"B-BAKIT ka naman nagso-sorry sa akin? W-wala ka namang ginagawang kasalanan sa akin," nauutal kong tanong kay Lorraine. Hindi ko na nga malaman kung ano ang sasabihin sa kanya. Hindi ko ito inaasahan at bigla na lamang akong kinabahan dahil sa kanya. "Anong wala? Tanda mo ba no'ng isang araw? Nang nabunggo mo ako?" sabi naman ni Lorraine habang nakahawak sa kanyang bag. "H-ha? O-oo tanda ko... W-wala ka namang kasalanan doon, talaga lang na tatanga-tanga ako," napayuko kong tugon. Pasimple kong nakita ang pagtamlay ng itsura niya. "S-sorry! Sorry! Sorry! Hindi dapat kita sinabihan ng gano'n. Badtrip lang ako noon kasi nalaglag 'yong kinakain kong burger. Pati tuloy ikaw ay nadamay. Sorry, sorry dahil sinabihan kita ng mga bagay na makakasakit sa 'yo..." "L-lagi mo nga akong tinutulungan 'pag kailangan ko at tuwing hindi pa iyon inaasahan! Kaya nga nang umalis ka kanina sa gym ay lumabas din ako para hanapin ka at humingi ng sorry." "Hindi ako galit sa 'yo, ang iniisip ko lang kasi ay baka galit ka sa akin," seryosong-seryoso sinabi ni Lorraine sa akin. Nakaramdam ako ng pagkabigla at bahagyang nabunutan din ng tinik ang dibdib ko. Hindi pala siya galit sa akin. "A-ah? Ano ka ba! Hindi ako galit sa 'yo. Promise, hindi ako galit, para 'yon lang..." nakangiti kong sagot kay Lorraine. "Ha!? Talaga? Hindi ka galit? Baka hindi huh?" aniya at biglang sumigla ang mukha niya. "Oo nga! Hindi talaga. Sa ganda mong iyan..." medyo hininaan ko 'yong huli kong mga sinabi. "Ano 'yung sinabi mo?" Napapangiti niyang tugon at nagulat ako nang maramdaman kong may pumisil sa braso ko. Kinurot niya ako. "A-ah... Eh... wala. Sabi ko ay pupunta na ako sa gym," wika ko sabay ang pasimpleng paghawak sa parteng kinurot niya. Hindi ko nga maipaliwanag ang naramdaman ko sa ginawa niyang iyon. Pakiramdam ko ay close kami. Pero ewan ko lang kung gano'n din siya sa akin. Pero imposible. "Sige Mr. Cruz, mauna ka na sa gym. Mag-si-CR pa kasi pa ako," nagmamadaling wika ni Lorraine. "Sige mauna na ako! Ingat ka ha," sabi ko naman na hindi na nga napigilang mapangiti dahil sa kanya. Ngumiti rin siya sa akin, "Oo naman! Ikaw rin, ingat." Nakangiti pa rin siya hanggang sa pag-alis. "Smile..." pahabol ko pa. "Ha?" tanong niya dahil hindi na niya narinig ang sinabi ko. "Eh... wala! Sige na." Pagkasabi ko noon ay nakangiti akong dumiretso papunta sa gym. "Akala ko pa naman ay sasabay siya sa akin papunta sa gym. Masyado akong assuming," bulong ko sa sarili ko habang naglalakad. Pagdating ko sa gym ay medyo malapit-lapit na raw matapos ang opening program. Kaya nagtiyaga na akong makinig. Maya-maya ay dumating na rin si Lorraine. Napatingin ako sa kanya at siya naman ay ngumiti sa akin. Sapul ang puso ko! Nang mga oras na iyon ay ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Nalaman ko kasing hindi naman galit sa akin si Lorraine. Ilang minuto pa ang nagdaan at tuluyan nang natapos ang program. PAGKATAPOS ng opening program ay pumunta naman kami sa campus' ground para sa pagbubukas ng exhibit. Dali-dali naman itong sina Lebron papalabas. Masyado yata silang excited kaya naman napasabay na rin ako sa kanila. Nag-picture taking muna ang mga opisyal ng campus bago i-cut ang ribbon sa exhibit place. 'Yong main building ng campus ang pinaglagyan ng mga pang-exhibit. Tamang-tama kasi ang building na ito dahil malawak ang ground floor na akmang akma talaga para rito. Ang mga room naman hanggang 4th floor ang para sa exhibit ng mga departments. Mabuti na lang at free ako for the whole week celebration ng campus. Para raw ito sa lahat ng estudyante't professors at isa na ako ro'n kaya masusubaybayan ko ang lahat ng mga events na magaganap dito. Maya-maya pa'y natapos na rin ang hinihintay namin at binuksan na ang lugar ng exhibit. Manghang-mangha ang lahat dahil sa ganda ng pagkakaayos. Kahit sinong makakakita ay mapapahanga. Talagang pinaghandaan, ika nga. Halos inabot kami ng dalawang oras sa pag-e-explore ng lugar. Sulit na sulit ang ginawa naming iyon kasi ang gaganda ng mga display, artworks, inventions, artifacts atbp. na makikita rito. "Wow p're! Ang lupet at ang aastig ng mga nakita natin. At ang dami nating na-take na pictures. I-a-upload ko ito sa FB ko," tumatawang sinabi ni Dwyane. "Teka Pareng Mellard 'yong exhibit ng IT? 'Yung mini robot na kinokontrol ng computer, alam mo bang nagbayad kaming tatlo ng tig-iisang daang piso para mabuo 'yon. Malaki ang naitulong namin do'n. Ang lupet noh?" pagyayabang naman ni Lebron na sinabayan pa ng tawa nina Chris at Dwyane. "Oo, tanda ko 'yon! Astig din do'n. Ang galing n'yo naman at kayo pala ang susi para mabuo 'yon. Dahil sa bayad ninyo. Teka tumulong ba naman kayo sa pagbuo?" iyon naman ang sinabi ko sa kanila habang tumatawa. "Hmmm... alam mo naman na busy kami kaya hinayaan na namin na 'yong iba ang gumawa," patawa-tawang sagot ni Lebron. "Hanep kayo, lakas ng trip nyo!" sabi ko. Napatawa nga ako bigla sa mga sinabing iyon ni Lebron. KINAGABIHAN, magkakasama kami nina Lebron habang naglalakad papunta sa gym. Magaganap na kasi ang pinakaaabangan namin, ng lahat... ang Battle of the Bands. "Wow mga p're! Ito na ang hinihintay natin, ang Battle of the Bands! Yeah! Let's Rock!" sabi ni Chris na nag-rock sign pa sa amin. Pagpasok pa lang namin sa Gym nang gabing iyon ay damang-dama ko na ang rakrakan, sa tugtog pa lang ay alam mo na. "Ui mga p're, baka hindi ko kayo masamahang manood ngayon, tutulungan ko sa pag-aayos 'yung ka-department ko para sa paghahanda ng banda nila," paliwanag ko kina Lebron. "Hah? Ganun! Sayang naman p're at kukulangin tayo. Pero okay lang 'yun p're, sige na at baka hinahanap ka na dun," sabi naman ni Lebron. Pumunta agad ako sa room ng department namin sa backstage. May kanya-kanya kasing room sa backstage ang mga department dito. Pagpasok ko sa loob ay napansin kong tila may problema ang aming department head at ang banda. Hindi ko alam kung ano iyon pero nagbaka-sakali agad akong baka makatulong. "Sir, may maitutulong po ba ako?" tanong ko kay Sir Alejandro. Pero hindi ko inaasahan ang sunod na mangyayari. "M-mellard? 'Di ba vocalist ka dati ng banda n'yo noong highschool tayo?" tanong ng drummer ng banda na ka-batch ko pala noong highschool ako sa probinsya namin. Nagtaka ako sa tanong niyang iyon. Seryoso rin nila akong tiningnan pero 'di ko alam kung bakit. "A-ah, e-eh... Oo. B-bakit?" sagot ko matapos ang tanong niyang iyon. Hindi ko na inaasahan ang mga nangyari dahil sa batchmate kong iyon.
ดูทั้งหมด