logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 1

"Agapan mo ang gising mo bukas." basag ni Papa sa matinding katahimikan.
Nag-angat ako ng paningin sa kaniya at nasulyapang nakatingin lamang siya sa kaniyang kinakain.
Madilim na sa buong mansyon at tanging ang ilaw na lamang mula sa mga gasera ang nagbibigay liwanag sa kabuuan lugar.
"Opo, papa." tugon ko.
Tumayo siya matapos tahimik na inilapag sa hapag ang hawak na tinidor at kutsara.
"Mauna na ako." pagpapaalam niya.
Tumango lamang ako kahit hindi naman niya nakita. I really don't mind those cold acts from him because I am already used to it.
Nasanay na rin ako sa ganoong pakikitungo niya sa akin. Minsan nga hindi ko maiwasang maitanong, bakit palagi siyang ganito? Itinuturing ko siyang tunay na ama, pero ni minsan ba ay itinuring niya ako bilang anak niya?
Subalit kahit ganoon, hindi naman niya ako pinapabayaan. Hindi niya rin ako pinapakitaan ng masama. Ang ayaw ko lamang talaga sa kaniya ay masyado siyang istrikto pagdating sa mga itinuturo niya sa akin.
I finished my food and washed the dishes before going to bed. Sa tantiya ko ay alas siyete pa lamang ng gabi. Ganito ako kaaga pinapatulog ni Papa maliban na lamang kapag may iba siyang pinapagawa sa akin.
Pinakatitigan ko ang gasera sa gilid ng aking kama dahil wala akong ibang maisip gawin. Sa totoo lamang ay binabagabag talaga ako ng lalaki na nakita ko kanina sa talon. Palaisipan sa akin kung paano siyang napadpad roon gayong ang sabi ni Papa ay ilang milya ang layo namin mula sa bayan.
Paano siya nakarating dito at ano ang ginawa niya bago niya ako makita?
At bakit nga kaya magaspang ang ugali ng lalaking iyon? Hindi naman kaya ay ganoon talaga ang ugali ng mga taga-bayan? Pasalamat na lamang talaga ako dahil napalaki ako ni Papa ng maayos.
Unti-unting lumabo ang ilaw na nagmumula sa gasera. Unti-unti ay hindi ko na rin namalayan na hinihila na pala ako ng antok.
"Dalhin mo ito." He said before he handed me a caliber 45 gun and ammunitions.
"Hindi muna ako makakasama ngayon, may kailangan pa akong gawin."
I curiously stare at him.
"Sa bayan, Papa?" bakas sa tono ko ang pagkagalak kahit mabanggit lamang ang salitang iyon. Noon pa man ay gustong-gusto ko na talagang makarating doon at makakita ng ibang tao.
Sadly, he always forbids me saying that it is not a safe place for me.
Nawala ang sigla ko nang maisip ang bagay na iyon.
Umiling siya sa akin at tumingin sa labas ng bintana. "Dito lang."
Hindi na nadugsungan pa ang sinabi niya. Tumango ako at nagsimula nang maglakad paalis. Alas kuwatro y media pa lamang ng umaga subalit nakaligo at nakaayos na ako. I usually wore sleeveless black shirt and black leather jackets. Pinaparisan ko iyon ng itim ring pantalon at boots. Ganito ring kasuotan ang nakasanayan kong suotin sa tuwing tinuturuan ako ni Papa.
Malamig at mabining hangin ang bumungad sa akin nang oras na makalabas ako ng mansyon. Madilim pa rin ang buong paligid at sa hula ko ay mamaya ko pa masisilayan ang liwanag.
Wala akong dalang gasera o kahit na anong ilaw na magbibigay ng liwanag sa aking paglalakad. Ayos lamang sa akin iyon sapagkat sinanay rin ako ni Papa na maging malinaw ang paningin sa dilim. Ganitong oras kami palaging umaalis ng mansyon para magtungo sa itaas ng burol na pitong kilometro ang layo mula rito.
Binilisan ko ang aking paglalakad kaya naman bago mag alas singko ng umaga ay naka-akyat na ako sa itaas ng burol. Niyakap ko ang aking sarili dahil hindi hamak na mas malamig ang temperatura roon. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag ng araw subalit alam naman ng lahat kung alin ang magwawagi sa pagkakataong ito.
Saglit muna akong nagpahinga mula sa mahabang paglalakad habang pinapanood ang unti-unting pagdampi ng liwanag sa buong kagubatan ng Evening Glory. Sakop pa rin ang lugar na kinatatayuan ko ng bayan na ito. Nga lamang ay nasa pinakadulong bahagi nakatayo ang mansyon. Kung saan napapalibutan ito ng matatas na puno. Nasa gitna ng kagubatan ang aming tirahan kaya naman walang tao ang nagagawi roon. Marami ring talon ang matatagpuan malapit sa amin. Bukod sa Yaganak waterfalls ay may tatlo pa akong napuntahan.
Tumayo ako at pinagpagan ang aking suot dahil sa mga dumi na kumapit roon.
Kinuha ko ang baril mula sa lagayan na dala at kinalas ang mga parte noon. Pagkatapos ay isa-isa kong pinulot ang mga parte ng armas at muling ibinalik iyon sa dati nitong ayos.
Masyadong mabagal.
Kinalas kong muli iyon at muling ibinalik sa dati. Sa pagkakataong ito ay anim na segundo naman ang itinagal. Muli kong kinalas at ibinalik sa dati ang armas.
Tumagal iyon ng apat na segundo.
Nang makontento ay nilagyan ko ng magazine ang baril na hawak at sinipat-sipat ang mga babasaging bote ilang metro ang layo sa akin. Sunod-sunod ko iyong pinaputukan at pinatamaan.
Nasanay na ako sa malakas na tunog nito sa tuwing kinakalabit ko ang gatilyo. Kumpara noong unang beses akong humawak nito ay walang dudang dalubhasa na ako ngayon.
Lumapit ako at pinalitan ng mga lata ang mga basag-basag na mga boteng nakalagay roon. Muli ko iyong pinaputukan at kagaya kanina ay walang naiwang nakatayo.
Ganito ang palagi kong ginagawa sa tuwing pumupunta ako rito.  I would always asked him why I have to do these kind of things but I don't know if his answer filled up my curiosity. Ang sabi niya ay may dahilan ang lahat ng mga itinuturo niya sa akin. Hindi naman ako nagrereklamo kahit puro sakit ng katawan ang nakukuha ko. I just need an answer.
Sagot lang, pero kahit kailan ay hindi niya iyon ibinigay sa akin.
Pinalitan ko ng mga may kaliitang bato ang mga nakalagay na aasintahin. Pagkuwa'y humakbang ako nang humakbang hanggang sa mas malayo na ang narating ko sa dati kong puwesto.
Mula doon ay paulit-ulit ko muling inasintaan ang mga tudlaan. Masyado ng luma ang gawaing ito para sa akin, mula ng mapunta ako rito ay ito na ang palagi kong ginagawa. Subalit kahit ganoon, wala akong karapatang magreklamo. Hindi ko maaaring gawin iyon dahil paniguradong magagalit lamang siya sa akin.
Paulit-ulit kong inasinta ang mga maliliit na bato hanggang sa tuluyan akong napagod.
Umupo ako at ipinahinga ang aking katawan sa mahigit ilang oras na pag-eensayo. Papa's not here so he wouldn't know that I stopped doing my training in the midway just to rest. Mahigpit siya pagdating sa mga ganitong bagay at hindi ako pinapatigil hangga't hindi ko nagagawa ng maayos at perpekto ang kaniyang mga itinuturo. Kapag naman nagagawa ko na ng tama ay hindi pa rin niya ako pinapagpahinga, aniya'y hindi raw ako matututo kung wala akong ibang iisipin kung hindi ag nararamdaman ko.
I didn't comply. I know that there are enough reasons why I am doing these kind of things. I don't understand him most of the time but I didn't complained simply because I respect him.
I respect him too much to the point that I will do everything what he say, even if I was already recieving too much pain.
Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ako ng dalawang magkakasunod na putok ng baril. Sigurado akong sa baril nagmula ang tunog na iyon.
I stood up immediately and run halfway down the hill. Bumungad sa akin ang matataas na puno ng kagubatan matapos kong malampasan ang isang maliit na sapa.
Kaagad na nangunot ang aking noo nang makakita ng isang usa na nakahiga at mistulang nag hihingalo. Agad ko iyong dinaluhan at tiningnan ang isang  sugat na may umaagos na dugo.
Mula iyon sa tama ng baril. Kitang -kita  iyon sa dumudugong sugat niya na malapit sa kaniyang leeg.
"I got you."
Mas lalong nangunot ang aking noo nang masulyapan ang pamilyar na lalaking nakita ko rin kahapon. I sighed. I really prayed last night that I don't wanna ever meet this man again.
Pero kami ngayon.
"Why are you looking at me like that?" pagalit niyang tanong nang makitang nakatingin ako sa kaniya.
"Ikaw gumawa nito." seryosong anas ko. Ibinalik ko ang aking paningin sa usa bago muling tumingin sa kaniya.
"What if I did?"
What if I did.
Sa isip ko ay ilang beses kong ginaya ang paraan niya ng pagsasalita. Iyong tono na palaging nanghahamon at pagalit. Parang wala kang ibang magagawa kung hindi ang hayaan na lamang siya dahil wala kang makukuhang makatwirang sagot.
"Killing is illegal." of course I know that. That kind of rule is in the law of every country in the world.
"Not my fault. That thing was just really dumbass. Mas mabilis 'yan sa akin kaya dapat ay ginalingan niya pang tumakbo."
"Wala ka sa katwiran." pabulong kong saad. Humina iyon lalo na nang bigkasin ko ang huling salita.
Mabilis na nagbago ang ekspresyon niya sa mukha. Mas lalo pa itong dumilim sa pagkakataong ito.
"What did you just say?"
"You're stupid." mahina kong saad
Sa isip ko ay inaalala kung kailan nga ba ako nagbigkas ng mga ganoong klaseng salita. It's a profanity. Alam kong hindi ako umuusal ng mga ganiyan klaseng salita. Ito ang... unang beses.
" Sacrilegious. "
Galit na galit ang ekspresyong sinugod niya ako at pinilit itayo. Hinawakan niya ang kuwelyo ng suot kong pang-itaas at saka marahas akong isinandal sa malaking puno roon. Madilim ang mga mata niyang tinitigan ako.
"No one had ever talked to me like that." he said calmly but I can sense it's danger. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay matatakot ako sa kaniya subalit hindi.
Bakit nga naman ako matatakot sa kaniya?
Naabutan ko ang pagtitig niya sa aking leeg bago muling inangat ang paningin sa akin. Bigla ay napalitan ng galit ang kung anong ekspresyon ang nakita ko roon kanina.
"Kung ayaw mong tinatawag ka ng ganoon, sana ay tinakpan mo na lamang ang tenga mo." pabalang kong sagot. I have never ever talk this way before. Maging ako ay nagugulat sa aking mga inaasta.
Dahil sa sinabi ko, halatang hindi siya natuwa. Mas marahas niya akong isinandal sa puno at pagkakataong ito, naramdaman ko na ang gaspang noon sa likod ko. "Isang maling salita mo pa..."
I don't get him.
Hindi niya itinuloy ang kaniyang sasabihin sa halip galit na umiwas ng tingin. Doon ko lang din napagtanto na masyado kaming malapit sa isa't-isa. Sumiksik ang katawan niya sa akin nang marahas niya akong isandal sa puno sa pangalawang pagkakataon. Ngayon ay mas lalong hindi ko na nagugustuhan ang ayos naming dalawa.
Pinanatili kong kalmado ang aking paningin upang hindi niya mahalatang nagsisimula na akong mainis sa kaniya. Muli kong matamang pinakatitigan ang kaniyang mga mata. Mas lalo lamang iyong naging itim sa malapitan.
"Quit staring at me." tinalikuran niya ako at walang pasubaling naglakad paalis sa posisyon niya kanina.
Umiling ako at inayos ang aking sarili.
Muli akong bumaling sa kawawang usa na ngayon ay halatang hindi na humihinga. Muling nabuhay ang inis ko sa katawan.
"What are you gonna do with this thing?" pigil-inis kong saad.
Pinanatili kong mahinahon ang aking salita dahil walang mangyayari kung makikisabay ako sa kaniya. Hindi ko dapat isipin ang aking nararamdaman. Iyan ang palaging bilin sa akin ni Papa.
Nagkibit-balikat lamang siya.
"I don't know. I was just hunting for a hobby. If you want to take it then bring it home. I don't fucking care." he said lazily without any hint of remorse.
He just killed. This man just killed a living thing for what? Hobby?
Umusbong ang pinaghalong galit at inis ko dahil sa ginawa niya. Gusto kong magreklamo pero alam kong walang magagawa iyon.
Blangko ang aking ekspresyong tumitig sa kaniyang mga mata.
Those midnight raven eyes. I loathe them. I hate its darkness. I hate the way he stares. I hate being encountered with him. I hate everything about him.
"Are you gonna stare at me the whole day?" anas niya nang mapansin ang pagtitig ko.
Umiling ako at palihim na ngumisi.
Nangunot ang noo niya habang nakataas ang mga kilay sa akin. Animo'y nanunuri. Nangingilatis. Inaalam kung ano ang mga bagay na posibleng tumatakbo sa aking isipan.
Tinitigan ko siya.
"I hope this is going to be the last time that I'll be seeing you around. Continue doing such." kalmado kong saad. Ang emosyon ay nakatago sa pinakailalim ng aking kalooban. Nakita ko pa siyang kumurap-kurap na para bang pinoproseso ang mga sinabi ko.  "Sana hindi na tayo muli pang magkita."
Tumalikod na ako at hindi na inantay pa ang mga sasabihin niya. Mabilis akong naglakad paalis sa lugar na iyon para makaiwas sa kaniya.
Wala pa sana sa mga plano ko ang umalis subalit dahil nakita ko siya, hindi bale na lang.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (275)

  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇

    23/11/2021

      2
  • avatar
    Natasha Miranda Palacio

    hahaha

    24/06/2024

      0
  • avatar
    Kristel Degano

    ihsjajshshsnshshxudsksbdhshshhsshshshdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhfhfhfhfhfhfhdhdhdhfhfhfhfhfhfhfhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdjksksjdhdhdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjsjsjsjshhshshshshshshshdhshshshshshshshshshshshsjsuhshshshshsjsjdhdhdhdhhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhhdhdhddhdhdjdhhddjjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjd

    11/06/2024

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด