logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Three: I Love You, Goodbye.

Few day have passed.
Hindi na nga nagpakita ang mga senior highschool students ng Ateneo.Hindi na rin nagtaka si Yuri dahil napansin niyang nagging busy na rin si Kuya Ren sa pag-aaral since he wanted to study at U.P. Baguio just like Hiro.
Dumating ang araw ng Sabado.It was supposed to be a family day pero naiwan mag-isa si Yuri sa bahay.Her father got a job as a part-time delivery man sa ibang opisina,samantalang ang nanay naman nila ang nagtitinda ng karneng baboy sa palengke.And her Kuya Ren,is at school.As usual…With a bored sigh,she decided to watch VHS movies instead upang malibang.
Hindi pa man nangangalahati ang kanyang pinapanood na pelikula nang may marinig siyang kumakatok sa pintuan…Hindi niya ito pinansin noong una.May kumatok ulit at mas malakas ang mga nagging pagkatok nito.Alam niya na ang nakakatandang kapatid ang nasa labas at may sariling susi na ito…
Inis siyang tumayo mula sa upuan at tinungo ang pintuan.
“Nang-iinis ka ba,Kuya?Hindi ba may susi ka----!” nahinto sa pagdaldal si Yuri nang makita niya ang kasama ng kapatid.
Para siyang binuhusan ng yelo when she realized that it was Hiro.Natauhan lamang siya nang biglang pinisil ng kapatid ang ilong niya.
“Wala ba tayong merienda dyan?Nagugutom na kami.” Tanong agad ni Ren sabay pasok sa loob ng bahay.
“Sorry ha?Makikikain nanaman ako…” himig-pagbibiro ni Hiro at pumasok na rin ito sa bahay nila.
Sinundan ito ng tingin ni Yuri.Para siyang namamalikmata na sumunod na lamang dito.
“M-Merong puto dyan…Teka lang at magluluto ako ng pansit canton.” She volunteered,at naglakad na siya papuntang kusina.
After a few minutes,dala-dala na ni Yuri ang tray na may lamang dalawang plato ng pansit canton,puto at dalawang baso ng orange juice.Inilapag niya ito sa lamesa.
“K-Kain na kayo…” tawag niya sa dalawa.
Parang mga batang nag-unahan sa upuan sina Ren at Hiro.Kumakain na ang mga ito ng biglang magsalita si Ren.
“May good news kami…” sambit nito.
Yuri grew curious and excited when she heard him.
“Ano yun,Kuya?” tanong niya.
Tumigil sa pagkain si HiroSeryoso siyang tumingin kay Yuri.
“Bro,I don’t think this is the right time.” Sansala nito.
“And when is the right that right time?” replied Ren.
Tumahimik na lang si Hiro pero nagging tamilmil ito sa pagkain.
“We just got the result.Pareho kaming nakapasa ni Hiro sa U.P. Baguio…We’ll be staying there for 4 or 5 years…” ang anunusiyo ni Ren.
Biglang natulos sa kinatatayuan si Yuri.
Baguio…Ang alam niya ay napakalayo ng lugar na iyon…Hindi ba’t noong fieldtrip nila ay nainip siya sa biyahe paakyat pa lamang sila ng bundok noon?At ano ang pinagsasasabi ng Kuya niya na 4 or 5 years?
“P-Pareho ninyo akong iiwan?” gumagaralgal na tanong ni Yuri.Nagpalipa-lipat siya ng tingin sa dalawa pero mas matagal ang pagkakatitig niya kay Hiro.
Nakatitig din lamang ito sa kanya,pero hindi mabasa ni Yuri ang nasa mata nito…
“Don’t be so selfish,Yuri…Maiintindihan mo rin kami----!” Ren stopped at mid-sentence when Yuri angrily spoke.
“Is there any difference?Kesyo maintindihan ko man o hindi,nasasaktan pa rin ako!” with an anguished cry,walang sabi-sabi na tumakbo si Yuri palabas ng bahay.
Tatayo na sana si hiro ng bigla siyang pigilan ni Ren.
“She’s my sister,Hiro.Don’t give her too much hope…She’s still young.” Ren warned him,at mababakas ditto ang galit sa mga mata.
Parang nanghihina na napaupo ulit si Hiro.His eyes were glued sa nakabukas na pinto kung saan tumakbo palayo si Yuri…
Yuri stopped running…She looked at the clear blue sky while gasping for breath.She then realized na nasa playground pala siya ng subdivision.As if under a trance,dahan-dahan siyang naglakad papunta ng swing.Iniugoy niya ang sarili sa swing.
She will not give up her feeling towards Hiro.Matagal niya ring inalagaan ang damdamin niya para ditto.If she have to wait for him----then so be it. Ang matigas niyang pangako sa sarili.
Araw ng pag-alis nina Ren at Hiro papuntang Baguio.Pinili na lamang ni Yuri na magkulong sa kuwarto.Para hindi na magtanong pa ang kanyang mga magulang,nagdahilan na lamang siya na masakit ang ulo.Mukha naming napaniwala nila ito.Pero alam ni Kuya Ren ang totoo at pinili na lamang nito na huwag nang magsalita.
Mula sa bintana ng kanyang kuwarto tinanaw niya ang mga ito.
Her mother was crying habang inaalo naman ito ng kanilang ama.Ren looked sad as well but they knew he was alos excited to face his new life in the University.
Biglang may huminto na sasakyan sa tapat nila.Nakita niya na bumaba mula sa Mitsubishi L300 si Hiro.Kinausap nito sandali ang parents nila and then binuhat na ni Kuya Ren ang kanyang maleta sa loob ng sasakyan.
Her heart skipped a beat when she saw Hiro stopped for a split second at tinapunan ng huling tingin ang bintana ng kuwarto niya.Yuri quickly hid herself sa makapal na kurtina.
Pagkatapos ng ilang sandali ay narinig niya ang tunog ng sasakyan…Hanggang humina ng humina ang pagkakarinig niya dito.And she knew…That she has to start waiting now.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (44)

  • avatar
    AngelioAj

    nice

    20/08

      0
  • avatar
    Gian Alaro

    and I will be there at tinapay to be in the office and I will be there at tinapay to be in the office and I will be there at tinapay to be in the office and I will be there at tinapay to be in the office and I will be there at tinapay to be in the office and I will be there at tinapay to be in the office and I will be there at tinapay to be in the office and I will be there at tinapay to be in the office and I will be there at tinapay to be in the office and I will be there at tinapay to be in t

    10/07

      0
  • avatar
    PatricioJayron

    ang ganda

    09/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด