logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

KABANATA 4

Kabanata 4
Inis
--
"Bakit ba nakanguso ka dyan? Kanina ka pa ganyan, ah?" natatawang sabi ni Jana habang nagsasampay sila ni Klara dito sa likod ng mansyon.
Nakaupo lang ako rito sa batong upuan at pinapanood sila. Ang sama sama ng tingin ko sa bawat damit na sinasampay nila dahil sa inis ko. Kahit anong gawing pagpapalamig ko, hindi pa rin nababawasan ang init ng ulo ko.
"Bakit ba kasi? Anong problema?" Tanong ni Jana.
"Eh, pano ba naman kasi, si Sir Joshua naglagay ba naman ng pamatid sa pintuan ng kusina. Natalisod tuloy ako. Tawa pa sya nang tawa sa ginawa nya. Nakakainis lang," inis ko talagang sabi.
Umiling iling silang dalawa, para bang inaasahan na ang sinabi ko.
"Sabi ko naman sayo papahirapan ka ni Sir hanggang sa umalis ka," ani Jana.
"Bakit ba kasi hindi nalang nya tanggapin na magkakaroon sya ng maid? Ayaw nya ba nun? May nauutusan sya kapag may kailangan syang gawin? Tsaka napaka dyosa na nga nitong maid nya, ayaw nya pa talaga?" Umirap ako.
Humalakhak sila. "Pagpasensyahan mo nalang muna si Sir..." ani Klara.
"Eh, ano pa nga ba ang magagawa ko? Kailangan ko ang trabaho na to at hindi ako pwedeng umalis. Tsk," umirap muli ako. "Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera, umalis na talaga ako rito,"
"Amora!!" Umalingaw ngaw bigla ang malakas na tinig ni Sir Joshua.
Tumingin ako sa pintuan dito sa likod ng mansyon. Papasok rin yon sa mansyon at talagang dinig na dinig ang boses ni Sir Joshua roon. Umirap ako nang buksan nya ang pintuan at tumingin agad sa gawi namin.
"Tawag ka, Amora..." bulong ni Klara.
"Tsk," inis akong tumayo.
"Amora!!"
"Nandyan na!" Iritado kong sabi at naglakad palapit sa kanya.
Nakangisi sya nang makalapit ako. Hawak nya pa rin ang doorknob ng pintuan at nasa loob pa rin ang mga paa. Busangot akong tumingin sa kanya.
"Masakit pa ba ang katawan mo sa nangyari kanina?" Tanong nya.
"Opo, Sir," diniinan ko ang sinabi sa inis dahil talagang nagawa nya pang magtanong. "Sobrang sakit ng katawan ko, Sir. SOBRA."
Kunyari syang naawa. "Ganon ba? Paano yan? Kailangan mong maglaba..."
"Ano?"
"Kailangan mong maglaba," nagawa nya pang ngumiti.
Nag iwas ako ng tingin at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Pumikit ako ng mariin tsaka muling matalim syang tinignan.
"Ano pong lalabhan?"
Mas lalo syang ngumiti at biglang inabot sa akin ang napaka raming uniform. Agad kong nasapo iyon sa takot na baka mahulog at marumihan.
"Labhan mo lahat yan. Mga uniform ko yan sa school kaya kailangan mong ingatan," ngumiti sya.
Matalim akong nag angat ng tingin sa kanya. "Opo, Sir..."
"Good," aalis na sana sya nang bigla ulit syang humarap sa akin. "Oo nga pala," ngumiti sya. "Ayaw kong nilalabhan yan sa washing machine. Wash it using your hands, okay?" Anya tsaka tumalikod at umalis.
Naka awang ang labi ko syang tinignang umalis, hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Gosh! Limang uniform nya ipapalaba nya sa akin gamit ang kamay? Kaya ko namang gawin yon pero... arghh! Sobrang nakakainis na, ah! Talaga ngang pinapahirapan nya ako!
Halos masira ko ang uniform sa sobrang inis ko habang nagkukusot. Sa pagkukusot ko binuhos lahat ng inis ko pero dahil hindi gumagana ay mas lalo kong binubugbog sa kusot ang damit.
"Nakakainis na ang lalaking yon. Wala syang utang na loob. Napaka sama nya!"
"Who?"
"Ayy palaka!" Napapikit ako nang makita si Sir Joshua sa pintuan ng CR rito sa utility room. "Anong ginagawa mo dyan?" Iritado kong tanong.
"Chinecheck ko lang kung hindi mo nga ginamit ang washing machine," ngumisi sya. "Good job."
Inirapan ko sya at nagpatuloy na lamang sa pagkukusot. Sana umalis ka nalang dahil baka masapok kita ng hawak kong pangkusot.
"Iniirapan mo ba ako?"
"Hindi po. Kanina pa may problema ang mga mata ko. Pagpasensyahan nyo nalang," umirap irap ako habang nakayuko para hindi nya makita.
Narinig ko ang matunong nyang pagngisi. Hindi na ako nag angat ng tingin dahil baka makalimutan kong amo ko sya at masigawan ko pa sya ng harap harapan.
"Paka brush mo pa. May dumi doon, oh," kanina pa dada nang dada si Sir Joshua.
"Opo..." nagpipigil kong sabi tsaka pinaka kusot ang sinasabi nya.
Tsh. Wala namang dumi. Sarap nyang sapakin.
"Wag mong paka kusot sa may butones, baka matanggal," muli nyang reklamo.
"Opo..." matalim kong tinignan ang damit.
"Wag mong paka diin yung pagksuot sa may kwelyo. May design doon, baka lumabo yung design," reklamo sya nang reklamo.
Dinahan dahan ko ang pagkukusot at pagkatapos ay umirap sa gawi nya.
Tsh. Sige lang. Pahirapan mo ako nang pahirapan. Akala mo aalis ako sa mga ganyan mo? Ha! Hindi ako aalis rito! Ikaw ang mapagod!
"Tignan mo muna kung malinis yung hanger," ani Sir Joshua.
Nandito na kami sa likod ng bahay at nagsasampay. Eto na naman sya sa mga reklamo nya.
"Malinis po, Sir," halos suntukin ko sya.
Ilalagay ko na sana sa hanger ang isa pa nyang uniform nang pigilan nya ako.
"Wag yang blue. Gusto ko kulay black lang yung hanger. Kuha ka don sa loob."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Gosh. Seryoso ba sya? Pati talaga dito?
Kahit nanggigigil na ako ay sinunod ko nalang sya. "Opo, Sir..." mariin kong sabi.
Matalim ko muna syang tinignan bago naglakad palayo. Narinig ko ang bahagya nyang pagtawa. Inis na inis naman ako habang naglalakad. Nakakuyom pa ang kamao ko at sobrang higpit ng kapit sa hanger na kulay blue.
"Tsk. Bakit kasi kulay blue ka pa?" Nasisi ko tuloy yung hanger.
Kumuha ako ng black na hanger sa utility room at pagkatapos ay bumalik na sa likod ng mansyon. Nakaupo si Sir Joshua sa kanina kong inuupuan noong pinapanood ko sina Jana at Klara na magsampay. Halos umirap ako kung hindi lang sya nakatingin.
"Black yan?" Naniguro pa sya.
"Opo," inis akong nagsampay.
"Ingatan mo," reklamo nya muli.
"Opo," halos sumigaw na ako sa inis.
"Naglinis ka ba ng kamay? Hindi pwedeng madumihan yan ulit. I need these tomorrow."
"Naglinis po ako."
"Pagpagan mo yung hanger."
"Opo!" iritado kong sabi.
Nakita ko ang pag angat ng gilid ng kanyang labi, halatang tuwang tuwa dahil nakikita nyang naiinis na ako. Matalim ko syang tinignan nang hindi sya nakatingin tsaka inirapan.
Bwisit.
Nang matapos ako ay tumayo na rin sya. "Linisin mo yung kwarto ko," anya at walang sabi sabing umalis.
Ano? Anak ng...
Hindi, hindi. Kumalma ka, Amora. Trabaho mo yan. Wag mo nalang isipin na pinapahirapan ka nya.
Matalim kong tinignan ang likod nya at naglakad na lamang pasunod sa kanya.
"Pagpagan mong mabuti," ani Sir Joshua.
"Opo," inirapan ko ang mga unan.
Pinaghampas ko ang mga unan para mapagpagan iyon. Sunod naman ay ang napaka kapal nyang kumot. Medyo nilalamig ako dahil basa pa ako sa paglalaba tapos naka aircon ang kanyang kwarto. Tiniis ko na lamang.
Nang mapagpagan ko na ang kumot nya ay inayos ko ulit iyon. Nilagay ko na rin ulit ang nga unan at pagkatapos noon ay dumeretso naman ako sa carpet na nasa tabi ng kanyang kama. Pinagpagan ko yon at nagwalis.
"Yung ilalim ng study table ko, oh. Ang dumi," turo ni Sir Joshua sa kanyang study table.
Tumingin ako sa kanya ngunit wala ring nagawa kundi ang yumuko at walisin ang ilalim ng kanyang study table. Kung ano ano nang sumpa ang binubulong ko sa sobrang inis ko sa kanya.
Kung hindi ko lang talaga alam na pinapahirapan nya ako dahil gusto nya akong umalis, hindi naman ako magrereklamo at maiinis ng ganito.
"Punasan mong mabuti. Matagal nang hindi nalilinis yan."
Halos hindi ko maabot ang kanyang bintana dahil nakaharang ang kanyang study table. Pilit ko nalang iyong inaabot at halos pagpawisan ako dahil roon. Kahit sobrang lamig na dito ay pinagpapawisan pa rin ako sa dami ng mga inuutos nya. Nakakainis.
"Punasan mo pa. Doon sa dulo, oh," anya.
Hinipan ko ang buhok kong nasa aking mukha tsaka inis na inabot ang tinuturo nya.
"Ayusin mo. Wag mong lukutin."
Inayos ko ng mabuti ang kanyang mga libro sa study table na mukhang sinadya nyang guluhin. Sobrang gulo ng kanyang mga libro, ballpen at mga notebooks. Nagkalat rin ang mga papel na mukhang sinadya rin nyang lukutin nang lukutin tapos kalatin. At punakuskos nya pa sa akin ang mga sulat sulat na lapis sa kanyang study table na mukhang sinadya nya ring sulatan.
"Kuskusin mo pa. Ang daming dumi, oh."
Ngayon naman ay pinaglilinis nya ako ng kanyang banyo. Sobrang linis at sobrang bango naman dito pero kung makautos sya akala mo sobrang dumi ng kanyang banyo. Sinunod ko na lamang dahil wala naman akong karapatang magreklamo.
"Ano ba yang ginagawa mo? Hindi ganyan ang pagtutupi!" Ani Sir Joshua.
Nandito naman kami ngayon sa loob ng kanyang walk in closet. Halatang sinadya nya ring guluhin nang guluhin ang mga damit nya dahil wala ito lahat sa ayos samantalang napaka ayos naman nito kagabi. Umirap ako.
"Hindi ko naman po kasi alam ang magtupi ng mga jacket. Wala naman akong jacket--"
"Oo na. Ang dami mo pang dahilan. Ayusin mo nalang mabuti," putol nya sakin.
Lihim ko syang inirapan at inayos na lamang ang pagtutupi. Hindi ko talaga alam kung paano magtupi ng mga jacket. Ayaw nya naman akong turuan kaya tinupi ko na lamang iyon sa paraan na maayos para sa akin.
"Ano yan? Hindi ganyan!" Reklamo nya nang magtupi ako ng isang jacket.
"Bakit, Sir? Maayos naman, ah?"
"Hindi ganyan ang pagtutupi nyan. Malulukot yan."
"Eh, paano ba kasi? Ayaw nyo naman akong turuan!"
"Sinisigawan mo ba ako?"
Napanguso ako. "Hindi po..."
"Trabaho mo yan kaya bakit kita tuturuan? Ayusin mo."
"Eh, hindi ko nga alam kung paano..."
"Ayusin mo," mariin nyang sabi.
Gusto ko syang sigawan dahil hindi ko nga alam kung paano tapos ayusin mo pa rin sya nang ayusin mo. Ang kulit kulit nya.
"Eh, paano ko nga aayusin, Sir, hindi ko naman alam kung paano--"
Nagkamot sya ng ulo. "Oo na. Oo na. Gawin mo nalang ang gusto mo."
Bumusangot ako roon at binalik na lamang ang paningin sa jacket na nasa hita ko. Umirap irap muli ako sa kawalan bago nagpatuloy.
Kainis.
"Hayy... salamat makapag papahinga na rin..." sambit ko tsaka binagsak ang sarili sa aking kama.
"Amora, nandyan na pala yung gagamitin mong uniform para bukas," ani Klara na nasa taas ng double deck.
Napabangon agad ako roon tsaka napatingin sa kanya. "Talaga?"
Tumango sya. "Nilagay ko sa closet mo. Pinabibigay yan ni Ma'am Juliette pero wala ka naman at nasa kwarto ni Sir Joshua."
Excited akong tumayo at pumunta sa aking closet.
"Ano ba kasing ginawa mo doon? Bakit ang tagal mo?" Tanong ni Jana na nasa baba naman ng double deck.
"Maraming pinalinis sa akin si Sir Joshua, eh."
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang uniform sa aking closet. Naka hanger iyon at sobrang ganda! Kulay green ang design at maikli ang palda. Nakanganga ko iyong kinuha at pumunta sa harap ng salamin.
"Sukat mo dali! Tignan natin kung bagay sayo," ani Jana at tinulak tulak ako palabas.
Sinukat ko iyon sa loob ng banyo sa tabi lang ng aming kwarto. Kasyang kasya iyon sa akin. Umikot ikot pa ako habang sobrang lawak ng pagkakangiti tsaka lumabas ng banyo para ipakita kina Jana at Klara kung bagay ba sa akin.
"Ano?" Excited kong tanong nang makapasok na sa kwarto.
"Whoa! Bagay na bagay sayo!" Ani Jana.
Tumitili akong humarap sa salamin at tinignan ang sarili. Bagay na bagay nga sa akin!
"Ang ganda ng katawan mo. Bagay kang maging model..." ani Klara.
Natawa ako roon.
"Oo nga! Bakit hindi mo i-try mag model? Kikita ka ng malaki roon!" Ani Jana.
"Ayoko, noh. Baka kung ano ano lang ang ipasuot sa akin doon."
"Ano ka ba! Hindi lang naman tungkol sa pagbibikini o ano man ang pagmomodelo. Pwede kang magmodel ng mga dress o kung ano anong style ng damit!"
Humalakhak ako. "Hindi iyon ang pangarap ko..."
Ngumuso sya. "Eh, ano?"
Ngumiti lamang ako at umikot ikot para ma-feel pa ang pagsusuot ko ng uniform.
Grabe! Ang ganda! Bagay na bagay sa isang dyosang katulad ko!
Papasok na ako bukas. OMG! Excited na ako!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (97)

  • avatar
    Annalou Soliba Limosnero

    excellent

    17d

      0
  • avatar
    Jhon Cedric Cape

    it's so good

    22d

      0
  • avatar
    AlamanAira

    A high qualite

    15/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด