logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 6

PAGBABA nina Sunny, Jekka, Ana, at Rainier sa tricycle ay agad na binuhat ng binata ang kanilang ama papasok sa loob ng emergency room. Wala na silang pakialam kung may nauna man sa kanila sa labas basta’t alam nilang kailangan nang masuri si Melvin ng doktor.
“Sa labas na po muna kayo, Miss…” Lahat sila ay umalis muna sa silid na ‘yon matapos ipahabol ni Rainier sa attending nurse ang pangalan ng kanilang ama. 
Naupo sila sa waiting area na nasa tapat ng emergency room. Si Rainier ay nasa may pinto lang ng silid na iyon at patuloy na tinitingnan ang ama sa maliit na salamin. 
Diyos ko. Hindi ko alam kung bakit ako ang binibigyan n’yo ng ganitong pagsubok. Si Papa na lang ang natitira sa amin at ayokong… Napailing siya. Hindi niya kayang tapusin ang pagdarasal na ‘yon dahil nag-aalala talaga siya sa ama. 
Nangako pa naman siya na magpapa-checkup sila kapag nakahanap agad siya ng trabaho. Balak pa nga niya noon mangutang sa mga magulang ni Jun para sa pampa-checkup nito pero nahihiya lang talaga siya. Ito ngayon ang nangyari. Sising-sisi siya. 
“Sunny, uminom ka muna ng tubig.” Ibinigay sa kanya ni Jekka ang isang bote ng mineral water. 
Hindi rin mapalagay si Jekka sa nangyari. Ninerybos siya at nanlamig ang mga kamay nang makita ang lalaking bumuwal sa lupa. Katulad ni Sunny, wala na rin siyang ina—at ama kaya alam niya ang pakiramdam na ‘yon. Napakahirap na lumalaki siyang mag-isa na lang siya sa buhay. Matapos niyang makapagtapos ng high school, namatay amg kanyang ama. Bago naman siya makapagtapos ng college ay namatay naman ang kanyang ama. Si Melvin na ang tumayong pangalawang ama niya nang matagal kaya lubos rin ang pag-aalala niya sa lalaki. Natakot pa siya dahil naalala niya mula sa senaryong ito ang pagkawala ng kanyang ama. Napailing siya.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko, Jek. Kasalanan ko ‘to. Dapat talaga nanghiram na ako ng pera para mapa-checkup ko na siya, eh.” 
Tumabi si Jekka kay Sunny at saka inakbayan. Napakatagal na nilang mag-best friend ni Sunny kaya kung ano ang sakit, saya, lungkot, at takot nararamdaman nito ay nararamdaman niya na rin. Walang salita na makakapagpaginhawa kay Sunny ngayon kaya niyakap niya na lang ang kaibigan
“Walang may kasalanan, okay? Hintayin na lang natin ang sasabihin ng doktor. Baka naman over-fatigue lang si Tito. Hindi naman imposible ‘yon, eh. Alam naman natin kung gaano ka-dedicated si Tito sa pagtatrabaho, hindi ba? Huwag mang mag-isip nang kung ano. Baka mamaya napagod lang talaga siya sa paglalakad.”
“Wala bang nasabi sa ‘yo si Papa? Hindi ba siya matamlay na umalis kanina? Baka naman may nararamdaman na ‘yon hindi mo lang napansin o narinig na dumaing siya,” sunod-sunod niyang tanong kay Rainier na hindi rin mapalagay nang lumapit sa kanila. 
Ramdam niya ang paninisi nito dahil sa pagpayag niyang umalis ang ama kanina ngunit kailangan niyang magpasensya dahil alam niyang napakalaki ng pinagdadaanan ng kapatid para lang makatulong sa kanilang pamilya. Sa itsura pa lang nito ay malalaman nang may problema talaga sila financially. Kahit naman siya ay may pinagdadaanan din ngunit hindi niya siya sumubok pang mag-open up sa kahit na kanino. 
Upang makabawas ng gastusin sa bahay nila, palihim siyang nag-apply bilang isang waiter sa milktea shop na malapit lang sa St. Montecarlo kung saan siya kasalukuyang nag-aaral. Patapos na siya sa kolehiyo at napakalaking tulong talaga ng taong sumusuporta sa pag-aaral niya. ‘Yong panggastos lang talaga nila sa araw-araw ang problema nilang mag-anak.
Ayaw niya nang makipagtalo pa sa kapatid. Lalo lang silang hindi magkakaintindihan kapag ganoon ang nangyari. Sa ngayon, pag-intindi ang kailangan niya. 
Sabay silang umalis ng ama kanina at dahil napapansin nito na ginagabi na siya sa pag-uwi, napilitan siyang sabihin ang kanyang sikreto. Nag-apply siya bilang isang part time waiter sa isang milk tea shop na malapit sa akademya. Sasamahan pa sana siya ng ama upang kunin ang sahod niya pero hindi na siya pumayag dahil may kalayuan ito. Natagalan pa siya dahil kinausap siya ng may-ari na tinaasan na ang sweldo niya dahil sa magandang performance niya ngayong buwan. Mabuti na lang at may pera siya ngayon na maidaragdag sa gastusin nila sa ospital kung sakali man na magtagal sila roon. 
“Wala, Ate. Maayos naman si Papa kanina nang umalis. Wala naman siyang iniinda na kahit na ano. Kinukulit ko pa nga siya na huwag nang umalis pero naka-oo na raw kasi siya kay Aling Mameng kaya kailagan niyang puntahan.” 
Tumango na lang si Sunny at hindi na umimik pa ngunit napasuklay ito ng buhok saka napahilamos ng mukha. 
Isang nurse ang lumapit sa kanila na may yakap-yakap na clip board. 
“Excuse me. Kayo po ba ang pamilya noong bagong pasok lang na pasyente?” tanong nito sa kanila.
Sabay-sabay silang tumango bilang sagot. 
“Sino po ang pwede kong makausap para sa information ng pasyente? Mabilis lang naman po ito.”
“Ako na lang po,” presinta ni Rainier. Marahan pa nitong tinapik ang kapatid sa likuran bago sinundan ang nurse na naunang naglakad. Makaraan ang ilang minuto, isang doktor ang lumabas dala-dala ang isang chart.
“Melvin Gallardo. Sino rito ang kamag-anak ni Melvin Gallardo?” tanong ng doktor. 
Nagsipagtayuan silang tatlo. 
“Kumusta po ang lagay ng papa ko, doc?” tanong agad ni Sunny. 
“Ako si Alice Montelumiere. Ako ang in-charge sa pasyente. Gising na siya pero sunod-sunod ang pag-ubo niya. Ilang araw na siyang ganoon?”
“May ilang linggo na naming napapansin ni Ate na ubo siya nang ubo. Palagi niyang dinadahilan na baka dahil sa alikabok iyon dahil construction worker po si Papa.”
Tumango-tango ang doktor. “Kailangan naming siyang ipa-x-ray para malaman natin kung bakit ganoon na katagal ang pag-ubo niya.” 
“S-sige po, doc. Maraming salamat po.” 
“Pwede n’yo na siyang bisitahin sa loob.” 
“Doc, ayos na po ba siya?” hirit na tanong pa ni Sunny. 
“Sa ngayon, okay naman siya pero kailangan ko makita ang result ng x-ray niya para magamot natin ‘yong pag-ubo niya.”
Nagpasalamat silang muli bago pa man umalis ang doktora. Narinig nila ang pagtunog ng cellphone ni Ana kaya nagpaalam ito saglit na sasagutin lang kung sino ‘yon. 
Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makitang si Rallion ang tumatawag. Hindi niya namalayan ang oras kaya baka malagot siya sa lalaki. 
“H-hello, Young Master…” 
“Where are you, Ana?”
Mariin siyang napapikit. Paniguradong naroon na ang lalaki sa mansyon. 
“N-nasa…nasa ospital po ako.” Narinig niya pa ang malakas na pagpreno ng lalaki. “P-pero hindi po ako ‘yong nasa ospital. ‘Yong papa po ng kaibigan ni Ate. Pasensya na po dahil hindi ako nakapagpaalam sa inyo.” 
“Nasaang ospital ka?” 
“St. Andrew’s po.” 
“Huwag kang aalis diyan. Sabay na tayong uuwi.” Agad niton pinatay ang tawag. 
Nagmamadali siyang nagpunta sa emergency room upang hatakin si Jekka palabas. 
“Ano bang nangyayari sa ‘yo? May problema ba? May masakit ba sa ‘yo?” 
“Ate, mukhang may problem yata tayo.” 
“Ano ‘yon?” 
“Susunduin ako ni Young Master dito. Baka makita niya kayo…at si Ate Sunny.” 
Agad kinabahan si Jekka. Hindi ito ang tamang panahon para magkita silang dalawa. Napaka-wrong timing nito. 
“S-sige na. Ako na ang bahala rito. Doon mo na lang siya hintayin sa labas. Huwag ka nang pumasok sa loob.” Nakipag-beso si Jekka at marahang tinulak si Ana palabas ng ospital. 
“Hindi pa ito ang tamang panahon, Lord. Huwag muna…” 

หนังสือแสดงความคิดเห็น (52)

  • avatar
    NesnihanAnnanesnihan Lawan

    hindi nakakasawa basahin

    18d

      0
  • avatar
    Lawrence Maravillia

    good

    10/08

      0
  • avatar
    MacaurogJasmine

    nice story 💓

    05/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด