logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

chapter 7 :THE DEMONIC STUDENT COUNCILOR

Gill's PoV
"Are you ready?!" sigaw ni Chester sakin habang may dalang timer watch.
Yumuko ako ng kaunti at nagready para sa pagtakbo ko. "Yes. I'm ready!" pasigaw na sagot ko habang may tumutulong pawis sa buong katawan ko lalo na yung leeg ko.
"Let's get this over with, Ms. Anderson. This is your last run in this day." sabi niya. Tumango ako sa kaniya.
"Mag GO ka nalang! Ang dami pang satsat------"
"GOO!!" biglang sigaw niya kaya natataranta akong tumakbo agad dahilan upang mapatid ko yung sarili kong paa at muntik nang matumba!!
But thanks for my quick reflexes, I managed to survive and continued running.
Pangsampung set ng takbo ko nato paikot ng napakalaking football field ng University sa unang araw ng pagiging part ko ng student council. At every set, may 3 rounds. Kung normal na tao lang ako, baka kanina pa ako nahimatay sa pagod at kawalan ng hangin pero sanay na ako sa mga ganito kaya medyo wala lang ito sakin.
"At last!" sabi ni Chester nang matapos na ako sa pagtakbo ko. "Hahay. Nakakapagod! Ang init pa!!" ring kong sabi niya habang hinahabol ko yung hininga ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Sigurado ba yung hari na assassin ka? Bat napapagod ka na jan, eh tumayo ka lang naman!" reklamo ko pero nginisihan niya lang ako at naglakad na palayo.
Napabuntong hininga nalang ako. Kagabi, ang supla-suplado. Ngayon naman, ang gagago. Dati ba syang taga mental hospital?!
"Yo, Gill!" biglang tawag sakin ni Evan. "Tapos na kayo?" tanong niya habang naglalakad palapit sa akin kasama si Wendy.
Evan Yanagi. The student body Treasurer. A second year college student. Sa unang tingin, aakalain mong mabait tsaka inosente. Palagi kasing nakangiti tas ang amo pa ng mukha niya, tulad ngayon. Kumakaway pa sya sakin habang tumatawa sa sinasabi ni Wendy sa kanya. But as other people says, looks can be deceiving. And it's true because he is well known as a serial killer. Walang makakapagsabi kung ilan na katao ang napatay niya.
"Nasan na si Chester, Gill" tanong naman ni Wendy sakin nang makalapit.
"Ewan ko. Iniwan niya na ako dito pagkatapos na pagkatapos kong tumakbo kasi pagod na daw sya. Eh tumayo lang kaya sya sa buong pagtakbo ko!" pagrereklamo ko. Tumawa silang dalawa.
Wendy Syntheria. The student body Secretary. A first year college student. She's sweet yet a tough woman. Her beautiful face didn't define her skills because Wendy is the most sharp shooter sniper.
"Hindi na ako magugulat. He's always like that. Being tired of everything! But don't worry, he's serious when it comes to work." sabi ni Wendy sakin. I rolled my eyes kahit alam kong totoo naman talaga yun.
"Yeah. It's true. But! We aren't here just to gossip about him." sabi ni Evan habang ibinibigay sakin ang isang towel na dala niya. "Wipe your face first. You are overly sweating."
Tinanggap ko yun agad. Ipupunas ko na sana yun sa mukha at leeg ko nang masilip ko pa yung ngisi ni Evan. A creepy smile na nakakapagduda sakin sa totoong intensyon niya.
I looked at him flatly. "You put something in here, right?" tanong ko sa kanya na nakapagpatawa sa kaniya ng malakas.
"What?! Hindi ka pa ba tapos sa pag aatempt na patayin siya?" pagtatanong ni Wendy sa kaniya habang nakakunot ang noo.
"I'm sorry alright!" paghingi ng tawad ni Evan na tinanguan ko lang kahit di ako sigurado kung sincere ba siya.
He's a demon. How can he be sincere?
Itinapon ko sa pinakamalapit na basurahan yung towel. Napabuntong hininga ako nang maalalang pang limang murder attempt na niya to sakin ngayong araw.
"What exactly did you put on that towel?" Tanong ni Wendy kay Evan habang nakapameywang.
"Wala. Just a strychnine." sabi niya at nagkibit-balikat. "A kind of poison that can kill a person when being inhaled." pag-eexplain niya.
Napasapo ako sa noo ko.
Lord, thank you po dahil buhay pa ako.
Naagaw ang atensyon namin sa tunog ng cellphone na nagriring. Kinapa ni Evan yung bulsa niya at kinuha doon ang cellphone niya.
"Tumatawag si Felix. Teka lang, sagutin ko lang to." paalam ni Evan at lumayo ng konti samin.
Felix Marquez. Yep, Felix is Marquez. The student body President. Known as the strongest student next to the King. A third year college student.
Mabilis lang yung tawag at nakabalik agad si Evan.
"Felix said that the meeting will be held in the meeting room of the palace." pagpapaalam niya.
"Meeting?" tanong ko.
"Yan yung gusto naming sabihin sayo at kay Chester kanina. May meeting yung buong student council." sabi ni Wendy. "If you will see Chester or our other members, please inform them. Our assemble time is 6 pm sharp. I already texted them pero just to be sure. Remind them for me." utos pa niya.
"Copy." sagot ko at nag thumbs up.
"Sige. Iwan ka muna namin, may pupuntahan pa kasi kami eh." paalam ni Evan.
"Babye, Gill! See you later." pagpapaalam din ni Wendy at sabay na nga silang umalis.
Ako naman, dumiretso ako sa girl's locker room na may mga bathroom sa gilid lang ng field.
Doon ako naligo at nagbihis. Nailagay ko na kasi yung iilang mga gamit ko dito kaninang umaga pa lang kasama sina Mandy at Hevs.
Nagsuot lang ako ng puting t-shirt na pinatungan ko ng maong jacket at leggings naman sa lower wear. I just wore white sneakers sa footwear ko.
Tinext ko sina Mandy na magpapahatid ako sa Arcadia. Kasi alam nyo na naman, di kami nagkakasundo ni directions.
Mabilis akong maligaw.
"Kamusta yung training mo bilang isang student council? Mahirap ba?" tanong ni Mandy habang naglalakad kami kasama din si Hevs papunta sa Arcadia Demon's House.
Hindi kasi namin napuntahan kahapon dahil dun kay kamatayan kaya ngayon namin pupuntahan.
"Kung yung training lang, kaya ko naman. Eh kaso, may kasamang murder yung pananatili ko don." sagot ko kay Mandy. "Ay oo nga pala, bakit pala ako dapat pumunta sa Arcadia?" tanong ko.
"Kasi yun yung sabi ng head natin." simpleng sagot ni Hevs. "Actually kasi, nakasanayan na yan dito sa University. Kapag may napatay ka ng miyembro sa kabilang grupo, pupunta ka dun at makipag areglo." dagdag pa niya.
"Areglo? Maaareglo pa ba yung kasong pagpatay??" naguguluhang tanong ko. Sabay naman silang tumango. "Ha? Paano? Mukhang di naman makikinig sakin ang mga yun. Lalong lalo na yung panot na si East!" sabi ko pa.
"Sino naman kasing maysabing ang pakikipag areglo na sinasabi ni Hevs ay ginagamitan ng salita??" tanong ni Mandy.
"Eh ano pala?"
"You are going to fight to one or two of them." parang di big deal na sagot ni Mandy.
"FIGHT?!!!" sigaw ko at napahinto pa.
"Yup." sabi naman ni Hevs at nagkibit ng balikat.
Nanlulumo akong nagpatuloy sa paglalakad.
Jusko! Galing pa ako sa Hell Training ko!!! Masakit pa yung katawan ko ngayon. Sana naman di masyadong malakas yung mga makakalaban ko. O di kaya sana isa lang yung haharapin ko.
Kapag nagkataon, baka bukas di na ako makakapaglakad at makakagalaw or worst, baka mamamatay ako.
Pero siguro naman, hindi hahayaan ng dalawang to na mamatay ako ng ganun ganun lang.
"And we're here." sabi ni Mandy at sabay kaming tatlong huminto sa tapat ng isang mansiyon na may itim na pintura. Medyo mas malaki ito kumpara samin kaya nasisiguro kong mas madami silang members kaysa saming mga Zullivans.
Lumapit si Mandy sa main door ng Alcadia Demon's House at kumatok. Hindi nagtagal, binuksan kami ng pintuan ng isang lalaking siguro ang edad ay nasa 18-20 years old na may peklat din sa pisngi.
Hindi na sya nagulat nang makita kami. Siguro, inaasahan na nila yung pagdating namin.
"Good afternoon!! Alam mo naman na siguro kung bakit kami nandito. Tara, pasok na tayo." sabi ni Heaven. Mauunang papasok na sana si Hevs nang pinigilan siya ng lalaki.
"Ikaw ba yung pumatay sa mga kagrupo namin?" nakataas ang kilay na tanong ng lalaki kay Hevs.
"Hindi." Iling na sabi ni Heaven.
"Yung may atraso lang ang pwedeng pumasok sabi ni East." sabi nung lalaki at tumingin sakin. Napatingin din sakin sina Mandy at Heaven.
Napalunok ako. Sheeettt.
Gill's PoV
"Maghihintay lang kami dito sayo, Gill. Good luck." sabi ni Mandy at lumapit sakin para yakapin ako. Weird ko siyang tinignan nang may naramdaman. Ngumiti lang siya sakin at kumindat bago ako pinakawalan. Ngumiti at tumango naman si Hevs.
Napabuntong-hininga ako at nagsimulang maglakad papasok ng impyerno ko.
Nadaanan ko yung lalaki at may ibinulong siya. "Sisiguraduhin kong di ka na makakalabas ng buhay dito." bulong niya sakin at ngumisi.
I just gave him a blank stare at tuluyan nang pumasok at hindi na nag abalang lingunin sina Mandy.
Madilim ang hallway na dinadaanan namin ng lalaki. May kaunting ilaw naman sa magkabilang dingding ngunit hindi yun naging sapat para makita ko ang buong paligid. Maliwanag pa naman sa labas pero dahil walang kahit anong bintana dito hindi makakapasok ang liwanag galing sa araw.
"Tigil muna." utos niya. Tumigil naman ako sa paglalakad. Ayokong dagdagan ang inis nila sakin no. Baka di na talaga sila maawa sakin.
May pinto siyang binuksan at may ilaw na lumabas galing doon.
Nasisiguro kong nandun na silang lahat.
"Pasok na." utos niya ulit. Pumasok naman ako at sumunod siya sakin bago sinarado ang pinto.
Tumngin ako sa paligid at tama ako. Mahigit dalawangpung lalaki ang nakapalibot sa malaking kwarto na ito. Ako lang ang nag iisang babae kaya nakaramdam ako ng kaunting takot dahil baka hindi lang pambubugbog ang gagawin nila sakin.
"Well, well, well. Nandito na ang prinsesa!!"
Napalingon ako sa taong nagsabi nun. Nakita ko si panot este si East pala na nakaupo kasama ang ibang ka miyembro niya.
"Prinsesa??" tanong ko habang nakakunot ang noo.
Sinabi din yan ni Chester kahapon!
Prinsesa ba ako? Hindi naman ah!
"Mukha ba akong prinsesa ha?" pagtataray ko sa kaniya para hindi niya mahalata na kinakabahan ako sa susunod na mangyayari.
"Woah. Mukhang may di alam ang prinsesa natin, ah!" Sabi niya sa mga kasama niya at tumawa. Tumawa din ang mga kasama niyang mukhang sunod-sunuran sa East na to.
May nakakatawa ba? Mga demonyong abnormal, ampota.
Pinapanood ko lang silang tumawa ng tumawa hanggang sa napagod na sila kakatawa kahit wala namang nakakatawa.
Tumayo si East at naglakad-lakad.
"Alam mo ba? Masaya ako nang malaman kong pumunta ka dito." sabi niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Ngumisi siya.
"Ah. Share mo lang?" pambabara ko sa kaniya. Nagsalubong ang kilay niya.
"Anong sabi mo?! Alam mo bang kanina pa ako nagtitimping gulpihin ka simula nung pinasok mo ang teritoryo namin?!" galit na saad niya.
"Nasaan?" tanong ko.
"Anong nasaan? Nahihibang ka na ba---"
"Nasaan ang pake ko?" pambabara ko ulit at nang aasar na ngumiti.
"Aba't sinasagad mo talaga ang pasensya ko na babae ka!! Gusto mong mamatay ngayon ngayon lang?!" galit na sigaw niya. Napatayo na yung iilang kamiyembro ni East at nagkanya kanyang kuha ng tubo at baseball bat na hindi ko namalayang nag eexist pala sa kwartong to!
Putangna naman oh! Ang daya!!
I tsked at umatras ng kaunti nang magsimula na silang maglakad papunta sakin.
Nakalugay lang ang buhok ko ngayon dahil papagabi na at ayokong nilalamig ako. Pero mapapaaway ako ngayon kaya kinuha ko ang tali ko na nasa wrist ko. Itinali ko ang medyo mahaba kong buhok into a high ponytail.
Nagsimula na rin ang magstretching at ihanda ang katawan ko sa bakbakan ngunit bago pa akong matapos ay may biglang sumugod sakin at akmang hahampasin ako gamit ang dala niyang tubo.
Nakaiwas ako sa ataking iyon at susuntukin sana siya ngunit may sunod na namang umatake sakin. Nakaiwas ulit ako.
Hindi sila tumigil kakasugod sakin at atras lang ako ng atras abang umiilag. Sa kondisyon ko ngayon, hindi ako makakatagal sa sitwasyong ito kung hindi ko sila mapapatumba isa isa sa lalong madaling panahon. Kaunting lakas nalang ang meron sakin sa araw nato kaya humanap agad ako ng tyempo para makuha sa isa sa kanila ang hawak na tubo o kahiymt yung baseball bat lang.
May akmang hahampas na naman sakin kaya tumagilid ako dahilan para hangin lang yung mahampas niya. Hinawakan ko agad siya sa braso at patagilid na tinuhod ang tiyan niya. Nawalan siya ng lakas dahil dun at lumuwag yung pagkahawak niya sa baseball bat kaya kinuha ko agad yun at inihampas sa ulo niya.
At....
Boom! Knock out!
Hindi pa umabot ng iilang segundo ay may umatake na naman sakin. Umiwas ulit ako at hinampas sa kaniya yung baseball bat.
"Wag kayong tumigil hanggang sa di namamatay yang babaeng yan!!" rinig kong utos ni East sa mga kasama niya.
Inis kong tinignan si East na ngayo'y ngumingisi na.
"Are you scared now, little princess?" tanong niya at umupo sa trono niya kuno.
Hindi ko na siya nagawang sagutin dahil wala pa rin silang tigil sa pag atake sakin. Nagsimula na rin akong mapagod nang halos kalahati na sa kanila yung napatumba ko.
May naramdaman akong tao sa likod ko kaya napalingon ako at agad umatras nang makitang may dala-dala siyang kutsilyo. Sa pag-atras ko, may nabunggo ako at agad akong niyakap patalikod kasama na ang mga braso ko kaya hindi ako makagalaw.
Nagpanic agad ako nang nagsimula nang maglakad palapit sakin yung lalaking may dalang kutsilyo.
Kalma lang Gill! Mag isip ka dali!!
Biglang nagflashback sakin yung pagyakap ni Mandy sakin kanina. Kinapa ko yung bulsa ko at may nakuhang isang ballpen na kulay itim at gold.
Huh?!! Para saan to?!!
Nakalapit na yung lalaki sakin at handa na akong sasakin.
Bahala na!!
Pinindot ko yung nasa itaas na dulo ng ballpen para maipakita yung talim ng ballpen pero bigla itong gumawa ng ingay at nabasag yung vase na nasa malayong gilid namin.
Gulat ko yung tinignan. Nagulat din ang lahat!
Baril pala tong ballpen na to!! Urgh!! Bat ngayon ko lang nalaman?!!
Gulat parin iyong may dalang kutsilyo at yung may hawak sakin kaya sinamatala ko na ang pagkakataong iyon para mapatumba sila. Una kong itinutok ang dulo ng ballpen sa binti ng lalaking may hawak sakin at pinindot ang button sa kabilang dulo. Lumikha ulit iyon ng tunog at napabitaw agad ang lalaki sakin at natumba habang sapo sapo ang duguan niyang binti.
Muli kong itinutok iyon ngunit sa binti na ng lalaking may dalang kutsilyo na sa pagkakataong ito, kaaahon lang sa gulat. Natumba din siya agad matapos kong ipinutok sa kanya yung ballpen na baril pala.
Nakikita ko na silang nagpapanic kasama na dun si East. Napangisi ako ng nakakaloko.
"Now, who's scared?" tanong ko kay East na nakatulala nalang.
I smiled sweetly at them bago walang emosyong ipinutok ang ballpen na baril sa paa ni East. Napasigaw siya sa sakit habang kitang kita ng lahat ng may malay sa lugar na to ang dugong umaagos mula sa paa niya.
Blanko ang mukha kong hinarap ang mga lalaking nakatayo pa at takot na umaatras.
"Don't underestimate me and the Zullivans porket alam nyong nasa teritoryo nyo ako at nag iisang kaharap kayo." walang emosyong sabi ko. "It is not my fault na ang hihina ng mga kagrupo niyong napatay ko sa entrance exam ko." dagdag ko pa habang tinitignan sila ng mariin.
Walang nagsasalita sa kanila kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita habang naglalakad patungo sa pinto. "Train hard Alcadians! Maybe you will manage to kill me someday." Nilingon ko ulit sila lalong lalo na si East na galit ang mga matang tinititigan ako bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.
"You call me princess? Okay then! From now on, I will be your dangerous and deadly princess." sabi ko pa at kinindatan sila.
Gill's PoV
Pagkalabas ko sa Alcadia Demon's House, na maswerte kong natandaan ang daan palabas, nadatnan ko sina Hevs at Mandy na nakikipag usap kay Felix Marquez, the student body President.
"Anong meron?" tanong ko sa kanila habang seryoso silang nag uusap.
Napalingon silang tatlo sakin, gulat ang mga mukha.
"Gill!!!! You're aliiivvvveeee!!!" sigaw ni Hevs at tumakbo palapit sakin. Yumakap sya sakin at hinalikan pa ang pisngi ko!! Yuck!
Inilayo ko ang mukha niya sa mukha ko.
"Ano ba Hevs?! Kadiri naman oh. Straight ako!" reklamo ko at pinunasan ang pisngi ko.
"Arte mo naman, Gill! Straight din ako no! Masaya lang kasi ako at nakalabas ka ng buhay!!" sabi niya at akmang yayakapin ulit ako pero umiwas na ako. Sumimangot naman siya sa ginawa ko. "Damot!"
Hindi ko siya pinansin at tumingin na lang kina Mandy at Felix na parehong maaliwalas ang mukha.
"I'm happy that you're alive." sabi ni Mandy sakin. Nginitian ko siya at inilabas ang ballpen na ipinahiram niya.
"Thanks to the ballpen you gave me. Hindi mo naman sinabi kung anong magagawa nitong ballpen na to. Para tuloy akong tanga kanina." sabi ko at ibinalik sa kaniya.
Tinanggap niya iyon. "That's fine. Wala naman atang may pake dun." sabi niya at ibinulsa yung ballpen. "Maraming ganon sa kwarto ko, gusto mo nang isa?" tanong niya at ngumisi.
Excited at tila nagniningning ang mga matang tumango ako sa kaniya. "Sure-----"
"Yo!!!! Gill, ang astig naman ng ginawa mo dun sa loob!" biglang singit ng kung sinong nilalang.
Nilingon ko siya este sila pala dahil yung buong student council pala ang paparating hindi lang si Evan.
"Ang epic nga eh! Nabasag pati yung vase!!" sabi naman ni kamatayan na nakalapit na samin.
Inis ko siyang tinignan. "Paanong hindi mangyayari yun eh wala naman akong alam na baril pala ang ballpen na yun!!" iritadong sagot ko kay Chester na ngisi-ngisi lang. "At paano niyo naman nalaman ang mga nangyayari dun?? Pumasok kayo?" nagtatakang tanong ko nang marealize.
"Nakita mo bang galing kami sa pintong yon? Hindi naman diba??" pambabara ni kamatayan sakin at tinuro ang main door. Sasagot na sana ako nang magsalita ulit siya. "At yan lang yung alam naming pinto ng Alcadia." sabi niya bago pa akong makapagsabing pwede naman sa ibang pinto sila pumasok at lumabas.
Sinimangutan ko nalang si kamatayan at inirapan.
"Gumawa kami ng maliit na butas para makasilip." singit ni Tyler habang may kinakaing chips. "Magmeeting na tayo, may mga gagawin pa ako mamaya." dagdag niya.
Nagpaalam na din sina Mandy at Heaven samin na mauuna na silang umuwi. Habang papunta naman kaming mga student council sa palasyo.
Nauunang naglakad si Felix kasama si Wendy. Nakasunod naman sina Evan at Chester. Kami ni Tyler ang nasa pinakahuli. Tahimik lang siya habang kumakain pa rin ng chips. Inalukan niya ako pero tumanggi ako nang makitang maanghang ang kinakain niya.
Ayoko ng maanghang eh.
Tyler Cohen. Student body member and auditor. A 3rd year high school student. He's good at traps, poisons, and other deadly things. Sa kaniya galing yung mga poison na palaging ginagamit ni Evan sakin.
Siya yung pang huling miyembro ng student council. Hindi ko alam kung bakit pero konti lang talaga kami.
Yung role ko naman dito ay student body member at director of public relations. Ako daw yung ipapadala nila kung may mga dapat kaming iannounce sa bawat troupe.
There are five troupes that exist:
The most strongest troupe is the Winchester, followed by Zullivans, Hillarious, Sartorious at ang pang huli ang mga Alcadians, the least strongest of them all.
Pagkarating namin sa palasyo ay wala nang sinayang si Felix ng oras at nagmeeting kaagad kami.
"This Saturday, as what normal schools should do, magkakaroon tayo ng acquaintance party." panimula ni Felix. "Actually, this party would not be normal. The king will going attend the party. That's why I assumed something will happen." dagdag pa niya.
"Maybe, someone will going to kill the King again?" tanong ni Wendy habang tinitignan ang mga papel sa sa mesa ng meeting room.
"That's possible." pag-aagree ni Felix.
"Tatawagin ko na ba ang mga Hillarious para rito? They are good at protecting something." suggest naman ni Evan. Napalingon ako sa kaniya at naningkit ang mga mata.
"Hindi kaya ikaw ang palaging nag attempt na patayin yung hari? Tutal yun naman talaga yung gawain mo diba??" I asked. Hindi sa hinuhusgahan ko si Evan pero parang ganun na rin nga.
Tumawa si Evan at napailing. Napatingin din sila kay Evan. They seemed interested on where my question will go.
"Why would I do that?? Anong mapapala ko sa pag aatempt na patayin ang hari ng paulit ulit?" tanong niya sakin.
"Kasi trip mo lang?" patanong na sagot ko. "Same ng ginagawa mo sakin ngayong araw."
"Ah yeah. I would possibly do that kung trip kong patayin yung hari. Pero, I'm not. Napakahassle patayin ng hari. Hindi ko kaya." sabi ni Evan at ngumiti.
"He's right. Evan is a serial killer pero hindi siya papatay ng taong alam niyang malabong mangyari." seryosong sabi ni Wendy.
Nagkibit lang ako ng balikat at hindi na nagsalita. Nagpatuloy naman sila sa topic kanina. Hindi ko na maintindihan ang iba kaya inilibot ko nalang ang paningin ko.
Napako ang tingin ko kay kamatayan na nakatulala lang sa kawalan. Seryoso siyang nag-iisip ng kung ano-ano. Hindi ko masiguro kung nakikinig ba siya o hindi.
Anong iniisip neto?
Hinayaan ko nalang siya sa mga iniisip niya.
Sumandal nalang ako sa sandalan ng inuupuan ko at nilingon si Tyler na may panibagong chips na namang kinakain.
Nakita niya akong nakalingon sa kaniya kaya inalok niya ulit ako ng pagkain niya. Hindi na yun spicy kaya kumuha ako ng ilan sa kaniya.
"Gill," tawag ni Felix sakin. Nilingon ko siya habang sumusubo ng chips. "The king asked a favor, I mean command that you, Gillian Hesley Anderson, will accompany him through the party. You will be his partner for the night." sabi niya habang kumukuha ako ng panibagong chips kay Tyler kaya di ko masyadong naiintindihan. Gulat silang lahat na napalingon kay Felix sunod sakin. Nagtataka ko naman silang tinignan. Nakakunot na yung mga noo nila, maliban kay Felix at Tyler na walang pakialam, na para bang may pumasok sa isip nila.
"Ano nga yung sinabi ni Felix? Bakit sila napatingin sakin??" tanong ko kay Tyler at isinubo ang lahat ng chips na kinuha ko.
"Sabi niya, magiging partner mo raw si King Alessander sa Acquaintance Party Ball." walang pakialam na sabi niya at inubos ang lahat ng chips na meron siya.
"Ah." napatango-tango pa ako.
Kapagkuwan ay naubo nang mag-sink in na sakin yung sinabi niya. "Anong sabi mo?!" sigaw ko. Gulat kong nilingon si Felix.
"You're kidding me, right?" tanong ko sa kaniya.
Umiling siya. "No, I'm not." sabi niya at pinakita pa sakin ang message ng hari sa kaniya.

Napakurap-kurap ako.
What the hell?!!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (491)

  • avatar
    Kristel Tuando

    good

    21/07

      0
  • avatar
    Hann-jeff De Fiesta

    mahilig siya gumawa ng stories kaso mahilig din siyang mamitin😟🤣 completed na pero prank lang 😁😂🤣✌

    21/05

      0
  • avatar
    Mary Jane Villamayor Intig

    701 1

    27/03

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด