logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2 : Mga ngiti ni Rain

"Hi! ako nga pala si Rain." Nagulat ako sa babaeng pumigil sa wheelchair ko.
"Ako eto si Rain." Nangunot ang noo ko dahil sa muling turan nya.
Hindi ko siya kilala at lalong hindi ko maalala kung nagkakilala na kami.
Napansin ko na nakapayong ito na kulay itim dahil umuulan, nakaputi din na bestida ang babaeng nagpakilalang Rain. Napaisip ako kung multo ba to. Dahil sa sino bang matinong tao ang biglang pipigil sa wheelchair ko sa maulang panahon at sasabihing siya daw si Rain. Napansin ko natawa ang babaeng kaharap ko.
"Hindi ako multo kung yan ang iniisip mo." Nakatawa netong sabi sa akin.
"Uulitin ko ha ako si Rainalyn Sandoval pero tawagin mo na lang akong Rain." Pagpapakilala neto na nakangiti parin at sa pagkakataon na to ay nilahad nya ang kanyang mga kamay.
Tinitigan ko lang ang kamay nyang nais makipag shake hands ngunit hindi ko to pinansin. Tanging tango lang ang sinagot ko. Agad namang binaba ni Rain ang kanyang kamay ng mabasa nya sa aking mukha na ayoko tong tanggapin.
Hindi ko mabasa sa kanyang mata kung nasaktan ba to sa ginawa ko dahil ngiting ngiti pa rin to. Pati kasi ang mga mata neto ay parang nakangiti din. Napansin ko na sinara na niya ang kanyang payong at agad sumilong sa terrace namin.
"Pasensya ka na ha kung nagulat kita. Masaya lang kasi ako na muli kitang makita." Muling nangungot ang aking noo. Nalilito ako sa aking kausap.
"Schoolmate mo ko mr. Graeson Alvarez." Mukhang nabasa naman na neto ang nasa isip ko. Tumango tango ako sa mga sinabi nya, schoolmate ko pala siya.
"Masaya lang kasi ako at muli kitang nakita. Matagal ka ng nawawala sa school natin." Walang preno netong pagsasalita.
"Uhmmm, sorry about what happened to you at kay Marie." Napatitig ako dahil sa sinabi nya. Hindi ko alam kung maiinis ako sa babaeng ito.
"Sor-- sorry. Nagaalala lang ako sayo este nagaalala ang buong campus sa iyo kasi since then wala ng balita about sa iyo."
Hindi pa rin ako umimik sa kanyang sinabi. Mukhang nahalata naman nya na hindi ako masaya sa kanyang mga tinuran.
"Ahmm, sige alis na ko Grae. Sorry kung nabigla at naabala kita." Binuksan nya ang kanyang payong at humakbang na upang umalis.
Sa pang ilang hakbang nya ay muli itong lumingon sa akin. Sa kanyang paglingon ay agad itong kumaway at ngumiti .Ngiting nakakainggit. Yung ngiting kala mo walang problema. Napansin ko na sa tapat naming bahay pumasok ang weirdo na babae at malamang siguro ay doon siya nakatira.
" Naku! anak umuulan na pala pasensya na ha". Medyo nagulat pa ako kay mama na biglang nagsalita sa likuran ko. Naisip ko nagiging magugulatin ata ako ngayong araw na to.
Tinulak ni mama ang wheelchair ko at pinasok na ako sa bahay. Dinala nya ako sa aming dining table. Sabay sabay kaming nag aalmusal. Ako, si papa at nagiisa kong kapatid na si Abby. Mas bata si Abby sakin ng 2 taon.
Tahimik lang akong kumakain habang sila ay nagkukwentuhan. Naging malungkutin talaga ako pagkatapos ng aksidente sa aking buhay. Alam ko ginagawa nilang lahat upang bumalik ako sa dati. Sinusubukan ko naman ngunit para sa akin alam ko wala akong karapatang sumaya ulit.
"Grae, anak may goodnews kami sayo. Nakausap namin yung doctor mo. At sabi nya pwede ka ng operahan." Nahinto ako sa pagkain dahil sa tinuran ni papa.
Kung ibang tao yun ay baka natuwa sa balitang iyon pero iba ako. Hindi ko alam kung may silbi pa ba na muli akong makalakad.
"Ayoko po pa. Alam nyo nman ang dahilan hindi ba." Nakayuko kong turan habang hawak ang kutsara at tinidor. Narinig kong nagsalita si mama.
"Grae anak alam namin na pinaparusahan mo ang sarili mo dahil sa nangyari. Na hanggang ngayon ay sinisisi mo pa rin ang sarili mo dahil sa pagkawala ni Marie." Halos maiyak iyak na sabi ni mama sa akin.
Tuluyan kong binitiwan ang hawak ko na kubyertos. Pinaandar ko na mag-isa ang aking wheelchair at muling nagkulong sa aking silid. Narinig ko ng buksan ni mama ang pinto ng aking kwarto at narinig ang kanyang tinig.
" Anak kailangan mo din mag move on. Alam ko na sinabi mo na dati na wala ka ng karapatang sumaya. Ngunit nandito kami anak. Sana isipin mo din kami nila papa at ng kapatid mo. Nais ka namin muling makalakad at makapag- aral muli. Nais naming makita muli ang dating Grae. Yung anak namin na masayahin at punong puno ng pangarap."
Umiiyak na litanya ni mama sa akin. Niyakap nya ko ng mahigpit at hindi ko na rin napigilan na lumuha. " Pagiisipan ko po". Maigsi kong tugon.
Author's note :
This is my first time to write a story. Sana po ay magustuhan nyo at suportahan nyo po ang kauna unahang akda ko.Pasensya na po kayo sa mga grammar. Abangan nyo lang po sana ang story nila Rain at Grae. Maraming salamat!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (280)

  • avatar
    Desiree Figares

    so beautiful ❤️

    3d

      0
  • avatar
    Zhally Libunao

    Magaganda ang mga binasa ko

    11d

      0
  • avatar
    Hazell Hazell

    Soo good

    16d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด