ako para magtrabaho. Hindi dahil natatakot akong iwan nyo ako. Hindi ganon ang tingin ko sainyo. Sadyang naduwag lang ako, sobra akong naduwag..." patuloy ni Papa, hirap na hirap talaga. "I-I don’t know what I would think of those days. I feel like I'm going crazy, lalo na kapag iisipin ko ang kakainin nyo sa a-araw araw. Kaunti lang ang pera ko pambili ng pagkain at hindi sapat yon para m-mabusog kayo..."
Mas lalong bumuhos ang mga luha ko roon. Natahimik na rin si Mama at kahit galit pa rin ang tingin nya kay Papa, nagtutuloy tuloy pa rin ang mga luha nya. Kitang kita ko rin ang sakit sa kanyang mga mata. Habang si Amara ay tahimik lang rin na nakikinig, tumutulo rin ang mga luha.
"W-When I get paid, I want to buy you what you want but that's not enough. I o-only work in construction and earn very little. P-Pambili lang natin yon ng pagkain. It hurts me then, when I can't provide for your needs..."
Yumuko ako at hindi alam kung kaya pa ba. Pumikit ako ng mariin.
"S-So I chose to leave. I want to work on a bigger job. I want to save. I want to make a lot of money. So that I can give you everything you want. I know I can do that without leaving you pero hindi ko na kayang makita pa kayong nahihirapan. Masyado akong naging duwag. Patawin nyo ako..." yumuko sya.
Tinakpan ko ang mukha ko at humagulgol na. Hindi ko na yata kayang marinig pa syang ganito. Sa bawat salita nya ay may kahalo iyong sakit na mas lalong nagpapakirot sa puso ko. Mas lalo akong nasasaktan. Mas lalo akong naiiyak.
"I studied. M-My boss who owns the construction where I used to work helped me. H-He saw my potential in engineering and architecture because he always called me to his office and I always helped him with what he was doing. S-So he helped me go and studied abroad. I graduated from university with bachelor's degree in engineering so I was able to study easily. I succeeded..."
Nag angat ako ng tingin kay Papa. Bahagya akong nagulat roon pero nagpatuloy ang mga luha ko.
"U-Una kong naisip ay kayo. Pero masyado pa rin akong naduduwag. I want to c-come back to you but I can't. I thought you were definitely mad at me and would never accept me again. A-And that is another mistake. Naduwag na naman ako..."
"Malamang na galit kami sayo! Pero oo nga't napaka duwag mo! Hindi mo manlang inisip ang mga anak mong gustong gusto kang makita at makasama ulit at ako! Gusto rin kitang makita at makasama, Brayden! Pero napaka duwag mo! Napaka duwag mo!" Humagulgol si Mama.
Kitang kita ko ang kagustuhan ni Papa na patahanin sya pero natatakot syang lumapit. Napatakip nalang ulit ako sa mukha at yumuko. Pagod na pagod na ako sa pag iyak pero ayaw nitong tumigil. Mas lalo pa nga akong naiiyak.
"I'm so sorry, Anna, Amara, Amora. I'm really sorry. Forgive me because only now did I have the courage to come back. I wanted to go back but I was preceded by fear and apprehension. I'm ashamed to show up again after all I have done. Naduwag ako ng sobra. I didn't think about your feelings. Sana mapatawad nyo pa ako. Patawarin nyo ako..."
Nag angat sya ng tingin sa amin.
"Patawarin nyo rin ako kung mas ginusto kong magkaroon ng maraming pera kesa sa manatili sainyo. Patawarin nyo ako sa mga pagkukulang ko. Patawarin nyo ako sa lahat..."
Ngayon ay napirmi naman ang kanyang tingin kay Mama.
"At para roon sa akala mo. Anna I don't have a girl. Wala akong ibang mahal. I liked nothing else but you. I have never betrayed you. You are the only woman I have loved since then and to this day you still are, Anna. Sa paglipas ng panahon.. kahit sobrang tagal.. hindi pa rin kita nakalimutan. Walang segundo na nawala ka sa isip ko. I never forgot you..."
Nag iwas ng tingin si Mama, punong puno pa rin ng galit ngunit hindi nya talaga mapigilan ang pagluha, lalo na ngayon sa mga sinabi ni Papa.
"Walang araw na hindi ko iniisip ang kapakanan ninyo. Kung ano nang ginagawa nyo. Kung ano nang klaseng pamumuhay ang meron kayo. Nakakakain kaya kayo sa tamang oras? Nakakakain ba kayo ng sapat? Nakakatulog ba kayo ng maayos? Ano kayang ginagawa nyo sa mga oras na ito? Kamusta na kayo? Naiisip nyo pa rin ba ako? Mahal nyo pa kaya ako?"
Bahagyang natawa si Papa ngunit ang mga luha ay tumulo.
"Minsan naiisip ko, ang kapal ng mukha kong isipin pang mahal nyo pa rin ako. In all that I have done, in all the pain I have given, in all the hardships you have experienced because of me, I used to think that you might have forgotten me. Na baka sa sobra sobrang sakit na ibinigay ko, napalitan nalang lahat ng galit ang pagmamahal ninyo sa akin. And now I still hope that it's not like that. Sana mahal nyo pa rin ako..."
Ang sakit sakit sa aking makitang ganito si Papa. Sobrang sakit ng puso ko at pakiramdam ko durog na iyon sa lahat ng nangyari. Pakiramdam ko naging manhid nalang ako ngunit patuloy pa rin ang mga luha. Sobrang sakit.
"Alam kong hindi nyo na ako mapapatawad pero gusto ko pa ring humingi ng tawad sa lahat lahat. Patawarin nyo ako, mga anak. Patawad, Anna..."
Walang nagsalita. Si Amara ay tahimik lang ngunit parang gripo ang mga luha. Sa huli ay nag iwas sya ng tingin at kinagat ang labi, sinusubukang pigilan ang kanyang emosyon pero hindi nya magawa.
Wala naman akong nagawa kundi ang yumuko at humagulgol. Wala nang nasabi pa si Mama. Alam kong galit pa rin sya pero nauunahan na sya ng sakit na nararamdaman nya. Bumuhos pa rin ang mga luha nya.
Tumayo si Papa nang hindi na napigilan. Lumapit sya sa amin at lumuhod sa harapan namin para mapantayan nya ang mga mukha namin. Nag angat ako ng tingin sa kanya at agad nalang ring napayuko nang hindi makayanan ang sakit na nakikita sa kanyang mga mata. Nanatili akong nakayuko at nakita ko naman ang pag iwas ni Mama sa hawak ni Papa sa kanyang kamay.
"But I can understand if you can no longer forgive me. I will understand if you will not accept me anymore. I-I will accept everything..." nabasag ang boses ni Papa.
Agad umiling si Amara. Nag angat naman ako ng tingin at napahawak sa kamay nya sa takot na muli syang aalis. Umiling rin ako at mas lalo pang sumakit ang puso.
"P-Papa..." tanging nasambit ko.
Malungkot at naiiyak syang ngumiti sa amin ni Amara.
"I will not force you to accept me. But can I ask for a hug and a kiss one last time?" Nabasag ulit ang kanyang boses.
Hindi ko kinaya yon. Umiling ako ng paulit ulit, ganon rin ang ginawa ni Amara. Pareho naming ayaw gawin yon dahil sinabi nyang iyon na ang huli. Ayaw ko yon dahil alam kong hindi pa iyon ang huling yayakapin at hahalikan namin sya. Hindi pa iyon ang huli! Hindi na sya aalis! Hindi na nya kami iiwan ulit! Hindi iyon ang huli!
"Please?" Ulit nya, ngayon sa nanghihinang boses na rin, parang ayaw rin ng sariling sinasabi.
"Ayoko, Papa," mariing boses ni Amara iyon ngunit nahihimigan ang pamamaos. "Kung sinasabi mong iyon na ang huli, hindi na kita yayakapin at hahalikan tulad ng gusto mo, kung ganon,"
Bahagyang natawa si Papa roon ngunit ang luha ay bumagsak na. Mas lalo akong nasaktan. Hanggang saan ba aabot ang sakit na nararamdaman ko? Gaano pa kasakit ang mararamdaman ko? Pagod na pagod na ako.
Tumingin si Papa kay Mama na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita. Patuloy pa rin ang mga luha nya ngunit pilit nyang tinatapangan ang mukha nya. Galit pa rin ang mukha nya.
Dahan dahang inangat ni Papa ang kanyang kamay. Kitang kita ko ang sakit at pagmamahal sa kanyang mga mata. Kitang kita ko kung gaano sya nangulila kay Mama at nasasaktan syang ganito ang trato nya sa kanya. Ngunit tanggap nya yon dahil alam nyang nararapat lang iyon sa kanya. Mas lalong bumuhos ang mga luha ko.
Marahang hinawakan ni Papa ang pisngi ni Papa pero agad iyon iniwas ni Mama sa kanya. Nasasaktang bumuntong hininga si Papa at dahan dahang binaba ang mga kamay. Sinubukan nyang hawakan ang kamay ni Mama pero iniwas nya lang rin iyon at tinaboy ang kamay ni Papa. Sa huli, binaba nalang ni Papa ang kanyang mga kamay, hinang hina at wala nang pag asa. Yumuko sya.
Tinignan ko si Mama. Alam kong nasasaktan na sya ng sobra. Alam kong naaapektuhan rin sya sa ginagawa nya kay Papa. Pinipilit nya lang magmukhang galit ngunit ang totoo ay lumalambot na sya, naaawa at nangungulila kay Papa. Kinuyom nya ang kanyang kamao at biglaang tumayo.
"Mama..." sambit ni Amara.
Hindi gumalaw si Papa sa kinaluluhuran. Para bang wala na talaga syang pag asa. Para bang alam na nyang paaalisin na sya ni Mama. Parang inaasahan na nyang hindi na sya tatanggapin. Gusto ko syang lapitan para yakapin pero naalala ko yung sinabi nya kanina. Baka iyon na ang maging huli kapag ginawa ko yon. Doon palang natatakot na ako.
Tiningala ko si Mama. Nakita ko kung paano sya masaktan habang nakayuko at nakatanaw kay Papa na halos manghina sa pagluhod.
Hinawakan ko ang kamay ni Mama at pilit kinuha ang atensyon nya.
"Mama.. please po. Si Papa..." nakikiusap kong sinabi, humihikbi at nasasaktan.
Kinuyom nya ang kamao. Pumikit sya ng mariin at nang dumilat, tumango. Para akong nabuhayan roon. Habang si Papa ay nakayuko pa rin, nanghihina at nasasaktan, hindi nakita ang pagtango ni Mama.
"Kung kaya mong matulog dyan sa mahabang upuan, dyan ka matulog. Kung ayaw mo naman, pwede ka nang umuwi at doon nalang matulog sa bahay mo. Bumisita ka rito bukas kung gusto mo. Magpahinga na kayo," malamig na sinabi ni Mama bago umalis at maglakad papunta sa kanyang kwarto.
Napa angat ng tingin si Papa kay Mama. Halatang nagulat sya sa sinabing iyon ni Mama at napa awang pa ang labi.
Nagkatinginan naman kami ni Amara at alam naming pareho na pareho na kaming nagdidiwang sa loob loob. Sabay kaming napatingin kay Papa at agad agad nang tumalon para sa yakap. Bahagyang nagulat si Papa roon pero maya maya ay napatawa nalang. Niyakap nya rin kami ng mahigpit at binigyan ng halik sa mga pisngi namin. Binigyan rin namin sya ni Amara ng isang halik sa magkabilang pisngi nya. Kitang kita ko ang sayang naramdaman nya at pumikit para damhin ang mga yakap namin. Pumikit rin ako at kahit papaano, gumaan ang loob ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (155)

  • avatar
    tearShall

    It's an interesting story and how painful they suffer as well

    23/12/2021

      0
  • avatar
    Nawaf Sultan Mustapha

    goods

    30/04

      0
  • avatar
    Erika Evangelista

    ganda 🥰

    14/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด