logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 5

Parang maamong tupa si Teresa habang nakaupo sa aking silid, parang tigre naman si Leandro na nakatayo sa harapan ng nakababatang kapatid.
"Gabing-gabi na Teresa," bakas sa tono ni Leandro ang galit ngunit halatang nagpipigil na sigawan ang kanyang kapatid.
"Kuya, tumulong ako sa paghahanda para sa darating na sayawan sa linggo, paumanhin kung hindi ako nakapagpaalam kanina."
Nakayuko lamang si Teresa habang nagpapaliwanag, halatang natatakot sa kuya niya. Kung ako man ang nasa sitwasyon niya ay talagang matatakot ako, imagine being caught by going home late and worse sa bintana pa dumaan.
"Ang lawak ng pintuan natin, Teresa. Anong nais mo? Mabalian pa ng buto kung sakaling mahulog ka sa pag-akyat mo?"
Hindi ko alam kung maawa ba ako o matatawa sa kanilang magkapatid, ang cute ni Teresa habang pinapalitan, nakanguso at maluha-luha. Lihim akong napahagikhik, kagat labi akong umiwas ng tingin dahil sa sabay na pag lingon nila sa akin.
"Kuya, pinagtatawanan ako ni Josefa!"
Mabilis akong umiling, seryosong nakatingin sa akin si Leandro at hindi natutuwa sa inasta ko.
"Anong nakakatawa, Josefa?"
Napasulyap ako kay Teresa na ngayon ay nakangisi sa'kin at nakalabas ang dila. This girl! That was a nice move para mawala sa kan'ya ang atensyon ng kapatid, napailing na lamang ako.
"Walang nakakatawa, hayaan mo na ang kapatid mo, ngayon lamang naman yata niya iyan ginawa."
"Oo at hindi ako papayag na uulit ka pa Teresa, ang laki ng pintuan natin hindi mo kailangang umakyat sa bintana," si Leandro na muling binalingan ang kapatid.
"Pangako kuya, hindi na mauulit, may mga kalalakihan lamang sa sala kaya nahiya akong dumaan doon."
Matapos iyon ay nagtungo na sila sa kanilang mga silid, naiwan akong nakangiti, how I wish may kuya akong katulad ni Leandro.
Kinabukasan ay saba-sabay kaming kumain ng almusal. Maging ang mga kasambahay nila ay kasabay din, 'yon siguro ang dahilan kung bakit ang haba ng kanilang lamesa. Nasa twenty kaming kumakain. Nagsalin si Leandro ng gatas sa isang baso at nilapag iyon sa tabi ko. Tinikman ko iyon at masarap, malasa ito, ano kayang brand ng gatas nila?
"Kuya, ang sa akin?"
Napalingon ako kay Teresa dahil sa tanong nito, maging ang mga kasabay namin ay bumaling sa kan'ya.
"Kalapit mo lamang ang lagayan, magsalin ka."
Tila naninimbang ang mga nasa hapag at pinanunuod ang magkapatid. Ngumisi si Teresa at ngumuso sa lagayan ng gatas na nasa tabi ko.
"Malapit din naman ang kay Josefa," bahagyang humagikhik si Teresa matapos sabihin iyon.
Kinuha ni kuya Pedro ang lagayan at sinalinan ang baso ni Teresa. Mga nakangiting bumalik sa pagkain ang lahat, labis ang pagtataka ko, wala namang bahid ng selos ang boses ni Teresa. Ako lang ba o mas lamang ang panunukso sa boses niya?
Matapos ang agahan ay sabay kami ni Teresa mag toothbrush at lumabas ng bahay. Maglalakad-lakad kami para bumaba ang aming kinain. Habang naglalakad ay may mga nakakasalubong kami na mga nakasakay sa kabayo, ang iba ay sa kalabaw. It's nice to see how this place has a lot of animals na sa panahon ko ay tanging sa mga probinsya na lamang mayroon.
"Nakasakay ka na sa kabayo?" Tanong ko kay Teresa.
"Oo naman, bakit ikaw hindi pa?"
Umiling ako. Sana bago manlang ako makabalik sa panahon ko ay makasabay manlang ako.
Sariwang hangin, payapang pamumuhay, fresh foods, and beautiful flowers, if I will be given a chance to choose what generation I will be born, I'll definitely choose this generation, this time and this place.
Matapos ang ilang minuto ay napagpasyahan naming bumalik na sa kanilang bahay. Pagkauwi ay inabutan namin doon si Elizabeth, kausap si Leandro. Ngumiti ang babae ng makita kaming papalapit.
"Teresa, Josefa."
Masigla itong ngumiti sa amin, wala na ang pagkailang noong unang beses na magkita kami.
"Hinihintay ko kayong dalawa," si Elizabeth.
"Bakit?" Takang tanong ni Teresa.
"Sabay-sabay na tayong pumunta sa pagtulong sa darating na sayawan."
May celebration sila, doon nanggaling si Teresa kagabi. Masaya akong ngumiti, makikita ko silang mag-ayos at a-attend din ako, ang saya!
"Tara."
Tumango kaming dalawa ni Teresa, naunang maglakad si Elizabeth at sumunod kaming dalawa. Ilang hakbang pa lamang ay napatigil na agad ako ng hawakan ni Leandro ang braso ko.
"Hindi kasama si Josefa."
Nanlaki ang mata ko na bumaling sa kan'ya, what? Anong hindi kasama?
"Ha? Bakit?" Tumaas ang boses ko sa pagtatanong.
"Leandro, nandoon kami ng kapatid mo hindi namin pababayaan si Josefa," wika ni Elizabeth.
"Oo nga kuya!"
Bakas sa boses ni Teresa ang kagustuhang kasama ako. Gustong-gusto ko ring sumama.
"Hindi maaari."
Nagpapadyak ako at hinigit-higit ang damit ni Leandro.
"Please naman, I want to go!"
"Hindi kita nauunawaan, at kung ano man sinasabi mo hindi pwede."
"Marunong ka magsalita ng Ingles," puna ni Elizabeth.
Hindi ko siya pinansin dahil mas mahalaga ng payagan muna ako ni Leandro.
"Pakiusap!"
Umiling lang sa akin ang walang hiyang si Leandro.
"Lumakad na kayong dalawa, hindi magbabago ang isip ko."
Nakasimangot akong pinagmasdan ang likod ng dalawang babae habang papalayo. Kahit hindi na pala ako magkaroon ng kuya, kung kasing higpit naman ni Leandro.
Nagtungo ako sa likod ng bahay nila at naupo sa duyan doon. Bakit ba hindi ako pinayagan ay wala naman akong gagawin dito. Nakakainis naman e! Bakit 'yong kapatid niya pwede, tapos ako hindi?
"Bakit hindi mo pinayagan si Josefa?"
Mahina pero dining kong tanong ni kuya Pedro mula sa loob.
"Maraming lalaki doon na mga tumutulong din."
Humalakhak si Kuya Pedro.
"Ngunit ang mapapangasawa mo ay hinayaan mo? Hindi ko na talaga maunawaan ang mga kinikilos mo, naaalala ko kung paano ka noon kay Esperanza."
"Hindi ako ganito kay Esperanza."
"Oo dahil mas labis ka ngayon kay Josefa."
Hindi ko na narinig pa ang pinag-usapan nila dahil parang lumayo na sila. Esperanza? Sino naman iyon, kapatid din nila? hindi ko naman nabasa ang pangalan na 'yon sa libro nila.
Hapon na noong makauwi si Teresa. Gusto ko mang itanong sa kan'ya kung sino si Esperanza ngunit parang may bagay na pumipigil sa akin.
"Walang ibang bukang bibig ang mga binata doon kundi si Josefa," si Teresa habang nagsasalin ng tubig na iinumin niya.
Nasa sala kami at naghihintay na maluto ang hapunan. Nakaupo ako at nakikinig sa kwento ni Teresa sa mga naganap sa paghahanda sa sayawan. Nakatayo sa gilid ko si Leandro at nakahawak sa sandalan ng inuupuan ko.
"At ano namang nais nila kay Josefa?" May bahid ng inis ang boses ni Leandro.
Umikot ang mga mata ni Teresa sa tanong ng kapatid.
"Kuya, sa ganda ni Josefa ano pa ba sa tingin mo ang nais nila?"
"Huwag si Josefa, hinding hindi ko sila hahayaang makalapit kay Josefa!"
Sumulyap ako kay Leandro na seryosong-seryoso, daig niya pa ang daddy ko sa sobrang istrikto. Wala naman akong magugustuhan sa mga lalaki dito, pero grabe naman siyang maghigpit sa akin.
"Bakit naman?" 'Di ko napigilang tanong sa kan'ya.
Bumaba ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang mangangatog ang tuhod ko sa titig niya, parang isang pagkakamali na kinukwestyon ko ang kan'yang pasya.
"Bakit may nagugustuhan ka sa kanila, Josefa?"
"H-ha? W-wala naman..."
"Kung ganoon ay tapos ang usapan, hindi ka maaaring lapitan ng kahit sinong binata, naiintindihan mo?"
Para akong maamong tuta na tumango-tango sa kan'ya. Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Kuya Pedro. Lumingon kami sa kan'ya ng puno ng pagtataka.
"Wag ninyo na lamang intindihin ang tawa ko sadyang ako ay natutuwa lamang sa isang tao diyan, hulog ba Leandro?" Tumatawang sambit nito.
"Tumigil ka kuya."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (37)

  • avatar
    Jameson Gwayne Rivera

    I love your story

    07/08

      0
  • avatar
    Jamaica Portes

    Thanks

    05/08

      0
  • avatar
    Andrade de amorimGustavo Henrique

    livro super bom❤️

    23/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด