logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 01

"Tiyang naman eh! Sabi nang ipinang-bili ko nga po ng pagkain para sa mga pulubi. Alam niyo namang matulungin akong tao, kaya ayon, doon nauubos lahat ng baon ko—Aray ko, Tiyang!"
Napahawak ako sa bunbunan ko nang makatikim ako nang sambunot kay Tiya. Hindi naman gaanong masakit 'yon pero kailangan kong umaray dahil tiyak na hindi niya ako bibitiwan.
Hindi ko alam kung bakit bigla niya na lang ako sinugod dito sa kusina at agad na tinanong ang tungkol sa baon ko. Ngayon lang siya nainggtriga nang ganito kaya naman laking pagtataka ko.
Hindi kaya sinabi ni Candy? Pasimple akong napailing. Kahit naman madaldal ang bibig no'n hindi naman niya ako kayang ilaglag.
"Ako nga huwag mo nga akong pinaglolo-lokong bata ka." Duro niya sa akin na may nanlalaking mga mata. "Alam ko kung saan napupunta ang mga baon mo, Abigail. Ilan taon ka na ba ha? Labing walong taong gulang ka pa lang, gusto mo nang pumasok sa isang relasyon?! Aba'y gusto mo atang mabuntis ng wala sa oras."
Ngumuso ako kay Tiya. "Grabe ka naman, Ta. Porket papasok sa relasyon mabubuntis agad? Bakit si Candy po, hindi pa naman buntis." Pangangatwiran ko pa.
Nakita kong nasapo ni Tiya ang noo niya. Masama itong tumingin sa akin at napaupo sa katapat kong upuan. Agad ko siyang inabutan ng maiinom. Baka atakihin siya ng high blood niya dahil sa akin. Bahagya akong nakonsensya ngunit mabilis ding napanguso.
Kasalanan no'ng nagsumbong kung aatakihin si Tiya.
"Bata ka pa, Abigail. Puppy love pa lang 'yan, huwag mo namang pagkagastusan." Ayan na naman si Tiya.
Umayos ako ng upo. "Tiya kung sino man po ang nagsumbong sa inyo ay mali po ang balita niya—"
"Talaga?" Ngiwi ni Tiya. "Kahit ang mismong nililigawan mo na ang nagsabi sa akin sa mga pinagga-gagawa mo?"
Para akong tinakpan ng unan sa mukha sa narinig. Nanlaki ang aking mga mata at hindi alam ang sasabihin o itatanong ko kay Tiya. Napalabi ako kinalaunan nang mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin.
"Tiya naman, nasa legal na edad na po ako. Normal na pa itong nararamdaman ko."
"Hanggat hindi ka tapos sa kolehiyo at wala kang trabaho at ipon para sa sarili mo ay bata ka pa rin para sa akin, Abigail. Mahirap ang buhay ngayon at nangako ako na gagawin ko lahat huwag ka lamang mabigo sa buhay. Naiintindihan mo ba ako?"
Hindi ko alam ang irarason ko pa kay Tiya. Mukha na siyang seryoso kaya't nagyuko na lamang ako.
"Hindi naman masama ang nararamdaman mo para sa tao, Abigail. Pero sana naman paganahin mo 'yang pag-iisip mo ha?" Sarkastikong saad niya. Hindi naman ako nakakibo. "Iyang perang iniwan ng mga magulang mo ay para lamang sa 'yo 'yan. Kung mauubos 'yan dahil sa mga kapritsuhan mo sa pag-ibig na 'yan, aba'y paano ka na? Alam mo namang kulang na kulang ang sweldo ko para sa ating dalawa. Kaya malaking tulong ang pera ng mga magulang mo, huwag mong sayangin sa kung saan saan lang." Pangangaral niya.
Nanahimik ako sa sinabi ni Tiya. Iwinaksi ko ang tingin ko sa kaniya at kinalikot ang aking daliri sa ilalim ng mesa.
Wala akong nakalakihang mga magulang bukod sa Tiya ko na simula magka-isip ako sa mundong ibabaw ay siyang gumagabay na sa akin. Naging malaking palaisipan para sa akin ang tunay kong pinagmulan. Simple naman 'yong ibinagi ni Tiya sa akin.
Masaya daw ang mga magulang ko nang dumating ako sa mundo. Maayos naman daw ang buhay ng mga magulang ko ngunit ilang buwan lang rin ay nagkalabuan sila dahil sa isang third party. Labis na hinagpis daw ang naramdaman ng nanay ko sa aking ama kaya't ora mismo na hindi na nito makayanan na nasa isang bubong sila ay nilayasan daw ng nanay ko ang tatay dala ako. Dito siya napunta kay nila Tiya Anne na malugod naman siyang tinanggap. Ang sabi pa ni Tiya Anne ay sinubukan kaming bawiin ng tatay ko ngunit ayaw na ng pinsan niya dahil agad rin itong nakahanap ng bago niyang makakasama. Kalaunan ay umalis din daw kami sa bahay nila at makalipas lamang ang isang taon ay bumalik daw ang nanay ko sa kanila at ipinaghabilin ako. Wala na daw silang magawa dahil desidido na ang nanay na iwanan ako dahil ako ang nagiging sanhi ng pag-aaway nila ng bago niyang asawa. Kasabay din no'n ay nag-iwan ng malaking pera sa bangko ang mga magulang ko para sa akin na hetong pangtustos ko sa pag-aaral ko simula noon.
Payak na lamang akong napapangiti sa tuwing naalala ko ang dahilang iyon.
Kung hindi pala nila ako kayang ipaglaban ay sana hindi na lang nila ako binuhay sa mundong ito. Daig ko pa ang inabandunang hayop sa bakanteng lote. Kahit na may iniwan nila ako sa pamilyang ito, iba pa rin naman ang kalinga ng isang magulang.
"Mag-aral kang maigi, Abigail. Edukasyon lamang ang magiging susi para matupad mo ang lahat ng hangarin mo sa buhay. Tsaka ka na manligaw kapag sarili mo nang pera ang ipinangbibili mo nang bungkos ng mga rosas. Ke-babaeng tao nanliligaw, jusko." Tikhim ni Tiya Anne sabay tayo. "Magpapalusot pang para sa mga pulubi, tch." Habol niya pa.
Napakamot ako sa batok ko. Akala ko lulusot, hindi pala. Grabe naman 'tong si Troy, ang lakas ng loob niyang isumbong ako kay Tiya. Siya na nga itong pinag-e-efortan ko, ang arte pa. Hindi ko akalaing sa kaniya pa talaga manggagaling ang sumbong.
Humayo na ako at tinungo ang kuwarto ko. Agad akong sumalampak sa higaan ko dala ang phone at nag-umpisang magtipa ng message ko para sa kaniya.
Ilang sandali lang ay na-seen niya na rin. Hindi naman ako magkamayaw sa pag-padyak ng dalawa kong paa sa kawalan.
Ang lakas talaga ng tama niya sa akin. Kahit seen lang kinikilig na ako, parang tanga lang.  Sandali pa akong naghintay ngunit kagaya ng lagi niyang ginagawa ay hanggang seen lang ang napala ako sa kaniya. Napakagat labi ako at pinindot ang video call button. At gaya rin ng inaasahan ko ay sinagot niya naman.
"Dapat pala tumawag na lang agad ako." Aniya ko sa sarili na alam kong narinig niya dahil inirapan pa ako nito sa screen.
Napangisi ako at sinuri ang paligid niya. Madilim ang likod niya ngunit ang nasa harapan ay maliwanag dahil naka-turn on ang lamp. At sa ibabaw ng mesa ay nandoon naman ang mga libro niya.
"Ay, nag-aaral ka pala." Hiyang saad ko.
Tumaas ang kilay nito at bumuntong hininga.
"Anong kailangan mo?" Pagtataray niya.
"Wala lang po, gusto lang kita makita bago ako matulog." Malambing kong sagot sa kaniya na sinabayan ko pa ng kindat.
Animo'y nandidiri naman ito sa kaniyang puwesto. "Nakita mo na ako, patayin ko na ah? Masyado mo na akong iniistorbo."
"Grabe naman, kahit mga five minutes pa—"
"Hephep. Hindi puwede. Sige na, maaga pa ako bukas, dapat blinock na kita eh, lagi mo na ang iniistorbo ang gabi ko."
"Ang sama mo naman sa akin."
"Masama talaga ako, may isasama pa pag-nagkulit ka pa. Sige na nga, tumatawag pa si Jack, babu!" Aniya sabay patay.
Naiwan akong nakatulala sa screen ko. Grabe, hindi man lang muna nakipag-landian sa akin bago ako pagbabaan. Ang galing mo talaga Monreal, kung hindi lang ako nababaliw sa 'yo, baka sinabunutan na kita.
Pinatay ko ang phone ko at inilapag 'yon sa tabi ko. Bumuntong hininga ako at napakapa sa aking dibdib. Kahit papaano ay nawala ang sakit sa dibdib ko kanina ng maalala ko ang mga magulang ko. Kahit masungit sa akin si Troy ay siya pa rin ang nakakapag-pawala ng mabigat kong pakiramdam.
Ipinikit ko ang mga mata ko at kalaunan ay nagpadala na lamang sa antok na aking nadarama.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (5)

  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Wow!! subrang nagandahan aq sa love story nila. Thanks and congrats author ❤️❤️❤️

    14/11

      0
  • avatar
    Emil Albarico

    500

    10/11

      1
  • avatar
    manuelronald

    😍😍😍

    23/12/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด