logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2

NANLAKI ANG MGA MATA KO SA GULAT. Ramdam na ramdam ko ang pagpalubot ng kanang braso ng estrangherong lalaki sa beywang ko, "A-Ano'ng ginagawa mo?" Gulat na gulat kong tanong sa kanya. 
"I've fallen in love with you! Kaya mula ngayon ngayon, akin ka na!" Maawtoridad nitong saad. 
Nagulat ako sa sinabi niya. Kung makapagsalita ito para niya akong gamit na pwede niyang angkinin na ganoon-ganoon lang? Sinubukan kong pumalag sa kanya pero mahigpit ang pagkakapit ng braso niya sa beywang ko, "Baliw ka na ba--?" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla niya akong siniil ng halik. 
Muling nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Pero may kung anong kakaibang kuryente akong naramdaman na nagpagising sa mga paru-parong natutulog sa sikmura ko. Pero ilang saglit lang ay natauhan ako, at buong lakas ko siyang itinulak, "Ang kapal ng mukha mong halikan ako ng ganoon ganoon lang! At ano'ng sabi mo, sa'yo na ako? Hindi mo ako pagmamay-ari! Dahil ang totoo may asawa na ako! Gusto mong malaman kung sino?"
"Sino?" Tanong ng lalaki. 
"Si Ether Luxeria! Ang leader ng mga siga sa lugar na ito!" Pagmamalaki ko para takpan ang takot na nararamdaman ko, "Ang kapal din ng mukha mong hawakan ang asawa niya! Ngayon lagot ka! Isang sumbong ko lang sa kanya, kayang kaya ka niyang tirisin na parang garapa! Ano? Natatakot ka na ba? Ha?" Pinandilatan ko pa siya ng mga mata para gawing mas katotohanan ang mga kasinungalingang lumalabas sa bibig ko. 
Pero nananatiling walang imik ang lalaki. Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko alam kung tumatalab na ba ang pananakot ko sa kanya o hindi. 
Nasa ganoon kaming sitwasyon nang may limang nakaitim na lalaki ang pumasok sa loob ng simbahan. 
"Boss!" Tawag pa ng isa na may kalakihan ang pangangatawan. 
Napabaling ang tingin ko sa naturang lalaking iyon. Wala akong ideya kung sino ang tinawag nitong boss. Pero ganoon nalang ang paglalaki ng mga mata ko nang makita kong papalapit ang mga ito sa kinaroroonan namin. 
"Sorry, Boss! We're late!" Anang lalaki, "Napag-alaman namin na si Young Master Kevin ang nasa likod ng mga ito!" 
"Boss?" Nakuha ko nang sumingit sa usapan sabay sulyap ko sa lalaking humalik sa akin, "Ikaw ba..."
"Siya ang boss namin!" Anang malaking lalaki na daig pa ang boses ng kapreng nasobrahan sa paghithit ng tabako, "Siya si Ether Luxeria!" 
"Ehhhh????" Gulat na gulat kong tanong. Mabilis na gumapang ang takot sa buo kong katawan. Lihim kong pinagdarasal na sana ay lamunin na ako ng sahig sa sobrang kahihiyaan at takot ko. Wala talaga akong kaide-ideya na ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay ang lalaking kitatakutan sa lugar na ito.
Tinangka kong tumakas pero mabilis akong hinawakan ni Ether sa braso ko kaya muli akong napaharap rito. 
"Saan ka pupunta, asawa ko?" Mapanghamon niyang tanong sa akin. 
"Asawa?" Matapang kong ganti sa kanya, "Hindi mo ako asawa!"
"Really? Kakasabi mo lang kanina na ikaw ang Misis ni Ether Luxeria? Remember?" Mapanghamon pa rin nitong tanong, at bahagya pang lumapit ang mukha nito sa mukha ko kaya hindi ko maiwasan maamoy ang mabangong hininga nito, "Soon, magiging official na kita asawa. At sa ayaw mo't sa gusto, magpapakasal tayo! A-S-A-P!" 
"Baliw ka na ngang talaga!" Singhal ko sa kanya, at muli ko siyang itinulak palayo sa akin. Hindi pa ako nakontento, nagawa ko pa siyang sampalin sa mukha paraan para tuluyan akong makatakas. 
Mabilis na akong tumakbo palabas ng simbahan na iyon. Wala nang ibang laman ang isip ko kungdi ang mahanap ang bahay ni Tito Alvin, at para makabalik na ako ng Olongapo. 
Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal sa kakatakbo. Napahinto na lang ako dahil ramdam ko na rin ang matinding pagkahingal. Naghalo na rin ang pagod at takot ko kaya parang pakiramdam ko tuloy naninikip ang dibdib ko. 
Saglit akong umupo sa isang bangketa. Lumanghap ng sariwang hangin. Sinubukan ko ring magpalinga-linga sa paligid dahil sa takot ako na baka nasundan ako ng Ether na iyon. Doon ay muling sumagi sa isip ko ang naganap na halik sa pagitan naming dalawa. 
Iyon ang first kiss ko, at ibibigay ko lang iyon sa isang estrangherong lalaki? 
Hindi ko tuloy alam kung iiyak ako o kikiligin. Sa kabila kasi ng mga nangyari, hindi ko maitatanggi na may kaguwapuhan naman talagang taglay ang Ether na iyon. Pero mali! Malaking pagkakamali ang mainlove sa lalaking katulad ni Ether Luxeria. Hindi ko type ang mga lalaking may bad boy image.  
Gusto ko iyong tipo ng lalaking may tatlong 'M'. Mabait, masipag, at matalino. At ang mga katangiang iyon ay nakikita ko sa kababata kong si Daniel, na kasalukuyan nang nagtatrabaho bilang public teacher sa baryo namin. 
Muli na akong tumindig. At muli kong pinagpatuloy ang paghahanap ko sa bahay ni Tito Alvin. Muli rin akong nagtanong-tanong sa mga taong nakakasalubong ko. 
Halos magtatakip-silim na nang sa wakas ay natagpuan ko na ang subdivision kung saan nakatira si Tito Alvin. Nasa tapat palang ako ng gate ay halos malula na ako sa laki at ganda nito. At lalo pa akong namangha nang makapasok na ako sa loob. 
Halos lahat ng gamit ay updated sa mga uso. Halatang malaki ang kinikita ni Tito Alvin sa pagiging Engineer, kaya nakapagpatayo na rin ng malaki at magandang bahay. 
Isang kasambahay ang naghatid sa akin sa sala kung saan naroroon si Tita Alvin kasama ang asawa at nag-iisang anak na babae nitong si Clarise. At bago pa ako tuluyang makalapit sa mga ito ay narinig ko na kaagad kung magkano ang halaga ng damit na suot ni Clarise. 
One hundred thousand pesos. Sapat na halaga para sa operasyon ni Lola Raquel. 
Kitang-kita ko kung paano ibida ng pinsan kong si Clarise ang suot nitong damit sa harapan ng mga magulang nito. Pero bigla itong napahinto nang mapansin niya ako. 
"Euphemia? What are you doing here?" Nagtatakang tanong nito na may pagka-slang pa ang dating ng pananalita. 
"Pasensya na po sa abala," nahihiya kong sambit saka ako napasulyap sa tiyuhin ko, "Naparito para humingi ng financial na tulong sa operasyon ni Lola Raquel. Lumalaki na po kasi ang bukol niya sa matris. Inirekomenda ng doktor na tanggalin na iyon sa madaling panahon para maiwasan ang pagkalat ng cancer cells."
Napatingin naman si Tito Alvin sa asawa nitong si Tita Mae. 
"Nagkakahalaga po ng One Hundred Thousand Pesos ang operasyon," diretso kong sabi sabay ang pagyuko dahil sa ramdam ko ang panliliit sa sarili ko. 
"One Hundred Thousand Pesos?!" Gulat pang napatayo si Tita Mae. 

หนังสือแสดงความคิดเห็น (9)

  • avatar
    John Christian Castañas

    ganda nakakakilig

    29d

      0
  • avatar
    AdthaWrdz

    nice

    07/05

      0
  • avatar
    SanchezGiezelle

    masarap pakinggan

    06/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด