logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 02

Maaga akong nagising kagaya nang nakasanayan. Alas dose magsisimula ang klase namin at alas otso ko naman balak umalis ng bahay.
Pasipol sipol akong nagluluto habang iniisip kung ano ang magiging itsura ni Troy mamaya kapag-inabutan ko siya nito. Para akong binudburan ng asin dahil sa kilig na hindi ko mapigilan sa loob loob ko.
"Oh, ang aga mo namang magluto?"
Nilingon si Tiya Anne sandali, na magulo ang buhok. Halatang kagigising lang niya.
"Ah, may practice kami ngayon Tiya para sa intramurals. Kailangan bago magsimula ang klase ay nandoon na kami sa court." Aniya ko.
"Talaga lang ha?" Hindi kumbinsidong saad ni Tiya.
Pinatay ko muna ang gasol at hinango ang tocino na niluto ko.
Totoo naman ang sinabi ko. Malapit na ang intrams sa amin at kasali ako doon dahil gymnast ako and at the same time ay kasali rin ako sa cheerleading group ng school. Kailangan naming mag-practice before class dahil kailangang magpakitang gilas ng kupunan namin para sa kabilang mga eskwelahan. Isasabay ko na rin ang panliligaw ko kay Troy siyempre. Hindi naman ako pumapalya doon, kahit busy ako sa training ko ay hindi ko naman siya nakakalimutan. Sa katunayan ay siya pa nga ang inspirasyon ko sa lahat ng mga pinaggaga-gawa ko sa school.
"Tiya, para kang walang tiwala sa akin. Gusto mo ihatid mo pa ako sa school para makasiguro ka." Hamon ko.
"Oh siya sige, sabi mo eh. Basta 'yong bilin ko ha? Tigilan ang panliligaw dahil una sa lahat babae ka, Abigail—"
"Tiya nasa new generation na po tayo, hindi na uso na lalaki na lamang ang nanliligaw." Singit ko at nakatikim naman ako ng kurot sa tagiliran.
"Hindi 'yan ang ibig kong iparating sa 'yo. Ang sinasabi ko lang, maghinay hinay ka naman dahil baka maubos na naman ang baon mo. Mamaya magsisi ka dahil maling tao pala ang pinaglalaanan mo niyang oras at pera mo. At isa pa, hindi ba't sinabi ko sa 'yong bata ka pa para sa ganiyan?"
"Tamang tao naman po si Troy, Tiya." Aniya ko na hindi na pinansin ang huli niyang sinabi.
"Tamang tao sa side mo. Pero para sa akin, sa nakikita ko. Masasaktan ka lang sa anak ni Trisha. Hindi ba't binabae 'yon at may nobyo pa?" Tanong niya sabay kuha sa tocino na natira at pinapak.
"Tiya, tsismosa ka ah." Biro ko at salampak ng sarili sa upuan. "Maghihiwalay din naman sila Tiyang." Wala sa sariling ani ko at agad akong nakaramdam ng pagbato. Dinampot ko ang tissue sa ibaba at muling pinatong sa lamesa. Hindi ko na pinansin si Tiya.
Nagbibiro lang naman ako. Pero kung pagbibigyan 'yong biro ko ay aba'y anong tuwa na lamang ang mararamdaman ko? Ngunit impossible, sa mga balita na nasasagap ko ay mas lalo pa atang tumibay ang relasyon ng dalawa. Ngunit kahit gano'n, hindi ako nawawalan ng pag-asa. Alam ko kasing balang araw ay magiging kami rin.
Napangiti ako sa alaalang sumagi sa aking isipan. Nawala din naman 'yon agad ng muling magsalita ang Tiya.
"Abigail ang pag-aaral ang unahin." Muling sambit niya.
"Tiya, nag-aaral naman po ako. Nakita mo naman ang mga grades ko hindi ba? Pasok pa nga ako sa with honors ngayong grading." Pagmalalaki ko.
Hindi nakasagot si Tiya Anne. Napangisi ako nang matapos na ako sa hinahanda ko. Agad kong pinasok sa bag ang pagkain ni Troy at 'yong akin sabay harap ko sa salamin at ayos sa buhok ko. Tamang pulbo at cologne lang ang naging kolorete ko dahil hindi naman ako mahilig sa pagpapapula ng labi.
Nang matapos ako ay tinuon ko naman ang tingin ko sa phone ko. Kaagad akong nag-type ng message para kay Troy, alam kong hindi niya na iyon masasagot kaya naman hindi ko na rin hinintay pa.
"Tiya, aalis na ho ako!" Sigaw ko mula sa sala. Lumabas si Tiya sa kusina at nakangiting kinawayan ako at pinanlakihan pa ng kaniyang mga mata. Tumango na lang ako at nag-thumbs up sa kaniya.
Habang naghihintay ako ng masasakyan na makakadaan sa school ay kinuha ko muna ang phone sa bulsa ko para muling i-message si Troy, ngunit bago 'yon ay tumingin muna ako sa schedule niyang sinend ni Brando sa akin kaninang madaling araw.
Ilang araw na simula nang hingian ko siya ng schedule ni Troy. Ayaw niya pa akong payagan no'ng una dahil baka daw magalit sa kaniya ang kaibigan dahil siguro daw siyang susulpot ako sa kung saan saan. Bagay naman na totoo, pero ngayon, mukhang napapayag ko na rin siya. Ang katuwiran niya pa kanina ay dahil ipagluluto ko daw si Troy kaya naman pumayag siya.
Naka-ilang pasasalamat pa ako sa kaniya at hindi ko naman siya binigo, dahil mamaya, ako na mismo ang pupunta sa room nila para hindi na siya bumaba at makipagsiksikan sa cafeteria.
Napapilatak ako nang makita ang oras ngayon. Sakto, break time niya na. Agad kong pinindot ang call at ilang sandali pa ay sinagot din niya 'yon.
"Mabuti naman at sinagot mo agad. Akala ko maghihintay pa ako nang ilang oras bago—"
"Abigail?" Ani ng isang pamilyar na tinig. "Si Jack 'to, nasa clinic kasi si Troy ngayon. Sabihan ko na lang siya na tumawag ka ah, bye."
Para akong namatanda sa boses na sumagot sa phone ni Troy. Ilang beses akong napalunok at pinilit na mai-sink in sa utak ko ang sinabi ni Jack. Wala na akong sinayang pang sandali. Pumara ako nang pumara hanggang sa may masakyan ako papunta sa school. Kinakabahan ako para sa kaniya. Ano kayang nangyari? Halos hindi ako mapakali. Ilang beses ko pang nakakagat ang pang-ibaba kong labi dahil sa mga senaryong naglalaro sa utak ko. Napapikit ako at ikinalma ang aking sarili. Walang mangyayari kung kakabahan ako at magpa-panic kahit hindi ko pa alam ang buong nangyari. Pagkababa ko sa gate ay tinakbo ko na lang nag paloob. Agad ko namang nakita si Brando na kasama si Candy, napansin din nila akong dalawa at agad na sinalubong.
"Nangyari sa 'yo?" Takang tanong ni Candy na pina-upo pa ako at hinagod sa likod.
Hinarap ko si Brando. "S-Si Troy?"  Kabadong tanong ko. "Kumusta si Troy?" Tanong ko ulit.
Tumagilid ang ulo ni Brando at tumikhim. "Nasa clinic, nagdugo lang 'yon ilong dahil sa sobrang pagod at wala rin pa lang tulog ang bakla. Huwag kang mag-alala bebe, maayos naman ang taong 'yon."
May paniniguro sa boses ni Brando pero hindi ako natinag. "Puwede ko ba siyang makita?"
"Ay naku nandoon si Jack. Tsaka mo na puntahan kapag wala na 'yong boylet niya." Aniya sabay bukas niya nang kaniyang pamaypay.
"Ano naman ngayon? Ku-Kumustahin ko lang naman si Troy. Nag-aalala ako, tsaka isa pa, kilala naman ako ni Jack." Nguso ko sabay tayo ngunit agad akong pinigilan ni Candy.
"Magagalit sa 'yo si Troy kapag bumira ka sa moment nila. Gusto mo bang masabunutan? Hindi mo ba natatandaan 'yong bilin sa 'yo ni Troy?"
Hindi ako nakasagot. May punto rin kasi si Brando. Kung pupunta nga naman ako sa clinic habang nandoroon si Jack ay baka ito na rin ang huling araw ko na makalapit sa kaniya. Agad na pumasok sa isipan ko 'yong kasunduan naming dalawa. Dapat pala ay hindi na lamang ako pumayag, pero ako rin naman ang walang pagpipilian.
Lumipas ang ilang oras. Ang balak kong puntahan si Troy sa clinic ay hindi na natuloy dahil hindi naman siya iniwan ni Jack doon. Habang nag-pra-practice ay nagdahilan pa ako na nakaramdaman ako ng hilo, dahil doon ay nakapasok ako sa clinic. Umasim ang mukha ko sa nakita. Naka-higa si Troy habang nasa upuan naman si Jack. Magkahawak ang kamay nila at nakangiti sa isa't isa habang magkatitig. Kirot sa puso ang bumalatay sa buo kong pagkatao, dahil kahit dumaan ako sa gilid ni Jack ay hindi man lang ako nilingon ni Troy. Para bang wala siyang nakikitang iba nang mga oras na 'yon kung hindi si Jack lang.
Dumating ang uwian at mangilan ngilan na lamang ang nakikita ko na mga kapwa ko estudyante na papalabas na sa gate. Huminto ako sa may waiting shed at inayos muna ang gamit ko. Nauna na si Candy dahil sinundo ito ng nobyo niya, kaya ang ending ako na naman mag-isa ang uuwi. Ilang beses akong niyaya ni Candy na sumabay, pero ayaw ko namang maging third wheel. Alam ko rin naman kasing hindi pa sila agad umuuwi dahil kumakain pa sila sa labas. Ang pangit namang tingnan kung sasama ako, hindi naman makapal ang mukha ko para maki-eksena.
"Pauwi ka na, Abigail?"
Kunot ang noong nagbaling ako nang tingin sa pares ng sapatos na nasa gilid ko. Sumilay ang ngisi nito sa labi nang magtagpo ang aming paningin.
"Hindi ba obvious?" Pagtataray ko.
Ngumiwi ito at nagkamot sa ulo niya. "Hatid na kita, kung ayos lang sa 'yo? Mukhang wala ka naman kasing kasabay at pa-gabi na rin."
Umiling ako. "Thanks but no thanks, Samuel. Kaya ko na ang sarili ko, tsaka, kung puwede wag mo na akong lapitan, puwede ba 'yon?" Inis kong saad sabay irap sa kaniya. Mabilis kong dinampot ang mga gamit ko ngunit mabilis naman akong kinabig ni Samuel palapit sa kaniya.
"A-Ano ba?!" Pagtutulak ko sa dibdib niya ngunit sadyang malakas ang puwersa ng pagkakayapos ni Samuel sa 'kin.
"Ihahatid lang naman kita, Abigail. Hindi mo na nga ako sinagot ayaw mo pa akong pagbigyan na maihatid ka man lang? Masyado mo naman akong ipinagtutulakan." Punong puno ng hinanakit ang boses niya.
"S- Samuel, puwede ba? Hindi ka makaintindi noh? Ilang beses mo na ba akong sinubukan maihatid ha? Bakit ba hindi mo ma-sink in sa utak mo na ayaw ko nga sabi! Ayaw ko na maihatid mo ako at ayaw ko rin sa 'yo!" Gigil kong litanya at naiinis nang tumitig sa kaniya.
Napabitaw si Samuel sa akin at agad kong kinuhang tiyempo 'yon para makalayo sa kaniya ngunit kagaya kanina ay mabilis niya ako muling hinablot. Ang kaninang kalmado niyang aura ay nawala, bagkus ay nangingilid ang luha nito at nagsisilabasan ang mga ugat tanda na galit ito sa narinig.
Dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko pa nakikitang magalit si Samuel sa inaraw-araw kong pagtataboy sa kaniya.
"N-Nasasaktan ako S- Samuel!" Pilit ang tapang sa boses ko. Ngunit mas lalo lamang niyang diniinan ang pagkakadaklot sa aking braso.
Gusto ko nang maiyak sa sakit. Hindi pa ako kailanman napagbuhatan ni Tiya o ni dinaklot ng ganito kasakit, kaya't nilulukob ako ng takot sa buong sistema ko.
"Bakit ba hindi ako kayang pagbigyan, Abigail? Straight ako, hindi katulad no'ng nililigawan mo. Ni kahit ngayon ay kaya kong patunayan ang sarili ko sa 'yo! Bakit hindi na lang ako—"
"Dahil hindi ikaw ang gusto niya."
Nanlalaki ang matang napabaling ang tingin ko sa bultong papalapit sa amin ni Samuel. Para akong nabuhayan ng pag-asa nang magtama ang tingin namin. Nakakunot ang noo nito, may bulak sa kanang butas ng ilong niya at salubong ang may kakapalang mga kilay. Nakapamulsa na tuluyang Huminto ito sa gilid namin.
"At sino, ikaw?!" Gigil na anas ni Samuel sabay pabatong bitaw sa akin at akmang susugurin si Troy ng mabilis ko siyang hinarangan.
"Subukan mo, Samuel. Subukan mo, talagang magsusumbong ako sa guidance para mawalan ka ng scholarship at posisyon sa paaralang ito." Pananakot ko na tila nakapag-pabalik sa kaniya sa katinuan.
"Abigail—"
"Let's go, gabi na. Baka ma-engkanto tayo dito, mahirap na." Singit ni Troy na dinampot pa ang mga nahulog kong gamit at isinukbit sa balikat niya ang shoulder bag ko.
Hindi na ako tumingin pa kay Samuel, sumunod ako sa mga yabag ni Troy habang kalikot ang daliri ko. Hindi ko alam kung papaano ko siya pasasalamatan, nahihiya ako sa hindi malaman na dahilan.
Nang makalabas kami ay huminto kami sa parking lot at iniabot niya sa akin ang bag ko. Umirap ito sa akin na para bang may ginawa ako sa kaniya, samantalang ngayon lang naman kami nagkita. Hindi ko na lamang pinansin 'yon dahil para akong tinakasan ng lakas.
"Akala ko ba lalayuan mo na 'yon?" Untag niya.
"Sino?" Patay malisya kong tanong.
"Sino pa ba?" Natatangang tanong niya sabay hilamos sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang mga palad. "Tsk, bahala ka nga, pakialam ko naman kung hindi mo layuan ang kumag na 'yon? Dapat matuwa nga ako dahil mawawala ang isang asungot sa paligid ko."
"Ano bang pinagsasa-sabi mo Troy?" Naguguluhan kong tanong at tinangka pa siyang hawakan pero umiwas ito.
"Si Samuel. Iyong kaklase kong patay na patay sa 'yo!" Sigaw niya dahilan para mapapikit ako. Bakla talaga.
"Sinasabi mo bang hindi ko nilalayuan 'yon?"
Hindi siya sumagot.
"Hindi ko siya nilapitan kanina kung 'yan ang pagkaka-intindi mo sa sitwasyong nadatnan mo. Nauna ako doon at nagpumilit siyang ihatid ako. Siya ang lumalapit sa akin Troy, hindi ako." Paliwanag ko pero umiwas ito ng tingin.
"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo. Wala naman akong pakialam." Pagtataray nito.
Napabuga na lang ako ng hangin at tumalikod sa kaniya. Rinig ko ang mahinang tanong nito kung saan ako pupunta gayong kinakausap niya pa ako, pero hindi ko na siya nilingon.
"Abigail!" Sigaw pa niya.
Huminto ako habang nakayuko sa mga paa ko. Ngumiti ako ng payak.
"Uuwi na ako, Troy. Pagod ako at—siya nga pala." Baling ko agad, nakita ko siyang papalapit na sa akin na kusa ring huminto. Ibinaba ko ang ilang kong mga gamit sa lapag at hinalungkat ang bag ko. "Oh," abot ko sa tupperware na may pagkaing para sa kaniya.
Walang alinlangan niya naman iyong tinanggap na may nagtatanong na ekspresyon.
Inayos ko ang sarili ko at binigyan siya ng ngiti na lagi kong ginagawa pagkaharap ko siya. "Niluto ko 'yan, para sana sa tanghalian mo kaso nasa clinic ka. Balak ko pa rin sanang ibigay kanina sa 'yo kaso busy naman kayo ni Jack sa isa't isa at nakita ko ring pinapakain ka niya. Lumamig na 'yan, iinit mo na lang." Aniya ko bago tumalikod at mabilis na naglakad.
"Abigail!" Muli niyang tawag pero nagbingi-bingihan lang ako.
"Itago mo 'yong tupperware! Mas mahalaga pa 'yan sa lahat ng mahalaga!" Balik kong sigaw at pumara ng isang tricycle.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (5)

  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Wow!! subrang nagandahan aq sa love story nila. Thanks and congrats author ❤️❤️❤️

    14/11

      0
  • avatar
    Emil Albarico

    500

    10/11

      1
  • avatar
    manuelronald

    😍😍😍

    23/12/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด