logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3: Muling pagkikita namin ni Rain

Alas nuebe na ng gabi at walang tigil ang ulan nung araw na iyon. Mukhang may bagyo pa ata. Tuwing sa panahong ganito mas lalong matindi ang lungkot na nararamdaman ko sa aking silid at sa aking pag iisa. Muli kong binalikan ang sinabi nila papa at mama. Iniisip ko na dapat na ba akong mag paopera at may karapatan ba akong muling sumaya.
Kahit nais naman ng makipaghiwalay ni Marie ng gabing iyon ay hindi pa rin makatarungan yung nanyari sa kanya. Sobrang mahal ko siya pero hindi ko siya iningatan ng gabing iyon. Dapat hininto ko ang kotse at nag usap kami ng maayos. Hindi iyong nagpatangay ako sa matinding emosyon ko at galit.
Napahinto ako sa aking pag tanaw sa nakaraan ng may marinig akong kumakatok sa bintana ko. Buti na lamang at nakaupo pa rin ako sa aking wheelchair. Kaya ko naman humiga at bumangon ng mag isa yun nga lang medyo mahirap para sa akin. Minsan nga gumagamit ako ng adult diaper pag matutulog na. Para hindi ko na naaabala sila papa at mama.
Hinawi ko ang kurtina ng aking sliding window. Ganun na lang ang aking pagkagulat ng makita kung sino ang kumakatok sa aking bintana. Si Rain! Nakapayong na naman ito na kulay itim dahil maulan at nakaputing bestida pa rin to. Mukhang hindi pa ata ito nagpapalit ng damit buhat kaninang umaga.
Napapaisip talaga ako kung multo ba to. Napatigil akong muli ng katukin niya ang bintana at sumenyas na buksan ito. Walang ano ano ay agad ko namang binuksan ang aking sliding window. Buti na lamang at walang rehas ung bintana ko at sa first floor lang yung kwarto ko.
Simula kasi ng maaksidente ako yung guest room dito sa baba ay naging kwarto ko na. Mahihirapan pa kasi ang mga magulang ko kung bubuhatin pa nila ako mula sa hagdanan. Ewan ko ba masyado silang panatag na wala talagang papasok na magnanakaw sa subdivision namin.
Agad naman etong pumasok pagkabukas ko sa window. Medyo malaki ang aking sliding window kaya nagkasya to at walang hirap sa pagpasok. Nang makapasok ay agad naman nyang sinara ang kanyang payong. Medyo nabasa ang sahig ng kwarto ko dahil sa basang payong ni Rain.
"Ay, sorry nabasa ko yung kwarto mo." Turan neto nang napansin nya na nabasa nya ang floor ng room ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Naalala kong tanong sa kanya. Pagkalapag nya sa kanyang payong sa gilid ay walang ano ano ay bigla na lang tong umupo sa may kama ko. Naiinis akong napatingin sa kanya.
"O huwag kang mainis. Kaya ako nandito kasi umuulan na naman." Nakangiting wika neto sakin.
"Anong kinalaman ng ulan sa pagpunta mo dito?" Nakataas kong kilay na tanong sa kanya. Biglang sumeryoso ang mukha neto at nagwika.
"Alam kong mas nalulungkot ka at naalala siya pag umuulan." Walang kakurap kurap na sagot sakin ni Rain.
Paanong nalaman neto na ganun ang nararamdaman ko? Manghuhula ba itong babae na kaharap ko? Parang gusto ko ng matakot at magsisigaw para saklolohan ako ng mga magulang ko. Baka kasi mamaya isang halimaw pala tong pinapasok ko.
Natigilan ako ng biglang tumawa to. Hala nababaliw na ata dagdag ko pa sa isip ko.
"Ano ka ba Grae lagi kitang natatanaw pag sumisilip ka sa bintana. Lalo na pag umuulan ay lagi kang umiiyak. Magiisang taon na kaming nakatira dyan sa tapat ng bahay nyo. Nagulat nga ako ng malaman ko na katapat bahay pala kita." Mataman lamang akong nakikinig sa mga explanations nya.
"Dapat nga nung unang araw ko dito sa subdivision nang makita kitang muli ay lalapitan sana kita. Kaso napansin ko na hindi ka ok. At sa mga nagdaan na araw at buwan ay ilang beses ko ding tinangkang lapitan ka pero bigo ako. Actually kanina lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na lapitan ka." Tinitigan ko si Rain na parang sinusuri.
Kung tutuusin maganda to. Bilugan ang kulay itim na itim na mga mata neto na binagayan pa ng malalantik na pilik mata. Yung mata nya rin parang laging nakangiti at parang laging nangungusap. Tama lang din ang tangos ng ilong neto hindi nga lang kagaya sa ilong ni Marie na may katangusan. Medyo maputi ang kulay ng balat ngunit hindi katulad ng dati kong nobya na mestisa.
Hanggang bewang ang unat at itim na itim na buhok ng stranger na babae sa kwarto ko. May kaliitan ang mukha ni Rain na tulad sa aking mahal na si Marie . Pero inshort para sa akin ay ordinaryo lang ang ganda neto.
Napatigil ako sa labi ni Rain. Nakangiti kasi ang dalaga sa akin. Ang labi neto na nababahiran ng kulay red na lipstick na parang nag aanyaya ng isang halik. Napalunok ako sa aking naisip.
"Hahahhaha." Napatigil ako sa malakas na tawa neto. "Bakit ka tumatawa na lang bigla?" Pagalit na tanong ko sa kanya.
"Ano tapos mo na ba akong suriin? Ano papasa ba ako sa panlasa mo." Pilyang sabi neto sa akin.
"Hindi ka kagandahan. Mas maganda parin si Marie." Wika ko sa kanya .
"Alam ko naman yun Graeson. Alam naman ng lahat na si Marie lang ang apple of your eyes." Biglang sumeryoso ang mukha ko. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako sa nakikitang biglang lungkot sa mga mata ng babaeng kaharap ko. Yung mga mata neto na kaninang parang nakangiti ngayon ay may bahid lungkot na.
Author's note:
Pasensya na kayo kung may mga mali man sa aking grammar.. Thank you!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (280)

  • avatar
    Desiree Figares

    so beautiful ❤️

    3d

      0
  • avatar
    Zhally Libunao

    Magaganda ang mga binasa ko

    11d

      0
  • avatar
    Hazell Hazell

    Soo good

    16d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด