logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chasing Her Back

Chasing Her Back

jenavocado


Begin

disclaimer
This story is a work of fiction. Names, characters and places and incidents are the product of author's mind or imagination or are used fictitiously, Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead is coincidental.
You might come across some expletives or swearing words, please bear with me as i make some grammatical blunders.
:reminder
Not everybody will like my stories. Don't read on if you don't believe this narrative will be your cup of tea. Though presumably constructive, I welcome criticism. Also, let's not evaluate this story by comparing it to others on every page. As each writer has a unique ability to communicate their thoughts or the lesson they want to teach to their readers, it is best to avoid comparing them. Keep your comparisons between my characters to a minimum. The personalities I give each of my characters are unique, despite the fact that their names may all sound identical.
This fictional story has flaws. Please disregard my works peacefully if you don't like my writing style, narration, flawed characters, or unrealistic settings;
Without my consent, plagiarizing my work in any way is a criminal offense. According to some state and federal legislation, plagiarism is illegal.
Republic Act No. 8293, or the Intellectual Property Code of the Philippines, penalizes patent infringement with imprisonment of one to nine years plus a P50,000-P1,500,000 fine, depending on the number of offenses.
The court will become involved in our case as soon as you steal my work.
______________________________________________________________________
"Sure ka na ba sa balak mong 'yan, Aby? Hindi ba't parang ang sagwa tingnan?"
Lumukot ang mukha kong napatingin kay Candy na nasa tabi ko't nakabusangot ang mukha habang ang mga mata ay nakatitig sa bungkos na rosas na dala-dala ko. Umayos ako ng tayo.
"Alam mo Candy, napakadaldal mo. Hindi ba puwedeng suportahan mo na lang ako dito kaysa sa pumutak ka sa tabi ko?" Inis kong saad sa kaniya na mas lalo niyang ikinanguso.
"Eh kasi naman Aby, tiyak na mapapagalitan ka ng tiyang mo kapag nalaman niya 'yang ginagawa mo. Ewan ko ba naman kasi sa 'yong babae ka, masyado kang patay na patay sa taong 'yon."
"Alam mo Candy, hindi naman malalaman 'to nila tiyang kung hindi mo sasabihin." Siring ko at gumanti naman ito sa paghila sa buhok ko. "Aray ah!" Angal ko sabay tapik sa kamay niyang hindi pa rin bumibitaw. May balak pa ata siyang hilain muli ang buhok ko.
"Ikaw ang tanga tanga mo—"
"Grabe ka makatanga ah." Putol ko sa kaniya.
"Eh tanga ka kasi!" Asik niya na akmang hihilain pa ang buhok ko nang iamba ko naman sa kaniya ang hawak hawak kong bulaklak. Napakamot ito sa ulo niya at inis akong pinakatitigan. "Bahala ka nga sa buhay mo, basta sinasabi ko sa 'yo, hindi naman ako lang ang may bunganga at mata dito. Maraming ibang tao dito na kilala ang tiyang mo." Aniya sabay pamaywang niya.
Ngumuso ako at hindi na siya pinansin. Ganito naman lagi ang set up namin ni Candy sa tuwing makikita niya akong may dalang bungkos ng mga rosas o kung ano pa na para sa taong kumukumpleto ng buong araw ko sa paaralan. Sanay na ako sa kaibigan ko. Sa inaraw araw ba namang ginawa ng diyos, nasanay na lang ako sa kaniya.
Awtomatikong bumalik ang sigla sa pakiramdam ko nang mahagip ng mata ko ang papalapit na bulto ng isang taong kanina ko pa hinihintay. Agad kong hinarap si Candy.
"Anong itsura ko? Maayos ba? Hah?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya na nakatingin lang sa akin ng masama.
"Mukha ka pa rin namang tao." Walang gana niyang sagot na hindi ko na lang inintindi. Masyado akong masaya para patulan pa siya. Babawi na lang ako next time.
Parang binomba ang puso ko habang papalapit nang papalapit ang taong kanina ko pa hinihintay sa puwesto ko. Gusto kong tumili o di kaya ay takbuhin siya't yakapin ng mahigpit. Kakakita ko lang sa kaniya kaninang umaga, pero agad ko na siyang hinahanap hanap.
"Oh, Abigail!" Tili ng kasama niyang bakla, dahilan para mapatingin din siya sa akin.
Walang kiming lumapit ako at kagat labing kumuway sa kaniya. Agad na nagsalubong ang may kakapalan nitong mga kilay.
"H-Hello, Troy." Nauutal ko pang bati sa kaniya.
Umirap ito sa akin at akmang lalampasan ako nang higitin siya ni Brando at ngumiti ng malawak sa akin.
"Hello daw Troy oh." Siko niya sa kaibigan. Nagtinginan sila't natatawang bumaling naman muli si Brando sa akin. "Taray, para sa 'kin ba 'yang flowers mo girl?" Lapit nito sabay kuha sa bulaklak ko.
Agad akong napamaang nang amoy amoyin ni Brando ang mga bulaklak. Mabilis akong kumilos para hablutin 'yon sa kaniya na ikinabigla niya. Nag-peace sign ako at agad na ipinasa kay Troy nag bungkos.
"Para sa 'yo, Troy." Saad ko sabay yuko. Hindi ko matagalan ang titig niya sa akin. Parang natagos 'yon sa buo kong pagkatao.
"Ay ang taray naman talaga ni ate mo Abigail. Iba ka rin manligaw noh?"
Napanguso ako kay Brando. Minsan gusto ko 'tong busalan. Dinadagdagan niya lang ang hiyang nararamdaman ko dahil sa sinasabi niya.
Ngumiti ako ng hilaw sa kaniya.
"Hindi halatang patay na patay ka kay Troy, sis. Hindi talaga, promise." Habol pa nito.
"Hindi naman talaga ako patay na patay." Saad ko.
Nanlaki ang mata nito habang si Troy ay nakamasid lang sa akin. Dahil sa mga mata niya ay hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pakatitigan o kay Brando na lang tumingin. Napanguso ako. Masakit sa mata ang mukha ni Brando, mas iba pa rin tingnan ang kay Troy.
"Hindi ka pa patay na patay sa lagay na 'yan ah. Kanina ay tsokolate ang binigay mo sa kaibigan ko, ngayon naman may pabulaklak ka, baka mamaya ang sunod mong ibigay sa kaibigan ko ay singing!"
Agad na lumiwanag ang mukha ko sa narinig. Rinig ko ring tumikhim si Troy kinalaunan.
"Siraulo ka talaga, Brando. Binibigyan mo lang nang ideya 'yang babaeng 'yan." Asik nito na narinig ko naman.
Hindi naman nawala ang ngiti sa aking labi. What if nga singsing naman ang ibigay ko sa kaniya? Tatanggapin niya kaya? For sure naman siguro oo, kasi kung hindi, ang kapal niya naman.
Napailing ako ng bahagya.
"Maaga 'yong uwian mo mamaya 'di ba?" Mahinang tanong ko.
"Kung yayayain mo ako na makipag-date sa 'yo, sorry pero, may lakad kami ng boyfriend ko." Ngisi niya na halatang kinikilig pa sa huli niyang sinabi.
Napairap na lang ako sa kawalan sa sinabi niya. Sanay naman ako sa mga patutsada niyang ganito. Sa araw araw ba naman na nirarason niya sa akin 'yon ay baka sa susunod ako pa ang kusang sumagot tuwing gusto ko siyang yayain.
Nagpaskil ako ng malapad na ngiti sa kaniya. Hindi ko nakakalimutan kung hanggang saan lang dapat ako lumugar sa buhay niya. Nanliligaw ako pero sa taong may karelasyon na. At dahil ginusto ko 'to, dapat sanay ako kahit minsan ay masakit na para sa akin ang dahilan niya.
"Gano'n ba? Sige, sa susunod na lang. B-Bye!" Agad kong paalam. Akmang magsasalita pa si Brando at Troy nang matulin akong tumakbo pabalik sa puwesto namin ni Candy kanina. Kagat kagat ko ang labi ko para pigilan ang luhang gustong kumawala sa akin.
Wala talagang preno sa bunganga ang taong 'yon, pero dahil ako ang may gusto ng sitwasyon na 'to ay dapat matibay ako.
Iisipin ko na lang 'yong mga ginastos ko sa kaniya. Mas nakakaiyak 'yon dahil pagnalaman ni Tiyang Anne ang mga pinaggagagawa ko sa mga baon ko, tiyak na kurot sa singit ang maabot ko sa kaniya.
"Mukha kang binusted. Ano'ng nangyari aber?" Salubong ni Candy sa akin.
"Wala. Huwag mo na lang akong intindihin, Candy. Ang mahalga naibigay ko 'yong flowers."
"Sinaksaktan mo lang ang sarili mo, Abigail. Marami namang nagkakagusto sa 'yo. Take note, may handa ka pa ngang gawan ng mansyon, bakit hindi ka na lang kasi doon?"
Nauna akong naglakad kay Candy. Heto na naman kami. Nandito na naman kami sa topic na 'to.
"Ayaw ko sa kanila, Candy. Alam mo namang si Troy lang ang gusto ko mula noon. Tsaka isa pa, alam ko rin namang gusto niya ako—"
"Ay hala sige, mag-assume. Libre naman mangarap be, sige, ituloy mo lang 'yan." Siring niya.
Inirapan ko siya. Kahit naman ganiyan si Candy ay alam kong nasa side ko rin siya. Tutol man siya kung minsan ay alam ko namang kung saan ako masaya ay sapat na sa kaniya.
Bumuntong hininga ako ng makapasok kami sa room. Ang diwa ko ay naglalakbay habang ang mga kaklase ko naman ay busy sa kadadaldal. Nangalumbaba ako at itinuon ang tingin ko sa labas ng pinto kung saan kitang kita ko ang mga senior high na umiikot. Ito siguro 'yong room to room na sinabi ng teacher namin kahapon.
Isang pagkaway ang nakapag-pakunot sa noo ko. Agad akong napaayos ng upo ng makita si Brando na kasunod si Troy at kasama nito ang boyfriend niya. Agad na bumalatay ang kirot sa dibdib ko. Iwinaksi ko na lamang ang tingin ko sa kanila at ibinagsak ang ulo ko sa lamesa. Bahagya pa akong napadaing dahil napalakas ang bagsak ko. Naiinis akong nagsalpak ng earphone sa tainga ko at ipinikit ang aking mga mata.
Hindi pa naman ako binubusted ulit ni Troy. Kaya dapat hindi ako mapanghinaan ng loob. Kaya ko 'to, may bukas pa naman.
Napangiti ako ng bahagya. Tama, may bukas pa. Bukas na ako ulit babawi nang pangmalakasan, 'yong tipong pag-inaya ko siya ay mahihiya siyang tanggihan ako.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (5)

  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Wow!! subrang nagandahan aq sa love story nila. Thanks and congrats author ❤️❤️❤️

    14/11

      0
  • avatar
    Emil Albarico

    500

    10/11

      1
  • avatar
    manuelronald

    😍😍😍

    23/12/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด