logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

I'll Do It

I'LL DO IT
Sofia's POV:
Sa wakas sobrang saya ko dahil kahit papaano ay may trabaho na rin ako. Pwede na 'to para sa pang araw-araw naming pangangailangan ni Mommy. Tatlong linggo na akong nagtatrabaho sa bar ni sir Dylan at masasabi kong sobrang okay naman ng trato nila sa'kin.
Nakakatuwa pa nga kasi ang bait niyang boss. Pero kapag tumatambay naman itong si Alexus sa bar kasama yung dalawa niya pang kaibigan ay nawawala kaagad yung mood ko. Paano ba naman hindi parin ako tinitigilan. Ewan ko ba kung anong nakita niya sa'kin para kulitin niya ng halos isang buwan.
"Take care Sofia," Nginitian ko lang si sir Dylan ng sabihin niya iyon sa'kin.
"Thank you sir,"
"Sabay kana lang sa'kin, gumagabi na din kasi." Pag aalok niya sa akin.
"Ah, hindi na po sir, okay lang po ako. Sige po, mauna na kayo." Pagtanggi ko.
"You, sure?"
"Opo,"
Pagka alis ni sir Dylan ay naghintay pa ulit ako ng pwede kong masakyan. Ba't parang ang dalang ata ng taxi ngayon? Tiningnan ko ang hand watch ko, kaya naman pala dahil alas otso na pasado ng gabi.
"I'll drive you home baby," pina ikot ko ang mata ko matapos kong makita na naman itong si Alexus. Ang tigas talaga ng bungo niya ano?
"No thanks, umuwi kana dahil hinding-hindi ako sasabay sa'yo tsupee!" Pagtataboy ko sa kanya.
"Ah, ayaw mo?"
"Paulit-ulit? Ayaw nga diba— ah! Ano ba Alexus, ibaba mo 'ko!" Sigaw ko sa kanya matapos niya akong buhatin na para bang isang sako lang ng bigas.
"Kapag sinabi kong ihahatid kita, ihahatid kita." Seryoso niyang sabi pagkalapag niya sa akin sa loob ng kotse niya.
Tila tumigil na naman ang mundo ko dahil sa ginawa niya. Ewan ko ba, ilang beses na 'tong nangyayari sa'kin na sa tuwing may ginagawa siyang hindi ko inaasahan ay saglit na bibilis ang tibok ng puso ko.
Pagkatapos ay lalo siyang nagiging guwapo sa paningin ko. Sh*t! Hindi kaya'y ginagayuma niya na ako? Wahh! Ayoko! Hindi 'to pwede. Kailangan kong labanan itong panggagayuma niya sa'kin. Mali 'to, maling-mali ito.
"Hoy!"
"Ay baby!"
"Ikaw ha, kunwari ka pang naiinis sa'kin tapos ngayon tinatawag mo din akong baby. Hahaha!" Pang aasar niya.
"Titigil ka o titigil ka?" Inis kong sabi sa kanya. Bwesit na 'to. Pakiramdam ko pulang-pula na yung mukha ko ngayon. Bakit ba kasi siya nanggugulat diba?
"I'm asking you Sofia,"
"Ano?"
"How's your day?"
"Ayos lang." Tipid kong sabi.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya.
"Yeah, I'm okay."
Hindi ko alam. Wala ako sa mood ngayon. Actually, kanina pa 'to. Parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Tapos, dumadagdag pa ang hinayupak na 'to.
"Andito na tayo."
Pagkahinto palang ni Alexus ng kotse niya sa tapat ng bahay namin ay mabilis din akong bumaba ng sasakyan.
"Mom? Mom, what's wrong?" Balisa kong tanong kay mommy. Nagkalat kasi yung mga gamit namin sa bahay pagkatapos si mommy ay naka upo lang sa isang sulok habang umiiyak.
Mabilis akong lumapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.
"Nak, y-yung bahay—" Bigla na lang umiiyak si mommy. Hindi niya na rin natuloy ang sinasabi niya.
"B-bakit po? Ano pong nangyari sa bahay?" Halos maiyak ko na ring tanong. Ngayon ko lang nakita na ganito si mommy. Never in my life na nakita ko siyang umiiyak.
"Kailangan nating magbayad ng dalawang milyon para hindi sa'tin makuha ang bahay na 'to. Ito nalang ang natitirang alaala ko sa Lolo't lola mo 'nak, hindi pwede."
Sh*t! Oo nga pala, bakit nawala sa isip ko yung dalawang milyon na sinisingil ng bangko sa amin? Naiyak nalang din ako dahil nadadala ako sa pag iyak ni mommy.
"Mom! Mom! Tulong!"
"Sofia! Tita!"
Mabilis akong inalalayan ni Alexus dahil tuluyan ng nawalan ng malay si Mommy.
"Dadalhin natin siya sa hospital."
"S-sige..."
Mabuti nalang pala at hindi pa nakakaalis si Alexus, kung hindi, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Bakit ngayon pa nangyayari ang lahat ng 'to?
Mahigit isang oras na kaming naghihintay dito sa labas ng ER kung saan isinugod si Mommy, pero hanggang ngayon ay wala paring doctor na lumalabas mula sa loob para ipaliwanag sa akin kung kamusta ba ang lagay ni mommy at kung bakit siya nahimatay.
"Sshh, stop crying. Everything will be alright." Kanina pa hindi umaalis si Alexus sa tabi ko kahit na kanina ko pa siya pinapauwi dahil sigurado akong hinahanap na siya sa kanila.
Alas nuwebe y medya na at sigurado akong nag aalala na din sa kaniya ang mga magulang niya.
"Who's the family of the patient?"
Kaagad akong tumayo at humarap sa doctor.
"Anak po ako,"
"Your mom is in a crirical condition right now.."
Biglang nanikip ang dibdib ko sa sinabi ng doktor. Paanong naging critical si mommy, e nahimatay lang naman siya diba? Ano ba'ng sinasabi niya?
"P-po? Bakit po? Ano po ba'ng nangyayari?" Sunod-sunod kong tanong habang patuloy din ang pag agos ng mga luha ko. Lintik na 'to bakit ngayon pa talaga?
"Mahina na ang puso ng mommy mo hija, kailangan niya ng maoperahan sa lalong madaling panahon."
"Dok naman! Sabihin niyo pong nagbibiro lang kayo oh! Please? Hindi po totoo 'yan, sobrang okay ng mommy. Wala siyang sakit, ni minsan nga hindi pa po siya nadadala sa hospital e, dahil malakas siya! Ngayon lang, ngayon lang siya dinala dito tapos sasabihin—"
"Sofia, calm down okay?"
"Paano akong kakalma, e mali yung sinasabi niya!" Pasigaw kong sabi kay Alexus.
"Ms. Hidalgo, matagal ng may sakit ang mommy mo. Ako ang personal doctor niya,"
Wala na. Tuluyan nang nanlambot ang mga tuhod ko. Matagal ng may sakit si mommy? Teka nga lang, bakit hindi ko alam? Ako lang 'tong nag iisa niyang pamilya tapos hindi ko alam? Ano ba namang buhay 'to oh!
"Five million pesos, at makakaasa kang maooperahan siya sa lalong madaling panahon."
Five million? Saan ako kukuha ng gano'n kalaking pera, ha? Saan? Ano ba'ng akala nila sa amin? Na gano'n kami kayaman para hingan ng gano'n kalaking halaga? Wtf!
Pagkaalis ng doctor ay tuluyan na akong nawala sa aking sarili. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung paano ko haharapin itong malaking problema na kinakaharap ko ngayon.
"Everything—"
"I'll do it!" Sabi ko ng hindi manlang lumilingon kay Alexus.
Natigilan si Alexus sa bigla kong pagsasalita. Mahal na mahal ko si Mommy at hindi ako papayag na wala akong gagawin.
Kahit na sobrang labag nito sa kalooban ko ay gagawin ko, alang-alang sa buhay ng mommy ko.
"What do you mean?" Tila naguguluhan par ring tanong niya.
"Pumapayag na ako sa inaalok mo Alexus, isang milyong dolyar kapalit ng batang hinihingi mo."
"Kung napipilitan ka lang hindi mo kailangang gawin 'to." Sabi niya.
"Seryoso ako, narinig mo naman diba? Five million pesos para sa opersyon ng Mommy ko. Desperada na ako Alexus, kaya kahit labag 'to sa loob ko ay gagawin ko."
Matapos ang naging pag uusap namin ni Alexus ay kaagad siyang umuwi para kumuha ng pera para sa operasyon ni Mommy. Samantalang ako, heto at kanina pa walang humpay ang pag iyak. Wala pa ring malay si Mommy kaya hindi pa rin ako pwedeng pumasok sa loob ng kuwarto niya.
Wala na, wala na 'yong pangarap kong kasal kasama ang taong mahal ko at mahal ako. Pati kaluluwa't dignidad ko ay mawawala na rin.
Pero anong magagawa ko? Buhay ng ina ko ang kapalit ng gagawin ko. Sobrang importante niya sa'kin kaya kahit sariling kapakanan ko yung magiging kapalit mailigtas lang siya, ay gagawin ko.
Sana, hindi ko pagsisihan ang desisyon kong 'to. Sana maging maayos ang lahat.
"This is for you, 'my, I'll do it for you. Para gumaling ka, at para matagal pa tayong magkasama."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (286)

  • avatar
    QuilarioGengie

    Wow! grabe talaga kahit maikli lang naman ang storyang ito pero may mga bagay palang natutunan natin dito na sa umpisa parang joke lang pero may nasasaktan kaya super na appreciate ko yun lalong lalo na sa happy ending. Kudos sa writer & keep it up God Bless 😍♥️♥️♥️

    11/12/2021

      0
  • avatar
    Marvss Villareal

    haha

    8d

      0
  • avatar
    Ramil Ngitngit

    Excellent and great story author.Ang linis ng story.Highly recommended po.

    9d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด