logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

His Rumored Girlfriend [tagalog]

His Rumored Girlfriend [tagalog]

Triciaarz


His Rumored Girlfriend

( Part I )
Chase Mikael Monteverde

[ Point Of View ]
"Chase are you listening?" Tanong sa akin ng Mommy ko noong lingunin niya ako mula sa likod niya. Hindi kasi siya makapaniwala sa mga biglaang pag-d-desisyon ko.
I did not answer her question nung lagpasan ko siya at pumasok sa passenger seat ng kotse. I am not even surprise when she entered the backseat at mukhang sasama pa ata sa akin papunta sa University na papasukan ko ngayon.
"Sa condo mo na ba talaga ikaw titira? Final na ba 'yon?" Sunod-sunod na tanong ni Mommy sa'kin, noong makabit ko ang seat belt ko. Marahan akong napatango bilang sagot sa mga tanong niyang 'yon.
"How about studying in Aristotle? Chase, okay naman ka naman sa Helix 'di ba?" Sunod na tanong niya sa akin.
I sighed heavily bago ako tumingin sa kanya na nasa backseat. I can say that she really look... Worried?
"Nag-aalala lang naman ako baka manibago ka sa papasukan mo" nag-aalalang sabi niya, while she gesture her hands a lot.
"You don't have to worry about me, I'm fine." I forced a thin smile just to assure her that 'I am okay'.
Napabuga siya ng hangin at hindi na nagsalita pa. My Mom knows me. At alam niya na once na decided na ako sa isang bagay gagawin ko talaga 'yon without any having a second thought.
Si Mommy, she's the only one who I can say understand my feelings, about the situation I'm in. Sa totoo nga lang ayoko naman talagang umalis at iwan siya, but I have my own reason why I wanted to.
I want to move-on. I want to fix myself. Pero hindi ko magagawa 'yon while I'm living with them.
I have everything in this world if it only we talk about money. Dahil sobrang sagana namin sa pera. I'll do lived like a prince and have anything that I wanted in one snap of a finger. Having a luxurious lifestyle that anyone has wished for. But as I grew older all of it are useless to me, growing-up to realized that money really can't buy happiness.
I grew up and lived in a huge house pero kahit anong laki nito sa paningin ng iba maliit ito para sa aminng tatlo. Ako, si Dad at ng kapatid ko. Our home suffocates me to the point that I can not even call it home.
Hindi ko kasi kaya na makita sila pareho. My Dad, my brother and his soon-to-be-wife. Nasasaktan lang ako nang paulit-ulit at sumisikip mundo ko tuwing nakikita ko silang lahat.
Naalala ko rin yung mga panahon na halos mabaliw ako dahil sa kanila, dahil mas kinampihan pa nila yung kapatid ko kesa sa akin. Anak din naman nila ako pero bakit hindi nila kayang pakinggan yung side ko?
"You don't know about love! You are still young Chase! Batang-bata ka pa! Marami ka pang makikilala na babae d'yan!" Sigaw ni Dad sa akin.
Hindi ko kasi matanggap na yung girlfriend ko for three years is actually going to marry my brother. Guess for what? Business? No. They're going to marry because they having an affair behind my back at nagbunga yung pagtraydor nila sa akin ng kapatid ko.
Ysabelle is pregnant. I am willing to take the responsibility of being a father but my own Dad won't let me. Martyr na kung martyr pero mahal ko si Ysabelle at hindi ko siya kayang ipaubaya sa kapatid ko. Ayoko!
"Bumitaw ka na Chase! Bitaw na! Gumising ka na sa katotohanan na hindi na kayo pwede ni Ysabelle!" Sigaw ni Dad sa pagmumukha ko, habang masamang nakatingin sa mga mata ko. Hawak din ng dalawang kamay niya ang kwelyo ng polo ko. 
"Haze, tama na!" Pigil ni Mommy sa aming dalawa ni Dad
"Alam kong alam niyo kung gaano ko kamahal si Ysabelle 'di ba?! Bakit mas pinapanigan niyo pa si Chance kesa sa akin?" Mapait na ani ko na lalong kinasama nang tingin ni Dad sa akin at marahas na itulak ako.
I don't dare to stand up dahil pagod na ako. These kind of fights with my Dad is draining me. Nakasalampak lang ako sa sahig dahil sa sobrang panghihina ko. I'm just here. I'm just sitting here alone looking like a mess that don't want to be fix. Every words that coming out from my own Dad's mouth is like stabbing me in front of my chest.
"Can't you see? This is a f-cking sign that she's not a woman for you! Wala akong pinapanigan sa inyong dalawa!"  Sigaw ni Dad sa akin. I know he's lying. Si Chance lang naman kasi lagi yung pinapabor-an niya.
All I think about is plan our future together on my mind. She's the woman I want to spend my life with. She's the woman who I want to be the mother of my child. She's the woman I wanna marry when we're done chasing our dreams.
 Bakit naman kasi gusto nila ipakasal si Ysabelle, kay Chance if they are all validating my feelings at wala silang pinapanigan? I cannot understand the logic of my Dad kaya para sa akin lumalabas siyang sinungaling. 
Ako kaya ko namang tumayong Tatay sa magiging anak ni Ysabelle, bakit ba ayaw nila? Dahil ano? Hindi naman ako naka-buntis sa kanya? I can be good provider. I can be a good father.
It's been a months. Imagine? Months passed at ito pa rin ako. Stuck-up pa rin. Akala ba nila gano'n lang ka dali ang mag move-on? Hell, no. 
Ang bilis nang mga pangyayari pero hanggang ngayon tinatanong ko pa rin sa sarili ko kung saan nga ba ulit ako nagkulang? Nagbakasyon lang ako. Maikling panahon lang nung umalis ako. Bakit pagbalik ko may iba na? And the worse of it, bakit yung kapatid ko pa? Bakit si Chance pa?
Disappointed? Yes. I am very disappointed honestly. I just got betrayed by my own brother na pinagkatiwalaan ko.
Pinag laban ko si Ysabelle, God knows I tried. Masapak man ako ng paulit-ulit ni Dad o ng kung sino sa kakakulit sa kanya ayos lang. We can run away if she wants. Pero mismong siya pinili niya na lang yung kapatid ko. It tore me apart. Parang feeling ko pinag kaisahan ako ng mga tao rito sa bahay.
I've been living like a robot for all these passed months. Walang buhay. Walang emosyon. I've been trying to get myself together. Pero hindi ko pa rin talaga kaya. I've been hanging out with my friends but that still wasn't enough. Because it's still her. I am not over her. At masakait pa rin.
Malaman ko pa nga lang na yung taong gusto ko ikakasal na sa iba dinudurog na ako. Paano pa kaya kung makikita ko pa 'yon sa harap ng altar?
I may sound bitter but I do not want to attend to their upcoming wedding. Hindi ko ata kakayanin 'yon. I'm afraid that I lost my sanity.
I took a deep breath habang nakasandal ang ulo ko sa may bintana sa tabi ko. Thinking of how my life would be if I'm starting to live my own from now.
I don't even know how to cook for myself, or do the laundry of my clothes. Maybe I should I hire someone to do that? Or maybe I could do it by myself? I mentally shake my head of that thought. Trying to be independent, huh? Tssk.
Noong makarating kami sa University na papasukan ko, it looks like I'm a pre-schooler na hindi ma-let go ng Mommy ko, and it's kinda annoying. Para tuloy akong lumalabas na Mama's boy nito. But that's given mami-miss ko ang pagiging nagging niya.
Pagkaparada ni Mang Benny agad kong binuksan yung pinto ng sasakyan at mabilis na lumabas doon. Tinawag ako ni Mommy kaya binalingan ko siya ulit ng tingin habang nakataas yung dalawang kilay ko. Waiting her to say something.
My expression softened when I saw her face, "Mom!" I exclaimed. She's teary eyed.
"Ah, wala lang 'to... Hindi lang ako sanay na hindi na kita makakasabay kumain kasi nga... Starting mamaya... You're living in your own" she explained while she's trying to hold back her tears.
Tumingala pa siya para pigilan yung mga luha na gustong pumatak sa pisngi niya.
"Mom, stop acting like you are not going to see me for years," saad ko as I put the strap of my bag on my shoulder.
"You can always go, see me every weekend if I'm free," I told her.
"But remember to text me first before you come, okay?" I added while looking straight to my Mom na tumatango sa sinabi ko
"I'm going to pick my car later. So how about let's have a dinner after?" I suggest.
Kaya naman tumango ulit itong si Mommy and give me a small smile.
"Gonna pick you up here then? Just text me, kung ano oras labasan mo" she reminded kaya marahan akong tumango.
She immediately wiped her tears using the back of her hand. My face softened while I'm staring  at her. She looks like a lost kid honestly.
"Hindi talaga ako makapaniwala na my baby is not a baby anymore. Look oh, pwede ka na rin gumawa ng baby" she teased. Kaya hindi na ako kumibo. 
I lean to give her a peck kiss on her right cheek, 'way of saying goodbye' but stop mid-way when she started to talk again at samaan pa ako nang tingin.
Ano na nanaman ba ang ginawa ko?
"Wag kang makikipag-away!" She warned.
Ano ba ang akala niya sa akin? Pala-away? Hindi naman ako nag-start ng away. I consider myself getting into troubles sometimes. Sila naman kasi ang nauuna.
"Wag ka rin mayabang," dagdag niya.
"Bawas-bawasan mo rin ang pagiging masungit at suplado. Try to be friendly! Paano ka na lang magkaka-girlfriend n'yan? Sino lalapit sa'yo?" Napa-iling ako sa puna niyang 'yon sa akin.
Wala pa sa mga plano ko ngayon ang mag-girlfriend ulit. Knowing that I'm still in love with my ex? Ayoko maging unfair.
"Susunduin kita mamaya, ah?" She reminded kaya tamad akong tumango.
I tried to be local noong makapasok ako sa unang building ng University. Ramdam ko ang mga titig ng ilan sa akin habang naglalakad ako. Hindi naman bago sa akin 'yon dahil ganito rin naman ako sa Helix University noon kaya sanay na rin ako.
The ambiance is great. It do looks like a resort dahil may pagka-grand ang entrance ng school. There's a fountain and statue in the front ng main building and from there... Napa-ngisi ako ngmga kaibigan ko na nag-aaral dito.
"Bro!" Masayang bati ni Moon Fuentebaja na nakipag fist bump sa akin.
Nakasuot siya ng Ralph Lauren maroon polo short, tucked-in dark denim, with Jacob and Co. Watch on his left wrist and a black loafers shoes.
"Welcome to AU, bro!" Tapik ni Moon sa balikat ko.
"Welcome to Aristotle, pare!" Ani naman ni Rocky Saavedra na nasa likod lang ni Moon na maangas na nakapamulsa sa pants niya.
He's wearing a white Gucci button-down collar paired with khaki pants and dress shoes.
Napatingin naman ako kay Kaven Alcantara na nakahalukipkip at tahimik na nakatingin sa direksyon namin.
"O' paano ba 'yan? Inuman na ba mamaya?" Naka-ngising anyaya niya sa amin.
He's wearing a plain navy blue collared shirt tucked-in, chinos, and some clean leather dress shoes, an Apple watch and specs.
I shrugged my shoulder as an answer.
"Ang lakas magyaya hindi naman makakapunta," sarksatimong saad ni Moon kay Kaven. "Baka nga payagan ka ng asawa mo?" Dagdag na sabi ni Moon sa kanya.
"Hindi, ayos lang 'yon. Wala naman 'yon pakielam," he shrugged.
"Ikaw tol? Ano na plano?" Tanong ni Moon sa akin noong balingan niya ako ng tingin.
"Mag-aral," tipid kong sagot kaya nagsi-ilingan silang tatlo. They know what I have been through these past months. 
"Hayaan niyo na, ganyan talaga pag walang babae sa life masungit," sabad naman ni Rocky na naka-ngisi sa tabi ko. 
"Bro, loosen up man!" Dagdag niya noong kinabig niya ang braso ko.
"Ang tao, umaalis 'yan sa buhay pero ang alak, maraming produkto 'yan. Pwede kang magpaka-sawa!" Turan niya.
"Saka tingnan niyo ako!" Mayabang na turo ni Rocky sa sarili niya. "Hindi man successful ang lovelife ko, winner naman ako sa sex life ko," mayabang na dagdag pa niya.
"Baka pang-sex life ka talaga, Chase?" Malokong sabi ni Rocky sa akin noong balingan niya ako ng tingin sa tabi niya. 
Dinedma ko lang yung komento niyang 'yon, dahil matagal na niya akong kinukumbinsi sa ganyan pero wala akong balak na sumunod sa yapak niya.
Habang naglalakad kaming apat hindi ko maiwasang na hindi makita sa peripheral vision ko, ang mga babae na namimilog yung mga mata at natitigil sa pag-uusap, noong dumaan kaming apat sa harapan nila.
Rinig ko rin ang mga bulungan nila na, "Si Chase Monteverde ba 'yan?"
"Shocks! Ang gu-gwapo nila!"
"Oh my... The rumors are true! Chase Monteverde is currently studying here! Kompleto na ang magkakaibigan!" Kilig na ani noong isa pang babae.
"Wow! Mga mukha silang artista!"
"Ano bang year ng mga 'yan? Ang swerte naman ng magiging block-mate n'yan!"
"Eng sherep nemen nileng lehet!"
Nakuha ko na schedule ko kaya hahanapin ko na lang yung building at room ng first class ko. It's tough. Dahil masyadong malaki 'tong University na 'to at bago lang akong studyante dito, but with my friends help na hanap ko naman 'yon.
Iba-iba kami ng mga courses na kinukuha. Si Moon kumukuha ng law, si Rocky naman architect, while Kaven is management. Si Kaven kasi yung nag-I-isang magmamana ng business nila kaya kailangan niya talagang matutunan ang pag papalakad ng kompanya nila. While ako naman P.T ang kinuha ko, tutal may kapatid naman akong representative na sa side namin sa pagpapalakad ng kompanya. So, I think that was enough? May mga pinsan din naman ako.
When I entered my first class sa PT-112 all eyes on me. Na parang hindi sila makapaniwala na magiging ka-klase ko sila. Na makakasama ko rin sila sa iisang kwarto ngayon kasama ako.
They are all speechless noong makita nila ako na naglakad papunta sa bakanteng upuan na malapit sa bintana. May mga binati ako at may mga nag feeling close. May mga nahihiya na lumapit. Pero hindi ko na sila inintindi at pinansin. For what for?
Naglabas ako ng libro mula sa bag ko para magbasa na muna. Wala pang mga ilang minuto may umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko at kinalabit yung braso ko.
My forehead creased as I look at her, "hi Chase, right? I'm Fatima," pakilala sa akin ng babae. She has a long brown hair, maputi, at payat. Inilahad niya ang kamay sa akin. But obviously I'm not interested. Kaya binalik ko sa libro ang tingin. 
"What do you need?" Tanong ko sa kanya habang na sa libro pa rin ang tingin.
"Chase, may girlfriend ka na ba?" Sunod na tanong nito sa akin.
"What if I have?" Tugon ko noong malipat ko sa isang pahina ang binabasa ko.
"Dito nag-aaral?" Tanong niya ulit pero hindi ko na siya kinibo.
"Ako nga kakausap!" Sabi noong isang babae na umupo sa tabi ko pagkatayo nung babae na nagpakilala sa akin kanina.
"Hi Chase, by the way I'm Ella," pakilala niya pero hindi ko rin siya kinibo.
"Kindly, please, talk to me?" Medyo iritang sabi ng babae sa tabi ko kaya sinarado ko ang libro na binabasa ko at binalingan siya nang malamig na tingin.
I crossed my arms to my chest bago sumandal sa upuan at dumiretso ng tingin with blank expression of my face.
"You don't have girlfriend, right? I heard you guys broke up months ago." 
I clenched my jaw. Trying to calm myself from what I've heard. Hindi ko alam na may pagka-insensitive mga tao rito.
"But I don't care about it. I'm willing to date you. I like you, Chase" matapang na pag-amin niya.
Napa-ngisi ako at marahang umiling. "I like your confidence," itinukod ko ang dalawang siko ko sa arm chair bago ko ibaling sa babaeng katabi ko ang tingin.
"I know, right? Gustong-gusto kasi talaga kita and this is-"
"Sa tingin mo ba papatulan kita?" Putol ko sa sinasabi niya kaya natahimik ang lahat.
"I don't like you. Don't waste your time on me," iling na saad ko bago ko ulit buksan yung libro na binabasa ko kanina.
"Chase, can you give me a chance? I-"
"I don't give a chance." Putol ko sa sasabihin niya bago ako muling mag-angat ng tingin sa babae na nasa tabi ko. She's just staring at me hanggang sa bumigat yung paghinga niya na parang pinipigilan niya ang pag patak ng mga luha niya sa tabi ko. 
Lahat ng mga tao dito sa room ay nagbubulungan ngayon tungkol sa ginawa kong pag-reject sa dalawang babae sa gilid ko. I thought she will give up.
Napatayo siya at naglakad papunta sa harapan ko. "I like you! I really like you! I like you since we were High school!" Pagdaramdam niya. Sounds hopeless na baka magbago pa isip ko.
Her face is all red because of the embarrassment. I stared at her with unreadable expression of my face, "how many times do I need to repeat myself that I don't like you? Hindi ka naman siguro bobo para hindi makaintindi ng salitang ayoko sa'yo hindi ba?" Sabi ko habang nakataas ang dalawang kilay ko na nakatingin sa kanya.
"Chase," she pleaded.
"Try to confess to someone else," I shrugged while looking at her na ang bilis nang bawat paghinga and there you go... She cried. 
"A-sshole!" Huling sabi niya bago siya mag-walk-out along her friend.
Napabuntung-hininga ako noong makalabas sila sa room. I try to read again pero hindi na ako makapag-focus sa pagbabasa.
Feeling guilty? Yeah, a little.
Dumaan ang minuto na nakatanaw lang sila sa akin habang nakaupo ako rito at tahimik na nagbabasa. Na para bang isa akong art sa isang museum na pwedeng tingnan pero hindi pwede hawakan?
Hindi na sila lumapit pa sa akin which I think is good? Dahil nga siguro ito sa nagawa kong pag-reject sa dalawang babae na may gusto sa akin kanina, kaya siguro natakot na sila lumapit o kausapin ako.
It's not actually first time na may nagco-confess sa akin at ni-re-reject ko. Since High school meron na. But that time I have an apple of the eye kaya no chance talaga ang mga nagkakagusto sa akin noon. But the difference is I am not that heartless that time compared to now.
Noong nalaman nila na I and Ysabelle broke up these past months dumami ulit mga nagco-confess sa akin.
Ilang saglit lang din simula noong dumating yung Professor namin kaya naman napanatag kahit papaano yung loob ko. Pero kahit Professor namin halatang masaya sila na estudyante nila ako. They are preaching my looks and my luxurious lifestyle. Which annoys me the most. Hindi naman kasi ako nag-aral dito para pag-usapan lang yung mga bagay na 'yon. Some Professors knew my family, and our family history at imbes na lesson ang ituro lifestyle namin ng pamilya ko ang pinag-uusapan. They are really amazed of how rich our family is and that topic really bores me. 
Don Harrison Monteverde, my Grandad are known as a multi-billionaire in business industry. Kilala rin ang pamilya namin sa ibang bansa. Almost every kasi year na-fi-feature kami sa mga iba't-ibang life style magazine.
Lunch break.
Akmang tatayo pa lang ako sa kinauupuan ko when someone approach me, "tara sabay tayong mag lunch?" Nahihiyang anyaya noong babae sa akin. As much as I want to decline it, tumango na lang ako bilang sagot at sumunod sa kanya. Hindi ko kasi alam where the canteen is? Or kung saan ba pwede kumain.
She's my seat mate. What's her name again? If I'm not mistaken nagpakilala rin siya sa akin kanina? But I'm really not in the mood that time dahil naiinis ako.
Habang naglalakad kami papunta sa canteen yung atensyon ko nasa cellphone ko. Tine-text ko sila Moon, Rocky at Kaven. But they all have classes kaya hindi raw nila ako masasamahan. Iba-iba rin kasi kami ng mga schedules.
Napabuntung-hininga ako bago ko balingan ng tingin yung babaeng kasama ko ngayon. Her name is Vanessa Garcia. I did not asked her name. Nalaman ko lang dahil sa notebook niya. She's thin, mestiza and quite tall may kahabaan din ang kulay kayumanggi niyang buhok.
"Ano nga pala sports mo, Chase?" Tanong ni Vanessa sa akin kaya nabalik ang atensyon ko sa kanya.
I put my phone back to my pocket before I answer her, "swimming." I have a lot of sports pero hindi naman niya tinanong kung anu-ano pa ang mga 'yon.
She smiled and nodded her head. She begun to tell me that she was in the cheering squad before 'yon ang kwento niya. I can say that she's quite famous here. Dahil bawat hallway na madaanan namin may bumabati sa kanya. 
Hindi ko na binalak pa na tandaan yung mga pinakikilala niya dahil sa sobrang dami no'n.  "Sige guys, punta na muna kami ng canteen?" Pag papaalam ni Vanessa sa mga kaibigan niya.
"Iba ka, Vanessa! First day of school nakuha mo agad atensyon ng isang Chase Monteverde? Hindi na kami magtataka if somehow mabalitaan na lang namin na kayo na, ang swerte mo!" Sabi ng kaibigan nito na kinikilig-kilig pa.
"H'wag mo na pakawalan 'yan, he's a big catch. Ikaw lang kaya pinansin na babae n'yan dito sa Aristotle, balita ko nga lagi siyang nang tu-turned-down ng mga babae. Kaya nga I envy you na, eh!" Hindi ko maiwasan ang hindi mainis sa turan ng kaibigan niya.
Big catch? Yeah, right. What should I expect? Lahat ng babae gusto ako. Lahat ng babae gusto makuha atensiyon ko. At gusto nila masabi na boyfriend nila ako. For them they all see me as a trophy. Na gusto nila makuha para ipagmayabang sa mga kaibigan o kakilala nila dahil sa isa akong Monteverde.
"Guys ano ba! Nakakahiya kay Chase!" Saway ni Vanessa sa mga kaibigan niya. 
Pa-simple itong bumaling ng tingin sa akin at ngumiti, "pasensiya na," malambing na sabi niya.
Pero hindi na ako nagsalita pa.
Noong makapunta naman kami dito sa may canteen, konti lang ang tao. Vanessa told me na iba-ibang schedule ng oras yung lunch time ng mga iba't-ibang courses at meron din ibang canteen maliban dito.
Hindi masyadong crowded at magulo. Malinis at tahimik ang paligid. Kulay berde, dilaw, pula at asul yung upuan na nandito habang kulay puti naman ang bilog nitong lamesa. Hindi na kami nag-usap pa ni Vanessa habang kumakain. Hanggang sa matapos akong kumain at nag-paalam sa kanya. But she took my left arm dahilan kung bakit ako napatingin doon sa kamay niya bago sa mga mata niya.
"Sandali lang Chase, matatapos na rin ako. Hintayin mo lang ako para sabay na tayo?" Sabi niya habang nahihiyang bumitaw sa pagkaka-hawak sa kaliwang braso ko.
"No, need. Thank you." I told her kaya wala na siyang nasabi pa nung iwan ko siya sa canteen.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (403)

  • avatar
    GammasTeresita

    im newby here...and i love reading romance novel ...😁 ...wala na po next chapter 😔 nakakabitin

    13d

      0
  • avatar
    RomeroJerome

    good

    28d

      0
  • avatar
    Yannah Gutierrez

    wow

    25/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด