logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 4

CHAPTER 4
ISABEAU
Habang nagaalmusal kami ni Lolo may narinig kaming katok sa pinto. Agad akong tumayo para tignan iyon.
"Good morning Manila Philippines!" maarte niyang bati kaya nagulat ako. May kasama pang pawave-wave ng kamay, na akala mo kandedata sa pageant. Nang makabawi binatukan ko. Kagigil eh.
"Ano kaba naman Ramon! Ang aga ng pambubulabog mo ha!" singhal ko sa kanya.
"Ramona bebe girl,"correction niya sa tawag ko sa kanya.
"Grabe ka naman sister naalog yata ang bungo sa ginawa mo! Samahan mo ako mag pacheck-up,"maarte niyang saad.
"Check-up'in mo yang mukha mo! Gusto mo dagdagan ko pa!" inis kong saad at tinalikuran na siya para  pumasok sa loob.
"'Wag nalang bebe. Hanggang ngayon siga ka pa rin, naku sister! 2021 na magbago kana, panu ka makakahanap ng foreigner na mapapangasawa kong ganyan––" naputol ang sasabihin niya ng tignan ko siya ng matalim.
"A-ay nagaalmusal kayo pahingi naman." pag-iiba niya ng usapan at umalis sa harapan ko. Makapal ang mukhang kumuha na ng tinapay.
Hindi ko alam kung maawa ba ako sa baklang 'to na Kaibigan ko. Tropa ko siya no'ng highschool at best friend ko din hanggang ngayon, pero lulubog lilitaw ito eh. Hindi ko alam kung saan nagsusuot.
"Hi lolo! Kamusta po?" tanong niya.
"Ito ganun pa rin, laging may karamdaman,"sagot ni lolo.
"Anong nakain mo at naparito ka?" maangas kong tanong sa kanya.
"Nagsara kasi ang parlor na pinagtatrabahuan ko. Pwedi bang makitulog muna ako dito sainyo? Kahit ilang araw lang.'Wag kang mag-alala tutulong ako, ako ang magbabantay kay lolo, " pagmamakaawa niya.
Kaya naman pala naparito.
"Sigurado ka, makikitulog lang?" seryoso kong tanong.
"Ay makikikain din bebe girl," nahihiya niyang sabi at nag-aalangang ngumiti.
"Oo na basta bantayan mo si lolo ng maayos ah. Ok na iyon sa akin kapag nasa karenderya ako, " pagpapayag ko. At huminga ng malalim.
Tumalon-talon pa siya at niyakap ako.
"Thank you ha!" aniya.
"Oo na pakibitawan na ako." Sumunod naman siya.
"Aalis na ako. Bye 'lo!" at lumabas na ako ng bahay at sumakay ng bike patungong karenderya.
Pagkarating ko, sa kusina agad ako tumungo. Katulong ko si aling Doris sa pagluluto. Pagkatapos kong magluto dinisplay ko na ang mga iba't-ibang putahe ng ulam.
Maya-maya lang may dumating na mga lalaking parang mga adik ang mukha.
"Isay, ikaw na ang kumuha sa kanila ng order, nakakatakot ang pagmumukha nila," ani Julie. Tumango nalang ako.
"Ano ho order niyo?" walang emosyon kong tanong ng makalapit sa kanila. Agad naman lumingon sa akin ang tatlo na may ngisi sa mga labi.
"Pwedi bang ikaw nalang miss," nakangising sabi no'ng lalaking kulot ang buhok, may bigote at bilogan ang tiyan. Kinindatan pa ako. Yuckk! Ang papanget ng pagmumukha, sarap upakan ng mga 'to. Parang mga tambay sa kanto nila at dumi sa lipunan.
"Kung wala naman pala kayong order, umalis nalang kayo dito." inis kong ani at akmang aalis na doon ng hawakan nito ang pang-upo ko. Agad kumulo ang dugo ko.
Ang pinaka ayoko sa lahat ang binabastos ako. Nilingon ko ang gumawa no'n sabay suntok sa mukha. Napabaling ang tingin nito sa kabila. At galit na tinignan ako.
"Aba matapang ka ha!" tumayo siya at lumapit sa akin at agad akong sinapak ng malakas. Hindi ko inasahan 'yon kaya nabuwal ako sa kintatayuan ko. Namanhid ang pisngi ko, pero tinadyakan ko ang pagkalalaki niya kahit nakasalampak ako sa sahig.
Agad naman kaming dinaluhan ng mga trabahador sa kabilang kalsada at dali-daling umalis ang tatlong lalaki. Pero bago sila umalis, tinignan ako ng masama no'ng nasuntok ko.
"Isay, dumudugo ang bibig mo." nag-aalalang sabi ni Julie sa akin. Pinunasan ko ng panyo.
"Okay lang ako." ani ko at ngumiti sa kanya.
"Sigurado ka? Kung umuwi ka na lang kaya muna, " dagdag pa niya.
"Hindi okay lang ako, " hindi na din siya nangulit pa. Tumulong pa rin ako sa pag-asikaso ng kumakain doon.
"Isay!"tawag sa akin ng baritonong boses na iyon. Umangat ako ng tingin at nakita ko ang madilim na mukha ni Drew. Anong ginagawa niya dito? Diba may trabaho siya? Teka bakit galit siya?
"Bakit?" walang emosyon kong tanong at yumuko dahil hindi ko kaya ang talim ng tingin niya. Nagkunwari akong kumukuha ng kanin.
Hindi ko namalayang nakapasok na pala siya sa loob ng kinatatayuan ko.
"What happened to your face? Bakit hindi mo ginamot?!" galit niyang tanong ng hinawakan ang baba ko at inangat niya ang mukha ko para matignan ng maayos.
"Oh f*ck!" agad ko siyang pinalo sa dibdib sa pagmumura niya.
"Anong problema mo?" inis kong tanong. Hindi siya sumagot at hinawakan ng mahigpit ang palapulsuhan ko at kinaladkad ako palabas ng karenderyang iyon.
Sa tangkad niya, para na akong tumakbo sa bilis niyang maglakad. Naiinis na talaga ako sa kanya. Sa isang itim na kotse kami tumungo, iba ito sa ginamit niya noong birthday ni Dan. Binuksan niya iyon ng hindi umiimik at hindi din binibitawan ang braso ko. Agad niya akong pinapasok sa loob at sinarado iyon. Umikot siya at pumasok sa driver seat.
"Saan mo'ko dadalhin?" inis kong tanong.
Hindi niya ako inimik, seryoso lang siyang nag-drive at madilim ang mukha. Bakit nagagalit ang isang 'to? Tanong ko sa isip ko.
"Drew saan mo ako dadalhin?" paguulit ko. "At saka paano mo nalamang..." hindi ko alam kung ano ang idudugtong ko.
Huminga siya ng malalim. Tumingin sa akin pero hindi katulad ng kanina ang mukha niya.
"I just passed by to get some documents. Then my engineer told me what happened to you, " inis niyang wika. Tumango lang ako.
Nakarating kami sa tapat ng isang private hospital. Agad nanlaki ang mata ko.
"Anong ginagawa natin dito?" gulat kong tanong. Pero alam ko na kung ano ang gusto niyang mangyari.
"Obvious ba, this is an hospital. Of course we're going to the doctor to treat your wounds. Tsk!" naiinis pa rin siya.
"Oo alam ko hospital 'to, pero bakit dito? Eh kahit hindi ko na to gamutin okay lang ako," walang hingahan kong litaniya sa kanya. Porket mayayaman ito, kahit simpleng sugat lang nappraning. Tsss.
"Your so stubborn lady!" nagulat naman ako sa tinawag niya sa akin. Lady daw? ibig sabihin babae ang tingin niya saakin hindi tomboy o ano? O ano naman sayo? Sawata ko sa isip ko.
"Basta Drew ayoko! Maliit lang itong sugat ko. Hindi ako mamatay nito. Umuwi na tayo, hindi ko kailangan ng hospital!" maktol ko sa kanya. Nakipagtitigan naman siya sa akin ng matagal. Ako agad ang bumawi ng tingin. Diko kaya eh.
Ilang minuto lang ay nagsalita na siya.
"Okay!" pagsang-ayon niya.
Agad siyang nagdrive, pero ibang lugar ang tinatahak namin. Hindi nalang ako umimik sumasakit na kasi ang bibig ko kapag nagsasalita.
Namalayan ko nalang na pinark niya ang kotse niya sa isang napakataas na building. Agad siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto. Hinila niya ang braso ko palabas ng kotse niya at naglakad na kami papasok ng building na iyon na sa tingin ko ay condominium.
Nakatitig nalang ako sa kamay niyang nakahawak sa aking braso at nanliit sa suot ko. Siya kasi naka navy blue na long-sleeved na nakarolyo hanggang siko at hulmado sa matikas niyang katawan , slacks na hapit na hapit sa malalaki at mahahaba niyang binti at nakablack shoes pa. Samantalang ako nakasuot ng t-shirt,kupasing pantalon at tsinelas.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (378)

  • avatar
    Salmah Bantuas Batara

    hehehe

    11h

      0
  • avatar
    CruzCris ian

    500

    1d

      0
  • avatar
    AboyMaryann

    sobrang ganda

    1d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด