logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 3

Kabanata 3
Mawala
--
Marami na namang ginawa pagdating ng kinabukasan. Busy na naman ako at medyo sumasakit rin ang ulo ko. Umiyak kasi ako kagabi tapos marami pa akong ginawang assignments at take home quizes. Medyo napuyat ako at hindi ko na matanggap pa ngayon ang itsura ko. Ang mga mata ko ay parang panda na at mukha na akong zombie base sa salamin. Ayaw ko iyong tanggapin!
Bumuntong hininga ako at inalis nalang sa isip ang lahat. Hindi talaga ako makakausad hanggat nandyan sya. Hindi ako titigil sa kakaiyak hanggat nakikita ko sya. Muli na namang kumirot ang puso ko.
Hindi na kami halos nakapag kita ni Candy nung araw na yon. Busy kasi sya at busy rin ako. Sa iilang subjects lang kami magkaklase at sa lunch nalang kami ulit nakapag kita. Stress na stress ang mga itsura namin at nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi lang pala ako ang mukhang zombie. Sya rin. Mabuti at may kasama ako.
"Grabe! Ayoko na!" Sukong suko nyang sinabi.
Humalakhak ako. "Kumain na tayo. Ako na ang bibili,"
Tumango sya at hinayaan akong pumila at bumili ng pagkain namin. Hirap rin si Candy nitong mga nakaraang araw. Napapansin ko iyon lalo na at sandwich lang minsan ang nakikita kong kinakain nya kapag lunch. Hindi ako naniniwalang nagdadiet sya kaya naman napa amin ko rin. Kaunti nalang ang pera nya. Magkakaroon lang sya ulit kapag sumahod na kami sa coffee shop.
Ayaw nyang nililibre ko sya ng ganito dahil alam nyang hirap rin ako. Hirap kaming dalawa. Pero kaya ko naman syang ilibre. Hindi naman ganon kamahal ang mga pagkain rito kaya ayos na ayos lang sakin. Tsaka hindi ko na rin kayang makita syang nagugutom. Kahit hindi nya ipakita, kitang kita ang pamumutla nya dahil sa gutom.
"Sorry. Babawi ako sayo sa susunod," sabi nya nang makabili na ako ng pagkain namin.
Natawa ako roon. "Kahit hindi na, noh. Ayos lang naman sakin,"
Ngumuso sya. "Pero nakakahiya na. Ilang araw mo na akong nililibre. Alam kong hirap ka rin kaya babawi ako sayo sa susunod. Babayaran ko lahat ng ginastos mo para sakin--"
"Hindi na, Candy! Ang oa mo. Ayos nga lang,"
Ngumuso sya lalo at hindi na nakapag salita. Tumawa ako at nagsimula nang kumain. Nagsimula na rin sya at nagkwentuhan na kami sa kung ano anong mga bagay. Ngunit nang mabanggit nya ang mga gwapo na naman nyang crush ay hindi na ako nakapag salita. Hindi na naman ako naging komportable habang nagsasalita sya tungkol kina Joshua at Zil. Ngunit hindi ko iyon pinahalata sa kanya.
"Gosh! Sana sila ulit yung tumugtog mamaya! Excited na akong makita sila! Ang gaganda pa ng boses at nang dahil rin sa kanila, dumadami ang customer natin! Grabe! Ano kayang mga pangalan nila? Tsaka parang pamilyar ang mga itsura nila, eh. Hindi ko lang matandaan kung saan ko sila nakita. Basta gwapo sila!" Tumili sya nang tumili.
Hindi na ako nagulat roon. Kilalang kilala ang mga Salvador at pati na rin siguro ang mga Leynes, sina Denzil. Nakita na siguro sila ni Candy sa kung anong magazine o tv.
"Pero teka?" Si Candy pagkatapos ng mahabang papuri nya sa dalawang lalaki. "Para talagang kilala ko sila, eh. Saan ko ba sila nakita?" Malalim syang nag isip.
Tumikhim naman ako at nagpatuloy sa aking pagkain. Ayokong pag usapan ito pero wala naman akong magagawa dahil hindi alam ni Candy ang nakaraan ko. Minsan gusto kong sabihin sa kanya ang lahat pero hindi pa ako handang balikan lahat ng yon. Hindi pa ako handang magkwento.
"Ah! Alam ko na!" Excited nyang kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa.
May kung anong tinype sya roon bago nanlaki ang kanyang mga mata. Mukhang alam ko na ang nahanap nya. Nag iwas ako ng tingin.
"Oh my gosh! Sinasabi ko na nga ba, eh! Whaaa! Si Joshua Nevin Salvador at Denzil Kayden Leynes yung dalawang lalaking kumakanta sa coffee shop natin!"
Pinakita nya pa ang cellphone nya sa akin na para bang excited syang ipakita iyon sa akin. Para bang inaasahan nyang magugulat rin ako pero tinignan ko lang yon at bahagyang ngumiti. Tumango tango ako.
Sa google sya ng search. May picture roon nina Joshua at Zil. May nakalagay rin sa baba kung sino sila at kung anong klaseng pamilya ang meron sila. Sikat talaga sila.
"Hmm..." tango ko. "Sikat pala sila..."
Nawala ang ngiti nya at napanguso sya. "Hindi mo sila kilala?"
Umiling ako, hindi pa talaga handang sabihin sa kanya ang totoo. "Hindi, eh..."
"Ano ba yan!" Hinarap nya ang cellphone nya. "Bakit naman hindi mo sila kilala? Alam mo bang sikat na sikat sila? Sobrang daming nagkakagusto sa kanila! Ang suswerte nung mga nag aaral sa Salvador International School! Ang suswerte nung mga taga Laguna!"
"Ah..." tanging nasabi ko.
"At oh my gosh! Ang sabi rin rito ay may rumored girlfriend silang dalawa! Kaso si Denzil Leynes lang ang may ebidensya. Pero ayos na rin! Gosh! Ang ganda nung girlfriend nya!"
Bigla akong napa angat ng tingin kay Candy roon. Manghang mangha sya habang nakatingin sa kanyang cellphone at kung ano ano ang pinagpipipindot.
"P-Patingin!" Sabi ko, medyo interesado na ngayon.
"Ito, oh!" Pakita nya sa kanyang cellphone.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Zil, kasama si Klara! Nasa isang park yata sila at medyo madilim dahil gabi na. May sumbrero si Klara dahilan para hindi masyadong makita ang kanyang mukha, medyo nakayuko rin sya habang hawak ni Zil ang kanyang kamay. Pero kahit ganon, nakilala ko pa rin sya! Sigurado ako! Si Klara yon!
"Diba? Mukhang maganda? Whaa!" Binawi ni Candy ang kanyang cellphone.
Naestatwa naman ako. Gosh! Hindi ko akalaing kakalat ng ganon yon! Talaga bang kakalat ang mga ganong bagay? Grabe. Kung ganon... ito pala ang tinutukoy ni Mr. Antonio Salvador. Na may mga binayaran syang tao para hindi ipakalat ang mga pictures namin ni Joshua noon. Dahil paniguradong may nanguha na rin sa amin ng ganyan! Kaya walang kumakalat? Dahil binayaran nya?
Hindi na ako tuluyang nakapagsalita. Pero masaya ako. Masaya ako para kina Zil at Klara. Sana magpatuloy sila kahit pa may mga ganitong issue na kumakalat. Sana hindi mahirapan si Klara kung sakali mang may makakilala sa kanya sa picture na yon.
Pagkatapos naming kumain ay nagkahiwalay na rin kami. Habang naglalakad papunta sa susunod kong klase ay may lumapit sa aking isang lalaki. Nagulat ako sa biglang pagsulpot nya kaya bahagya pa akong napa atras.
"Hi!" Bati nya.
"Uh... hi," bahagya akong ngumiti, gulat pa rin sa kanya.
"Ako nga pala si Lance," naglahad sya ng kamay.
Ilang sandali pa akong natigilan bago inabot ng dahan dahan ang kanyang kamay.
Ngumiti ako. "Lance,"
"Uhmm.. can we be friends? What's your name?"
"Oo naman. Ako si Amora,"
"Amora," ulit nya tsaka ngumiti. "Pasensya ka na. Kaunti palang kasi ang kilala ko rito. Kakatransfer ko lang,"
"Ah, ganon ba? Kakatransfer ko lang rin rito kaya kaunti palang rin ang kilala ko,"
"Yeah, I know. Nagtransfer ako rito tapos kinabukasan ikaw naman ang nagtransfer. Kaklase mo ako sa Physics. Hindi mo ako namumukhaan?"
Nagulat ako roon at tinitigan sya ng mabuti. Hindi ko sya mamukhaan tsaka hindi rin naman kasi ako friendly sa mga nagiging kaklase ko. Dahil na rin siguro sa sobrang busy at pagsakit palagi ng ulo kaya ganon.
"Pasensya na. Hindi kita matandaan," sabi ko.
Ngumiti sya. "Ayos lang. Tara? Sabay na tayong pumunta sa susunod nating klase,"
Tumango ako at sumabay na lamang sa kanya. Physics ang sunod na klase ko at dahil kaklase ko nga raw sya roon, nagsabay na kami.
"So? Saan ka galing school?" Tanong ni Lance habang naglalakad.
"Uh... sa Tondo High School sa Tondo. Ikaw?"
"I'm from Davao. Lumipat lang kami rito for my family's business,"
"Ah..." tumango tango ako. "Eh, bakit dito ka nag aral? Mukhang mayaman ka kaya bakit hindi ka sa private school nag aral?"
Natawa sya. "Hindi naman kami ganon kayaman," nagkibit balikat sya. "I just want here. I want to experience studying in public school and... I want to see someone too..."
"Oh? Crush? Nililigawan?" Medyo may panunukso kong sinabi.
Natawa sya ulit. "Maybe uh... ex girlfriend?"
Nagulat ako roon. "Talaga? Sino? Pwede ko bang malaman?" Chismosa kong tanong.
Pumasok kami sa loob ng classroom at hindi na nya nasagot pa ang tanong ko nang kasabay naming pumasok ang teacher. Napanguso ako roon.
Ngumiti si Lance sa akin. "Sa susunod nalang siguro natin pag usapan,"
Tumango ako at naupo na sa madalas kong inuupuan. Sya naman ay umupo sa may gilid, may kaibigan yata sya roon. Inayos ko na lamang ang gamit ko at nakinig na sa paunang sinabi ng teacher.
Marami na namang ginawa sa mga oras na yon. Pero hindi tulad dati, hindi na ganong sumasakit ang ulo ko. Medyo masaya naman ako. Siguro dahil nakahanap ako ng bagong kaibigan? Hindi ko alam na nakakagaan pala sa pakiramdam ang magkaroon ng makakausap. Nakakausap ko naman si Candy pero iba pa rin talaga kapag marami kang kaibigan. Masaya.
Sa susunod, ipapakilala ko sya kay Candy.
Pagkatapos ng klase ay kinawayan lang ako ni Lance dahil pareho kaming nagmamadali. Kinawayan ko rin sya at nagtungo na sa sunod na klase.
Mabilis natapos ang mga oras na yon. Pagod na naman akong umuwi sa amin at kahit hinahanatak na ako ng maliit kong kama, dumeretso ako sa maliit kong closet at nagsuot na ng pantalon at black t-shirt. Mabilis akong kumilos dahil male-late na ulit ako sa coffee shop. Nagpaalam lang ako kina Mama at Amara at pagkatapos noon ay tumulak na.
Nang makarating sa coffee shop ay agad na akong pumasok. Ngunit pagkabukas ko palang sa pinto ay bumungad na sa akin si Joshua. Nakaupo sya malapit sa pintuan. Nakahalukipkip sya at ang seryosong mga mata ay nakatingin na agad sa akin.
Natigilan ako. N-Nandito na naman sya?
Nakita ko si Zil sa harapan nya. Tumingin rin sa akin si Zil. Bahagya syang ngumiti sa akin at kahit na gulat, binigyan ko rin sya ng pilit na ngiti.
Hindi na ako tumunganga roon at naglakad na papuntang counter. Nakita ko roon si Candy na may kausap na customer kaya hindi ko na muna sya binati. Dumeretso ako sa locker room at nagpalit na ng damit.
Bumuntong hininga ako ng paulit ulit habang nagbibihis. Hindi ko na naman inaasahan na nandoon sya pero wala na akong magagawa. Gustuhin ko man syang sigawan at paalisin, alam kong hindi tama yon. Customer sya rito at singer na rin kaya wala akong karapatang gawin yon. Trabaho ito.
Inayos ko ng mabuti ang buhok ko. Inipit ko ulit yon ng isa pang beses para maging maayos. Nagpulbos rin ako ng kaunti at pagkatapos noon ay lumabas na ng locker room. Tinulungan ko na ang iba sa pagkuha ng mga order.
Marami na namang tao kaya halos pabalik balik ako. Tinulungan ulit ni Candy si ate Rena sa pagtitimpla ng mga kape at ng kung ano ano pa habang ako ay pawis na pawis na. Kahit aircon ang coffee shop, ramdam na ramdam ko pa rin ang init sa dami ng ginagawa.
Kung bakit naman kasi napaka daming tao? Alam kong hindi dapat ako magrereklamo pero... argh! Ayan ka na naman sa pagiging immature mo, Amora Braze! Trabaho yan! Dapat wala kang reklamo!
Tsaka hindi na dapat ako nagtatanong pa kung bakit napaka raming tao rito at halos lahat pa ay babae! Obvious na ang sagot roon! Tsh.
Nagtaas ng kamay si Zil at agad akong kinabahan. Hindi agad ako nakagalaw. Sa ibang customer, isang taas lang nila ng kamay ay agad agad na akong lumalapit pero kapag sa kanila... tsk.
Umiling nalang ako at kinuha na ang menu. Lumapit ako sa kanila at nilapag roon ang menu.
"Good evening, Sir. What's your order?" Sabi ko.
Tinignan ni Zil ang menu habang si Joshua naman ay tinignan rin iyon pero alam kong hindi naka focus roon ang isipan nya. Nakikita ko ang pagbaling ng mga mata nya sa gawi ko at agad akong nagbababa ng tingin. Iyon na naman ang puso kong hindi na naman mapakali.
"Can I have Americano, please?" Si Zil at ibinigay ulit sa akin ang menu.
"Okay po, Sir. K-Kayo po?" Baling ko kay Joshua na hanggang ngayon seryosong nakatingin sa menu.
Lumunok ako.
"Cappuccino..." simple nyang sinabi.
"O-Okay, Sir..." sambit ko at kinuha na sa table ang hindi nya manlang hinawakan na menu. Agad agad akong naglakad paalis.
"One Americano and one cappuccino," sabi ko kina ate Rena at Candy.
"Hay! Grabe! Bakit parang padami nang padami ang tao?" Si ate Rena na ikinatawa ni Candy.
"May mga gwapo kasi, ate!"
"Oh? Dahil lang roon? Hay, mga kabataan nga naman ngayon, oh!"
Natawa si Candy habang ako ay hindi magawang makitawa sa kanila dahil sa kaba ko. Lumabas na ako roon at nagpatuloy sa pangunguha ng order. Nang medyo nabawasan ang mga nag oorder ay nagpahinga ako sa counter. Sinuntok suntok ko ang hangin dahil nangawit ang kamay ko. Nagsisipa rin ako dahil nangawit rin ako sa paglalakad. Hinilot ko pa ang batok ko at pumikit.
Hayy.. pagod na pagod na ako.
Napatingin ako sa gawi nina Zil at Joshua at nakitang nakatingin sa akin si Joshua. Si Zil na nasa cellphone ang paningin ay tahimik lang. Si Joshua naman ay seryoso ang mga matang nakatingin sa akin. Nakita ko ang pag aalala sa kanyang mga mata pero binalewala ko yon at agad akong nag iwas ng tingin.
"Amora, pinapatawag ka ni Ma'am Bianca," isang kasamahang babae ang tumawag sa akin.
Nilagay nya sa tabi ko ang menu.
"Bakit daw?" Tanong ko.
Nagkibit balikat sya. "Walang sinabi,"
Tumango ako at muli pang nanuntok nuntok bago umakyat papunta sa opisina ni ate Bianca. Nangawit ang tuhod ko sa pag akyat. Hindi naman ganon kataas ang hagdan pero dahil na rin sa pagod, sobra akong nangawit.
"Magandang gabi po, ate Bianca..." bati ko nang makapasok sa kanyang opisina.
Marami na namang papel sa kanyang table. Ngumiti sya sa akin nang makita ako.
"Good evening, Amora! Are you okay? You look tired," nag aalala nyang tanong.
Nanlaki ang mga mata ko roon. "Po?" Pinilit kong matawa. "Hindi po! Medyo stress lang po talaga sa school,"
"Are you sure? I heard marami raw tao sa baba. Nakakapagod nga siguro,"
Umiling ako. "Ayos lang po. Hindi pa po ako pagod. Ano po bang kailangan nyo?"
Ngumuso sya. Maganda si ate Bianca. Kamukhang kamukha nya si Bea na halos mapagkakamalan mo silang magkambal. Ang alon alon nyang buhok ay bagsak na bagsak, bahagyang malaki ang mala puppy eyes nyang mga mata, maliit ngunit matangos ang kanyang ilong, hindi ganon katambok ang pisngi at mamula mula iyon, ang labi nya naman ay mapula, may lipstick mang nakalagay roon, alam kong mapula pa rin iyon kahit wala. Simple lang sya at simple lang rin syang mag make up dahilan para makita ang tunay na ganda nya.
Masarap rin kasama si ate Bianca. Tulad ni Bea, maingay rin sya at isip bata mag isip. Pero minsan ay istrikto si ate. Minsan seryoso rin kapag seryoso talaga ang sitwasyon. Sayang lang at wala sya noong mga nakaraan. Sa ibang bansa kasi sya nag college. Nanatili pa sya roon ng ilang taon nang grumaduate sya. Ang alam ko ngayon lang sya nakabalik para mamahala rito sa coffee shop. At narinig ko pa na balak nya ring mag Engineer.
"Pano yan? Balak ko pa naman sanang paglinisin ka ulit ng office ko. Humahatsing na kasi ulit ako. Sobra na namang alikabok, ano bang klaseng office ito? Palagi ko namang sinasarado ang bintana. Tsk," si ate Bianca.
Ngumiti ako. "Ayos lang po! Kaya ko pong linisin. Kukuha lang po ako ng pang linis!"
"Wait!" Pigil nya sa akin. "Are you sure na kaya mo? Amora, you look tired. Sa iba ko nalang siguro ipapalinis,"
Kahit gusto kong pumayag roon dahil talagang pagod na pagod na ako, umiling pa rin ako. Kaya ko namang linisin. Tsaka dagdag sahod na rin sa akin ito. Hindi naman sya nagalit nung umalis ako kahapon kahit maaga pa. Hindi nya binawasan yung sahod ko. At madadagdagan pa yon kapag naglinis ako rito.
"Kaya ko po talaga. Ako nalang po ang maglilinis," pilit ko.
Bumuntong hininga sya. "Okay, fine. Pero kapag napagod ka na talaga, just tell me. Sa iba ko nalang ipapalinis,"
Tumango ako. "Salamat po,"
Naglinis nga ako ng buong office nya. Tulad nung ginawa ko nung una, nilinis ko lanat. May mga kaunting dumi na naman at tama nga sya, maalikabok na naman. Nagwalis ulit ako, nagpunas at nag mop. Pinagpawisan ako ng todo. Hindi ko ininda ang pagod na nararamdaman at nagpatuloy lang.
At nang matapos roon ay bumaba na ako para tumulong ulit sa mga kasamahan ko. Nagpasalamat ako nang sa ilang minuto kong pagkuha ng orders, wala nang dumagdag. Umakyat na rin kasi sina Joshua at Zil sa stage. Magsisimula na silang tumugtog at kumanta.
Kumabog ang dibdib ko. Nasa akin na naman ang seryosong tingin ni Joshua kaya agad akong nag iwas ng tingin. Hindi ko talaga kayang tagalan ang titig nya lalo na kapag pumapasok sa akin ang mga nangyari sa nakaraan. Ganito rin sya sa akin tumitig noong mga unang araw ko palang sa kanya. Hindi ko akalaing sa pagtitig nya ng ganon noon, may nararamdaman na pala sya sa akin.
Ang sarap sanag balikan ng nga alaala noon, pero ang masakit na pangyayaring iyon ay dumadagdag sa alaala ko. Bumuntong hininga ako at muling nag angat ng tingin kay Joshua. Nagsimula na syang kumanta.
Walang pinagbago ang boses nya. Malamig pa rin at masarap sa tenga. Parang may humahaplos sa puso ko sa tuwing binibigkas nya ang bawat salita ng kanta. Punong puno sya ng emosyon at iyon na naman ako, nasasaktan at gusto na namang umiyak.
Ano bang ginagawa mo sakin, Joshua? Kailan mo titigilang paiyakin ako ng ganito? Saktan ako ng ganito? Bakit ba hindi ka marunong makinig? Ang tigas tigas ng ulo mo. Sinabi nang lumayo ka na sakin, eh!
Nag iwas na lamang ako ng tingin para hindi nya makita ang nangingilid kong mga luha. Mga traydor talaga ang mga luha ko. Palagi nalang lumalabas sa mga kaunting ginagawa nya lang. Napaka babaw ko. Napaka babaw ng mga luha ko!
Sumisikip ang dibdib ko. Wala iyong tigil sa pagkirot habang kumakanta sya. Alam na alam talaga ng puso ko kung kanino dapat boses mamangha, malungkot at masaktan. Gusto kong matawa. Kailan ba ito titigil?
Nagdaan ang mga araw na palagi nalang ganon. Palagi pa rin akong busy sa pag aaral. Palagi pa ring maraming ginagawa, inaaral at sinusulat. Hindi na kami nakapag usap pa ni Lance dahil busy talaga ako. Hindi ko na rin sya naipakilala kay Candy dahil kahit lunch ay may ginagawa ako.
Nagpatuloy naman ang pagdami ng mga tao sa coffee shop. Pagdaan nang pagdaan ng mga araw, padami sila nang padami. Talaga ngang para kina Zil at Joshua kaya sila nandoon palagi. Masaya naman akong maraming customer, pero dahil sa pagod, minsan ayaw ko na. Gosh.
Hindi na ako kinausap ni Joshua simula nung huli naming usap. Palagi nalang syang nakatitig sa akin. Naiilang naman ako palagi at naiinis. Naiirita na talaga ako. Hindi ko alam ang gagawin sa kanya.
Nang dahil rin sa gabi gabi nyang pagpapakita sa shop, gabi gabi rin akong umiiyak. Ganon kalaki ang epekto nya sa akin. Boses nya palang, pangalan nya palang, mukha nya palang, sobra na akong nasasaktan. Sobra na akong umiiyak. Ganon ako kahina pagdating sa kanya at kahit gusto ko na talaga syang paalisin, hindi ko magawa. Dahil inaamin ko rin na gusto ko syang palaging nakikita. Kahit ganito nalang kami, ayos lang sa akin. Basta nasisilayan ko sya. Basta nandyan lang sya. Basta sa akin sya nakatingin. Ayos na ayos lang!
Kaya naman sa mga nagdaang araw, palagi ko na syang inaabangan. Excited ako palagi sa pagpasok sa shop dahil inaasahan ko na syang nandoon. At hindi naman ako nabibigo, nandoon sya palagi. Hindi ko pinapakita ang pagka excite ko sa kanya at kunyari pa ring walang pakialam. Kahit pa sobrang saya ng puso ko.
Yun nga lang, pumapasok sa isip ko palagi na dapat ko na syang iwasan, dapat ko na syang ipagtabuyan. Iyon ang nararapat na gawin kaya gabi gabi, napapaiyak nalang ako. Dahil unti unti kong napapagtanto, na hindi talaga pwede. Hindi talaga kami pwede.
Kaya pinigilan ko ang sarili kong maexcite sa pagpasok. Pinigilan ko ang tumingin sa kanya. Sumasakit ang puso ko sa ginagawa ko pero kinakaya ko. Titiisin ko lahat, para lang hindi sya mapahamak. Gagawin ko ang lahat para sa kanya. Kaya tiniis ko lahat ng sakit. At palagi kong sinasabi na ayos lang.
Pagbungad ko sa shop, nandoon na naman sya sa kanilang table. Kasama nya ulit si Zil. Seryoso na naman ang mga mata nya sa akin. Nag iwas ako ng tingin at nagtungo na agad sa counter. Pumasok ako sa locker room.
Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Gustuhin ko mang maging masaya dahil ang pananatili nya rito ay gusto ko rin naman pero alam kong hindi talaga pwede. Bawal. Dapat umiwas na kami sa isa't isa dahil walang maidudulot na maganda ang pagkakaroon pa namin ng relasyon!
Hirap na hirap na ako sa totoo lang. Nasa kalagitnaan ako ng saya at sakit. Hindi ko alam kung ano roon ang pipiliin ko. Ang pagbigyan ang puso ko at maging masaya o patuloy na lumayo at saktan ang isa't isa. Gusto ko mang piliin ang nauna, alam kong hindi dapat iyon. Hindi iyon ang nararapat kong gawin. Dapat akong umiwas. At dapat iyon nalang rin ang gawin nya.
"Amora, pakitapon nitong basura sa labas. Naiihi na kasi ako, hindi ko na mapigilan. Pasensya na," nagmamadaling sinabi ni Candy habang inaabot sa akin ang itim na plastic na naglalaman ng mga basura.
Kinuha ko agad yon. "Sige. Ako na ang bahala rito,"
"Thank you! Napaka bait mo talaga!" Anya at nagtatakbo na papuntang banyo.
Natawa ako ng bahagya sa kanya. Napailing iling ako at nagtungo na lamang sa labas.
Syempre, marami na namang tao ngayon. Pagod na pagod na naman ako lalo na at sobrang daming ginawa na naman sa school. Palagi naman yatang ganon. Pero ganon talaga. Go with the flow nalang ako. Tsaka pag aaral ang tangi kong pag asa para umasenso sa buhay. Iyon lang ang tanging makakapitan ko kaya susukuan ko pa ba yon?
Nilagay ko ang basura sa isa pang basurahan na nakatayo roon. Nang maipasok ko ay nagpunas ako ng pawis. Huminga ako ng malalim at inayos pa ng mabuti ang basura.
"Amora,"
Natigilan ako sa pag aayos ng basura nang marinig ang boses na yon.
"That's enough. You're tired..." dagdag nya.
Lumunok ako at dahan dahang humarap kay Joshua na nag aalala akong tinitignan. Parang may humaplos sa puso ko nang makita ang pag aalala nya sa akin. Ngunit hindi ko hinayaang lamunin ako ng lambot.
Matalim ko syang tinignan. "Hindi ako pagod. At wala ka nang pakialam kung pagod man ako. Excuse me," malamig kong sinabi at lalagpasan na sana sya nang hawakan nya ang braso ko.
Iritado ko syang tinignan.
"Bitawan mo ako," may pagbabanta sa tono ko.
Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang kausapin nya ako. Noong bumisita ang mga kaibigan ko ay nagulat sila dahil nandoon si Joshua sa coffee shop. Si Bea ay hindi na nagulat dahil paniguradong alam nya iyon. Nagsosorry lang syang ngumiti sa akin. Hindi ko naman na yon ginawa pang big deal. At ngayon ay gusto ko mang maging masaya dahil kinausap nya ako, pinigilan ko pa rin ang sarili lalo na at nakikita ko na naman ang mga lalaking may hawak na camera. Tauhan na naman ni Mr. Antonio Salvador.
"Amora--"
Marahas kong binawi ang braso ko, hindi nya inaasahan kaya nabitawan nya. Agad akong umatras para hindi na nya mahawakan.
"Sinabi ko nang wag mo na ulit akong guguluhin. Papasok na ako sa loob," mariin kong sinabi at tatalikod na sana nang muli nya akong hawakan sa braso at pigilan! "Ano ba?!" Iritado ko nang singhal.
Nagsusumamo ang madilim nyang mga mata. Hindi ko na naman napigilan ang pagkirot ng puso ko.
"Please... stop doing this. I know you're tired--"
"Oo pagod ako pero hindi ako pwedeng tumigil! Kailangan namin ng pera at hindi mo yon maiintindihan dahil laki ka sa yaman! Bitawan mo nga ako!" Nagpumiglas ako sa kanya pero mas lalo nya lang hinigpitan ang hawak nya.
Matalim ko syang tinignan.
Nagtiim bagang sya. "Fine. How about us, Amora? Magpapatuloy nalang ba tayong ganito?"
Natigilan ako sandali pero agad ring nakabawi. Mas lalo ko syang matalim na tinignan.
"Matagal ko nang tinapos ang sa atin, Joshua! Dapat nga wala ka na rito, eh! Pero kung yung pagkanta ang pinunta mo rito, edi ayos! Pero kung ako, umalis ka nalang! Dahil hinding hindi na tayo babalik pa sa dati, Joshua!"
Lumambot ang kanyang mukha. Napalitan ulit ng pagsusumamo ang kanyang mga mata.
"Kahit pagkakaibigan.. hindi mo maibibigay?"
Bumilis ang paghinga ko, nasasaktan na naman ako. "Hindi! Hindi, Joshua! Narinig mo ako? Hindi!"
"Why? Please tell me why.. is this because of lolo?"
Bahagya akong kumalma. Umiling ako sa kanya.
"Hindi, Joshua. Nang dahil ito sa akin. Ayaw ko na sayo kaya lumayo ka na sakin..."
"You hate me that much that even friendship... you can't give me?" Ramdam na ramdam ko ang panghihina sa kanyang boses.
"Oo," mariin kong sinabi, pilit pinapatatag ang damdamin. "Ganon kita kadisgusto. Na kahit ang pangalan ko ay ayaw ko nang marinig!" Bahagyang nabasag ang boses ko dahil nagsisimula na namang mangilid ang mga luha ko.
Binitawan nya ako. Kahit sa pagbitiw nya ay ramdam na ramdam ko ang panghihina nya. Para bang pagod na pagod na sya pero kitang kita ko pa rin ang pagmamahal nya sa akin sa kanyang mga mata. Nadurog ang puso ko roon. Hindi ko alam kung paano nya naipapakita sa akin iyon pero hindi na mahalaga iyon. Basta ang alam ko lang, nasasaktan ko na naman sya.
Tinignan nya ako. Palipat lipat ang dalawang mata nya sa mga mata ko. Pagod na pagod na nga sya. Pero tatanggapin ko yon. Sige lang, Joshua. Mapagod ka. Mapagod ka na sakin. Mapagod ka na at tigilan mo na ang pagsulpot sulpot rito. Tigilan mo na ako at mapagod ka na!
"Ano bang nagawa ko?" Namamaos nyang tanong, halos magmaka awa na.
Hindi ako sumagot. Ang sakit na nakikita ko sa kanyang mga mata ay hindi ko na kaya pang dagdagan. Sa ilang araw na hindi namin pag uusap ay palagi kong nakikitaan ng kalungkutan ang kanyang mga mata. Lalo na kapag kumakanta sya at nakatingin sya sa akin. Para bang hindi nya ako kayang pakawalan, hindi nya ako kayang iwan at hindi nya ako kayang sukuan. Pero dahil tinataboy ko sya ay wala syang magawa kundi ang manatili at kahit ang makita lang ako, ayos na.
Bumagsak ang mga luha sa mga mata ko. Hindi nyo alam kung gaano ko sya kagustong yakapin, patahanin at pasayahin. Walang oras na hindi ko sya inisip. Ano kayang ginagawa nya ngayon? Kumakain ba sya ng maayos? Sino nang naghahatid ng snacks sa kwarto nya? Sino nang nakakasabay nyang kumain? Sino nang nagtuturo sa kanya kapag nahihirapan sya sa isang subject? Anong palagi nyang iniisip? Kasama ba ako palagi sa mga iniisip nya? Anong nararamdaman nya? Masaya ba sya? Malungkot?
At sa tuwing iisipin kong baka malungkot sya ay naiiyak ako. Hindi ako assuming pero alam ko kung gaano nya ako kamahal. Nakikita ko iyon sa kanyang mga mata sa tuwing magkasama kami. Masaya sya kapag kasama ako. At palagi, sa oras oras, kitang kita ko kung gaano nya ako kagustong alagaan.
Naalala ko yung kinwento nya sa akin. Na palaging wala sina Ma'am Juliette at Sir Nicolas kaya mag isa sya palagi. Malungkot sya palagi. At nung dumating ako, doon lang ulit sya naging masaya. Doon lang ulit sya nakaramdam ng pagmamahal. Pero ngayon, pati ako.. iniwan na rin sya.
Ayoko nang malaman pa kung ano na ang nararamdaman nya ngayon. Dahil pakiramdam ko bibigay na ako. Pakiramdam ko isang kalabit nalang yayakapin ko na sya. Isang kalabit nalang, hihingi na ako ng tawad.
Pero alam ko sa sarili ko ang nararapat kong gawin. Kailangan ko syang iwan. Hindi na pwede. Hindi na pwede!
"Pasensya na," sambit ko, wala nang pakialam sa mga luhang parang gripo kung bumagsak. "P-Pero gusto na kitang mawala sa buhay ko, Joshua..."
Yumuko sya. Parang bang pagod na pagod na talaga. Na para bang yung mga salita kong iyon ay sapat na para tumigil sya. Bumuhos pa lalo ang mga luha ko. Sobrang sakit sa aking panoorin syang nagkakaganito. Wasak na wasak na ang puso ko.
Hindi ko na kaya kaya sana... Joshua, tumigil ka na. Dahil alam kong hindi mo na rin kaya.
Dahan dahan syang tumango. "I-Im sorry kung nangulit pa ako. I promise... hinding hindi na kita guguluhin pa. H-Hinding hindi na ako babalik rito..."
Pinunasan ko ang mga luha ko at nag iwas ng tingin sa kanya. Tumango ako. Tama yan, Joshua. Wag ka nang bumalik.
"S-Salamat..." sambit ko at sa huling pagkakataon, tinignan ko ang nasasaktan nyang mga mata. Umatras ako habang nakatitig pa rin sa kanya.
Nanghihina ang tuhod ko. Parang ayaw nitong umatras at iwan sya roon. Hindi sang ayon ang buong katawan ko sa paglayo. Pero pinagtibay ko ang mga ito. Tumalikod ako at mabilis na naglakad pabalik sa coffee shop. Iniwan sya roong nasasaktan at nag iisa.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (155)

  • avatar
    tearShall

    It's an interesting story and how painful they suffer as well

    23/12/2021

      0
  • avatar
    Nawaf Sultan Mustapha

    goods

    30/04

      0
  • avatar
    Erika Evangelista

    ganda 🥰

    14/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด