logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5

Kinabukasan at sa mga sumunod pang araw ay parating naririto ang mga kaibigan ni sir Kevin. Iwas na iwas akong mapunta sa sala o kaya ay sa garden kung nasaan ang magkakaibigan. Pero dahil ipinatawag ako ni Sir Kevin daw sa sala ngayon ay napilitan akong puntahan sila at ihatid ang meryenda para sa apat.
Naiiling akong lumapit sa apat at inilapag ang dalawang tray.
"Long time no see, my princess but now we are seeing each other again. I will be glad to be your prince if you like." Pangunguna ni Daren.
Napangiwi ako sa sinabi niya. Hindi ba siya matatapos sa mabubulaklak na mga salita niya? Tss.
Napansin kong nakatitig si Sir Kevin sa akin.
"Feeling mo naman maganda ka na. Hindi porket napapansin ka ng mga kaibigan ko, pwede ka nang mag buhay prinsesa dito sa bahay ko. Binabayaran ka dito para magtrabaho, hindi para lumandi." Malamig na sabi ni sir Kevin habang hindi parin nawawala ang titig niya sa mga mata ko.
Nagseselos ba siya sa akin para sa mga kaibigan niya?
BAKLA BA SIYA?
Napayuko ako dahil sa hiya. Ipahiya ba naman ako sa harap ng mga kaibigan niya?
"Woah. Chill bro! Wag mo namang ipahiya ang magandang binibini sa harap ng mga gwapo. Alam mo bro, bitter ka lang e, kain-kain din ng sweets dude nang magkaroon ka naman ng tamis sa katawan mo." Pagtatanggol ni Daren sa akin. Inaamin kong natuwa ako don. Kaya't mamaya na ako magpapasalamat sa bolerong kaibigan ni sir Kevin.
Naiiling na lamang sina Carl at Christian sa dalawa.
"I heard that you and mom talked the last time. If I were you, stay away from my mother if you still want to work here Ms. Rivera. And the worst part is, you took the opportunity when she asked you to study in my school. What do you want from my family? Gold digger." Malamig parin ang tono ng pananalita niya. Pero ang higit na nagpabundol sa puso ko ay ang mga sinabi niya.
MASAKIT EH! Tao rin ako, nasasaktan. Pero parang hindi siya tao kasi hindi niya iniisip na may masasaktan sa mga pinagsasasabi niya.
Nangilid ang luha ko sa sinabi niya pero nanahimik lang ako.
Napasinghap ang mga kaibigan niya sa sinabi ni sir Kevin.
"You're hurt right? If you don't want to be hurt like this, leave my house and stay away from my mom. Wala kang makukuha sa amin. You just want fame ang money, that's what you really want. Do you know what I think just now? I can call you DESPERATE. You're not even half of my standard---" mapangutyang sabi ni sir Kevin pero pinutol iyon ni Christian.
"Stop it, bro. Binabastos mo na ang babae--"
Napatayo na silang dalawa. Habang ako ay nakakuyom na ang dalawang kamao ko.
"No, pare. Kung kinakampihan mo yan, I'm telling you this. She's not worth it---"
BOGSH!
Hindi na talaga ako nakapagpigil at nasuntok ko na siya sa kanang pisngi niya. E siya? Natumba sa lapag at nakahawak sa nasaktang bahagi ng pisngi niya.
Gulat na napatingin sa akin ang mga kaibigan niya.
Tumayo ng walang pag aalinlangan si Sir Kevin at hindi alam ang sasabihin. Pati nga ako, natauhan sa ginawa ko nang tumayo na siya at pinanlisikan ako ng mga mata.
"Una sir, hindi ako gold digger. Pangalawa, ang ina niyo po ang nakiusap sa akin na pag-aralin ako. Hindi ako ang may gusto non. Ang ipinunta ko po dito ay ang magtrabaho, hindi ang lumandi. At pangatlo, wala kayong karapatang pagsalitaan ako ng ganyan kasi tao rin ako, nasasaktan. Kung gusto niyo pong pag-usapan ang tungkol sa pag-aaral ko na kagustuhan ni mada'am Layra ay siya nalang po ang kausapin niyo, hindi ako. Aalis na po ako." Bago ako lumisan sa harapan nila ay binigyan ko muna ng huling tingin ang mga kaibigan niya at umalis.
Saka na ako umiyak nang makapasok na ako sa kwarto ko. Ang kwarto ng mga katulong malapit sa stock room at kusina.
Nakakainis. Nakakaiyak. Nakakainis parin! Arrrg! Ngayon lang ako nagalit ng ganito.
Nakarinig ako ng marahang pagkatok sa labas ng pinto. Si nanay na siguro iyon.
Pinahid ko ang magkabilang pisngi ko kung saan tumulo ang luha ko tsaka ngumiti at ibinalik ang dati kong ngiti kaninang umaga.
"Anak, patulong naman. May lulutuin kasi ako ngayon. Maghahanda na tayo para sa tanghalian. Hindi pa pala umalis ang mga kaibigan ni Sir."
"Ho? O-opo nay. Magbibihis lang po ako saglit." Sabi ko saka pumasok sa banyo at nagbihis.
Inilapag ko ang mga pagkain sa hapag at inayos ang mga kubyertos at mga pinggan.
Hindi nagtagal ay nagsidatingan na ang apat na masayang nag uusap-usap na parang wala lang nangyari.
Mas pinili kong kina Chris at Daren ako banda mag lagay ng tubig kesa sa kabila kung saan naroroon si sir Kevin na katabi si Carl. Si nanay Henya na ang umasikaso sa dalawa sa kabila.
"Hi!" Bati ni Chris sa gilid ko na ikinalingon ko.
"Hi." Sagot ko na nakangiti. Naramdaman kong may nakamasid sa amin kaya't hindi ko iyon pinansin.
"Are you okay? Sorry ah?" Tumango ako at bahagyang ngumiti.
"Ayos lang--"
"HAYLIE. Dito ka sa amo mo magsilbi. Hindi sa kaibigan ng amo mo." Madiing sabi ni sir Kevin sa malamig na boses.
"Sorry bro." Sabi ni Chris tapos ay kinindatan ako bago ako maka alis sa banda nina Chris.
Umikot ang mga mata ko nang bahagya siyang napasinghap sa  pag lalagay ko ng tubig sa baso niya.
Ngayon palang ay nakaisip na ako ng kalokohan bilang ganti at pabor na rin sa gustong mangyari ni mada'am Layra.
Nanghingi si sir Kevin ng juice na ikinatuwa ko.
Sisiguraduhin kong mahuhulog ka sa akin.
KEVIN SETH FUENTES!
Sinadya kong ilapit ang mukha ko sa mukha niya para lagyan ng juice ang isang baso niya. Narinig kong tumikhim siya kaya't sinadya kong lumingon sa gawi ng mukha niya.
Lihim akong napangiti nang maglapat ang pisngi ko sa labi niya. Napansin kong natigilan siya at hindi naka kilos sa ginawa ko.
Yan ang bagay sa'yo. Heartless Monster!
---
"Uhurm. Nakita ko ang nangyari kanina anak. Gusto mo ba si Sir Kevin?" Tanong ni nanay. Natawa ako sa tanong niya. Ako magkakagusto sa halimaw na lalaking yon? Ipinahiya niya ako kanina, pinagsalitaan niya ako ng masasama. Kaya't bagay lang iyon sa kanya!
"Bakit ka tumatawa? Wag mong sabihing pinagtritripan mo ang amo natin?" Tanong ni nanay na nakataas ang kilay.
"Hindi po nay. Hindi ko po talaga sinasadya iyon. Natawa lang po ako sa naging itsura ni sir Kevin kanina. Parang naparalized e. Haha" Tawa ko na ikinangiti ni nanay. Hinaplos haplos niya ang buhok ko saka sinabing,
"Huwag ka lang magkakagusto sa amo natin anak ha? Alam naman nating hindi lang mayaman si sir kundi ay masasaktan ka lang kasi hindi kailanman nagkakagusto ang mga mayayaman sa mahihirap. Sa halip ay kinukutya pa nila tayo at minamaliit. Mahirap silang mahalin, mahirap intindihin." Sermon ni nanay. Naalala ko bigla ang mga pinagsasalita ni sir Kevin sa akin kanina. Masasakit na salita na nagpaiyak sa akin.
Hindi ko sinadya na masuntok ko siya kasi hindi ko ma control ang sarili ko kapag ganoon na kasakit na mga salita ang sinabi ni sir Kevin. Hindi ko nga alam kung bakit pakiramdam ko sanay na sanay na ako sa pagsuntok. Hindi ko naman maalala kung bakit nagawa ko iyon. Kung saan ko natutunan iyon lahat ng mga kaalaman ko sa pakikipaglaban. Una kong naranasan na may kaalaman ako sa mga ganoon nang may magtangka sa buhay ko sa probinsiya. Doon ako unang nagtaka.
Hindi lang ba ako isang ordinaryong babae sa totoong buhay ko?
Iyon ba ang dahilan kung bakit ako napunta sa dalampasigan ng San Roque?
Sumasakit na naman ang ulo ko pero wala akong maalala.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (371)

  • avatar
    Keaty4

    more books please..

    9h

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    Ang din nitong story na to..

    2d

      0
  • avatar
    Faith Areniego

    Ang gandaaa grabe

    14d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด