logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

When I'm Sleeping

Prince's POV
Naglalakad ako papasok ng school nang banggain ako ni Sam 'yong barkada ko. May tinatanong sya sa akin pero hindi 'to nagreregister sa utak ko kung ano 'yon basta ang alam ko lang tanong 'yon, hindi ko sya iniintindi dahil iniisip ko ngayon si Mellea.
Nasa school na kaya sya?
Pumasok na kaya 'yon?
Hindi muna siguro ako papasok ng first period baka kasi mailang sya sa akin, ang tanga ko naman kasi para gawin 'yon.
"Sh*t talaga!" sigaw ko kaya nabigla naman si Sam at lumingon sa akin.
"Pre ang aga-aga minumura mo ko, ngayon na lang nga tayo ulit nagkita ganyan ka pa?" sabi nya with pout lips pa.
"Sorry pre, pero hindi para sayo 'yon para sa akin. Naiinis kasi ako may bigla akong naalala... sige mauna na muna ako sayo." sabi ko at nagpaalam na sa kanya. Nauna na akong naglakad at naiwan naman syang nakatayo dun.
"Pre, mamaya sa 101 bar hintayin ka ng barkada dun!" sigaw nito at nag-okay sign lang ako sa daliri bilang sagot.
Hindi ako dumiretso sa klase ko kasi ayaw kong makaramdam si Mellea ng pagka-ilang sa aming dalawa kaya naman pinili ko na lang muna na tumambay sa bookstore para magpalipas ng oras. For sure na kapag nakita nya ako, magtatago lang 'yon. Bigyan ko muna sya ng space para naman hindi sya mailang sa akin.
Sebry's POV
Pumasok ako nang hindi man lang nagpaalam kay dad, hindi pa rin kasi ako makapaniwala na iba ako sa kanilang lahat na hindi lang ako basta tao. Na meron akong kapangyarihan tapos ngayon kailangan pa na walang makaalam na iba ako sa kanila dahil magiging banta ito sa mga kalahi namin, kailangan kong mag-dobleng ingat ngayon.
Mahirap man tanggapin pero alam ko na darating din ako sa stage na 'yon. Iniisip ko na lang na isa itong biyaya sa Diyos na ibinigay nya at may dahilan kaya nya ito ibinigay. Isa siguro sa mga dahilan eh para maprotektahan ko ang mga taong nakapaligid sa akin lalo na ang mga mahal ko, nangunguna na Mellea dun.
Kaibigan ko sya kaso kahit sa kanya hindi ko pwedeng sabihin ang tungkol sa totoong pagkatao ko. Sa ngayon, hininihintay ko na lumabas ang totoo kong kapangyarihan na sinasabi ni dad, baka mga ilang araw mula ngayon ay matuklasan ko na 'yon.
Pumasok ako ng classroom pero hindi ko nakita dun si Mellea, wala din si Prince.
"Hindi kaya magkasama 'yong dalawang 'yon?" tanong ko sa isip ko habang inilalapag ang bag salikod ng upuan ko.
Napangiti naman ako sa naisip ko dahil 'yong dating pangarap nya lang eh abot kamay na nya. Masaya ako para sa kaibigan ko dahil kapag nagkataon maging sila na ng crush nya for real.
"Hahahaha!" tawa ko.
Pumasok ang prof at nagcheck ng attendance, tinawag 'yong dalawa pero sabi ko na lang na absent sila.
Ilang oras pa ay wala talagang Prince at Mellea ang pumasok, sobrang out of place ako sa klase na 'to, wala man lang akong kakilala.
Hays, saan ba kasi sila?
Dapat nagtext sila kung tatambay sila?
Dahil Trigonometry ang tinuturo, wala akong gana, naboboring ako sa loob ng klase kaya nagpaalam ako na lumabas at pupunta sa cr.
Pagkadating sa cr, walang tao ako lang isa. Namili pa ako ng cubicle na papasukan ko. At habang umiihi, napapaisip ako kung paano ako magpapaliwanag kay Mellea kapag nagkita kami, sobrang maalalahanin pa naman nun tapos kapag hindi valid 'yong reason ko magtatanong ng magtatanong 'yon.
"Hays!" sumigaw ako at bigla na lang ako nakarinig ng parang may nabasag kaya agad akong lumabas ng cubicle. Nakita ko 'yong salamin ng cr na basag as in basag na basag.
"Hala! Ayos pa 'yan kanina ah?!" Kaya sa takot ko na baka ako mapagbintangan sa pagkabasag nyan, agad akong tumakbo pabalik ng classroom.
Ganun na ba 'yon pag pasok ko?
Baka may bumato ng salamin pero wala namang bintana dun sino namang babato dun, hindi kaya may kasama ako sa loob.
OMG! Baka may multo sa cr.
Iniling ko 'yong ulo para itigil na ang pag-iisip at ibinalik ang attensyon sa prof na nagtuturo.
Nakakabaliw ang araw na 'to!
Prince's POV
Pagdating ko sa bookstore, dumiretso ako sa section ng mga songbook. May gig kasi kami mamaya ng grupo sa 101 club. Hinanap ko 'yong lyrics ng song na kakantahin namin mamaya para mapag-aralan ko 'yong chords nun. Since walang akong data, magtitiis na lang muna ako sa songbook.
Nasabi ko ba sa inyo na isa akong gitarista ng grupo? Oo, tama isa akong gitarista ng grupo lahat ng babae tinitilian ako dahil ang galing ko daw maggitara.
Mayabang na ako nun? Haha
Pagkatapos kung maghanap dumaan ako sa mga upuan dun kung saan may mga tao ding nagbabasa, humanap ako ng mauupuan sa tabi ng glass window ng bookstore pero may nakita akong familiar na bag kaya bumalik ako at tinignan 'yon.
"Mellea?"
Nabigla ako sa nakita ko. Natutulog ang kawawang bata sa desk, nakaharap 'yong mukha nya sa labas ng bookstore sa may salamin, natatakpan naman ng kaunti 'yong mukha nya ng buhok at 'yong isa ng kanan nyang kamay naman ay may hawak na ballpen na nakapatong sa desk.
"Bakit dito natutulog 'to? Bakit kaya hindi ito pumasok? " bulong ko sa sarili ko.
Hindi na ako naghanap ng mauupuan, dito na lang ako makikishare. Umupo ako harap nya. Imbis na pag-aralan ko 'yong chords ng kakantahin namin, kinuha ko na lang 'yong phone ko at kinuhaan sya ng picture.
"Wala naman sigurong masama. Ididisplay ko lang sa kwarto ko."
Hinawi ko ng konti 'yong buhok nya, nakita ko na may nakapasak na earphone sa tenga, nakikinig pala sya ng music. Pinagmasadan ko lang syang matulog ang ganda nya pala kapag malapitan lalo na kapag tinitigan mo.
Sa totoo nyan, hindi sa maganda sa unang tingin pero kapag tinitigan mo lalo syang gumaganda. May something sa kanya na hindi ko maipaliwag.
After 30 minutes...
Hindi pa rin sya nagigising. Kanina pa sya tulog.
"Wala ba syang planong pumasok, late na kami! Hintayin ko na lang sya magising...oo tama hihintayin ko na lang sya. Baka gising na din sya mamaya. Bakit kaya ganito 'to kaantok?" bulong ko sa sarili ko. Parang akong baliw dito na kinakausap ang sarili.
Maya-maya ay gumalaw sya, natabig nya 'yong ballpen dahilan para mahulog ito. Hinabol ko 'yong ballpen para hindi mahulog at makagawa ng ingay. Baka kasi magising sya.
Hinayaan ko muna sya matulog, hindi na rin siguro ako papasok, dito na lang muna ako. Samahan ko muna sya. Kawawa naman wala syang kasama.
Mellea's POV
Hind ko namalayan na nakatulog na pala ako, ang tagal kong natulog. Pagka-angat ko ng ulo nakita ko na may lalaki sa harap ko na nakahiga sa desk. Hindi ko makita 'yong mukha nya pero familiar sya kaya lumapit ako at tinignan 'yong lalaki.
"Whooaa--- Anong ginagawa nya dito? Paano nya nalaman na nandito ako?" Nagulat ako nang makita ang mukha nya, si Prince pala 'yong lalaking 'to.
"Teka! Anong oras na ba?" Napatingin ako sa relo ko at halos mataranta ako dahil sobrang late na ako para sa second period ng klase.
"Sh*t! Anong gagawin ko? Papasok pa ba ako?" tanong ko.
Napatingin naman ako sa maamong mukha ni Prince, nawala 'yong pagkataranta ko at kumalma ako ng konti. Umupo ako sa tabi nya at pinagmasdan sya.
"Ano bang ginagawa mo dito? Iniiwasan na nga kita eh, pero okay na din na tulog ka atleast hindi ako naiilang sayo. Kasi paggising ka tapos nakikita ko 'yong mata mo, hindi ako makapag-isip ng maayos para akong iwan. Prince, sana tayo na lang? " bulong ko sa kanya habang nakatingin lang sa kanya. Hindi naman nya 'yon maririnig eh tulog kasi sya.
"Ang ganda ng pilikmata mo, ang hahaba, yong lips mo ang pula tapos 'yong ilong mo na hindi katangusan bumagay naman sa mukha mo," Hinimas ko ng marahan ang ilong nya pababa.
"Yong shape ng mukha mo ang ganda, parang lahat ng tungkol sayo maganda. Asset mo ata 'yang nunal mo sa may itaas ng labi mo sa bandang gilid? Hahahaha ang gwapo ng crush ko, ay hindi ng mahal ko pala hahaha." kinikilig na sambit ko.
Kung anu-ano nang pinagsasabi ko dito. Ito kasi yong unang pagkakataon na nakita ko syang tulog tapos matagal kong natitigan 'yong mukha nya hanggang sa magsawa ako, pero never akong nagsawa sa kakatitig sa kanya.
Nagulat ako ng bigla syang gumalaw kaya napatayo ako sa kinauupuan ko at bumalik sa upuan ko.
"Alis na kaya ako? Baka malapit na sya magising?" sabi ko at agad na kinuha ang bag para umalis na.
"Ayaw ko na makita nya ako? Awkward pa din kasi eh."
Umalis na ako pero nilingon ko pa sya ulit pero tulog pa rin sya.
Prince's POV
Nakaalis na si Mellea saka ako bumangon. Ang akala nya tulog ako pero hindi. Nakapikit lang talaga ako habang nakikinig ng music. Nabigla nga ako ng bigla syang tumabi sa akin tapos pinanggagalaw nya 'yong pilikmata ko, 'yong ilong ko na hinimas nya pa, tapos 'yong labi ko.
"Sh*t kinapa nya!" Gusto ko syang pigilan kanina pero kaso gusto ko pang marinig 'yong mga sasabihin nya kaya nagkunwari muna akong tulog.
Kinilig ako sa mga sinabi nya lalo na dun sa part na...
"Hahahaha ang gwapo ng crush ko, ay hindi ng mahal ko pala hahaha."
"Sh*t kalalaki kong tao kinikilig ako." napapangiti ako nung naalala ko 'yon.
Hindi sana sya aalis kung hindi ako gumalaw. Lintik kasi, biglang kumati 'yong likod ko, hindi ko na matiis yong kati kaya gumalaw na ako. Sayang marami pa sana ako maririnig eh.
Umalis na ako at pumunta ng classroom.
Nakita ko sya dun na kinakausap si Sebry, tawa sya ng tawa. Ewan ko kung anong pinag-uusapan nila basta alam ko nakakatawa 'yon. Pagkalapag ko ng bag lumapit ako sa kanila at kinamusta na din si Sebry pero sya wala pa ring imik, tumigil pa nga sya sa pagtawa sabay tumalikod sa akin.
Nahihiya pa din ba sya sa akin, awkward pa rin ba?
Anong bang problema nya sa akin?
"Okay lang naman Prince." sagot naman ni Sebry sa akin.
Ngumiti lang ako at bumalik na sa desk ko pero 'yong sadyang iniiwasan nya talaga ako. 'Yong buhok nya sinadya nyang iwagwag para matakpan 'yong mukha nya.
Halata sa kanya na tinataguan nya talaga ako.
"Ano bang gagawin ko sayo?" bulong ko.
Pumasok na 'yong prof namin sa World Literature at nagsimulang magturo. Kiniwento nya 'yong isang alamat na bago ko lang narinig.
Tungkol sa isang sanggol na nakagat ng isang halimaw.
Nagpatuloy si sir sa pagkikwento, lahat ay nakatutok ang attensyon sa prof namin, ganun din si Mellea. Pansin kung hindi na nakatabon 'yong buhok nya sa mukha nya kaya kitang-kita ko ang kabuuan ng mukha nya.
Nakatukod naman 'yong kamay nya sa baba nya. Bahagya kong napapasulyap sa kanya, hindi ko mapigil ang sarili kong hindi sya tignan. Ako naman ay hindi mapakali dahil parang narinig ko na ang kwentong 'yan hindi ko lang siguro kung saan at kailan at kung totoo bang nangayri 'yan.
Pagkatapos ng klase ay sumabay ako kina Sebry sa lunch. Hindi pa rin ako kinikibo ni Mellea kaya lumapit na ako sa kanya pero wala pa din. Kinausap ko sya pero wala pa rin.
Nakarating na kami ng canteen pero wala pa rin talaga. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko. Nakakatakot sya kapag tahimik, hindi mo alam kung anong iniisip nya. Kung makatingin sya parang mangangain ng buhay.
"Anong gusto mong kainin?" Lakas loob kung tanong sa kanya. Pero umiwas lang sya. Napansin ko naman na nagtataka na si Sebry sa amin kaya nagtanong sya.
"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Isang araw lang ako nawala nagkaganyan na kayo? May nangyari ba?" Hindi ako sumagot sa halip ay tinignan ko lang sya.
"Mellea!" sumigaw na ako kaya naman tumigil sya sa paglalakad, tinalikuran nya kasi ako. Ayoko pa naman na tinatalikuran ako kapag kinakausap.
Lumingon sya at kumunot ang noo.
"Bakit!" sigaw nya din.
"Parang kang ewan Prince. Problema mo ba?" dagdag nya pa. Bakas sa mukha nya ang inis at naiirita na sya sa akin.
"Ano nga kasing gusto mong kainin?!!" sigaw ko pero lumapit sya at hinila ang braso.
"Nakakainis ka na ah, pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito." Hinila nya ako pabalik sa pagkain at pumili sya ng makakain.
"Ito gusto ko, ito, ito, ito masaya ka na!?" sabi nya sabay rolled ng mata.
"PAPANSININ MO DIN PALA AKO EH, KAILANGAN PA NATING MAGSIGAWAN!? HINDI MO RIN PALA AKO KAYANG TIISIN EH!" madiing sabi ko para dama nya.
Wala akong pakialam kung magtinginan ang mga tao dito sa amin. Natahimik naman sya sa ginawa ko. Hindi nya ini-expect na gagawin ko 'yon.
Kinuha ko lahat ng tinuro nya, pagdating sa upuan tumabi ako sa kanya para naman asarin sya.
"Doon ka nga! Wag ka dito. Si Sebry dyan!" Pagtutulak nya sa akin pero dahil malakas ako hindi nya ako napaalis sa upuan.
"Ayoko ko, gusto kita katabi!" sigaw ko ulit sa kanya.
"Bakit ba sinisigawan mo ko, kanina ka pa? Badtrip!" galit nyang sabi.
"Joke lang!" nilambingan ko na lang ang pagkakasabi ko sa kanya.
"Joke mo mukha mo. Kumain ka na dyan!" litanya nya sa akin.
Kumain na kami habang kumakain eh naisinggit naman ni Mellea 'yong tungkol sa discussion ni sir kanina tungkol sa sanggol na nakagat ng demonyo.
"Possible kayang totoo 'yon? Na kapag nakagat ka ng demonyo, magiging demonyo ka na rin?" Nagkatinginan kami ni Sebry sa tanong nya. Huminto naman ako sa pagsubo at uminom ng maraming tubig.
"Bakit mo naman natanong 'yan?" tanong naman ni Sebry sa kanya.
Nagkibit-balikat naman si Mellea. "Wala lang. Curious lang ako lalo na dun sa mga knight at fairy ng guild na sinasabi ni Sir?"aniya.
"Kathang isip lang naman 'yon Mellea eh. Hindi 'yon totoo. " tugon ni Sebry sa kanya.
"Hindi ba ang astig nun? May kapangyarihan. Gusto ko rin magkaroon ng ganun kung totoo 'yon." masaya nitong sabi. Naubo na lang ako sa sinabi nya.
Lumingon sya sa akin. "Okay ka lang Prince?" aniya.
Nasamid naman si Sebry sa huling binanggit ni Mellea.
"Oh okay ka lang bes?" tanong ni Mellea ulit.
"Dahan-dahan sa pag-inom ng tubig." saad nya ulit.
Pinagpatuloy na lang namin ang pagkain habang ginugulo ko naman si Mellea sa pagkain nya, hindi naman nagsasalita si Sebry dahil na rin siguro sa pagtatago nya ng sekreto kay Mellea.
Ayaw nya man ay wala syang magagawa kundi ang itago ang katotohanan sa kaibigan. Kagaya ko na nagatatago ng sekreto sa kanya, gusto ko sabihin pero hindi maaari dahil mapapahamak sya at ang guild namin.
Gusto ko si Mellea pero natatakot ako na dumating 'yong araw na magkakahiwalay kami dahil ibang mundo ang iniikutan nya at iba rin sa akin. Kahit gusto ko syang isama hindi pwede kaya habang nandito pa ako sa mundo ng mga tao sinusulit ko na ang pagkakataong makasama ang taong minamahal ako at minamahal ko.
Oo, mabilis ang lahat para sa akin pero sigurado na ako sa nararamdaman kong mahal ko na sya. Wala naman sa bilis o tagal na nakilala mo ang isang tao para masabi mong mahal mo sya.
Kapag naramdaman mong sya na, na kapag hindi mo na kaya na wala sya, na hindi sya nakikita, hinahanap mo palagi 'yong presensya nya sapat na para masabi mo na mahal mo ang isang tao. Lalo na't hindi mo na nakikita ang sarili mo sa iba kundi sa kanya lang na kapag tumingin ka sa mga mata nya malalaman mong sya lang, sya na nga.
Hindi ko palalampasin ang pagkakataon na mapalapit sa taong tunay na nagmamahal sa akin, si Mellea. Habang magkasama pa kami, papasayahin ko at poproteksyunan ko sya.
Nagatataka lang ako kung bakit hindi ko na mabasa ang mga nasa isip nya, hindi na kagaya ng dati na kahit hindi ako tumingin sa mga mata nya ay nababasa ko 'yon ng malinaw. Hindi kaya humihina na ang kapangyarihan ko pero impossible 'yon dahil wala naman akong nararamdamang kakaiba sa katawan ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (86)

  • avatar
    Jemjem

    ayos talaga tong story na to, ang ganda. habang pahaba nang pahaba yung story, paganda din nang paganda. more chaps pa author. 😘😘😘

    09/12/2021

      1
  • avatar
    Nathalie Kate Elizaga

    nice

    24d

      0
  • avatar
    TanomnaJessibelle

    in this first chapter maganda na agad

    26/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด