logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

KABANATA 9

Kabanata 9
Lunod
--
Nagdaan ang mga araw na patindi na nang patindi ang pagpapahirap sa akin ni Sir Joshua. Meron dyan yung papatirin nya ako palagi, ipagluluto ng napaka raming pagkain tapos hindi nya naman kakainin, paglalabahin ng mga damit nya at kailangan pa kamay dapat ang gamit ko, meron ring palagi nya akong pinaglilinis ng kanyang kwarto, pinagwawalis sa likod ng bahay, pinaglilinis ng buong bahay at kung ano ano pa. Halos wala nang ginagawa sina Jana at Klara dahil ako na lahat ang gumagawa sa utos ni Sir Joshua.
Kaya naman palagi akong pagod at puyat. Minsan sa school ko nalang nagagawa ang mga assignments ko. Hindi ko na rin natatawagan madalas sina Mama sa gabi. Minsan hindi na rin ako nakakakain sa ng hapunan dahil pagod na pagod ako sa school, isabay mo pa yung pagpapractice ko sa dance troupe.
Hindi ko alam kung may saltik ba si Sir o talagang spoiled brat lang sya. Akala ko mabait sya nung kinamusta nya ako pero hindi pala. Alam kong concern sya sa akin nung araw na yon dahil nakita ko naman yon sa mga mata nya, pero hindi ko na maisip pa ang sinsiredad nya dahil sa inis na bumabalik na naman sa sistema ko.
At ngayon, sabado, umalis sina Ma'am Juliette at Sir Nicolas para sa isang meeting abroad. Hindi ko alam kung saan sila pupunta pero ang alam ko lang ay sa ibang bansa. At sigurado akong papahirapan na naman ako ni Sir Joshua ngayon.
At ngayon ay nakahiga ako sa aking kama. Kagigising ko lang at ang oras ngayon ay alas kwatro ng hapon. Oo, alas kwatro ng hapon.
Sobrang pagod ko ba naman kahapon. Nang malaman kasi ni Sir Joshua na wala yung teacher namin sa huling klase nung hapon, pinag linis nya ako ng kanilang kwarto roon sa school. As in buong kwarto pinalinis nya sa akin. Pinaghugas nya rin ako ng mga pinggan na halatang sinadya nyang dumihan. Tapos yung mga gitara nya roon ay pinabuhat nya sa akin para dalhin sa music room. Sobrang daming gitara ang nandoon kaya naka ilang balik ako. Sobrang bibigat pa ng nga iyon kaya naman pagod na pagod talaga ako.
Saktong uwian nang matapos ako at syempre, pagod na pagod nga ako. Pero kailangan ko pa ring kumilos para magpractice ng sayaw, hindi ako pwedeng umabsent roon.
Kaya hindi ulit ako nakakain ng hapunan kagabi sa sobrang pagod ko. Pagkarating ko rito sa mansyon ay bulagta agad ako sa kama. Ang lakas nga raw ng hilik ko sabi ni Klara, hindi raw sya nakatulog dahil sa akin.
Bumuntong hininga na lamang ako.
Bumangon ako at naghikab. Ininat inat ko rin ang mga braso ko. Hindi na masyadong masakit yung kalmot ni Ella. Nagamot na rin kasi yon. Medyo nawawala na ang bakat noon sa braso ko.
Ngumuso si Jana habang nakatingin sa akin. "Parang gusto ko nalang umalis ka rito kesa sa mahirapan ka ng ganyan. Tingnan mo, oh, hapon ka na laging nagising..."
"Ayos lang naman ako..."
"Sus. Palagi nalang iyan ang sinasabi mo. Ayos lang ako, kaya ko naman, ayan palagi ang sinasabi mo," irap nya sa akin.
Tumawa ako. "Kaya ko pa naman kasi talaga..."
"Psh," umirap muli sya sa akin at tumayo na. "Sya, tutulungan ko pa si Klara sa utility room. Marami pa kaming lalabhan."
Tumango ako at nagpaalam na. Muli akong naghikab at nag inat inat. Ngumiti ako. Iisipin ko nalang na umaga ngayon at hindi pa sumisikat ang araw.
Umalis ako sa kama pagkatapos ng ilang sandali. Humarap ako sa malaking bintana namin rito sa kwarto at muling naghikab. Tinaas ko ang kamay ko at muli na namang nag inat.
"Hayy..." sambit ko nang makuntento.
Naligo ako at nag ayos ng sarili. Hindi ko pa alam ang gagawin ngayon dahil hindi pa naman ako tinatawag ni Sir Joshua. Pero sana wag na muna nya akong tawagin. Pagod pa ako. Tsh.
"Amora!!"
Napatigil ako sa paglalakad papunta sa kusina at napapikit nang marinig ang boses ni Sir Joshua. Tsk. Kasasabi ko lang na wag muna akong tawagin, eh. Kainis naman.
"Amora!!" Muli nyang sigaw mula sa taas.
"Nandyan na po!" Sigaw ko rin pabalik.
Agad agad na akong umakyat paitaas. Hinihingal pa ako nang makarating sa tuktok. Hayy.. nakakapagod talagang umakyat sa hagnan na to. Kapag ako talaga nagpagawa ng bahay, ganyan rin kagrande pero hindi ganito kataas. Gosh. Pakiramdam ko tumutunog ang mga buto ko sa tuhod sa bawat hakbang ko.
"Amor--"
"Po?!" Sigaw ko nang makarating sa tapat ng kwarto ni Sir Joshua.
Nasa tapat sya ng pintuan at talagang sisigaw pa sya kahit nakita naman na nya ako. Tsk. Gusto ko syang irapan sa inis.
"Magluto ka. Yung marami," anya.
"Po?" Gulat kong tanong. "Tapos ano? Hindi nyo na naman kakainin?"
"Kakainin namin. Pupunta yung mga kaibigan ko."
"Ano pong gagawin nyo?"
"And why do you wanna know?" Taas kilay nyang tanong.
"Ang sabi po kasi ni Ma'am Juliette bawal kayong magpapunta ng mga kaibigan rito kung iinom lang naman daw po kayo."
Ngumisi sya. "Then? Sa tingin mo susundin kita?"
"Kaya nyong suwayin ang Mommy nyo, Sir?" Nagtaas din ako ng kilay with matching halukipkip pa.
Mas lalo syang ngumisi. "Hindi nya naman malalaman. Unless, sabihin mo."
"Ha!" Natawa ako roon. "Talagang sasabihin ko, Sir. Gusto nyo ngayon na?"
Kumunot ang noo nya. "Bakit ka ba sumasagot sa akin? I'm your boss."
Tsh.
"Sorry po," halos labas sa ilong kong sabi.
"Go now. Magluto ka. Yung masarap," anya tsaka sinarado ng malakas ang pintuan sa harapan ko.
Iritado akong tumingin roon at umamba pang susuntok. Sa huli ay masama ko na lamang iyong tinignan at inis na umalis para pumuntang kusina at makapag luto na.
Anong sasabihin ko nyan kay Ma'am Juliette? Paano ko sasabihing hindi ko magawang pigilan ang anak nya? Gosh. Napaka tigas talaga ng ulo ng lalaking yon. Hindi nya ba pwedeng pairalin manlang ang kabaitang meron sya kahit saglit lang? Sumasakit ang ulo ko sa kanya. Parang ako pa itong mas matanda sa kanya ng isang taon.
"Piritong baboy ang lutuin mo."
"Ayy palaka!" Inis akong tumingin kay Sir Joshua na bahagyang nakasandal sa hamba ng pintuan at nakahalukipkip.
"You always saying palaka kapag nagugulat kita. Do I look like a frog?"
Oo. Tsh.
"Eh, paano nanggugulat nga po kasi kayo," inirapan ko sya at muling naghanap ng pagkain sa ref.
"You're rolling your eyes at me again."
"Sorry po," labas sa ilong ko na namang sabi.
Hindi na ako pinuntahan at pinakialaman ni Sir Joshua pagkatapos noon. Nagtungo na sya sa kung saan at wala akong pakialam kung saan man syang lugar nagpunta. Nagluto lamang ako habang nakanguso at nakabusangot, hindi gusto ang ginagawa.
Tsh. Ako ang mapapagalitan ni Ma'am Juliette nito, eh. Anong sasabihin ko kapag nalaman nyang hindi ko napigilan si Sir Joshua na uminom? Sigurado naman na kasi akong mag iinuman sila ng mga kaibigan nya rito. Kaya pano na yan? Paano kung tanggalin ako ni Ma'am? Tsk. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Gaya ng gusto ni Sir Joshua ay nagluto ako ng piritong baboy. Nang matapos ay nilagyan ko yon ng sauce gaya rin ng gusto nya. Nilagay ko lahat sa tray ang lahat ng iyon at naglagay rin ng mga snacks gaya ulit ng gusto ni Sir para daw sa pulutan nila.
Madilim na ang kalangitan nang makarating ako sa labas ng mansyon. Sa pool area napiling mag inuman nina Sir Joshua. Hindi ko alam kung nandoon na sila pero ang sabi lang ni Sir ay doon ko ilagay ang pagkain kapag natapos ako. Pumunta na lamang ako roon.
Paingay nang paingay ang paligid habang palapit ako sa pool area. Malakas na music at mausok na paligid ang nakita ko nang makalapit na ako ng tuluyan roon. Nagtatawanan ang mga kaibigan ni Sir Joshua. Nandoon din si Zil na nakikipagtawanan rin at yung iba ay hindi ko na kilala. Nakita ko naman si Sir Joshua na nasa tabi ni Zil, nakikipagtawanan rin sa kanila.
Bumuntong hininga ako at nagtungo na lamang sa kanila. Agad napatingin sa akin si Sir Joshua nang dumating ako. Hindi ko sya tinignan at nilagay na lamang ang mga pagkain sa kanilang lamesa habang nagkakatuwaan pa rin ang iba.
Tumikhim si Zil. "Ahmm.. is Klara here?" Tanong nya sa akin.
Nag angat ako ng tingin sa kanya. Gusto kong magtaka kung bakit panay ang tanong nya tungkol kay Klara. Pero naisip ko na baka concern lang sya rito dahil hindi pa rin tumitigil si Ella sa pagpapaiyak kay Klara. Minsan nga naiisip ko nalang na paiyakin rin sya para naman makaganti. Pero baka tanggalin ako ni Ma'am Juliette, girlfriend iyon ng anak nya kaya hindi ko iyon dapat saktan.
Tsh. Hindi ko naman talaga sya sasaktan, paiiyakin lang nang maramdaman nya ang nararamdaman ni Klara kapag sya naman ang gumagawa noon.
"Nasa loob, nagpapahinga," sagot ko kay Zil.
"Is she sleep already?" Tanong nya ulit.
"Hindi ko lang alam," iling ko.
Bumuntong hininga sya at tumango tango. Kinuha ko naman na ang tray.
"If you want to see her, pwede ko naman syang tawagin," sambit ni Sir Joshua. "Kunyari ka pa dyan. Tss..."
"I'm just asking, bro," baling nya kay Sir.
Ngumisi si Sir Joshua na pulang pula na ang mukha, lasing na yata. Kumunot ang noo ko. Kanina pa ba sila nandito? O talagang marami na syang nainom?
Tsk. Patay talaga ako kay Ma'am Juliette nito.
"Sir!" si Klara na nagtatatakbo habang hawak ang isang cellphone.
Napabaling ang lahat kay Klara na agad nahiya sa pagsigaw nya. Lumapit sya kay Sir Joshua at nilahad ang cellphone.
"Nakita ko po ito sa kusina. Tumatawag po si Ella..." anya.
Tinignan at kinuha iyon ni Sir Joshua tsaka kung ano ano ang pinagpipindot. Napatingin naman ako kay Zil na namumula ang tenga habang hindi makatingin kay Klara. Lihim akong napangisi at tumabi na lamang, naghintay kay Klara para sabay na kaming pumasok sa loob.
"Kumuha pa kayo ng pagkain sa loob," utos ni Sir Joshua at binagsak lang ang kanyang cellphone sa lamesa at hindi sinagot ang tawag ni Ella. "Kayong dalawa."
"Opo..." sagot ni Klara at tumingin sa akin.
Ngumiti ako at naglakad na pasabay sa kanya. Habang naglalakad ay tinitignan ko ang itsura ni Klara. Pero parang normal lang sa kanya ang lahat.
Siniko ko sya nang makarating sa kusina.
"Mmm?" Tanong nya.
"Wala ka bang napapansin kay Zil?" Sabi ko at kumuha ng mga snacks sa ref.
Kumunot ang noo nya at nag isip. "Wala naman. Bakit?"
"Hindi mo ba napapansing..." napatitig ako sa kanya at nanliit ang mga mata.
Tumaas naman ang dalawang kilay nya, nag aabang sa sasabihin ko. Sa huli ay napailing nalang ako.
"Wala," ngumisi ako. "Napaka inosente mo talaga..."
"Huh?" Taka nyang tanong pero hindi ko na sya sinagot.
Ngingisi ngisi akong tumingin sa kanya habang nilalagay ang mga snacks sa tray. Nagtataka naman syang tumingin sa akin habang naglalagay rin ng mga pagkain sa tray.
"Ang weird mo. Nakakatakot ka..." anya.
Humalakhak ako roon. "Wag mo nalang akong pansinin. Tara na."
Bumalik na kami sa pool area kung nasaan sina Sir Joshua. Maingay na ulit ang buong paligid nila nang makarating kami. Yung ibang kaibigan ni Sir Joshua na hindi ko kilala ay puro babae ang pinag uusapan. Nakikitawa lang naman sina Zil at Sir Joshua. Si Sir Joshua ay halatang lasing na lasing na. Pulang pula na ang kanyang mukha at hindi na maidilat pa ng maayos ang kanyang mga mata.
Gusto ko syang paghahampasin dahil talagang malalagot ako kina Ma'am Juliette at Sir Nicolas sa mga pinag gagagawa nya. Nakakainis. Paano talaga kung matanggal ako?
Nilagay namin ni Klara ang mga pagkain sa kanilang lamesa. Nagpasalamat sa amin ang ibang kaibigan ni Sir na hindi pa masyadong lasing. Mabuti nalang pala mababait ang iba sa kanila.
Tsk. Paano nila naging kaibigan si Sir Joshua?
Mukha na rin silang nasa 20s. Hindi ko alam kung anong edad nila pero sigurado akong hindi na sila highschool o college. Mas matanda na sila sa amin. Kaya rin siguro ngayon ko palang sila nakita. Hindi ko sila nakikita sa school, eh.
"Iyan lang po, Sir?" Tanong ko kay Sir Joshua na namumungay na ang mga matang nakatingin sa akin.
Ngumisi sya. "Yes. Umalis ka na."
Tumango ako at naglakad na paalis. Ngunit sa bilis ng pangyayari ay wala nang pumasok pa sa isipan ko. Ang tanging alam ko na lamang ay sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang inaangat ang sarili sa napaka lalim na swimming pool. Naririnig ko ang pag iyak ni Klara habang tinatawag ako ngunit hindi talaga ako maka ahon. Hindi ako marunong lumangoy.
Kawag ako nang kawag. Nang dahil sa tubig na napupunta sa mga mata ko ay napaka labo na ng paningin ko kapag nakaka ahon ako. Agad rin naman akong lumulubog na para bang may humahatak sa mga paa ko.
Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa sa dami ng naiinom kong tubig. Marami na rin akong nasisinghot dahilan para sumakit ang aking ilong.
Natatakot, naiiyak at kinakabahan ako. Iyon lang ang tanging nararamdaman ko sa mga oras na yon.
Nawawalan na ako ng hininga at pag asa nang biglang may humawak sa baywang ko at inangat ako sa napaka lalim na tubig.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (97)

  • avatar
    Annalou Soliba Limosnero

    excellent

    17d

      0
  • avatar
    Jhon Cedric Cape

    it's so good

    22d

      0
  • avatar
    AlamanAira

    A high qualite

    15/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด