logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

First Move Gone Wrong

Prince's POV
Pagkatapos naming dumaan sa canteen para bumili ng mogu-mogu ay sinamahan ko sya na bumalik sa classroom nya. Pagdating dun wala kaming nakitang Sebry, kahit 'yong bag nya wala na din dun.
"Huh? Saan sya pumunta? Umuwi na kaya 'yon?" nagtatakang saad nita saka lumapit sa desk ni Sebry.
"Baka umuwi na nga sya." sagot ko na lang at kinuha 'yong gamit nya.
"Hindi man lang sya nagpasabi na uuwi na pala sya." bulong nito.
Muli syang bumalik sa desk nya para kunin 'yong gamit nya pero nakuha ko na 'to. Hindi nya pala napansin na binitbit ko na 'yong notebook nya na nakalapag sa ibabaw ng desk. Nang makita nya ako na palabas na ng pinto ay sumigaw sya.
"Oy notebook ko, akin na yan!" sigaw nya.
Pwersahan nyang kinukuha 'yon sa akin pero dahil malakas ako at matangkad ay hindi nya 'yon nagawang kunin sa akin.
"Bakit ba? Dito lang sa akin. Ako na magdadala. Hindi ko naman 'to nanakawin." sabi ko habang inaabot nya ang kamay kong nakataas.
"Prince, akin na kasi. Sige na please nakikiusap na ako." nagmamakaawa na sya pero hindi ko pa din binababa ang kamay ko.
"Mellea, ano bang meron dito at ayaw mong hawakan ko? Don't tell may mga nakasulat dito tungkol sa akin." Sumimangot sya.
Kaya naman ay tumalikod ako at ini-scan ang loob ng notebook. Sa likod ng notebook wala naman nakasulat pero sa kalagitnaang bahagi bahagyang nagpabilis ng lukso ng puso ko.
"I love you, Prince Cleyton Crossen."
Napatigil ako at napahinto din sya nang mapansin nyang nakita ko na 'yong nakasulat dun. Tila tumigil ng ilang minuto ang oras at nakatitig lang ako sa mga salitang 'yon. Marami na akong nabasang letter o greetings na may ganito pero ang isang 'to ang sobrang nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa akin.
Hindi ko maipaliwanag pero nagsisimulang magkaroon ng halaga ang lahat tungkol sa kanya. At sa oras na yun, nagsimulang kumabog ang dibdib ko.
"Akin na nga kasi...ang kulit mo kasi ayan kung anu-ano nang nababasa mo." Mabilis nyang hinila ang notebook sa akin.
Nawalan na rin ako ng kapit kaya nakuha na nya ito. Daha-dahan akong tumingin sa kanya at napatanong na lang.
"Bakit hindi tayo nagkakilala noon? Bakit ngayon lang?" seryosong tanong ko sa kanya.
Hindi sya makapag-salita at makatingin ng diretso sa mga mata ko kaya lumapit pa ako sa kanya ng husto.
"H-huh? Umm...'yong nabasa mo w-wala lang 'yon ah." Papalapit ako ng papalapit sa kanya pero umaatras lang sya nang umaatras.
Nahihiya man ay pinipilit n'yang magsalita. Hindi mapakali 'yong mata nya kung saan-saan sya tumitingin para lang iwasan ang mga tingin ko.
"Curious ako? Bakit mo ba ako minahal?"
Mas napalapit ako sa kanya hanggang sa kadangkal na lang ang lapit ko sa mukha nya. Ramdam na ramdam ko panginginig nya sa kabang nararamdaman nya. 'Yong hininga nya na tumatama sa may leeg ko nagdudulot ng kiliti sa akin.
"Umm, h-hindi ko alam. E-ewan ko. Hindi naman kailangan ng dahilan para mahalin mo ang isang tao, hindi ba?" aniya hanggang sa tuluyan na s’yang napasandal sa pader.
Nauutal man ay nagawa nya pa ring sabihin ang nais nya. Hindi ko naman alam ang isasagot dahil talagang natamimi ako sa sinabi nya. Ang tagal nya na palang nasa One Sided Love sa akin hindi ko man lang nalaman 'yon.
Ang tanga ko para hindi sya mapansin. Kung noon ko pa sana pinansin ang mga pagreregalo nya sa akin, pagpapapansin nya sa social media edi sana noon pa ako naging masaya sa piling nya.
Hindi sya mahirap mahalin dahil wala syang arte. Inosente at totoo, mga katangian na gusto ko sa isang babae. Hindi perpekto pero maipagmamalaki mo dahil sa ugaling meron sya.
Bago ko palang sya nakikilala pero ang dami ko ng nalaman at natutunan. Hindi mo pala kailangan ng dahilan para mahalin mo ang isang tao, kung talagang tinamaan ka ay tinamaan ka talaga.
"Prince. Kalimutan mo na 'yong nabasa mo. Wala lang naman 'yon eh." mahina pero dinig na dinig ko ang mga sinabi nya.
Sa oras na 'to hindi ko mabasa ang nasa isip nya kahit pa nakatitig na ako sa mga mata nya. Isa lang nakikita ko kundi ang repleksyon ko sa mga mata nya. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya.
"Bakit ko naman gagawin 'yon?" tanong ko.
"U-um kasi hindi totoo 'yon."
"Hindi ako naniniwalang hindi totoo 'yon, kayang magsinungaling ng bibig pero hindi nang mga mata. Kita ko sa mga mata mo katotohanan Mellea. Kaya wag ka nang magsinungaling pa." mahina at malumanay kong sabi sa kanya.
"Ayaw ko magsinungaling pero sa tuwing sasabihin ko ang totoo nasasaktan lang ako." Yumuko sya pero inaangat ko ang mukha nya gamit ang daliri ko sa baba nya, maingat at dahan-dahan kong ginawa 'yon.
"Hindi ko hahayaang masaktan ka." bulong ko sa kanya.
Gusto ko syang halikan sa oras na 'to kaya nang ilalapit ko na ang mukha ko ay bigla nya na lang iniharang ang notebook na hawak nya para pigilan ako sa gagawin ko.
Sumilip sya ng kaunti na tamang ang mga mata nya lang ang nakasilip sa ibabaw ng notebook. at dahan-dahan nyang ibinaba 'yon sabay kumaripas ng takbo.
Napangiti na lang sa katangahang ginawa ko.
Hays Prince ang tanga mo, masyado kang mabilis. Mali ang first move mo. Dapat slowly but sweet. Yong hindi sya mapapasabi na ang "bilis mo masyado".
Hindi ko na sya sinundan, hinayaan ko munang makahinga sya ng maluwag dahil alam ko kanina pa sya kinakabahan ng husto. Saka kapag siunundan ko sya mas lalo lang syang maiilang sa akin.
AWKWARD!
Mellea's POV
"Hoooo!" nakahinga din ako ng maluwag, kinabahan talaga ako nung akmang hahalika--
Hays ayaw ko na ngang isipin.
"Ano bang trip nya? Baka pinaglalaruan nya lang ako. Baka naaawa lang sya sa akin dahil matagal na akong nasa One Sided Love sa kanya."
Ano ba yan. Para akong tanga dito, nagsasalita mag-isa. Kinakausap ko ang sarili ko. Para akong sira,. At dahil wala akong mabuntungan ng kahihiyan ko, sinisipa ko na lang 'yong basurang nakakalat sa labas ng entrance.
"Argh! Balak nya ba talaga akong halikan?"
“Baliw sya, tingin nya ba kahit mahal ko sya eh makukuha nya na ako.”
"Hindi akong easy-ing babae no!" sigaw ko kaya 'yong guard napalingon sa akin.
"Miss okay ka lang?" tanong nya.
"Oho! Ayos lang ako manong." tugon ko at saka nagmadaling lumakad.
“Letsee talaga 'yong lalaki na 'yon ginugulo nya utak ko.”
Hindi mawala sa isip ko 'yong eksena kanina.
Lalo na 'yong huli nyang sinabi.
"Hindi ko hahayaang masaktan ka."
"Hindi daw hahayaan, hindi nya ba alam kung ilang beses na akong nabroken dahil sa kanya."
Tumigil lang ako sa pagsisipa ng mga basura dun pero 'yong mga tumatakbo sa isipan ko lalo pang dumadami. Hindi ko tuloy alam kung totoo ba si Prince sa akin kung totoo ba 'yong mga binitawan nyang mga salita kasi kung totoo 'yon tataya na ako magkaroon ng TAYO.
Mahal ko sya. Yon ang totoo ko.
Hindi ko masasabi sya kanya pero dahil sa lintik na notebook na 'to nalaman na nya.
Sa tagal kong nakaupo dun sa waiting shed ng entrance ay hindi ko nakita na lumabas si Prince, dumating na lang si mama lahat-lahat pero walang Prince na lumabas ng campus.
Saan kaya nagpunta 'yon?
May night class ba sya?
"Mellea anak!" Dumungaw si mama sa bintana ng kotse para tawagin ako. Kumaway ako sa kanya para malaman nyang narinig ko sya. Sumakay na ako at umuwi ng bahay.
Sa bahay naalala ko si Sebry.
Bakit kaya hindi pa nagpaparamdam 'yon?
Ano na kayang nangyari sa kanya? Kahit text wala man lang talaga.
Umakyat na ako sa kwarto at nagbihis. Pagkatapos ay bumaba na ako para kumain.
Habang kumakain ay napag-usapan namin ang tungkol sa nangyari kanina sa school. Kinwento ko kay mama ang nakita ko. Gulat na gulat sya at tila ba naging kakaiba ang kilos at reaksiyon ni mama at pinapaiwas ako sa ganun.
"Basta anak, pag may lumapit sayo na hindi mo kilala wag kang lalapit o sasama. Mangako ka anak." Base sa mukha ni mama kita ko ang pag-aalala na baka kung anong mangyari sa akin kapag sumama ako sa lalaking sinasabi nya.
Hindi ko tuloy maintindihan si mama at bigla na lang naging misteryoso ang mga kilos nya. Sobrang protective nya sa akin.
Natapos kaming kumain at nagpresenta ako na ang maghuhugas ng mga pinggan para naman makapag-pahinga si mama. Nagtatrabaho kasi sya bilang writer sa isang kompanya kaya alam kong pagod na pagod sya.
Gusto ko makatapos para dito na lang si mama sa bahay at ako na ang magta-trabaho para sa aming dalawa. Kami na lang ni mama ang magkasama dahil si papa daw ay namatay nung sanggol pa lang ako.
Naaksidente daw kaming tatlo nun pero sa kasamaang palad binawian ng buhay si papa at nakaligtas naman kami ni mama. Kahit litrato ni papa wala ako kaya ang hirap na hindi mo na nga nakilala ang ama mo, wala pang litratong maipakita ang nanay mo.
Ang saklap nun, kaya minsan sa panaginip nakikita ko si papa pero malabo ang kanyang mukha sayang hindi ko man lang nasilayan ang mukha nya. Hindi ko man lang sya naabutan.
"Pagkatapos mo dyan, paki-tapon na din 'yong mga basura natin sa labas. May garbage bin dyan sa malapit." utos sa akin ni mama at saka sya umakyat sa kwarto.
"Opo ma." sagot ko.
Nang matapos ako sa paghuhugas ng pinggan ay sinunod ko namang itapon ang basura sa labas. Walang mga tao ang nasa labas kahit mga sasakyang dumaraan ay wala din, napakatahimik.
Gustong-gusto ko ang gabi kesa sa umaga hindi ko lang kung bakit pero mas gusto ko talaga ang gabi. Punong-puno ng bituin ang langit ang lamig pa ng hangin.
"Hmp. Ang ganda nyo talaga pagmasdan." sabi ko habang nakatingala sa langit.
Nagpatuloy ako sa paglalakad para hanapin 'yong garbage bin pero there's something wrong. I sense na may nagmamasid sa akin kaya mas binilisan ko ang paglalakad. Palingon-lingon ako sa likuran ko dahil nararamdaman ko talagang may sumusunod kaya tumakbo na ako.
At sa paglingon ko sa likod bumangga ako sa isang bagay kaya napagtigil ako sa pagtakbo at nang dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Napatingala ako sa isang naka-hood na lalaki ang bigla na lang sumulpot sa harapan ko.
Nanginginig at nangingilabot ako sa nakita ko. Nakayuko sya kaya hindi ko makita ang mukha nya ng buo. Puno naman ng itim na awra ang itsura nya. Nang itaas nya dahan-dahan ang ulo nya ay nakita ko ang mukha nya napaatras ako at napasigaw sa takot.
Sa pagsigaw ko. Biglang sumulpot si Prince sa likod ko.
"Prince!" natatakot kong sigaw. Halos madapa ako sa pagtakbo sa kanya dahil na rin sa takot na nararamdaman ko.
Agad akong nagtago sa likod nya.
"Lubayan mo si Mellea. Ako ang kalabanin mo!" sigaw ni Prince sa kanya na hindi man lang nakaramdam na kahit anong mang takot.
"Prince! Tara na!" pag-aaya ko sa kanya sabay hila ng damit nya. Pero hindi ko sya mahila, sadyang matigas sya at seryosong nakatingin lang sa lalaking naka-hood.
Tinanggal ni Prince ang kamay kong nakahawak sa damit at naglakad palapit sa lalaking naka-hood. Pero ayaw kong itong alisin ngunit wala akong nagawa kundi ang bumitaw sa pagkakahawak sa kanya dahil pilit nya itong inaalis. Naglakad sya palayo sa akin, hindi ko na alam ang gagawin natatakot ako na baka kung anong mangayri sa kanya.
"Ayoko! Prince! Tara na! Umalis na tayo! Pabayaan mo na sya! " sigaw ko sa isip ko pero walang lumalabas ni-isang salita.
Nakakalimang hakbang pa lang papalayo sa akin si Prince ay sa isang iglap nasa harap na nya ang lalaking naka-hood. Tumingin ito sa akin ng napaka-seryoso.
"Sumama ka na sa akin." nakakatakot ang boses nya tila nag-dodoble ito at nag-eecho sa paligid. Tinignan nya ako ng napakaseryoso at nagulat na lang ako sa bigla nyang ginawa..
"Prince!Hindi! Hindi! HINDI!" Sinaksak nya si Prince at tumumba ito sa harapan ko.
"Mamamatay lahat ng taong mahal mo kapag hindi ka sumama sa akin. Kagaya ng lalaking ito." sinabi nya 'yon at pagkatapos ay bigla na lang syang nawala.
~~~
Nagising akong hingal na hingal dahil sa masamang panaginip na 'yon. Napabangon ako sa takot na nararamdaman ko. Tumingin ako sa paligid at kinurot ko ang sarili para makawala sa isang hindi magandang panaginip.
"Panaginip lang pala." Nakahinga ako ng maluwag nang gumising ako.
Bakit ganun kasama ang panaginip ko?
Sino ba 'yong naka-hood na lalaki?
Bakit ko sya napanaginipan?
Siguro, dala lang 'to ng panonood ko ng mga horor movies.
Sinubukan kong humiga ulit at ipikit ang mata para bumalik sa pagkakatulog ngunit nahirapan ako dahil iniisip ko pa rin ang masamang panaginip na 'yon.
Pumikit akong muli at nagdasal na gabayan ni Lord sa pagtulog ko nang sa ganon hindi na ako makapanaginip ng masama.
Kinabukasan, himalang hindi ako ginising ng alarm clock na bibig ni mama. Nagtaka ako kasi first time 'yon in my life. Kaya bumangon ako at bumaba agad para tignan sya.
"Ma?"
Hindi ko sya nakita pero may isang note na nakadikit sa fridge.
"Nak. Maaga ako ngayon sa office kaya hindi na kita nagising. May pagkain dyan sa lamesa, initin mo na lang baka kasi lumamig na 'yan. I love you, Nak."
“I love you din ma.” bulong ko.
Kinuha ko ang pagkain sa mesa at ininit ito. Umakyat muna ako para maligo at magbihis. Pagka-akyat ko ay sakto namang tumunog na ang oven it means mainit na 'yong ulam kaya bumaba ako ulit. Iniwan ko muna ito sa lamesa at bumalik ulit sa kwarto para mag-ayos.
Habang naliligo, naalala ko na naman 'yong mga nangyari kagabi, nakakatakot isipin na mamamatay 'yong taong mahal mo sa harap mo pa mismo tapos wala ka man lang nagawa. Hindi ko kayang makita ang ganung bagay, wag naman sana mangyari 'yon kay Prince. Madami pa akong pangarap sa aming dalawa, 'di ba mga magiging kami pa.
Binatukan ko ang sarili ko dahil sa ilusyon ko.
"Tumigil ka nga Mellea. Parang kang sira, mangarap ka baka nga pinaglalaruan ka lang nun eh." sabi ko sa sarili pero dahil sa pagbatok kong 'yon sa sarili ko tumalsik 'yong bula ng sabon sa mata.
"Sh*t ang sakit!" Dali-dali kong binuksan 'yong shower para alisin 'yong bula sa mata ko. Sobrang hapdi nya.
"A-aray... Sheesh! Tanga kasi, ang tanga!" sermon ko ulit sa sarili ko.
Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako kaagad sabay kuha ng bag at kumain na sa ibaba.
"Thank you Lord for this food. Thank you for waking me up today. Bless me with your love. Amen " dasal ko at kumain na.
Pagkaalis ko sa bahay, hindi mo na ako dumiretso sa school tumambay muna ako sa bookstore para magpalipas ng oras. Ayoko kasi pumasok ng first sub kasi makikita ko si Prince eh naiilang ako sa kanya lalo na dun sa nangyari kahapon.
"May balak ba talaga syang halikan ako?" napapatanong nalang talaga ako sa sarili ko kapag naaalala ko 'yong part na ilalapit na nya 'yong mukha nya tapos panay pa ang tingin sa labi ko.
"Sh*t! No way!" bulong ko at iniling ang ulo para hindi na maisip 'yon pero I fail kasi naiisip ko pa rin talaga.
“Argh! Ano bang gagawin ko? Paano ba ako magrereact pag nagkita tayo?" Para akong sira na kinakausap ang sarili ko sa loob ng bookstore.
Ipinasak ko na lang 'yong earphone ko at nakinig ng tugtog.Gusto kong lumayo muna sa mundo.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (86)

  • avatar
    Jemjem

    ayos talaga tong story na to, ang ganda. habang pahaba nang pahaba yung story, paganda din nang paganda. more chaps pa author. 😘😘😘

    09/12/2021

      1
  • avatar
    Nathalie Kate Elizaga

    nice

    24d

      0
  • avatar
    TanomnaJessibelle

    in this first chapter maganda na agad

    26/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด