logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

No More Fan War

No More Fan War

Prim3nightt


Prologue

"Akesha are you okay?"
Kasalukuyan kaming nakatambay sa living room kasi walang pasok dahil sa bagyo. Nakatingin lang ako sa nakasaradong t.v. Bigla akong nauhaw kaya pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig.
Pagkatapos 'kong uminom ng tubig, sumulyap muna ako kay Torrie bago ako umakyat sa kwarto ko. Napapansin 'kong biglang nag iba ang pakikitungo sa'kin ni Torrie at masyado na siyang seryoso.
Hinila ko yung upuan at umupo ako sa tapat ng bintana. Pinapanood ko lang yung walang tigil na buhos nung ulan, parang yung luha ko walang tigil sa pag bagsak. Habang nakatingin ako sa bintana, biglang kumidlat at nakakapagtaka dahil hindi manlang ako nagulat.
Grabe naba yung sakit na nararamdaman ko kaya hindi na ako tinatablan ng gulat? Kung ako ay hindi nagulat, rinig na rinig ko naman yung sigaw ni Torrie sa baba. Bigla akong napatingin sa paa ko nung naramdaman 'kong basa 'yon.
Tinignan ko lang yung paa 'kong dumudugo. Nabubog ako nung pauwi na ako galing school. Napabuntong hininga nalang ako bago ako tumayo. Kahit hirap akong mag lakad, paika-ika akong pumunta sa table kung saan nakalapag yung bag ko.
Kumalat sa floor yung dugo hanggang sa makaratig ako sa table. Kinuha ko yung wallet ko sa bag at napangiti ako nung nakita ko yung band aid na bigay niya sa'kin. Muli nanamang tumulo yung luha ko dahil naalala ko nanaman yung pag asikaso niya sa'kin pag may sugat ako.
"Ingat ka Always." Basa ko sa nakasulat sa band aid. Lagi niyang sunusulatan ng paalala yung band aid na binibigay niya sa'kin para lagi ko daw mababasa yung paalala niya pag tinapal ko na 'yon sa sugat ko.
Lagi niya akong inaalagaan at iniingatan dahil para daw sa kaniya, isa daw akong mamahaling gamit na madaling masira. Paano ko na maalala yung mga paalala niya na nakasulat sa band aid, kung siya mismo ang dahilan kung bakit sugatan ang puso ko ngayon.
"Omg! ang daming blood sa floor!" Kitang-kita ko ang pag aalala niya sa'kin pero hindi na 'yon tulad ng dati. Lumapit siya sa'kin at kinuha niya ang first aid kit na nasa table at nilinisan niya ang sugat ko.
"Hanggang ngayon, band aid niya parin yung gamit mo." Bigla siyang sumeryoso habang nilalagay niya yung band aid sa sugat ko.
"Akesha, pwede mo 'kong kausapin,"
"Alam 'kong mahirap yung pinagdadaanan mo ngayon, pero nandito ako, pwede mo akong kausapin,"
"Akesha parang awa mo na, gusto kitang tulungan bago..."
Hindi niya na natapos yung sasabihin niya dahil tumulo na yung mga luha niya. Niyakap niya ako at pareho kaming umiiyak habang magkayakap.
Pagod na pagod na ako...
Gusto ko nang mag pahinga...
Gusto ko na makalaya sa mapanakit ng mundong 'to...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (129)

  • avatar
    NatashaadilaHafizulaili

    best gilerrr

    25/06

      0
  • avatar
    Yolanda T. Hilot

    100

    23/06

      0
  • avatar
    Genesis Aonuevo Ragada

    So beautiful

    20/06

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด