logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

"ONE HUNDRED THOUSAND PESOS?!" Gulat na napatayo sa kanyang kinauupuan si Tita Mae, "At saan naman kami kukuha ng ganoong kalaking pera?" Pairap na tanong nito. 
Hindi ako umimik. Tahimik na lang akong napatingin sa damit ng pinsan kong si Clarise. Kasing halaga kasi ng damit na iyon ang operasyon ni Lola Raquel. Sapat na para iligtas ang buhay ni Lola. 
"Tito," napatingin ako sa nananahimik kong tiyuhin, "Alam kong may hindi kayo pagkakaunawaan ni Lola Raquel dahilan ng pag-alis ninyo sa bahay natin. Pero ngayon, tito. Kailangan ni Lola ng tulong ninyo. Kaya n'yo ba siyang tiisin? Nakikiusap po ako, tito! Tulungan n'yo po si Lola!" 
Nananatiling walang kibo si Tito Alvin. 
"Wala na po kaming ibang matakbuhan. Ikaw na lang po ang iisa niyang anak. Kaya paki-usap po Tito Alvin, tulungan n'yo po si Lola!" At hindi ko na iwasan pa ang mapaiyak. Naghalo na rin kasi ang pagod ko sa maghapong paghahanap ng bahay nito.
"Okay fine!" Pagpigil na ni Tito Alvin, at lumapit sa akin, "Sige, ibibigay ko sa'yo ang perang hinihingi mo. Pero hindi pa sa ngayon. Sa totoo lang humaharap ngayon sa problema ang company na pinagtratabahuan ko."
Nag-aalala naman akong tumingin sa kanya. 
"Ganito na lang, magstay ka muna rito sa bahay habang hindi ko pa naihahanda ang perang kailangan mo," ani Tito Alvin, "Bilang pamangkin ko, Welcome ka naman rito kahit anong oras!" 
"Pero...." Aktong magsasalita pa sana ako nang tawagin ni Tito Alvin ang kasambahay nito. 
"Inday, pakihatid muna ang pamangkin kong si Euphemia sa magiging silid niya," utos ni Tito Alvin. Pagkaraan ay muli siyang napatingin sa akin, "Alam kong napagod ka sa byahe, ija. Magpahinga ka muna. Sasabihan kita kapag ready na perang kailangan mo."
"Talaga po, Tito?" Halos hindi ako makapaniwalang tanong sa kanya.
"Oo," ngumiti si Tito Alvin.
Wala na akong nagawa pa kungdi ang sumunod sa kasambahay patungo sa magiging kuwarto ko. Wala pang katiyakan kung gaano ako katagal na mananatili sa bahay na ito. Pero kung pwedeng araw-araw kong ipaalala kay Tito Alvin na kailangan nang operahan si Lola Raquel ay gagawin ko. Pero sa ngayon, kailangan ko rin talaga ng pahinga. Aaminin kong sobra rin akong napagod sa mga nangyari ngayong araw.
Dinala ako ng kasambahay sa likod-bahay kung saan may isang bakante roon na kuwarto. Hindi iyon kasing ganda katulad ng nasa loob. Pero mukha namang malinis. At sa isang katulad kong laki sa probinsya, maganda na ito sa paningin ko basta may malambot na kamang hihigaan. 
Binagsak ko na ang aking katawan sa kama. Doon ko naramdaman ang labis na pagod. Hanggang muling pumasok sa isipan ko si Ether Luxeria, at ang naganap na halik saming dalawa. 
Kinabukasan, ala sais palang ng umaga nang gisingin ako ni Inday, "Pinapagising ka na si Ate Mae. Sabi rin niya kumain ka na't maghanda. May pupuntahan daw kayong mamayang eight 'o clock!" 
Dahil sa narinig ko, dali-dali akong bumangon sa kama. Pagkaraan ay dali-dali ko na ring niligpit ang pinaghigaan ko.  
Ilang saglit pa ay bumalik ulit si Ate Inday na may bitbit na ilang pirasong damit, "Pinapabigay pala ito ni Ate Mae. Mga pinaglumaang damit daw ito ni Clarise. Alam daw kasi niyang wala kang dalang damit papunta rito," anito saka nilapag sa kama ang mga bitbit, "Maligo ka na muna. Tapos magpunta ka sa kusina para kumain ng almusal."
Napangiti naman ako, "Thank you po, ate!" 
Gumanti na rin ng ngiti ang babae bago ito muling lumabas ng kuwarto. 
Tinignan ko ang mga damit sa ibabaw ng kama. Dalawang pares na kupas na tshirt at maong ang naroon. May kasama ring underwear at bra na halatang nagretire na dahil sa mukhang bacon na ang garter, "Okay lang, kesa wala akong masuot! Lalabhan ko na lang ulit itong damit ko!" Sabi ko na lang, "Thank you pa rin dahil binigyan nila ako ng masusuot!" 
Tulad ng binilin ni Ate Inday, naligo muna ako bago magtungo sa kusina para sa almusal. Medyo naiilang lang ako sa bra na suot ko dahil bumababa ang kaliwang strap nito. 
"Dito ka daw kumain sa kusina," nakangiting sabi ni Ate Inday, "Saluhan mo ako."
"Sige po," pagpayag ko naman saka na ako dumulog sa hapagkainan. Habang kumain, maraming bagay na naitanong si Ate Inday sa akin tungkol kay Lola at Tito Alvin, "Sa totoo lang kasi, dati sa amin sila nakatira. Lagi kami noong nag-aaway ni Clarise. Syempre, kakampihan ni Tita ang anak niya. Hindi rin naging maganda ang trato ni Tita Mae sa akin kaya nagalit si Lola. Hanggang sa lumabas na mismo sa bibig ni Lola na hindi niya gusto si Tita Mae bilang asawa ni Tito Alvin. Nakarating iyon kay Tito kaya umalis sila sa probinsya. Sinisisi ko yung sarili ko noong mga panahong iyon kaya umalis si Tito Alvin. Pero sabi ni Lola Raquel, nagkakaroon na talaga sila ng hindi pagkakaunawaan ni Tito ng mga panahong na iyon dahil gusto talaga ni Tito na dito na kami sa Maynila na manirahan, at ibenta ang lupa namin sa probinsya. Hindi pumapayag si Lola Raquel, dahil gusto ni tito pati ang lupang nakapangalan kay Papa ay ibenta." 
"Tipical na away ng pamilya ang lupa," komento ni Ate Inday, "Ako nga hanggang katapusan na lang ko ng buwan dito." 
"Uuwi na po kayo ng probinsya ninyo?" Usisa ko. 
"Hindi, may nahanap na kasi akong magandang pamilyang pagsisilbihan ko," pag-amin nito, "Sa totoo lang walang kasambahay ang tumatagal rito dahil may attitude ang anak nila. At isa pa, simula nang pumasok ako rito, never na naging buo ang sweldo. Daig ko pa ang bumbay na hinuhulug-hulugan." 
"Bakit po kaya ganoon?" Nagtatakang tanong ko. 
"Usap-usapan ng mga kasambahay na nauna sa akin, baon sa utang si Engineer ngayon. Syempre, nasangkot siya sa isyung flood control project. Alam mo na. At isa pa, mas inuuna kasi nila ang luho keysa sa kapakanan ng mga empleyado nila. Kaya hindi ako nagtataka kung bakit hindi gusto ng Lola mo si Ate Mae. Waldas kasi!" Pabulong na tugon ni Ate Inday, "Wala na naman akong pakealam kung marinig nila ang sinabi kong ito sa'yo. Aalis na rin naman ako." 
Hindi na ako kumibo pa. 
"Tignan mo nga, binigyan ka nga ng damit pero mukha namang basahan. Hindi ka nila mapahiram ng pera para sa pagpapagamot ng Lola mo pero may pambili sila ng mamahaling damit ng prinsesa nila!" Dagdag pa ni Ate Inday na bakas na rin ang pagkainis sa mag-asawang pinagsisilbihan nito. 
Hinawakan ko na lang kamay ni Ate Inday. Wala rin naman kasi akong masabi lalo pa't wala naman akong alam sa nangyayari. At isa kahit balik-baliktarin ang mundo kamag-anak at kadugo ko pa rin ang pinagsisilbihan nito. 

หนังสือแสดงความคิดเห็น (9)

  • avatar
    John Christian Castañas

    ganda nakakakilig

    29d

      0
  • avatar
    AdthaWrdz

    nice

    07/05

      0
  • avatar
    SanchezGiezelle

    masarap pakinggan

    06/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด