logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya upang masipat ang kaniyang sugat. Maliit lamang iyon. Hindi ko alam kung bakit ganiyan siya kung makaasta.
"That's too small. I didn't know that you are that sensitive."
Masama ang mga tinging ipinukol niya sa akin. Iyong tipong madilim at may bahid ng galit.
Bumuntong-hininga ako at akmang tutulungan sana siya.
"No. Thanks. I can handle." masungit ang kaniyang pagkakasaad.
Tumango lamang ako kahit hindi niya iyon nakita. Kung sabagay, sa kisig ng pangangatawan niya ay malabo namang mamatay siya dahil sa maliit na sugat lamang.
Tumalikod ako at nakakailang hakbang na nang muli kong marinig ang naiinis niyang sigaw.
Nagtataka akong lumingon pabalik sa kaniya. This time, masamang -masama na ang timpla ng kaniyang mukha.
"What?" takang tanong ko. "I thought you can handle?"
"Of course I can handle." inis niyang saad. "But before I could ever find my way home, probably I am already running out blood."
"Hindi ka mauubusan ng dugo dahil dyan."
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Sa halip ay nagpatuloy lamang siya sa madramang pagtingin sa kaniyang kamay na mayroong maliit na sugat.
"Are you sure you can handle?" paninigurado ko sa kaniya.
"I said I can fucking handle!"
Galit na.
Siguro ay kaya na niya nga talaga ang sarili niya.
Tumango ako.
"Alright then. I'll go ahead--
"You, fucking numb!"
Ano na naman?
"You really are going to leave an injured person here? You're so stupid! Stupid fucking insensitive!"
"Ano na naman ba? Ang sabi mo ay kaya mo na ang sarili mo. I asked you several times but you just answered me, you can handle. Ano ang ikinagagalit mo ngayon?"
" Ang tanga mo. You're so stupid--
Mabilis ko siyang nilapitan at malakas na tinapakan ang isa niyang kamay.
"Anong sabi mo?!"
Binitawan ko siya at nakipaglaban sa masasamang tingin na kanina niya pang ibinibigay sa akin.
"Instead of helping me out? Really?" hindi makapaniwalang saad niya habang iniinda ang panibagong sakit sa isang kamay.
"Wala kang karapatang tawagin ako ng ganiyan. Ikaw itong konting galaw nasusugatan agad."
Galit siyang tumayo at pinantayan ang taas ko. Nga lang ay natural na mas matangkad siya kaysa sa akin.
"You are the reason why I got this injuries!"
"Ikaw ang nauna."
"But I didn't hurt you physically."
Tumalikod ako at lumayo sa kaniya ng kaunti. "Tama lang sa'yo iyan." bulong ko.
"What? What did you just say?" marahas niya akong ihinarap sa kaniya. Napatingin naman ako sa ginamit niyang kamay upang magkaharap kami. Iyon 'yong kamay niyang may sugat.
Napatingin rin siya roon at kaagad na nagbago ang kaniyang ekspresyon. Animo'y napakasakit ng iniinda dahil sa mariing pagkakalukot ng kaniyang noo.
"Why are you giving me that kind of stare?"
"Tss." tumawa ako at tinuro ang kaniyang kamay.
"Masakit ba talaga?"
"Oo!"
"Sigurado ka?" inis na inis niya akong tiningnan.
"I fucking said yes! Dumudugo nga 'di ba?! Masakit talaga!"
Kung ganoon ay bakit kailangan lagi siyang sumigaw? Sa pagiging malalim at baritono ng boses ng lalaking ito ay hindi halata sa itsura niya na ganiyan siya kapihikan sa katawan.
"Gusto mong mawala ang sakit?"
"What?"
"Bakit hindi ka na lang magpakamatay?" pagbibiro ko.
"Anong..." itinuro niya ako at halata sa kaniyang mukha ang matinding inis. "Anong sinabi mo?..."
"I was just kidding."
" No, that was not a good joke."
Bigla naman akong nagsisi dahil sa sinabi ko. Napakaseryoso ng kaniyang ekspresyon ngayon habang nakatingin sa akin.
"Okay... sorry."
"Nasabi mo na."
"I didn't really mean it."
"I should punish you."
Anong punish naman ang sinasabi niya?
"Ano bang sinasabi mo?" takang tanong ko. Ngumisi lamang siya ng nakakaloko imbes na sumagot.
"Woman like you should be
punish."
"Anong parusa ang sinasabi mo?"
Humakbang siya ng isa. Hindi naman ako natinag sa aking kinatatayuan.
"I'll let you choose." Hindi ko maintindihan kung bakit bahagya akong kinabahan habang iniintay ang kung ano man ang kaniyang sasabihin.
"Choose. Do you want me to torture you?" humakbang siya ng isa at mariin akong pinakatitigan sa aking mga mata. "Or should I broke your wrist, like what you did to me lately?" isang beses niyang iginala ang paningin sa kabuuan ng aking mukha subalit huminto iyon sa aking ilong. "Or should I tie you up over my comfortable sheets, tightly?" bumaba ang paningin niya sa aking labi. Napalunok ako dahil doon. "Or should I eat you with passion, instead?" matagal niyang pinakatitigan ang aking leeg hanggang muli iyong umangat sa aking mata.
Ilang beses akong lumunok bago nakabawi sa gulat.
"Stop!" I snapped out. "What do you mean... Eat me?"
Humalakhak siya kung kaya't bumalik ang kaunting kaba sa aking dibdib.
"Are you some kind of cannibal or such?" mas lalo siyang napahalakhak dahil doon.
"What do you think?" nakangisi niyang saad.
Muli akong lumunok ng ilang beses. I've read about cannibalism in books. Mostly it's part of the rituals of some indigenous tribes but I read some of it that they are eating the flesh of their own kind.
Its... Unbelievable.
Humakbang ako palayo. Siguro ay isa ito sa mga dahilan kung bakit ako tinuruan ni Papa ng mga ganoong bagay. Let's say... Self defense.
"Are you afraid of me, now?" lumapit na naman siya kaya awtomatiko akong umatras. Kung sakaling sumugod siya ay saka ako dedepensa.
"You should be." mas lalong dumapo ang kaba sa aking dibdib dahil sa napakaseryoso niyang boses. Ganito rin ang dating niya noong una kaming nagkita sa talon. Madilim ang mga mata at lalo pa iyong nadepina dahil sa makisig niyang pangangatawan.
Wala akong alam tungkol sa kung paano mamuhay ang mga taga bayan. Mas lalong hindi ko alam kung ano ang ugali ng mga tao roon. O baka naman ang lahat ay kagaya ng lalaking nasa harapan ko? Mahilig gumamit ng mga masasamang salita, walang pakialam sa buhay ng iba, matapang at mayabang.
Wala pang ibang tao ang nakakapunta sa kagubatang ito.
Kaya ngayon ay labis talaga akong nagtataka sapagkat paanong nakarating ang lalaking ito rito? At tatlong beses na kaming nagkaharap at nagkausap. Nang huli naming pagkikita ay hiniling ko na sana ay hindi na magtagpo pa ang aming mga landas, ngayon ay nagsisisi na ako dahil bakit dito ko pa napiling pumunta? Bakit kung nasaan ako ay naroon din siya?
Nagulat na lamang ako ng tumawa siya ng malakas. Nagtaka ako dahil roon subalit hindi pa rin nawawala ang kaunting kaba sa aking dibdib.
"Your face is priceless! Damn!" muli siyang tumawa nang tumawa. Tumalikod pa at doon ipinagpatuloy ang malakas na pagtawa.
Nawala ang kaba sa dibdib ko. Napalitan iyon ng matinding inis.
Nang huminahon ay saka lamang siya muling humarap sa akin.
"Did you really believe that I am like those shits? Really?" hindi makapaniwala niyang tanong subalit naroon pa rin ang bakas ng ngisi sa mga labi.
Kung ganoon ay ano ang gusto niyang paniwalaan ko? Iyon ang sinabi niya...
"Damn! This is insane."
Sa inis ko ay mabilis akong nagmartsa paalis roon. Hindi ko pinansin ang mga nakakaloko niyang tawa. Ang tanging gusto ko na lamang gawin ay makaalis sa lugar na ito.
"Hey! What about me? Are you really going to leave an injured person here?"
Dirediretso akong naglakad patungo sa dinaanan ko kanina at wala nang pakialam pa kahit basa ang mga batong tinatapakan. Madulas man ako o ano, sanay na ako.
" Hey!-- "
Bwisit!
Sa isip ko ay ilang beses na siyang sinumpa. Nangako rin ako sa aking sarili na ito ang una at huling beses akong maaawa sa kaniya.
Naiinis ang ekspresyong bumalik ako sa kinatatayuan niya at inakay ang kaniyang braso. Wala akong sinabing kahit na ano. Sapat na ang ekspresyong ipinapakita ko ngayon upang maunawaan niya ang nararamdaman ko.
Pahirapan sa pag-akyat sapagkat natural na matatalas at madudulas ang mga bato roon. Kung bakit ba naman kasi pumunta-punta pa ang isang ito rito. Kung hindi siya dumating ay naliligo pa rin sana ako hanggang ngayon.
Hanggang sa makaalis sa bukal ay pahirapan pa rin. Ang bigat ng lalaking ito kahit na inaalalayan ko lamang naman siya. Ang braso niyang nakapatong sa aking balikat ay hindi ko nagugustuhan kung paano maglakbay. Ang isang kamay naman niya ay pilit niyang iniyayakap sa ang aking bewang. Bahagya siyang nakaharang kung kaya't hindi ko maaninag ng maayos ang daan.
"Umayos ka. Huwag mong harangan ang paningin ko." inis kong saad. Mas lalo akong nainis nang hindi siya nakinig sa akin.
Masyado ring malapit ang kaniyang mukha sa akin. Halata ring sinasadya niyang bigatan ang kaniyang katawan.
Nananadya ba siya?
"Ano ba!" inis kong kinalas ang pagkakaalalay ko sa kaniya at tiningnan siya ng masama.
"Kamay mo ang masakit at hindi ang mga paa! Makakalakad ka ng maayos kahit hindi kita alalayan!"
Lumukot naman ang kaniyang mukha at tiningnan rin ang kaniyang mga paa. May suot siyang kung anong matibay na sapin sa paa kung kaya't hindi makita ang loob noon.
"Okay, I'll going to walk alone." ultimo pagkakabigkas niya noon ay parang hirap na hirap.
Nagsimula siyang maglakad subalit paika-ika. Animo'y napakasakit ng paa kung kaya't hindi iyon mailakad ng maayos.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Sumasakit ang ulo ko sa lalaking ito gayong hindi ko naman siya kakilala. Ultimo pangalan niya ay hindi ko nga alam.
Muli ko siyang inakay at bago pa ako makaharap sa daraanan ay nakita ko pa ang nakangisi niyang mukha.
Nakakainis.
"Umupo ka lang dyan." seryoso kong saad matapos naming makarating sa mansyon. Malawak ang pagkakangiti sa labing tumango naman siya.
"Alright, then."
Padabong akong nagmartsa paalis sa salas ng mansyon. Nagtungo ako sa likod-bahay at kumuha roon ng ilang mga halamang gamot na mainam para sa mga sugat. Dumidilim na rin ang paligid subalit malinaw ko pa namang natatanaw ang bawat isang bagay sa paligid ko.
Pagkatapos ko siyang gamutin ay papaalisin ko na kaagad siya.
Mahirap na. Kailangan ko pa rin namang mag-ingat dahil hindi ko siya kakilala. Natatakot rin akong malaman ito ni Papa dahil paniguradong magagalit siya.
Nagmartsa akong muli papasok ng mansyon matapos kong kuhanin ang mga kakailanganin at doon natanaw ang lalaki na nakatayo at masugid na inililibot ang tingin sa buong kabahayan. Animo'y may kung anong hinahanap roon.
"Akala ko ba ay masakit din ang paa mo?"
Lumingon siya sa akin at bahagya pa akong nagtaka nang makita na nakakunot ang kaniyang noo.
"Yeah, why?" muli siyang umupo at hinimas-himas ang kaniyang paa habang nakatingin sa akin.
Bumuntong-hininga ako at lumapit sa kaniya. Umupo ako sa katabing upuan at kinuha ang kamay niyang may sugat. Nang lingunin ko siya ay kaagad akong nainis dahil nakangisi na naman. Nawala lamang iyon nang ilabas ko ang isang dahon ng halamang gamot na nakuha ko kanina.
"Hey! What's that?"
"Wala ba sa inyo nito?" inis kong saad. Binigyan niya lang ako ng nagdududang mga tingin.
"Halamang gamot ito."
"Is that even effective?" tanong niya. Kulang na lamang ay bawiin sa akin ang kaniyang kamay.
"Epektibo ito. Kung ayaw mo naman ay hindi ako namimilit. Makakaalis kana." tumayo ako subalit agad niyang iniabot sa akin ang kaniyang kamay.
"We often use medicines, that's why." pagpapaumanhin niya.
Muli kong kinuha ang kaniyang kamay at itinapal roon ang dahon.
"Mag-intay ka lamang ng mga limang minuto at maaari nang tanggalin iyan, umuwi ka na rin dahil dumidilim na."
Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Halatang tutol. Halatang gustong umangal.
"How the hell will it gonna heal if you'll just patch it in five minutes?" kunot-noong aniya.
Inis ko siyang binalingan at padabog na tumayo.
"Epektibo naman iyan kahit limang minuto lamang itapal. 'Pag uwi mo sa inyo ay saka ka na lamang gumamit niyang medicine na sinasabi mo."
"At talagang pinapaalis mo na ako?"
"Ano naman ngayon? Hindi ka naman dito nakatira."
"It's getting darker! How the fucking hell will I be able to find my way home?! In the middle of the forest? Really?"
Napapikit ako dahil sa inis.
"Ano ngayon ang gagawin ko kung ganoon? Pabalikin ang araw nang sa ganon ay lumiwanag ang daan mo pauwi?" sarkastiko kong pagkakasaad.
Inis na inis rin ang mukha niya nang tumayo at pinantayan ako.
"Then you'll gonna let an injured person walk all the way in the middle of the forest? In the middle of the dark?"
"It wasn't my fault in the first place. You shouldn't go here kung ganiyang magrereklamo ka lamang dahil inabot ka ng dilim."
"Wow!" hindi makapaniwalang saad niya. "In the first place, you were the reason why I got these injuries."
Mas lalo akong nainis dahil roon. Kung ganoon ay kasalanan ko pa pala?
"Kung hindi ka ba naman lampa."
"What did you just say?" pagalit niyang tanong. Kunot na kunot pa ang noo.
"Kung hindi ka ba naman lampa! Ang laki laki niyang pangangatawan mo pero lalampa- lampa ka naman---
Nagulat na lamang ako ng itulak niya ako. Mahina lamang iyon subalit dahil hindi ko nasuportahan ang bigat ko,  ngayon ay napaupo ako sa sahig. Itinukod ko ang dalawa kong palad upang gawing balanse sa pagtayo.
Nagulat na lamang ako nang maging siya ay bumaba rin at pinantayan ang aking paningin. Naitikom ko ang aking mga binti nang ikulong niya ang mga iyon gamit rin ang dalawa niyang mga binti. Ang dalawang mga kamay naman niya ay itinuon niya sa likod ng aking baywang. Ngayon ay napakalapit na ng kaniyang mukha sa akin.
"Anong ginagawa mo?"
Hindi siya sumagot sa halip ay mariin lamang akong pinakatitigan.
"What are you doing? Hey!"
bahagya ko siyang itinulak subalit napakalakas niya at hindi man lamang natinag. Ang akala ko ba ay masakit ang kamay niya?
Naasiwa ako dahil sa seryoso niyang pagkakatitig kung kaya't lumingon na lamang ako sa ibang direksyon.
"I think I'll going to regret everything." mahinang saad niya
Lumingon ako at nagtatakang tiningnan siya.
"Ano?"
Umiwas naman siya ng tingin at doon ngumisi.
"I think I'll really regret everything soon." muli ay saad niya habang nakatitig pa rin sa akin.
Kahit kinakabahan ay pilit ko pa ring inintindi ang kaniyang mga sinasabi.
Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang makarinig ng isang malakas na putok. Kasunod noon ay ang pagpatak ng dugo mula sa pisngi ng taong kaharap ko. May isang patak rin ng dugo ang bumagsak sa suot kong damit.
Napatingin ako roon kasabay ng bahagyang panlalaki ng mata.
That familiar sound came from a...
Gun.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (275)

  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇

    23/11/2021

      2
  • avatar
    Natasha Miranda Palacio

    hahaha

    24/06/2024

      0
  • avatar
    Kristel Degano

    ihsjajshshsnshshxudsksbdhshshhsshshshdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhfhfhfhfhfhfhdhdhdhfhfhfhfhfhfhfhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdjksksjdhdhdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjsjsjsjshhshshshshshshshdhshshshshshshshshshshshsjsuhshshshshsjsjdhdhdhdhhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhhdhdhddhdhdjdhhddjjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjd

    11/06/2024

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด