logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7

FOR SEVEN years that we're married.
One thing that I discovered, we respected each other. Nirerespeto ko siya at siya rin sa akin— nirerespeto n'ya rin ako.
Minsan, hindi kami nagkakasundo ni Donwo
sa i-isang bagay. Pero kay Prima? Nagkakasundo kami pareho.
Sa totoo lang, galit siya sa akin. Nang unang gabi na mag-kasama kami at UNANG gabi na mag-asawa na kaming dalawa.
Ni minsan, hindi ako minura ni Donwo noon. Hindi rin minahal....
Sinisigawan n'ya ako? —OO.
Galit siya, eh. Nanlilisik ang mga mata n'ya — Kapag mag-kaharap kaming dalawa. Dahil ayaw n'ya sa presensya ko. Highblood siya sa pagmumukha ko na ayaw n'yang makita ang aking itsura.
Hindi n'ya ako gusto na maging asawa no'n. Nang bagong kasal kaming dalawa.
Never n'ya akong sinasaktan—physical. But emotionally.... Oo, nasasaktan ako sa treatment n'ya sa akin no'n na pinapakita n'ya.
Hindi ako nasisiyahan... Dahil sa halatang hindi naman siya masaya na mag-asawa na kaming dalawa. Nakalulungkot lang...
GABI-gabi akong umiiyak noon. Kapag nag-iisa ako sa kama na kung saan, mag-katabi sana kaming dalawa sa pagtulog. Buhay binata siya na WALA LANG. Wala siyang asawa...
To the point na muntik na akong makunan noon sa sama ng loob ko at sa bigat ng kalooban ko na dala-dala ko. Muntik nang mawala si Prima.
Pero... Hindi forever! Hindi habang-buhay akong gabi-gabi nalang umiiyak.
Isang gabi noon, sumakit ang tiyan ko. Wala akong may mahingian ng tulong. Lalo na wala sa bahay ang asawa ko.
Hindi ako nag-dalawang isip na tawagan sa phone si Mama Elena. Ayaw kong tawagan sila mama at papa. Dahil magagalit sila kapag malaman nila na pinapabayaan ako ni Donwo. Pagagalitan nila si Donwo. Kaya imbes na magulang ko ang hiningian ko ng tulong, sa mother-in-law ko ako humingi ng tulong.
Mabilis akong pinuntahan ni Mama Elena at isinugod n'ya ako sa hospital. Ang sabi ng doctor ay naagapan daw ang muntik nang pagkalaglag ng baby ko mula sa aking sinapupunan. Dahil sa sinugod ako ng maaga sa hospital.
Nalaman ni Mama Elena ang lahat. Naawa siya sa akin at pinagalitan n'ya si Donwo.
Ang asawa ko naman, mas lalong uminit ang ulo sa akin. Dahil sa sinumbong ko siya sa mama n'ya. Kinabahan na naman ako. Para akong may trauma, eh.
Hindi ako pinabayaan ni Mama Elena. Nag-decide siya na kila mama at papa nalang ako muna hanggang sa manganak ako. Okay naman kila mama at papa noon na doon muna ako sa bahay namin, pansamantala.
Tinanong lang ako ng parents ko kung nasaan si Donwo sa mga oras noon. Na nahihirapan akong sagutin. Kung... Ano ba ang ipapaliwanag ko sa kanila. Si Donwo ay nasa bahay namin— dito sa bahay na ito. Never kaming lumipat ng bahay.
Itong bahay na ito ay regalo ni Mama Elena sa amin noon. Nang pagkatapos ng kasal namin ni Donwo. Dito na kami tumira, sa bahay na ito.
Pumunta kasi si Mama Elena noon sa Brazil at matatagalan siya doon. Dahil nando'n ang kaniyang trabaho.
Sa parents ko n'ya ako iniwan. Ayaw n'ya akong iwan na mag-isa sa anak n'ya.
Ang swerte ko sa mother-in-law ko. Kung iisipin ko.
Walang anak-anak sa kaniya. Hindi siya one-sided na klase ng tao. Kung kasalanan ng anak n'ya? Hindi n'ya kakampihan. Lalo na alam n'yang mali ang anak n'ya.
So, balik na tayo sa kuwento. Dahil napahaba ang aking pag-flashback...
UMUWI nga si Donwo nang... Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong oras siya umuwi kagabi.
Pagkapunta ko ng kusina ay nakita ko siya agad. Kasama ang mama n'ya at si Prima na nag-aagahan. Kaya sumali na rin ako sa kanila sa pagkain ng breakfast.
Inuna muna kaming inihatid ni Donwo. Pagkatapos, si Mama Elena naman ang inihatid n'ya sa bahay nila na nandito rin sa QC.
“Kailan babalik dito si mama?” tanong ko kay Donwo na nag-bi-bihis na naman ito at may lakad. Sinuklay muna n'ya ang kaniyang buhok gamit ang mga daliri n'ya bago ako hinarap para sagutin ang aking tanong.
“Sa September nine.” Tumango ako sa sagot nito. Sa September nine na ang birthday ni Prima. Mag-pi-pitong taong gulang na siya, two weeks from now.
Dahil hindi na ako makatiis ngayon. Tinanong ko ito kung aalis ba siya ngayon. Tinanguan n'ya naman ako. Alam ko naman ang sagot, ayon sa ayos n'ya. Lalo na bihis na bihis siya. Saka... Sanay na ako. Na umaalis siya. Kahit nandito nga ang mama n'ya kagabi ay nagawa n'ya pa ring umalis at pumunta doon kila Chad. Binata lang, eh...
Umalis siya at na-iwan na naman akong mag-isa dito sa loob ng kuwarto naming dalawa. Bukas na naman kami siguro mag-ki-kita dalawa...
“Yana... Okay ka na ba talaga?” nag-alalang tanong ko sa BFF ko. Nang pumasok na siya ngayon dito sa shop. After nang ilang weeks n'yang pagpapahinga.
Nandito kami sa isang table na para sa mga customers. Kung gusto nilang umupo dito. May mauupuan sila. Lalo na kapag mag-hi-hintay sila ng order nilang cake.
Nasa laptop n'ya ito naka-focus na may importante siyang ginagawa. Mukhang busy. Matagal kasi sumagot kapag tinatanong ko.
“Oo nga... Huwag kang mag-alala sa akin. Buntis lang ako, walang cancer, hahaha!” Hindi ko nagustuhan ang sinabi nito. Dahilan para samaan ko siya ng tingin ngayon. Hindi ko gusto ang tabas ng dila n'ya.
“Ikaw, ha! Huwag kang mag-sa-salita nang ganiyan. Kapag... I-Ikaw— Ma-cancer, ha?” Pagbabanta ko sa kaniya na ayaw kong marinig na sinasambit n'ya ang salitang 'Cancer'.
“UY! Biro lang nga... Anubayannn... Nakonsensya tuloy ako,” sabay irap nito na namumutla ngayon. Sabi n'ya nga, nakokonsensya raw siya.
Saka n'ya tinuloy ang pag-aatupag nito sa kaniyang sariling laptop.
Hindi na kami nag-usap pa ulit. Dahil sa may pumasok na customer na aking inasikaso.
“JENIlayyyy... Si Tasha ba— P-pumupunta pa rito?” Sigaw ni Yana mula sa kung saan pa rin siya naka-upo hanggang ngayon. Ako kasi ay nandito na sa loob ng counter para asikasuhin ang kaha namin ngayon. Tinitingnan ko lang kung may panukli ba kami mamaya. Mayro'n naman...
“Hindi, eh. Bakit?” Kunot-noong tanong ko sa kaniya habang nag-ta-tanong ang aking mga mata ngayon.
Sinandal nito ang likod n'ya sa backrest ng kaniyang inuupuan na kahoy na silya. Para i-relax ang kaniyang likod at katawan. Gawa sa lahat ng kahoy ang mga lamesa at silya namin na nandidito.
“May utang sa akin iyon...” parang bata na sambit nito. Na aking ikinatawa. Ang cute kasi...
“Biyernes bukas? Baka nandito iyon,” ani ko na patanong. Tulala naman akong tiningnan ni Yana, na halatang iniisip n'ya rin. Saka siya kumibit-balikat.
Si Tasha, isa sa mga kaibigan namin ni Yana. Isang taon na naming kaibigan. Naging loyal customers namin iyon na palaging bumibili ng tinapay dito.
Kung si Yana pa, sipsip ang babaeng iyon. Kaya naging madali ang pagiging mag-kaibigan naming tatlo. Approachable si Tasha na ang saya kasama. Hindi kami lugi na naging kaibigan namin 'yon!
Dati, hindi gaanong marami ang mga taong bumibili dito. Si Tasha lang talaga ang palaging pumupunta dito para mag-kape, hahaha... Kapag hindi siya bibili ng tinapay.
Hindi naman sa lahat ng oras na nandito iyon ay bibili siya ng tinapay. Minsan, dahil boring. Nakakasama namin siya dito para sa masayang kuwentuhan....
SUMAPIT ang gabi na biglang nag-video call si mama sa akin ngayon. Hindi ko alam kung ano na bang oras doon sa London. Maaga na ba or gabi na rin kagaya ngayon dito sa pilipinas.
Nasa London ngayon sila mama at papa. Tatlong taon na sila nandoon. Thanks to my sister, Ate Jelly... Siya ang reason kung bakit nando'n ngayon sa London sila mama at papa.
Isang nurse kasi si Ate Jelly doon sa London. Ten years na siyang nurse doon hanggang ngayon. Seven years ago, nagpakasal siya sa isang doktor na taga London, asawa n'ya ngayon.
Na-una lang ako kay ate ikinasal. Tapos after ng dalawang buwan, siya naman ang sumunod na nagpakasal doon sa London.
Pinapasunod nga ako doon ni ate. Kung gugustuhin ko raw. Ano naman ang gagawin ko doon? Nandito sa Pilipinas ang asawa at anak ko... Na hindi ko kayang iwan.
•••
“S-Sabi n’ya... k-kahapon siya ang mag-ha-hatid sa akin ngayon sa skul!” Maktol ni Prima na gusto nang mag-wala ngayon dito— Nagwawala na nga... Late na kasi. Wala pa rin si Donwo na hindi umuwi kagabi pa, tsk!
Hindi  ko mapigilang mainis sa Gāgō na 'yon! Ang HILIG mangako sa bata na ‘di naman n’ya kayang tuparin. Ayaw ko lang talaga makita ang anak ko na na-di-disappoint.
“Prima, mag-handa ka na... Kasi aalis na tayo. Baka ma-late ka mamaya,” biglang paalala ni Manang sa anak ko.
Ayaw mapatinag ni Prima na nag-aalburoto na ngayon. Hihintayin n'ya raw ang daddy n'ya. Na ihahatid siya sa school nila. Promise kasi ng daddy n'ya kagabi, na ihahatid siya ngayong umaga sa school nila.
Hayst! DONWO— Where na you....

หนังสือแสดงความคิดเห็น (64)

  • avatar
    Ann Conchas

    it's really good

    3d

      0
  • avatar
    Macanas Angelica

    thanks you

    15d

      0
  • avatar
    Merlita Roque

    maganda Ang storya sana complet.para Hindi nakakabitin

    08/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด