logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Game 04

Nakarating na sng buong team sa gymnasium. Pasimple naman na sinisilip ni Ceejay ang pwesto ni Clyde ngunit mabilis din na iniwas ang tingin. Napabuntong hininga na lang siya at umiling. Gusto niyang tampalin ang sarili dahil sa kuryosidad na lumalamon sa sistema niya.
“Bakit ngayon nagpapa-orientation kung kailan second game na ng laro?” pabulong na tanong ni Liam sa gilid niya. Binatukan naman niya ito dahil sa walang kwenta niyang tanong.
“Malamang nabago ang venue ng laro kaya panibagong guidelines ang ilalabas nila, bobo,” pabulong niya ring sagot dito. Liam just pouted on Ceejay’s answer. He just nod his head like realizing something.
“Alright, guys!” simula ng event coordinator. “Since nandito na ang lahat ng players we would like to discuss to all of you the new guidelines and rules for this season. Nothing much change just the dormitory and gymnasium used ang halos nabago….” nakaupo silang nakikinig sa mga instruction para sa game.
Ilang minuto rin ang lumipas bago natapos ang orientation nila. Pinabalik na sila sa kani-kanilang mga kwarto para makapagpahinga at makapaghanda para sa second game bukas. Hindi lang sila ang nalipat ng venue kundi ang ilang sports din tulad ng volleyball, badminton, at tennis ball. Kinailangan kasing hatiin ang venue para sa lahat ng players to maximize the time and days they scheduled. Mas maaga na matapos ay mas maganda both side.
Nang magsi-alisan ang ibang players ay ang Blazers at Golden Bear na lang ang natira sa gym. Sinundan ni Ceejay ang poker face na si Clyde paalis ng court pero nawala rin ito nang akbayan siya ni Aston. Tinignan niya ang kasintahan bago iginawi ang tingin nito sa direksyon kung saan siya tumingin.
“Mayabang talaga ‘yan si Miller. Parang walang pakiramdam. Never ko pa atang nakitang ngumiti ‘yan, eh,” saad ni Ambert nang mapansin ang dalawa. Tinignan nilang dalawa ang nagsalitang si Ambert. Nakapamaywang itong umiiling bago nagsimulang naglakad paalis. Kumot ang noo ni Aston sa sinabi ni Ambert habang malalim naman ang iniisip ni Ceejay.
Hindi mayabang ang kaibigan ko. Saad ni Aston sa isip.
“Naiisip mo ba ‘yong sinabi niya sayo no’ng nakaraan?” tanong ni Aston kay Ceejay na malalim pa rin ang iniisip.
“I just wonder kung bakit parang ang laki ng galit niya sa akin,” sagot niya kay Aston at nagsimula na silang maglakad paalis ng gym.
Tinapik ni Aston ang balikat ni Ceejay habang nakaakbay rito. “Don’t think too much. Baka may pinagdadaanan lang ‘yong tao.”
Hindi na sumagot si Ceejay at inalis na lang sa isip ang mga bagay na hindi niya maintindihan kay Clyde. Nang makapasok sila sa kwarto ay mabilis na humiga sa kama si Ceejay. Sa baba ng double deck pumwesto si Ceejay para hindi na siya mahirapan mag-akyat baba kapag may kukunin sa gamit. Ayaw niya ng hassle.
Ngayon niya bigla naramdaman ang pagod sa byahe pati sa training. Kailangan pa nila paghandaan ang laban bukas pero gusto niya na lang matulog sa ngayon. Tumabi naman sa kaniya si Aston. Niyakap siya nito sa likod at itinanday ang paa sa kaniya. “Manahimik ka riyan! May kasama tayo sa kwarto,” paalala niya kay Aston na dinadampian ng halik ang kaniyang batok.
Naramdaman niya ang pagtawa nito at pag-amoy sa kaniya pero mahigpit na lang din siyang niyakap kalaunan. Kinuha niya ang kamay nito na nakayakap sa kaniya at dinala sa kaniyang dibdib para mahawakan nang mahigpit. Nakatulog silang dalawa sa ganoong posisyon. Habang ang mga kasama nila sa kwarto ay tinignan lang sila nang umiiling.
“Hanggang dito ba naman, humaharot kayo?” mahinang sabi ni Liam. Humagikgik na lang silang dalawa at hindi ito pinansin.
Napahaba ang tulog ni Ceejay at hindi niya namalayan na madilim na sa labas. Nag-unat siya at kinusot ang mga mata. Inilibot niya ang paningin sa kwarto at napansin na patay na rin ang ilaw at lahat sila ay mga natutulog na. Hindi pa siya kumakain after ng lunch kanina nang makarating sila kaya nakaramdam siya ng gutom. Napansin niya na nasa kabilang kama na si Aston, maaaring lumipat ito kanina nang nagising. Sinilip niya ang oras sa cellphone niya, pasado alas-onse ang basa niya.
“Ast,” mahinang tawag niya rito at mahinang niyugyog. “Kumain ka na?” tanong niya nang bahagyang magmulat si Aston ng mata na halatang gusto pang matulog. Tumango lang si Aston at muling bumagsak ang talukap ng mga mata. Magpapaalam sana siya rito na kakain siya sa labas dahil kumukulo na ang tyan niya kaso ay mukhang antok na antok talaga ito kaya hindi na siya nag-abala at dahan-dahan na lumabas sa kwarto pagkakuha ng wallet at cellphone.
Mabuti na lang ay wala silang curfew at pwede silang lumabas ano mang oras basta ay nakasulat sa record book ang oras ng paglabas-masok nila sa dormitory. Kailangan iyon upang alam din ng event organizers para ma-trace sila kung sakaling may mangyari.
Nang makalabas ay naghanap siya ng bukas pang convenient store. Nakakita naman siya ng Alfamart sa hindi kalayuan kaya napangiti siya. Naglakad siya papunta roon nang makita niya si Clyde na nakaupo sa mga upuan na nasa labas at humihigop ng cup noodles.
Napatingin ito sa gawi niya dahilan para mabulunan ito sa kinakain. Mabilis itong uminom ng tubig na nasa gilid niya samantalang si Ceejay naman ay hindi mapigilan ang matawa kaya masama siyang tinignan ni Clyde. Umiiling na naglakad si Ceejay papasok ng Alfamart para bumili ng makakain. Nang matapos makapagbayad sa pagkain ay nagdadalawang isip siyang lumapit kay Ceejay na kumakain na ng tinapay ngayon.
“Pwede umupo?” tukoy nito sa bakanteng upuan sa harap nito. Inilibot ni Clyde ang tingin at napansin na dalawa lang ang lamesa sa labas at may tao na rin sa kabila. Hindi siya sumagot at tumango na lang. Hindi naman siya ganoon kasama para hindi ito paupuin doon kahit na ayaw niya rito. “Thank you,” nakangiting sabi ni Ceejay.
Sa mga sandaling iyon ay parang tumigil ang paligid ni Clyde. Para siyang nasisilaw sa mga ngiti ni Ceejay ngunit mabilis din iyong nawala. Ipinagsawalang bahala niya lang ang mga napapansin niya at mabilis na tinapos ang kinakain.
Si Ceejay naman ay hindi rin mapakali dahil sa awkward atmosphere nila ni Clyde. Gusto niyang magtanong dito pero hindi naman sila close para gawin iyon. Hindi na lang din siya umimik at tahimik na lang na kumain para makabalik agad sa dorm.
Maya-maya lang ay tumayo na si Clyde at walang sabi-sabing naglakad papuntang dorm. Sinundan naman ito ng tingin ni Ceejay. Patapos na rin si Ceejay nang mapansin niya na naiwan ang cellphone ni Clyde. Tinignan niya pang maigi kung kay Clyde nga ito. Nang buksan niya ang screen ay mukha ni Clyde ang lumabas.
Pinakatitigan niya ang nakangiting mukha ni Clyde sa lockscreen. Halatang cropted ito dahil may kamay na nakaakbay sa kaniya. Ngayon niya lang din nakita ang nakangiting mukha ni Clyde sa loob ng dalawang taon niyang nakikita ito sa paligid ng University. Sabi nga nila ay hindi raw ito marunong ngumiti kaya amaze siyang nakatingin sa picture nila. Nang matauhan sa ginagawa ay tinapos niya ang kinakain at mabilis na sinundan si Clyde.
Nang makitang malapit na ito makapasok sa dorm ay tinawag niya ito. “Carson!” lumingon si Clyde at bakas ang pagkairita rito nang malaman kung sino ang tumawag sa kaniya.
“What’s your problem?” walang emosyon niyang tanong.
“Naiwan mo,” sabi niya sabay abot sa cellphone na hawak. Napatingin doon si Clyde at mabilis na hinablot sa kamay niya ang cellphone. “Walang thank you?” pahabol niya pa nang akmang tatalikod na ito. Bumuntong hininga si Clyde at ibinalik ang tingin sa kaniya.
“Salamat,” poker face pa rin nitong sabi. Ngunit hindi pa tapos magsalita si Ceejay kaya napalingon ulit ito.
“Sign na ba ito ng improvement sa friendship natin?” nakangiting tanong ni Ceejay na nagpakunot sa noo ni Clyde. Bahagya rin natigilan si Clyde pero mabilis din siyang naka-recover.
Hindi rin alam ni Ceejay kung bakit niya nasabi iyon. Hindi sila close o personal na magkakilala. Dapat pa nga ay mainis siya rito dahil sa ginawa nito sa kaniya pero hindi niya maintindihan kung bakit parang naiintindihan niya ang sitwasyon ni Clyde kahit na wala siyang ideya sa pinagdadaanan nito.
“F*ck you!” saad ni Clyde na nagpawala sa ngiti ni Ceejay.
“Bakit? Bakit parang galit ka sa akin? Sa pagkakatanda ko hindi naman kita naargabyado o wala akong ginawang masama sayo. So bakit?” mabilis niyang tanong dito bago pa ito maglakad. Muli na naman siyang nilingon ni Clyde.
“Because you are a gay,” walang emosyon at poker face na sabi sa kaniya ni Clyde at mabilis nang pumasok sa dormitory habang si Ceejay ay tigagal lang sa kaniyang kinatatayuan.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (105)

  • avatar
    Muhammad Rizal

    very good and nice story 😍🫶

    05/07

      0
  • avatar
    LazaldinJiha

    good novel

    04/07

      0
  • avatar
    corpuzMatheo james

    maganda

    18/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด