logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter V

Jose Antonio Sebastian Pov 
Apat na oras na akong naghihintay dito sa pribado kong silid. Hinihintay ko si Ofelia na dumating. Alam kong pupuntahan niya ako dito para kausapin. I'm sure, tapos na siyang kausapin ni Ate Danarah sa mga oras nato. I didn't tell her to do it. Alam ko ng gagawin niya iyon kahit hindi ko siya utusan. She's a monumental windbag. Hindi niya magagawang hindi iyon sabihin kay Ofelia. They were friends. Mas malapit pa nga siya rito keysa sakin na sarili niyang kapatid. 
Bumukas iyong pinto. She's here. Pumasok siya. Isinarado niya uli ito. Tumayo siya sa mismong tapat ko. Nakaupo ako sa ibabang parte ng higaan. Nakasuot pa rin siya ng uniporme. Her eyes are red. Ang tamlay-tamlay niya.. Namumula rin ang dalawa niyang pisnge. Galing pa yata siya sa pag-iyak. 
"A--alis na po pala sila bukas Señorito. Ba't hindi niyo man lang po ako kinausap?" Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. "Alam ko pong isa na ako sa mga kasangkapan niyo, pero huwag niyo naman po sana akong tanggalan ng karapatan sa kapatid ko." 
"Hindi kita tinatanggalan ng karapatan sa kaniya Ofelia. Wala akong sinabing ganon." 
Tumayo ako. She's too fleer. Ofelia was just so dispraise. Sino ba ang nagsabi sa kaniyang kinukuhanan ko siya non? Hindi iyon ang totoong intensiyon ko. Alam ko kung gaano kahalaga sa kaniya ang kapatid niyang si Magna. 
Hinawakan niya ako sa palapulsuhan. I look in her eyes firm. What now? Paparatangan na naman ba niya ako? "I--ibig ko pong magpakalayo ngayon din Señorito. I-ilayo niyo po ako rito. Dalhin niyo po ako kahit saan. A-ayoko pong makitang umalis ang kapatid ko. Hindi ko po kayang makita ang ganong senaryo." 
Napatitig ako sa kaniya. Nagsisimula ng manubig iyong mga mata niya. Konting-konti na lang at iiyak na naman siya. Niyakap ko na lang siya. She needs comfort. She's in deep pain. Ramdam ko iyong sakit na dinaramdam niya sa loob. And it's me again. Ako na naman ang dahilan ng mga luha niya. 
"Where do you want to go?" 
"Kayo na po ang bahala Señorito, basta malayo po rito. Malayo kay Magna." 
Nagpunta kaming damuhan. Nasa likurang bahagi ito ng mansiyon. Nandon ang pribado kong sasakyan pahimpapawid. Doon ko ito ipinarada. Were just meters away from it. I look at her. Nakatingin siya sa unahan namin. Hawak-hawak ko iyong kanan niyang kamay. 
"Kung gusto mo, puwede nating puntahan ngayon ang kapatid mo Ofelia." I talked. 
Naglihis ako ng tingin noong tingnan niya ako. Nakokonsensiya ako. I was the reason why she's in grief. I made a sudden move here. She didn't expect it. Pero mangyayari pa rin naman ito. Naging maaga lang. It's part of my intent. Meron talagang masasaktan. And it's no other than Ofelia and her younger sister. 
"Hindi na po Señorito. Ayaw po ni Magnang magkalayo kami. Sigurado kapag nagpakita ako ngayon don hindi siya papayag. Hindi niya po pinangarap na gumaling at magkaroon ng mga mata. Ako lang po ang nag-asam non kaya pumayag ako sa alok niyo. Gustong-gusto ko po kasing makakita siya." 
"Ayaw mo ba talagang tingnan siya?" 
Mapanglaw ang mga mata na tumingin siya sa unahan. "Buo na po ang desisyon ko. Kayo na po ang bahala samin Señorito." 
Sumakay kami. We occupied the back seat of the gyrocopter. Nasa unahan namin ay ang dalawa kong piloto. Hinawakan ko siya sa kamay ng napakahigpit. Natatakot siya. Paunti-unti umaangat na sa himpapawid iyong sinasakyan namin. 
"Just close your eyes Ofelia. Umidlip ka na lang. Alam kong takot ka." 
We boarded in one of my private island. It's called El Dorado. Dito ako pumupunta parati kapag gusto kong magpahinga sa trabaho. It's a heavenly place. So come and so glamorous. I carried her. Dinala ko siya sa isang silid tulugan. Tulog lang siya buong biyahe. Talagang sinunod niya iyong utos ko. Pinanood ko muna siya. Ang hirap isipin na sa likod ng pagkakaroon niya ng napakaamong mukha, kabaliktaran naman niyon ay ang hirap na pinagdaraanan niya araw-araw. Her beauty is a curse. A curse that I want to keep forever. Siya iyong totoo kong yaman. Hindi ang pera at ang titulo ko sa negosyo. 
"Siya ba iyong babaeng kinukuwento mo sakin Sebastian?" 
Napatingin ako sa pintuan. Si Manang Iska. Si Manang Iska ay ang mayordoma at namamahala dito sa El Dorado. Malapit ako sa kaniya. She's like my second parent. Mag-isa na lang din siya sa buhay. Maaga kasi siyang nawalan ng asawa't anak. She's already 52 years old. 
Nilapitan niya ako. "Kaya naman pala ganon ka na lang kasaya kapag kinukuwento mo siya sakin. Kay gandang bata naman pala niya." 
Napangiti ako dahil sa tinuran niya. Maganda talaga si Ofelia. This is one of the reason why I fall for her deep. Her beauty is different from all of the girls I met before. Merong isang bagay sa kaniya na hindi ko makita-kita sa iba. It was her innocence. Tuwing may nakikilala ako non, iyon agad ang hinahanap ko sa kanila. But I never saw it on them. Siya lang ang kaisa-isang babae sa mundo na meron non. I want to own it. I want to claim those glitters she have in the right time. Akin siya. Ako ang nagmamay-ari sa kaniya. 
Iniwan ko sila. Nagpunta akong kusina. Kumuha ako ng isang bote ng alak. Dinala ko ito sa teresa. The view here is majestic. Nakikita ko ang napakalinaw na dagat. It's giving me great affluence. Binuksan ko ito. Uminom ako dito ng kaunti. Nakakaramdam ako ng kaunting lamig. Iyong suot ko ay isang itim na tuksedo. 
Uminom uli ako. Hindi mawala sa isipan ko iyong mukha kanina ni Ofelia. Ilang balde kaya ng luha ang iniyak niya? Hindi man niya sakin sabihin, pero hindi ako manhid para hindi maramdaman iyong pinagdadaanan niya. I'm sure she's badly ill inside. 
Next day came in. Nagkulong lang siya buong araw sa silid. I tried to communicate with her, but she's too distant of me again. She's not in her usual self. Makailang beses ko na siyang dinalhan ng pagkain, pero hindi man lang niya ito ginalaw. Sinubukan rin siyang kausapin ni Manang Iska. Pero wala. Ayaw niya ng kasama. 
"Huwag kang mag-alala, naninibago lang siya Sebastian. Bigyan mo muna siya ng kaunting oras." 
"Tingin niyo po ba Manang Iska makasarili akong tao?" Untag ko. Nandirito na naman ako sa teresa. Pinagmamasdan ko lang iyong dagat. It's past 10 pm already. Kagagaling ko lang sa silid ni Ofelia. Pinuntahan ko siya para tingnan. Mahimbing na siyang natutulog. 
"Hindi ka makasarili Sebastian. Hindi ka ganong klaseng tao." Sagot niya. 
Hindi ko na alam kung tama pa ba itong mga pinaggagagawa ko kay Ofelia. I cause her too much pain. Nang dahil sa kahangalan ko, nagdudusa siya. Pinaglayo ko sila ng kapatid niya. Pinaglaruan ko iyong kaniya-kaniya nilang mga buhay. Dinamay ko pa iyong mga taong malalapit sakin. 
I don't want to do this, but this is the only choice I have. Ito lang iyong naisip kong hakbang para mapunta siya sakin. Ayaw niya sa mundo ko, wala rin siyang nararamdaman sakin, I need to do this in order for her to accept me and my undeniable feelings. This is my way. Masasaktan ko talaga siya. Kailangan kong tiisin to. 
"Wein is right. I'm still doing business here Manang. Iyong kahangalan ko kay Ofelia ang nagtulak sakin para maging ganito ako." 
"Negosyon rin naman ang pag-ibig kung minsan Sebastian. Hindi lang to isang sugal. Iyong nararamdaman mo kay Ofelia ay isang napakaespesyal na bagay. Tingin ko magagawa rin niyang bumagay sa mundo mo. Huwag mo lang siyang pilitin. Mas maganda kung alalayan mo siya." 
Iniwan ako ni Manang sa teresa matapos niya iyong sabihin. Malaking bagay iyong mga sinabi niya sakin. Kahit papaano ay naliwanagan ako.  Magagawa ko iyon. Nagawa ko ngang magtiis ng ilang taon, alalayan pa kaya siya. That's just an easy task. Hindi ako magsasawang gawin iyon sa kaniya. I can be her usher. Basta't para sa kaniya, handa akong gawin lahat ng trabaho. Handa akong magpa-alila maging parte lang siya ng pagkatao ko. 
Pinuntahan ko uli siya sa silid. Wala siya. Hinanap ko siya sa buong kabahayan. Hindi ko siya makita. I look for her outside instead. Agad na natigilan ako noong makita ko siya sa dalampasigan. Nakatayo lang siya rito. Pinagmamasdan niya iyong dagat. Suot pa rin niya iyong uniporme niya. 
"Huwag kang mag-alala Magna, magkikita rin tayo. Babalik uli tayo sa dati nating bahay. Pangako iyon." Bulaslas niya sa hangin. 
Hilaw na napangiti ako matapos ko iyong marinig. Pasensiya na Ofelia, pero hindi na kayo makakabalik don. You will never live in penury again. Not anymore. Patawad kung nanakawin ko na naman iyong napakasimple niyong pamumuhay. You don't deserve that kind of life. You should be in splendor with me. Iyon na ang magiging buhay niyo simula sa araw nato. 
Bumalik ako sa bahay. Kumuha ako ng balabal. Dala ito, binalikan ko siya. I gently put it on her back. She wasn't surprise of my conduct. She just bowed down her head. 
"Ipagpaumanhin niyo po sana iyong naging asal ko kanina Señorito. Hindi lang po maganda iyong pakiramdam ko." 
"Naiintindihan kita Ofelia." I took her right arm. I intertwined it with mine. Her hands are kinda frigid. Naglakad kami. Maliwanag ang kalangitan. Malaki iyong buwan at maraming bituin. The sound of waves is flowery. It's calm and tacit. Ang gandang pakinggan. I like this scene. Ngayon ko na lang uli to naranasan. 
"Pag-aari niyo po ba ang lugar nato Señorito?"  
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Tumango kaagad ako. "Why did you ask? Gusto mo bang ibigay ko to sayo Ofelia? Tell me, tatawagan ko agad iyong mga abogado ko. Just say it. I'll bestow it rightaway. Lahat ng hihilingin mo, ibibigay ko iyon." 
"Hindi ko po pinangarap ang magkaroon ng ganitong kagandang lugar Señorito. Mas pipiliin ko pa rin pong tumira sa isang maliit na kubo. Kuntento na po ako sa ganoong buhay. Kaming dalawa ni Magna. Doon po kami nababagay. Hindi dito." 
Wala man lang ba siyang pangarap yumaman sa buhay? Why she's always been picking having an ordinary life? Ano bang makukuha niya don? She experience hell everyday because of it. Yet she's still into it. Can she choose luxury just for once? Mahirap ba sa kaniyang hilingin ang ganoong klaseng kahilingan? 
"Wala ka bang pangarap umangat sa buhay Ofelia?" I asked glum. I wanted to know her reasons. Ano kayang ang mga iyon? I was curious. Siya lang iyong babaeng kilala ko na hindi nagnais mamuhay sa karangyaan. She's so different. Most of the girls I know, dream to be affluent. They want to be successful. They want to find and married a wealthy man. But her, I just couldn't help to think of her logic. What's really it is? 
"Wala naman po sigurong tao ang hindi maghahangad ng marangyang buhay Señorito. Hindi lang po talaga para sakin ang ganoong pangarap. Tanggap ko na po iyong kapalaran ko." 
Kapalaran? I hate this word. Napakawalang kuwenta. Ito lang ba talaga ang dahilan niya? I won't accept it. No. I just can't accept her claims. It's not right. Humans are the engraver of his own fortune. We were the creator of our own fate and destination. Yumaman at naging bilyonaryo ako dahil sa sarili kong sikap at pagtatrabaho. Naging matagumpay akong tao dahil sa ambisyon ko. We shouldn't be dependent on the things written in our palms. Puwede pa nating baguhin iyon. May kaniya-kaniya rin tayong pangarap. This can be our destiny. Hindi kung ano lang ang nasa kaniya-kaniya nating kamay. You are limiting yourself to greatful things if you only had this credence. We should explore. Ito iyong mga bagay na pinaniniwalaan ko. 
"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo Ofelia." Tumigil ako sa paglalakad. Tumayo ako sa tapat niya. I look on her eyes with pudge of emotions. "You have your genuine fineness. Use it to change your fortune. Dream to be prosperous Ofelia." Nandito ako. 
"Iyong sinabi niyo po sakin ngayon Señorito, naalala ko po iyong sinabi sakin ng manghuhula noong bata pa lang ako. Ang sabi niya po sakin non sa palengke, makakapag-asawa raw po ako ng isang napakayamang tao dahil sa mukha ko." 
It's happening now Ofelia. Malapit ng magkatotoo iyong sinabi sayo ng manghuhula non. I was that wealthy man she's referring. I would love to be your man, your stupid lover and the father of your future children. Just accept me. Just accept my world. 
We continued our walk. Hawak-hawak ko pa rin iyong kamay niya. Nakarating kami sa pinakadulong bahagi ng isla. There's a nipa hut here. Maliit lang ito. Tumambay kami rito. The atmospere here is more languid. It's so cold. I was greatful that I wore thick garments. Hindi kasi ako masyadong nakakaramdam ng lamig. I was more concern on Ofelia. Baka magkasakit siya dahil dito. 
"Let's hid back. Malalim na ang gabi." 
"Puwede po bang dumito muna tayo sandali Señorito? Gusto ko pa pong pakinggan iyong dagat." 
Nananatili kami ng ilang minuto. Ang tahimik lang naming dalawa. No one dares tried to speak. Nakikiramdam lang ako sa kaniya. Napalingon ako noong may maramdaman akong sumandal sa balikat ko. She fell asleep again. Nadala marahil siya sa ritmo ng dagat. I stared at her. I pointed my index finger on her eyes down to her cheeks. It's rosy white. I close my eyes slowly. Masuyo na hinalikan ko siya sa noo. Stay forever in me my maid. Tanggapin mo na ako.  
"I will always be a damn fanatic or charm and innocence. Always Ofelia."  
Itutuloy......

หนังสือแสดงความคิดเห็น (74)

  • avatar
    Nyleve Alludad Alludad

    nice story I enjoyed reading it 😃

    24/04

      0
  • avatar
    RegatchoRocelyn

    wow amazing

    20/02

      0
  • avatar
    SamsonMussah

    I like your story I really love it ...

    16/02

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด