logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 6

Umikot-ikot ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili suot ang kulay puting gown, iyong sinaunang kasuotan ng mga pilipino. Ang ganda! namamangha akong pagmasdan ito. Para akong sinaunang dalagang pilipina. Ang buhok ko ay nakatirintas paikot sa aking ulo.
"Napakaganda mo, Josefa."
Lumingon ako kay Teresa at ngumiti, sobrang ganda rin naman niya pero grabe kung mamangha sa akin.
"Ang ganda mo rin naman!"
Araw ng Linggo, ngayon ang sayawan na pinaghahandaan nila noog mga nakaraang araw. Ang akala ko ay hindi na naman ako pa payagan ni Leandro, mabuti na lamang at mukhang maganda ang kanyang mood o baka naman dahil pupunta rin siya.
Ang mahalaga ay pinayagan niya ako. Makikita ko kung paano sila mag-party sa panahong ito, sa panahon ko ay sa bar ang kadalasag party at napaka-wild naman ng mga tao.
Mas lalo akong natuwa ng makita ang nag-aabang na kalesa sa labas ng bahay. Ito ang sasakyan namin patungo sa sayawan.
Magkatabi kami ni Teresa sa loob. Hindi maalis sa mga labi ko ang ngiti, maging si Teresa ay kitang kita ko ang pagngiti, malamang ay excited din ang isang ito.
Matapos ang ilang minuto ay nakarating na kami. Bumungad sa amin ang maliwanag na lugar sa gabing iyon. May bakod na kawayan at pahiyas na dahon ng niyog, sa loob ay naroon ang isang banda na tumutogtog at umaawit. Hindi ako pamilyar sa mga kanta, pero masarap namang pakinggan.
Lumapit kami doon at sinalubong agad kami ni Leandro, sa tabi niya ay nandoon si Elizabeth. Malawak ang ngiti ng babae, masaya ang isang 'yan panigurado. Base sa nabasa ko sa libro ay siya lamang ang sinayaw ni Leandro buong gabi.
"Doon tayo."
Tinuro ni Leandro ang isang mahabang mesa na wala pang tao. Nag lakad kami patungo roon at naupo. Sa aking kaliwa ay si Teresa at sa kanan naman ay si Leandro na katabi ang kanyang magpapangasawa.
Pinagmasdan ko ang mga nagsasayaw sa mabagal na awitin. Nakakatuwa ganito pala noon ang party.
"Hindi ba kayo sasayaw, Kuya?"
Napalingon ako kina Leandro sa tanong na iyon ni Teresa, kanina pa kami rito pero hindi pa nga sila nagsasayaw.
"Hindi, Teresa. Kung naismong sumayaw ay hindi naman kita pinagbabawalan," sagot ni Leandro.
"Ako din ba pwede?" Masayang tanong ko.
Bumaling sa akin ang seryosong mukha ni Leandro.
"Hindi, Josefa."
What? Anong silbi ng pagpunta ko dito kung hindi naman niya ako hahayaang sumayaw?
"Pero..."
Hindi pa ako nakakapagsalita ay inunahan na niya agad ako.
"Hindi mo kilala ang mga tao dito, Josefa."
Tama naman siya, pero okay lang naman yata 'yon. Kailangan ba talaga kilala mo muna bago sumayaw?
"Kahit si Kuya Pedro?"
"Kahit si Kuya Pedro."
May lumapit kay Elizabeth at niyaya itong sumayaw, ang akala ko ay hindi niya iyon papayagan pero hinayaan niya lang. Anak ng! Napaka-unfair ng isang ito!
Sumimangot ako nang makita ko sa gitna ang dalawang babae na kasama namin na sumasayaw na doon. Gusto ko rin!
"Nais mo ba talagang sumayaw?"
Mabilis akong lumingon sa kan'ya at tumango. Papayagan na ba niya ako?
Tumayo siya at nilahad ang kanyang kamay sa harap ko.
"H-ha?"
Gulat akong nakatingin sa kamay niya, sasayaw kami? Hindi na niya nahintay na mailagay ko ang kamay ko doon, siya na mismo ang kumuha sa kamay ko at dinala ako sa gitna.
Kinakabahan ako, may kung anong naglalaro sa sikmura ko. Pinatong niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya at nilagay ang kamay niya sa bewang ko.
Dahan-dahan kaming sumayaw sa mabagal na awitin. Nakatingin ako sa mukha niya at ng mapunta sa mata niya ang tingin ko ay sumalubong sa akin ang titig niya.
Hindi ang karaniwang seryoso niyang tingin, banayad lamang niya akong pinagmamasdan. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya.
Hindi siya iyong pangkaraniwang pilipino na maitim, hindi naman siya ganoon kaputi pero mahahalata mo sa balat niya na maputi ito at dahil lamang sa araw kaya umitim ng konti ang kanyang kulay.
"Anong nasa isip mo?"
Mahina lamang iyon pero malinaw na narinig ko ang tanong niya.
"W-wala, salamat isinayaw mo ako."
Ngumiti siya, bahagya akong nagulat sa pagngiti niya. Hindi siya madalas ngumiti, pero hindi naman siya masungit sa mga tao. Istrikto oo pero dala lamang siguro ng pag-iingat sa mga mahahalaga sa kan'ya.
Biglang nagbago ang kanta, naging masigla ito dahilan ng pag likot ng mga tao sa dance floor. May mga nakabangga sa likod ko kaya sumubsob ako sa dibdib niya. Mabilis niya akong niyakap at dinala sa lamesa namin. Mula roon ay kitang-kita ko ang pag sasaya ng mga nagsasayaw.
Nakangiti akong bumaling kay Leandro at muli syang hinila pabalik. Tumataa akong sumayaw kasama ng mga tao, nakangiti lamang na nakatayo si Leandro at binabantayan ako. I never experienced partying, I'm a bookworm at walang social life, and now that I am dancing here in a crowded place, I am extremely happy.
Matapos ang sayawan ay nakatayo kami sa tabi ng kalsada at nag-hihintay sa kalesa na aming sasakyan. Masaya kami na magkahawak ang kamay ni Teresa. Isang lalaki ang lumapit sa amin at laking gulat ko nang dumikit ito sa akin at sinaksak ang patalim sa tagiliran ko.
Napahawak ako sa tagiliran ko at kitang-kita ko ang dugo sa mga palad ko. Parang nahilo ako nang makita ang dami ng dugong umaagos.
"Josefa!"
Nakita ko kung paano iwanan ni Leandro si Elizabeth na nasa tabi nito at tumakbo patungo sa akin.
Nagising ako sa hindi pamilyar na silid, iginala ko ang tingin ko at nakita si Leandro na nakayuko sa kamang hinhigaan ko. Bahagya kong inabot ang braso ni Leandro para magising siya. Gumalaw siya at unti-unting nagmulat ang mga mata.
"Kamusta ang pakiramdam mo?"
Ngumiti ako sa kan'ya, bagaman at kumikirot ang aking tagiliran ay wala naman na akong ibang nararamdaman.
"Ayos lang. Nasaan tayo?"
"Sa bahay ng kaibigan kong doktor, hintayin na lamang natin na matignan ka niyang muli bago tayo umuwi."
Tumango ako, base sa liwanag sa loob ng silid ay umaga na. Kung ano namang saya ko kagabi ay napalitan ng hapdi ng aking sugat.
Ilang sandali lamang ay may pumasok na isang matangkad na lalaki, sa tingin ko ay iyon ang doktor na sinasabi ni Leandro.
"Mabuti na lamang at mababaw lang ang tinamo mong sugat, binibini."
Nakangiti ang lalaki habang tinitignan ang sugat ko. Pinunit lamang nila ang suot ko, buti na lang akala ko ay huhubaran nila ako.
"Pwede na kayong umuwi, bukas ay pupunta na lamang ako sa bahay ninyo, Leandro para malinisan ang sugat."
Inalalayan ako ni Leandro para makatayo at binalutan ng tela ang bewang ko para matakpan ang punit na parte. Akala ko ay hahayaan na niya akong maglakad palabas pero binuhat niya ako.
" K-kaya ko naman... "
Hindi niya ako pinansin at nag patuloy lang sa paglalakad palabas. Pagdating sa labas ay may naghihintay sa aming kalesa. Dahan-dahan niya akong binaba doon, bago siya umupo sa tabi ko.
Mabagal lamang ang pag galaw ng kalesa kaya natagalan kami bago nakauwi. Pagdating sa bahay ay bababa na sana ako pero pinigilan niya ako at muling binuhat.
Nasa sala ang halos lahat ng tao sa bahay. Siguro ay inaabangan ang pagdating namin.
"Josefa! Kuya bakit iniuwi mo na agad? Hindi ba dapat ay mas mabantayan pa siya ng doktor?"
"Mababaw na sugat lamang, Teresa."
"Kahit na kuya! Labis kaming nag-aalala."
"Tama ang kapatid mo Leandro, baka dapat ay bantayan siyang mabuti ng doktor," wika ng matandang kasambahay.
"Ayos lamang po ako," sabat ko sa kanila.
"Anong maayos? Nasaksak ka Josefa! kung pwede lang saksakin din ang gumawa niyan sa iyo ay ginawa ko na!"
Gigil na gigil si Teresa, hindi na siya pinansin ni Leandro at iniakyat na lamang ako sa silid ko.
"Magpalit ka na ng damit mo at hahatiran na lamang kita ng pagkain pagkatapos."
"Hindi ba ikaw ang mag papalit ng damit ko?" Mapangahas na biro sa kan'ya.
"Josefa!" Umalingawngaw ang galit na sigaw niya sa akin.
Tumawa lamang ako at nagtungo sa cabinet at kumuha ng pamalit doon.
Galit na lumabas ng silid si Leandro, sus nagagalit pa siya e kung alagaan nga niya ako daig ko pang lumpo. Tagiliran ang nasaksak sa'kin hindi paa.
Matapos kong magbihis ay nagulat ako ng bumungad si Elizabeth. Nag-aalala ang itsura nito at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"
Tumango ako at ngumiti sa kan'ya. Tulad ng nakasulat sa libro ay maalalahanin nga syang babae.
"Nahuli na ang sumaksak sa iyo, lasing ito kaya hindi alam ang kanyang ginagawa."
"Ganoon ba?"
"Oo, nauulit na naman ang nangyari noon kay Esperanza."
Esperanza? Sino ba talaga siya?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (37)

  • avatar
    Jameson Gwayne Rivera

    I love your story

    07/08

      0
  • avatar
    Jamaica Portes

    Thanks

    05/08

      0
  • avatar
    Andrade de amorimGustavo Henrique

    livro super bom❤️

    23/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด