logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 4

MAAGANG nakauwi si Jekka mula sa trabaho ngayong araw. Matapos magbihis ay bumaba siya nang marinig niya ang tuloy-tuloy na pagtunog ng doorbell. Hinayaan niya na muna iyon sa pag-aakalang pinagtitripan na naman iyon ng mga batang dumaraan. Pero nang hindi tumigil ang pagtunog noon, lumabas siya at sinilip sa peep hole kung sino ang tao. 
Nanlaki ang mga mata niya nang makitang si Ana ang naroon kaya naman pinagbuksan niya ito agad.
“Sorry, Ana. Akala ko kasi pinaglalaruan ng mga bata ‘yong doorbell kaya hindi muna ako lumabas—“ 
“Ate…” Nagsimula na itong humagulgol habang may takip na panyo sa may bandang bibig. 
Nagulat siya sa pag-iyak nito kaya naman agad niya itong inakay papasok sa loob ng bahay. Inalalayan niya ito sa pag-upo sa sofa at kumuha ng tubig sa kusina. 
“Ano bang nangyari? Bakit ka umiiyak? May nangyari ba sa mansyon?” sunod-sunod na tanong niya nang makaupo. Inilapag niya ang baso at agad iyong ininuman ng dalaga. 
“Pinababayaan ka ba sa mansyon?” Napansin niya kasi ang kapayatan nito. Hindi naman ganoon kanipis ang pinsan mula noong huling pagkikita nila. 
Umiling ito. 
“Eh, ano? Ano bang problema? Hindi ka man lang nagpasabi na pupunta ka. Buti na lang, maaga akong umuwi ngayon.” 
“Ate, tulungan mo ako. Pinapauwi na ako nina Mama sa probinsya.” 
Lumukot ang mukha niya. “Bakit? May ginawa ka bang…” Kinabahan na siya. Naisip niya ang isang bagay na magiging dahilan kung bakit tila ura-urada naman itong pinauuwi ng probinsya. “Teka, don’t tell me, buntis ka?” 
Tiningnan siya nito ngunit hindi ito umimik. Automatic na ‘yon! Agad na nag-init ang ulo niyaa at napatayo. 
“Hoy, Ana Clarissa, sino’ng ama niyang batang ‘yan? Nasaan? Ilang taon? May trabaho ba?” nakapamewang niyang tanong. 
“A-Ate…” 
“Magsabi ka nang totoo, Ana. Taga-mansyon baa ng nakabuntis sa ‘yo? Diyos ko naman. Alam mo naman na hindi lang ikaw ang mapapagalitan ni Auntie niyan. Pati ako! Kaya naman pala noong nakaraan pa siya tawag nang tawag sa akin.” 
Napansin niyang nanahimik na lang ito. Naiinis siya. Sa kanya inihabilin ng tiyahin ang pinsan. Kinukumusta naman niya ito at pinaaalalahanan. Nagpupunta rin ito sa kanya tuwing day off nito kaya inaasahan niyang papasok sa kukote nito ang lahat ng reminders niya. Huminga siya nang malalim. Alam niyang kailangan siya nito ngayon. 
“Sige, magsalita ka…” Naupo siya at nanahimik na. 
“H-hindi po taga-mansyon ang nakabuntis sa akin. Nakilala ko po siya sa isang fast food chain. Service crew po siya. Naging boyfriend ko po siya.” 
“So, ngayon, hindi na?” Pinagkrus niya pa ang dalawang braso niya. 
“Pagkatapos kong magpa-checkup, pinuntahan ko agad siya pero nakita kong niloloko niya lang pala ako.” Pilit pa itong ngumiti. “Sinabi ko rin sa kanya na buntis ako pero hindi niya gusto na magkaroon pa ng pamilya. Masyado pa raw siyang bata—“ 
“At ikaw ba, hindi? Nasaan ‘yang lalaking ‘yan. Halika, pupuntahan natin. Hindi pwedeng ginaganyan ka, Ana! Kailangan ng leksyon ng lalaking ‘yon! Tara! Sumakay ka sa kotse at pupuntahan natin kung saan siya nagtatrabaho.” Muli siyang tumayo. 
“Hindi na, Ate. Mahal ko siya pero mas mahal ko ang baby na ‘to…at ang sarili ko. Kakayanin kong palakihin ‘to nang wala siya. Mas lalo lang magiging magulo kung sakali na pilitin naming na mag-work ang relationship namin dahil lang magkakaanak kami.” 
Bumugtong-hininga siya. 
“Ano’ng sabi nina Auntie?” 
“Nagalit sila, syempre. As in galit na galit sila kasi nagpabaya ako. Kaya tinanggap ko na rin ang desisyon nila na umuwi na ako ng probinsya. At least doon, hindi ako masyadong ma-stress.” 
“Eh, nasabi mo na ba ‘to sa mga amo mo?” 
“Nagsabi na ako kagabi, Ate. Kaya nga ako nandito sa ‘yo ngayon kasi kailangan mo akong tulungan.” 
“Saan?” 
“Maghanap ng ipapalit sa akin. Hindi ba sabi mo, may kaibigan kang kailangan ng trabaho? Baka naman masabihan mo siya, Ate. Hinding-hindi siya magsisisi sa trabahong ‘to.” 
“Teka. Teka. Ano ba talaga ang trabaho mo sa mansyon? Ang sabi mo lang sa akin, naninilbihan ka.” 
Tumango-tango si Ana. Unti-unting nanunumbalik ang ngiti sa mga labi nito habang kausap siya. 
“Personal assistant ako ng isang mayamang CEO. Bale, dalawa silang amo ko pero sa anak talaga ako naninilbihan. Promise, maganda ang benefits. Kaya nga kami nakapagpatayo ng bahay sa probinsya dahil galante ang amo ko sa pagbibibigay ng sahod. Kumpleto pa sa benefits! Kaya, please, Ate. Baka naman pwedeng sabihan mo na siya as in ngayon na. Ayoko na kasing maghanap pa ng iba. Wala rin naman akong ibang mamahanap dahil ikaw lang ang pinakamalapit na kakilala ko sa  mansyon.” 
“Ana, hindi ako mangangako, ha? Choosy kasi ‘yon sa trabaho, eh. Baka hindi niya rin tanggapin ang alok mo kung sakali. Pero, sige. Susubukan ko. Sana naman tanggapin niya lalo na’t kailangan na kailangan niya ngayon ng trabaho.” 
Malaking problema ‘yon kay Ana kung sakali na hindi siya makahanap ng kapalit bago pa mag-next week. Tiyak na ang mga magulang niya na ang luluwas upang sunduin siya. 
“Gusto ko sumama, Ate. Para masabi ko sa kanya ‘yong mga dapat niyang gawin.” 
“Hindi ka ba hahanapin sa mansyon ngayon?” 
“Sinabihan ako ni Young Master na gugulin ang isang buong araw para maghanap ng makakapalit ko. Susulitin ko na, Ate. Hindi pwedeng sina Mama ang sumugod sa mansyon para sunduin ako.”
“Oo na. Sige na.” Baka kung sakali, pati siya ay sugurin ng tiyahin dahil sa nangyari kay Ana. Lalong sumasakit ang ulo niya sa nabalitaan. Ngunit alam niyang mas mahirap para sa pinsan ang sitwasyon nito ngayon. 
“Ana, kumain ka na ba?” 
“Kumain na ako kanina, Ate. Ayos lang ako. Huwag kang mag-alaala sa akin.” 
“Eh, ilang buwan na ba ‘yang tiyan mo?” 
“Isang buwan na po.” 
Hindi niya maiwasan na hilutin ang sintido. 
“Ano nga palang pangalan ng amo mo? Magba-background check din ako.” 
“Siya ay si Young Master Rallion Altamirano. Ang pinakabata at pinakagwapong CEO ng Alta Mira, Inc,” proud pang sabi ng dalaga. 
“Rallion Altamirano. Hindi naman siguro siya ‘yong kaklase ko noong high school, ano?” Kinuha niya ang cellphone at hinahanap ang Alta Mira, Inc sa seach. “Alam ko naman na mayaman sila pero…” Halos mabitawan niya ang cellphone nang makita niya ang picture ng isang lalaking nakasuot ng tuxedo.  
Sinilip ni Ana ang tinitingnan niya. “Siya ‘yan. Si Young Master…ang gwapo, hindi ba? Kaso, masyado siyang seryoso sa buhay. Hindi siya marunong ngumiti—“ 
“Kilala ko siya, Ana.” 
Tumaas ang kilay nito. 
“Kilala mo siya? Paano mo siya nakilala?” 
“Kaklase ko siya noong high school.” Parang lumiwanag ang isang bumbilya sa kanyang isipan at napangiti. “Sige, ako na ang bahala. Huwag ka nang humanap ng iba, okay? Sagot na kita.” 
“S-sigurado ka, Ate?” 
“Oo, pero sa isang kundisyon.” 
“A-ano ‘yon?” tanong nito. 
“Huwag na huwag mong mababanggit ang tungkol sa pangalan ng amo mo, okay? Kailangan wala siyang malaman na kahit na ano maliban sa salary at benefits lang. Hayaan nating ma-discover niya ang tungkol kay Rallion—este Young Master, okay?” 
“Okay, Ate. No problem.”
Nag-apir pa silang dalawa matapos iyon.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (52)

  • avatar
    NesnihanAnnanesnihan Lawan

    hindi nakakasawa basahin

    18d

      0
  • avatar
    Lawrence Maravillia

    good

    10/08

      0
  • avatar
    MacaurogJasmine

    nice story 💓

    05/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด