logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

Napatigil sa paglalakad si Fernan nang matanaw niya ang pagdadalhan sa kanya ng mga lalaking taga tribo. Hindi siya makapaniwala na makikita mismo ng mga mata niya ang nababasa lang niya noon sa internet na mga tribong namumuhay sa malayong bundok. At hindi siya makapaniwala na sa kabila ng modernong pamumuhay ng lahat ng tao ay may mga tao pa rin na mas piniling mamuhay ng tahimik sa malayong lugar. Napapalibutan ng pinagdikit-dikit na kawayan ang buong banwa ng tribong Mandan. Lahat ng balay dito ay yari pa din sa anahaw leaves at bamboo trees nakakamanghang pagmasdan para sa isang dayo na gaya niya na lumaki sa modernong bahay. Kakaiba din ang kanilang mga kasuotan dahil hindi ito parang tela na nabibili lang sa mga tindahan. Kundi hinabi ito at yari sa matibay na abaka. Idagdag pa sa nagpapakaba sa kanya ang mga taong nagkaabang sa bukana ng tarangkahan.
“Mabuti pang maglakad ka na tao, dahil ina-antay ka na ng mahal na Datu.” Utos ni Bakru sa kanya nang mapalingon ito at nakitang hindi pa rin siya nakasunod. Napatingin siya dito dahil sa paraan ng pagtawag nito sa kanya. Wala siyang alam na may ginawa siyang kasalanan. Pero mas natatakot siya para sa kanyang sarili dahil baka gawin siyang hapunan ng mga ito. Wala pa naman siyang kalaban-laban. Pero kailangan niyang lakasan ang loob niya. Magaling man siya sa martial arts ay hindi naman niya kayang ilagan ang mga palaso na dadapo sa katawan niya kapag nagkataon.
Nagpatuloy siya sa paglakad hangang makarating sila sa tarangkahan. Kaagad na lumapit si Datu Kiram at lumuhod naman ang mga mandirigma ng tribo na humuli sa kanya.
“Siya na ba ang estrangherong tinutukoy ng Prinsesa?” Ma-authoridad na tanong ni Daru kiram habang nakatayo sa harapan niya. Bukod sa makisig na tindig ni Datu Kiram ay sumisigaw din sa karangyaan ang mga gintong palamuti sa kanyang kasuotan.
“Magbigay galang ka sa aming Datu!” Utos sa kanya ni Bakru. Niyuko lang niya ang kanyang ulo upang sundin ito. Pagkatapos ay tinaas niyang muli ang kanyang ulo upang siya naman ang magtanong.
“Wala akong atraso sa inyo. Kaya pakawalan niyo na ako.” Derechong sabi ni Fernan sa Datu. Hinagod siya ng tingin nito mula ulo hangang paa.
“Malalaman natin mamaya sa prinsesa kung wala ka talagang nilabag na batas sa aming tribo.” Wika ni Datu Kiram sa kanya bago bumaling ulit kay Bakru.
“Dalhin na yan sa bulwagan para sa paglilitis ng lupon at Ipatawag niyo na ang Prinsesa.” Utos ng Datu. Kaagad na tumayo ang mga bantay at muli siyang pinalakad patungo sa sinasabi nitong bulwagan.
Walang nagawa si Fernan kaya pumayag siyang dalhin sa sinasabi nitong bulwagan. Nang makarating na sila ay pinaupo sa kawayan na upuan sa gitna ng malaking bulwagan. Habang nasa harapan naman niya nakaupo ang Datu kasama ang asawa nito na si Dayang Arya. Sa kaliwa nila ay may limang matatanda na taga tribo at sa kabila naman ay naroon nakaupo ang mahaharlikang angkan kasama na rito ang magulang ni Amir. Nag-umpisa na ring dumami ang tao sa paligid kaya lalong sinasalakay ng kaba ang dibdib ni Fernan.
“Narito ka dahil sa kalapastangan na ginawa mo sa aking anak na Prinsesa. Sa aming kultura ay mahigpit naming sinusunod ang batas na magbabawal sa isang babae ng aming tribo na mahawakan ng kahit na sino mang lalaki. Kung hindi niya ito asawa. Ngunit mas mabigat ito dahil sa anak ko mismo nangyari ang ganitong kalapastangan. Kaya bilang namumuno sa banwang ito ay kailangan kong gawin ang narara—”
“Wait lang! Kalma ka lang Datu Kiram. Wala akong hinahawakan babae sa tribo niyo. Hindi pa ako nakakakilala ng indigenous people, ngayon palang.” Putol ni Fernan sa sinasabi nito. Sinamaan siya ng tingin ni Bakru kaya muli siyang umupo.
“Alam mo ba kung kaninong pag-aari ang hawak-hawak mo ngayon?” Tanong ulit ng Datu. Napatingin siya sa sapatos na kanina pa niya dala-dala.
“Sh*t! You mean ang nagligtas sa akin. Ang babaeng yun ang may-ari nito?”
“Hindi lang ko lang siya basta babae, tao! Prinsesa siya ng aming tribo! Ang magiging Ina ng tribong Mandan sa hinaharap! Dahil sa pagligtas niya sa’yo nalabag niya ang aming batas!” Malakas na boses ng Datu sa kanya. Nagulat din si Fernan sa narinig. Hindi naman niya nakita ang babae. At hindi nga niya nakita ang mukha nito. At hindi rin ito nagpakilala sa kanya.
“Siguradong hindi ito kagandahan kaya kaagad itong umalis.” Bulong ni Fernan sa sarili.
“Pasensiya na nagpapasalamat ako sa pagligtas ng anak niyo sa akin. Pero base sa mga sinabi niyo gusto mo akong ipakasal sa anak mo. Hindi ako papayag kung ang rason lang ay ang pagligtas niya sa akin. Kung gusto niyo babayaran ko na lang kayo ng kahit magkano pauwiin niyo lang ako.” Wika ni Fernan. Hindi siya papayag na matali sa isang relasyon nang dahil lamang sa isang nakaugaliang batas lalo pa sa babaeng hindi naman niya kilala.
“Hindi namin kailangan ang pera mo. At wag kang mag-alala dahil dadaan ka muna sa pagsubok bago ka namin ipagkakasundo sa aming anak. Kapag hindi ka pumayag ay wala ka ring magagawa dahil pipilitin ka namin sa ano mang paraan.”
“Kahit anong gawin niyo hindi ko pakakasalan ang anak niyo! Magbibigay ako ng malaking halaga paalisin niyo lang ako!” Giit niya.
“Lapastangan!”
Isang hampas sa likod ng matigas na kahoy ang nagpasubsob kay Fernan sa lupa. Napa-angat siya ng tingin sa humampas sa kanya. Matalim na tingin ang ipinukol niya kay Bakru. Hahampasin sana siya nitong muli dahil sa pagmamatigas niya pero natigil ito dahil sa pagdating ni Prinsesa Priya.
Halos lahat ng tao ay nasa kanya ang tingin habang umaakyat ito sa hagdan na kawayan patungo sa bulwagan kung nasaan ang paglilitis.
Nakangiwing dumako din ang tingin niya sa babaeng umaagaw ng atensyon ng lahat ng naroon. Nakasuot ng hangang talampakan na damit at may palamuting gintong alahas. Habang mabini na humahakbang patungo sa harapan ng kanyang Amang Datu.
"Tama na po yan ama. Wala siyang kasalanan, iniligtas ko lamang siya sa pagkalunod. Hindi niyo na dapat siya dinala dito. Hindi saklaw ng batas natin ang taong hindi naman natin ka-tribo. Kaya pakiusap, itigil niyo na ang kahibangan na ito."
Paki-usap ni Prinsesa Priya.
Hindi pa rin makapaniwala si Fernan na ito nga ang nagligtas sa kanya. Dahil natatangi ang ganda nito. Sa dami ng babaeng nakasalamuha niya ay ngayon pa lamang siya na-attract sa ganitong klase ng babae.
"Hindi ako makapaniwalang ikaw pa mismo ang lalabag sa ating sagradong batas Prinsesa." Hindi makapaniwalang wika ni Datu Kiram. Tumayo ito at hinarap ang kanyang anak.
"Simula ngayon! Ipinag-uutos ko na hindi na maaring lumabas ang prinsesa sa kanyang balay bilang parusa sa kanyang ginawang kasalanan!"
"Pero Ama!" Tutol ni Prinsesa Priya pero hindi siya nito tinignan. Binalingan nito si Bakru at ang mga tauhan nito.
"Ikulong niyo sa kulungan ang lalaking yan hanga't hindi siya pumapayag sa pagsubok ko sa kanya!" Mariing utos ni Datu Kiram kaagad siyang tumalikod at umalis sa bulwagan.
"Ama! Ama!" Sigaw ni Prinsesa Priya. Habang si Fernan naman ay hinahawakan na rin ni Bakru upang dalhin sa kulungan. Pero hindi rin hinihiwalay ang tingin kay Prinsesa Priya na ngayon ay umiiyak na dahil sa naging desisyon ng kanyang Amang Datu.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (141)

  • avatar
    Angeline Vlog

    ang ganda 10/10

    1d

      0
  • avatar
    Shanna Balbaboco

    Maganda Ang kwento maraming matutunan dito

    13d

      0
  • avatar
    mahilomruthcel

    nice story🥰

    18d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด