logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

GAYA ng aking inaasahan. Mag-kasama kaming nag-ha-hapunan sa hapag-kainan ngayon na masaya.
Dahil sa masarap na pakbet na niluto ni manang, na aming ulam ngayon. Saka sinabawang baboy na may pechay.
“Prima...” Malambing na pagkasambit ni Donwo sa pangalan ng anak namin na nilingon siya.
“Your lola... is coming tomorrow!” Lumiwanag naman ang buong mukha ng anak namin sa balitang narinig nito ngayon mula sa daddy n'ya.
“Reallyyy, dad?” Tinanguan siya ng daddy n'ya na abot hanggang langit ang ngiti ngayon. Si Prima rin, na halatang masaya.
“Ahm, ilang days tatagal dito si Ma'am Elena?” Imbes na sasagutin n'ya si manang. Ako ang tiningnan ni Donwo. Kumurap naman ako pagkatingin n'ya sa akin.
“Mabilis lang siguro siya, Manang. Isang gabi...” Nag-aalanganin na sagot nito na kay manang na nakatingin.
“Kung gano'n... A-ano... kaya ang magandang lulutuin ko bukas?” sa tanong ni Manang. Tumingin ako kay Donwo na tulala kay manang ngayon na halatang nag-iisip. Kung ano ba ang magandang lulutuin bukas.
“Afritada ba? Favorite ni Ma'am Elena ang Afritada ko, hahaha... Nang nakaraan kasi... Sinabi n'ya na sa susunod na babalik siya dito, ipagluluto ko raw siya ulit.” Bigla akong ngumiti sa kinuwento ni manang. For true, masarap ang Afritada na luto n'ya.
Isa rin sa favorite ni Mama Elena ay ang bagoong na may calamansi— Oemgehhh... Naglalaway na ako ngayon habang iniisip. Favorite ni Mama Elena. Pina-try n'ya sa akin. At.... Bet ko ang lasa na gusto kong umulit nang umulit kumain nang kumain. Naparami rin ako kanin.
“Bibigyan kita ng pera, Manang. Saka, bumili na rin po kayo ng bagoong.” Tulala akong tiningnan ni manang. Nang makabawi ito ay saka n'ya ako nginitian.
“Sige. Isasama ko na rin ang bagoong sa mga bibilhin ko bukas.” Nagagalak na sagot ni manang na excited na ito. Saka namin itinuloy ang aming pagkain.
“Hindi ka pupunta kila Chad ngayon?” tanong ko agad pagkapasok ko sa kuwarto naming dalawa ngayon.
Nasa ibabaw ng kama na ito na nakaupo. Nakapuwesto na para sa kaniyang paghiga. Hawak n'ya ngayon ang cellphone n'ya na kaniyang kinukulikot.
“W-wala siya sa bahay nila ngayon. Isinama siya ng dad n'ya papunta sa Singapore,” ani n'ya na nasa cellphone ang kaniyang mga mata. Tumango rin ako sa pahayag nito.
Mabuti naman. Wala siyang lakad ngayon. Ginalaw ko na ang aking mga paa papalapit sa kama ngayon at saka ako umupo. Para hagilapin kung nasaan ba ang comforter na ginagamit naming kumot dalawa. Nag-sh-share kami. Malapad at malaki naman ang comforter na puwede sa tatlong katao. Kaya automatic na kasya sa aming dalawa ito.
“Matutulog ka na?” Biglang tanong nito na hindi pa rin ako tinitingnan na nasa cellphone n'ya pa rin ang kaniyang tingin.
Ilalapat ko na sana ang ulo ko sa unan para hihiga na sana ako. Nang tumigil ako dahil sa tanong nito.
“O-Oo... Maaga ako bukas. Aasikasuhin ko pa kasi ang mga in-order naming ingredients na... B-bukas ide-deliver.” Wala akong sagot na nakuha mula sa kaniya pagkasabi ko. Dahil sa busy ito sa kaniyang cellphone.
Hanggang sa humiga na ako na patagilid — Habang nakatalikod ako sa kaniya ngayon na nakahiga.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Nagbabakasakaling dadalawin ng antok at makatulog na. Hanggang sa... Saan-saang lugar na ako nakarating... Sa panaginip ko.
Bigla nalang akong naalimpungatan sa naramdaman kong ang higpit na parang tinatali ang bewang ko ngayon. Nang tingnan ko— Isang braso pala na nakapulupot sa aking bewang ngayon. Kanino pa ba?
Nang ginalaw ko ang aking ulo para balingan ko siya sa likod. Nakita ko na nakapikit ang mga mata nito na natutulog ngayon.
Dahil sa hindi ako makahinga. Hinawakan ko ang braso n'ya na nagbabakasakaling igalaw n'ya at um-adjust ang pagkahigpit ng kaniyang pagkapulupot. Hanggang sa niluwagan n'ya nga at nakahinga ako ng maluwag.
Yayakap lang, ang higpit pa! Hindi tuloy ako makahinga. Pero sa ngayon ay okay na ang aking paghinga.
Isasara ko na sana ang mga mata ko. Nang labi na naman nito ang nararamdaman ko sa likod ng aking batok. Para akong kinapos ng pag-hinga na bumigat bigla ang bawat hininga ko.
This boy... Is really make me uncomfortable this night.
Gumising na naman ang kalandian ko sa aking katawan. Napapikit ako sa inis na hindi ko ma-kontrol ang aking sarili sa mga sandaling ito. At, tama nga ako. Dahil kusa akong bumigay...
Hindi natapos ang gabi na walang may nangyari sa aming dalawa.
Ganito kami. Dahil sa tawag ng katawan. Wala na! Kusang bibigay ang bawat katawan namin sa kung anong paraan na gusto ng mga espiritu naming mangyari.
Ang isang beses na nilabasan ako. Naging tatlo. Hindi naman halata na napaka-hyper at energetic namin sa gabing ito.
Kaya ang ending... Late kami parehong nagising. Kung hindi kami ginising ni Manang Fely. Malamang sa malamang. Lagpas sa twenty-four hours siguro ang tulog naming dalawa. Dahil sa... Napagod kami pareho. Pinagod n'ya ako...
Minsan lang kami nag-ma-make a love. GRABE pa... at naka-ilang rounds pa kami— Kapag binigyan ng pagkakataon na magkasama sa iisang kama.
“Tinatawa-tawa mo diyan?” Nginisihan lang ako nito sa tanong ko sa kaniya. Tawang-tawa kasi siya. Wala naman kaming may pinag-uusapan na nakatatawa.
Tinanggal ko ang pagkasabit ng seatbelt sa akin. Para makalabas na mula dito sa loob ng kotse n'ya.
Hinatid n'ya ako dito sa shop. Dahil sa late na kami nagising dalawa. I'm sure, pati sila Manang Fely at higit sa lahat... Si Prima ay late na sa unang klase nito ngayon.
Hinintay talaga nila kami. Lalo na si Donwo ang mag-ha-hatid sa kanila at sa akin dito.
“Wala. Ingat ka, ha...” Ngising-ngisi na sambit nito na ikinairap ko.
Ang kapal. May nangyari lang sa... Grrr! AYAW KO nang maalala!
“Pasok na ako,” walang gana na paalam ko sa kaniya na tumaas pa ang isang kamay nito bilang pagpapaalam sa akin.
Hinintay ko na makaalis ang kotse nito. Bago ako pumasok sa loob ng shop.
DUMATING na rin ang mga ingredients na in-order namin mula sa aming supplier. Ingredients na para lang muna sa cake.
May tinatawag kami na Six Categories of Cake Ingredients. Sa anim, nandiyan ang flour (napaka-importante) eggs, fat (like butter) sugar (na ang mahal pa rin hanggang ngayon...) Salt, milk, leavening agent ( such as baking soda. Kita naman sa name— pang-baking)
So, bale anim lahat. Ito 'yong hindi dapat i-wala ng supplier namin kapag ide-deliver na nila dito sa shop. As of now, kompleto lahat. Walang kulang.
“Ano na ang mga tinapay na nagawa n'yo ngayon?”
“Pandesal, Ensaymada, Monay at saka Pan de coco, Ateng...” si Joy ang sumagot sa tanong ko. Busy na silang dalawa ni Lovely dito sa likod.
Nandito kasi ako sa likod para kumustahin silang dalawa. Na busy na ngayon sa pagmamasa ng harina. Wala pa namang custumers sa oras na ito.
“Baka... Next day. May makakasama na kayo dito,” sabay nila akong tiningnan dalawa sa sinambit ko.
Si Yana ang nag-hire. Okay naman ang records nila at lalo na ang resume na pinasa nila na tiningnan ko. Dalawang lalaki at dalawang babae yata.
“Kahit huwag na, Ateng. Kaya na namin ni Lovely dito, hahaha...” Si Joy na siniko ni Lovely at saka sila nagtawanan dalawa.
“Kayo talaga. Mas okay na rin kapag may mga makakasama kayo dito. Hindi ko naman babawasan suweldo n'yo, hahaha...” Hirit ko na tinawanan nilang dalawa.
Hanggang sa nag-paalam ako sa kanila na babalik na ako sa counter. Baka may mga custumers na ang nag-hi-hintay.
“MA! Hello po...” Bati ko kay Mama Elena na niyakap ako ngayon pagkakita n'ya sa akin.
Kararating n'ya lang na siya lang ang mag-isa. Sinundo siya ng anak nito na si Donwo na asawa ko. Mula sa airport. Kagagaling n'ya lang mula sa Japan. Isang buwan siya doon na nag-bakasyon.
“Ang pretty mo na Jeni...” Nang hawakan nito ang panga ko na naka-ngiti. Ang bango ni Mama Elena. Amoy Japan. Lalo na kagagaling n'ya lang doon. Pero hindi ko alam ano ang amoy ng Japan, hahaha....
“Si Prima na— LOLAAA,” Malakas ang sigaw ni Prima na ang saya ngayong humahangos papalapit sa kinatatayuan namin ng lola n'ya.
Halatang namiss n'ya nang sobra ang kaniyang lola. Lola's girl din siya.
Yumuko si Mama Elena para maabot si Prima ngayon at mayakap nang mahigpit. Yakap na hindi makakadaan ang hangin sa pagitan nilang dalawa. Sobrang higpit...
“Ma, pasok tayo sa loob. Nag-luto si Manang Fely ng Afritada na manok para sa inyo,” masayang banggit ko na ikinatuwa ni mama.
“Oh! Ang Afritada ni Fely, ahaha... Tara sa loob.” Yumukod ito at saka n'ya binuhat si Prima na nagpabuhat sa lola n'ya.
Sinaway nga namin ng daddy n'ya. Baka sumakit ang likod ni Mama Elena. Pero okay naman daw kay mama. Dahil namiss n'ya ring buhatin ang apo n'ya.
Hanggang sa sama-sama kaming kumain ng dinner ngayon. Si Prima lang ang lumilikha ng ingay na ang dami nitong kinu-kuwento sa lola n'ya. Tungkol sa kaniyang school at sa mga kaklase n'ya.
“Fely, masarap pa rin hanggang ngayon ang Afritada mo,” puri ni mama sa nilutong Afritada ni Manang Fely. Kaya natuwa naman si manang.
“Sabi ko na nga ba. Nang, sinabi ni Donwo kanina na nilutuan mo raw ako ng Afritada? Ayaw ko maniwala, hahaha... Pero heto, nilalamon ko na. The constantly taste...” Namamangha na sambit ni mama. Madami pa kaming napag-usapan.
Hanggang sa tinulungan ko si Manang Fely na mag-hugas ng mga pinagkainan namin ngayong gabi. Mga kaserola, kaldero at iba pang mga lalagyan ng ulam na ginamit ngayon.
Marami kasing niluto si Manang Fely. Parang may fiesta lang ngayon. Bukod sa Afritadang manok. May Estofadong manok, sweet and sour na tilapia and many more...
“Jeni, si Prima raw. Doon matutulog sa kuwarto ko, ahaha...” Natawa na rin ako sa pahayag ni mama sa akin. Katatapos lang namin ni manang mag-hugas ngayon.
May sariling kuwarto si Prima. Tapos si Mama Elena dito sa bahay. Anim ang kuwarto namin lahat na nandidito sa aming bahay. Apat na kuwarto sa second floor at dalawa naman ang nandito sa ibaba. Ang nasa ibaba, kuwarto ni manang at ang isa ay guest's room.
Sa second floor naman, kuwarto namin ni Donwo, Prima, kay Mama Elena at ang isa ay para sa parents ko naman. Kapag dadalaw sila dito.
Wala naman akong may nagawa. Dahil nag-aalburoto si Prima. Gustong-gusto n'ya doon sa kuwarto ng lola n'ya na tabi raw silang dalawa. Kaya magkatabing natulog sila Mama Elena at Prima sa isang kuwarto.
“Aalis ako... Umuwi na si Chad. Mag-iinuman daw kami ngayon,” si Donwo na kasusuot lang ng kulay black n'yang T-shirt ngayon. Saka siya nag-spray ng pabango n'ya na matapang ang amoy. Hindi ko alam ang name ng perfume n'ya. Nakasulat kasi sa French. Ang hirap basahin.
“Wala kaming driver bukas... Pinapaalala ko lang sa 'yo. Sa guest room ka nalang matulog kapag maka-uwi ka na,” walang tono na sambit ko sa kaniya. Maiintindihan n'ya naman. Napa-tsk nga siya sabay ngisi.
“Oo. Mag-uusap lang kami ni Chad.” Gusto ko siyang pagsabihan. Para saan pa?
Napaka-importante naman ni Chad sa kaniya. Need n'yang puntahan ngayon doon sa ganitong oras ng gabi. Para lang mag-usap silang dalawa.
Hanggang sa hindi ko namalayan na umalis na pala siya. Walang paalam...
Gustuhin ko man siyang higpitan. Pero na-isip ko— Alam ko kung saan ang lugar ko. Mas mainam nalang na maging tahimik ako at dalhin itong sama ng loob ko.
Kahit wala siya.... Nakatulog naman ako ng maayos. Walang sagabal, eme...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (64)

  • avatar
    Ann Conchas

    it's really good

    3d

      0
  • avatar
    Macanas Angelica

    thanks you

    15d

      0
  • avatar
    Merlita Roque

    maganda Ang storya sana complet.para Hindi nakakabitin

    08/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด