logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

KABANTA ANIM: Saliazo

Bago ko pa man tuluyang mapagtagni-tagni ang misteryo sa aking utak, bumasag sa katahimikan ang marahang pag-ikot ng isang malaking upuan sa hindi kalayuan.
Napalingon ako, at isang napakagandang babae ang bumungad sa aking paningin. Eleganteng-elegante ang kanyang tindig, ngunit tila ba gawa sa yelo ang kanyang awra. Nakapagtataka dahil tulad ng buong restaurant, puro malalalim na shade ng violet at itim lamang ang kanyang kasuotan. Maging ang kanyang mahaba at bagsak na buhok ay may mga streaks ng kulay lila na tila nagniningning sa ilalim ng chandelier. Ngunit hindi ang kanyang kakaibang istilo ang nagpatigil sa paghinga ko.
Habang dahan-dahan siyang tumatayo at naglalakad palapit sa akin, mas lalong nagwala ang tibok ng puso ko. Bakit ganoon? Bakit parang magkamukha sila ni Mama? Ang hugis ng mukha, ang kurba ng mga mata—parang nakikita ko ang mas matapang at mas sopistikadong bersyon ng aking ina sa harap ko ngayon. Sobra-sobra na ang pagkabog ng dibdib ko, pakiramdam ko ay naguguluhan at mababaliw na ako sa mga nangyayari.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Veda," panimula ng babae. Ang kanyang boses ay parang musika na may dalang kakaibang kapangyarihan na pumupuwersa sa akin na makinig. "Kapatid ko ang mama mo... at ikaw ang nag-iisa kong pamangkin."
Napatulala ako. Parang may bombang sumabog sa pandinig ko.
"Hindi tayo ordinaryong tao, Veda. Mayroon tayong mga kapangyarihan," patuloy sa mahabang litanya ng babae habang seryosong nakatitig sa aking mga mata. "Ang kapangyarihan ko ay tumupad ng hiling ng mga mortal sa pamamagitan ng aking mga putahe, habang ang mama mo naman ay may kakayahang magpagaling ng anumang sakit gamit lamang ang kanyang mga kamay. At ikaw..." Huminto siya nang bahagya, saka sumulyap sa business card na hawak ko pa rin. "...hindi pa nadidiskubre kung anong klaseng witch ka."
"Kaya kita pinili at binigyan ng card na iyan para tumulong sa akin sa kusina. Gusto kitang sanayin bilang Auntie mo," dugtong niya na may kakaibang diin sa huling salita. "Kailangang malaman at magising namin kung anong klaseng kapangyarihan ang nasa loob mo bago sumapit ang ika-isa ng Nobyembre."
Ang bawat salitang binitawan niya ay tila mabigat na semento na dumagan sa buong pagkatao ko. Sobra akong nagulat, parang nawalan ako ng lakas sa mga tuhod ko.
Ano? Si Mama... isang Witch? At ang eleganteng babaeng nasa harap ko ngayon ay kapatid niya? At ang mas malala... ako rin? Witch din ako?!
Paano? Ano ang gagawin ko ngayon? Ang buong buhay ko na akala ko ay simple at normal lang—isang simpleng mag-ina na nagbe-bake lang ng mga dessert sa kusina—ay isang malaking kasinungalingan pala. Hindi kami normal na tao. At ngayon, sa harap ng aking mahiwagang Auntie, unti-unti nang bumubukas ang pinto ng isang mundong puno ng mahika, mga sumpa, at isang tadhana na hindi ko alam kung handa ko bang harapin.
"Sumunod ka sa akin."
Seryosong saad ng turing kong Auntie, bago siya mabilis na tumalikod at naglakad palabas ng kanyang mahiwagang opisina. Wala sa sarili na napahakbang ako upang sumunod, habang si Mr. Eric naman ay tahimik na nakabuntot sa aming likuran na tila isang anino.
Binasag namin ang isang makipot na iskinita na matatagpuan sa pinakaloob na bahagi ng restaurant. Sa bawat metrong nilalakad namin, lalong pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. At maya-maya lang, pagkalampas sa isang makapal na velvet na kurtina, ay nakarating na kami sa loob ng kusina.
Literal na napasinghap ako sa matinding pagkamangha. Kung maganda ang dining area sa labas, walang-wala iyon sa nakamamanghang tanawin dito sa loob. Ang buong paligid ay nagliliwanag; ang mga istante ay napupuno ng mga garapong salamin na may sariling liwanag. Iba't ibang kulay ang nagniningning sa loob ng mga ito—may sumasayaw na usok na kulay ginto, may kumikislap na likidong kulay pilak, at may mga pulbos na tila hinaluan ng mga durog na bituin.
"Vaelis ad mirisora Io."
Nakangiting saad ni Auntie habang nakalahad ang kanyang mga kamay, salubong ang kanyang eleganteng awra sa nagliliyab na kusina. Kumunot naman ang noo ko sa narinig. Ano naman kaya ang ibig sabihin ng kakaibang salitang iyon? Parang katunog ito ng narinig kong binulong ni Mama kaninang umaga bago ako umalis ng bahay.
"Sabi niya, welcome to my kitchen," marahan kong narinig ang bulong sa akin ni Mr. Eric mula sa aking likuran. Napa-wow na lang ako sa isip ko. Ang astig naman, may sarili silang lenggwahe.
"Bago kita turuang magluto ng mga Miri, kailangan mo munang matutunan ang Saliazo," seryosong saad muli ni Auntie. Pagkatapos niyon ay may binanggit siyang dalawang magkasunod na salita na tuluyan nang hindi naunawaan ng utak ko dahil sa kakaibang tono at bigkas nito.
Bahagya akong napaatras at lumingon sa katabi ko. "Kuya Eric, ano po ba 'yung Miri at saka Sa-saliazo?" curious kong tanong nang pabulong, pilit na inaalala ang mga kakaibang termino.
"Ang Saliazo ay ang tawag sa alpabeto at wika ng ating mundo. Ang Miri naman ay nangangahulugang pagkain," seryoso ngunit may paggabay na saad naman ni Kuya Eric, na ikinatango-tango ko na lang habang pilit na isinusulat ang mga impormasyong ito sa aking isipan.
"Kailangan mong matuto nang mabilis, Veda," huling seryosong saad ni Auntie habang nakatitig sa akin nang diretso.
Bago pa man ako makasagot, isang malakas na ihip ng hangin ang biglang dumanas sa buong katawan ko. Nawalan ng balanse ang paningin ko at sa loob ng isang iglap—sa isang kisapmata lang—ay wala na kami sa loob ng modernong kusina ng restaurant sa Bagiuo.
Mabilis kong idinilat ang aking mga mata at napakapit sa braso ni Kuya Eric. Bigla kaming napunta sa isang ganap na ibang lugar. Ang itsura nito ay isang napakalaki at lumang kastilyo. Napapaligiran ito ng makapal at misteryosong kagubatan, at ang mga nagtataasang dingding na gawa sa sinaunang bato ay halos mapuno na ng mga gumagapang na baging at iba't ibang uri ng mahiwagang halaman. Ang hangin dito ay malamig, luma, at puno ng enerhiya. Ito na ba ang mundong sinasabi nila?
"Vaelis ad lunaria."
Nakangiting saad ni Tita habang ang kanyang paningin ay nakatitig sa napakalaki at nagtataasang kastilyo sa aming harap. Ang kanyang awra ay tila nagbago; mas lalo siyang nagmukhang makapangyarihan sa gitna ng sinaunang estrukturang ito.
"Welcome to Lunaria ang ibig niyang sabihin," nakangiting translate naman ni Mr. Eric sa gilid ko. Bahagya akong napatango na lang, pilit na inia-absorb ng utak ko ang pangalan ng mundong ito. Lunaria. Isang lugar na mukhang hindi kailanman maaabot ng kahit anong mapa ng mga tao.
"Eric, ihanda mo na ang silid," seryosong saad ni Tita, bago siya nagsimulang maglakad patungo sa naglalakihang pinto ng kastilyo.
Bago pa man ako makalingon para sumagot kay Kuya Eric, isang mahinang tunog ng hangin ang narinig ko—at bigla na lang siyang nawala sa tabi ko! Napasinghap ako sa gulat. Seryoso, hindi pa rin talaga ako masanay-sanay sa biglaang pag-teleport nila! Dahil sa takot na maiwan mag-isa sa masukal at mahiwagang labas ng kastilyo, mabilis akong napatakbo at sumunod sa mga yapak ni Tita.
Nang makapasok na kami sa loob ng malaking tarangkahan ng kastilyo, literal na mas lalo akong napanganga.
Sobrang ganda. Kahit pa nga nababalot ng mga gumagapang na halaman ang ilang bahagi ng mga dingding na bato, hindi iyon mukhang napabayaan. Sa halip, nagbigay ito ng isang classic at napaka-misteryosong dating—so cool talaga tingnan! Ang nilalakaran namin ay isang malawak na pasilyo na may makapal at marangyang red carpet, na nagbibigay ng napakasosyal na vibe sa buong paligid.
Medyo malayo-layo pa ang nilakad namin sa loob ng tila walang katapusang pasilyo. Habang naglalakad, napansin kong nadadaanan namin ang iba't ibang kulay ng mga pinto sa magkabilang gilid. Ang bawat pinto ay may mga nakasulat na kakaiba at matutulis na simbolo—mga titik na hula ko ay bahagi ng sinasabi nilang Saliazo.
Huminto kami ni Tita sa tapat ng isang malaking brown na pintuan na gawa sa solidong kahoy. Kahit walang humahawak sa seradura, kusa itong bumukas nang dahan-dahan na tila ba sumasaludo sa pagdating ng aking Tita. Naunang pumasok si Tita sa loob, kaya naman huminga ako nang malalim at sumunod na rin ako.
Ngunit agad akong napatigil sa paghakbang at napadilat ang mga mata sa gulat nang makita ko kung sino ang nasa loob.
Nandoon na agad si Kuya Eric! Nakatayo siya nang tuwid sa gilid ng isang malaking board na nakasabit sa dingding. Mukha itong tradisyunal na blackboard na nakikita ko sa mga paaralan sa Bagiuo, pero ang kakaiba rito, ang kulay nito ay hindi itim o berde—kundi isang malalim at misteryosong dark violet. Hawak niya ang isang piraso ng makinang na chalk, tila handang-handa na para sa unang araw ng aking pagsasanay bilang isang Witch.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (1)

  • avatar
    TorrejasMark Anthony

    cool

    6d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด