logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Second Tears

“Lolo Acio, sorry po kung ngayon lang ako dumalaw.”
Lolo Acio ang tawag ko kay Don Ignacio Montero ang Lolo ni Primo. Nagkaroon ito ng brain tumor dahil may katandaan na ang Don hindi kinaya ng katawan nito ang operasyon. Likas na may malaking puso ang mga Montero lalo na si Lolo Acio, nagbahagi pa nga ito ng pabahay para sa mahihirap. Kaya nakakapagtaka kung kanino namana ni Primo ang masamang pag-uugali. Nung nabubuhay pa si Lolo parang ako ang tunay na apo kaysa kay Primo. Kaming dalawa ang magkasundo sa lahat ng bagay kaya panay ang selos ni Primo. Pagdating sa pagkain hilig naming dalawa ang Italian food samantalang Filipino food naman kay Primo. Sa genre ng pelikula mas gusto namin ang comedy kaysa action na hilig panoorin ni Primo. Mahilig din kaming magbasa ng libro hindi tulad ni Primo na puro Playboy magazine ang binabasa. Isa lang ang alam kong magkasundo ang mag-lolo sa horseback riding. Isa sa kinatatakutan ko at kahit anong pilit sa akin noon ni Lolo hindi niya ako mapapayag, dahil takot akong mahulog sa kabayo. Nung minsang pinuwersa ako ni Primo todo ang iyak ko dahil sa takot. Nalaman ni Lolo ang ginawa nito pinagalitan siya ng husto at pinarusahan. Pinutol ang credit card nito at hindi pinagamit ang kaniyang kotse, kaya napilitang sumakay ito sa pampublikong sasakyan. Magmula noon tinuring ko ng pangalawang magulang si Lolo Acio at aking tagapagligtas.
“Lolo, kung alam ko lang na ipapakasal niyo ako kay Primo sana hindi ko na sinabi sa inyo ang lihim ko.”
Kay Lolo Acio ko sinasabi ang lahat ng sekreto ko. Sa kaniya ko sinabi ang nararamdaman ko para sa apo niya. Nung una akong na-broken hearted siya ang naging sandalan ko. Pagkatpos niyang magbigay ng payo gumagaan na ang pakiramdam ko.
“Sabi mo sa akin noon Lolo hindi karapat-dapat ang pagmamahal ko kay Primo dahil sasaktan lang niya ako, pero pinagkasundo niyo pa rin siya sa akin. Bakit po? Alam mo Lolo tama ka, maraming beses na niyang sinaktan ang damdamin ko at pinaluha, pero heto pa rin ako patuloy na nagmamahal sa apo mong walang kwenta.”
Tumawa akong mag-isa habang inaalis ang mga dahon sa ibabaw ng lapida. Nang malinis na ito nilapag ko ang bulaklak at sinindihan ang kandila.
“Masaya ka ba Lolo dahil magpapakasal na kami ng apo mo?”
“Kahit anong gawin mo hindi iyan sasagot, idiot!”
“Achoo!” Tinakpan ko agad ang aking bibig. Kahit hindi ako lumingon alam kong si Primo ang nasa likuran ko. Maamoy ko lang ang pabango nito bumabahing na ako.
“Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala. Puwede sa susunod magpaalam ka naman, huwag ka masyadong paimportante. Halika ka na hinihintay na nila tayo.” Iniwan na lang niya ako basta. Umalis ito na hindi man lang nagbigay galang sa kaniyang Lolo at nagdasal.
“Bye Lolo babalik po ako.”
Ngayon tinakda ang kasal namin, wala nang paghahanda na nangyari. Isang civil wedding kung saan sa mansion ng Montero gaganapin. Sa malawak na hardin naman ang reception. Hindi nga halos pinaghandaan ni Primo kaya galit sa kaniya ang magulang nito. Pinaliwanag ko naman sa magulang ko na simpleng kasal ang nais ko, pero kung ako ang tatanungin gusto ko ang fairy tale wedding na pinapangarap ko na hanggang pangarap lang yata.
Wala kaming imikan ni Primo sa loob ng sasakyan. Alam kong galit ito dahil hindi ako nakapagpaalam. Inayos ko ang suot kong simpleng white dress saka binaling ang tingin sa bintana.
“Damn it! Umalis ka pa kasi, hayan tuloy naabutan tayo ng traffic!” bulyaw ni Primo sa akin, hinampas pa niya ng malakas ang manubela.
Alam ko naman na mangyayari ito. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, palagi niya akong pinag-iinitan ng ulo. Kahit simpleng pagkakamali ko lang big deal na iyon para sa kaniya.
“S-sorry. Primo,” pumipiyok kong sabi.
“Damn it!” pagmumura niya at panay ang pagbusina.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi para pigilan ang nagbabadyang pagluha. Mas lalo siyang magagalit kapag nakita niyang may luha sa aking pisngi. Ang pinakaayaw pa naman niya sa lahat ang makakita o makarinig nang umiiyak, pero hindi niya alam kung ilang drum na ang niluha ko ng dahil sa kaniya.
Pagdating namin sa mansion agad itong bumaba at basta na lang nang-iwan. Napabuntong-hininga ako at pinilit na ngumiti. Tiningnan ko muna ang aking mukha saka bumaba.
“Kahit hindi ito ang dream wedding mo smile lang Beshie,” sabi ni Cindy ang bestfriend ko nung kolehiyo. Inabot nito sa akin ang bride bouquet.
Napangiti ako dahil kompleto lahat ng taong mahalaga sa buhay ko. Kahit hindi ito ang pinapangarap kong kasal ay sapat na dahil inimbitahan sila ni Primo. Simpleng kasal kaya wala masyadong naganap sa seremonya. Nagpalitan ng I do at wedding ring, wala nang sabihan ng vow sa isa't isa, kiss the bride na sa pisngi humalik then tapos na.
“Alam namin na hindi ka mahal ni Primo, bakit pumayag ka pa sa kasal na ito, Bea?” tanong ni Cindy. Tiningnan niya si Primo at saka inirapan. Mabuti na lang hindi siya nakatingin sa puwesto namin.
“Tinatanong pa ba iyon Cindy, siyempre mahal niya kahit nagmumukha na siyang kawawa,” nakataas ang kilay na sabi ni Jenny. Isa rin siya sa bestfriend ko nung college days.
“Girlfriend niya si Hana pero ikaw ang pinakasalan. Bakit? Dahil sa mana, mukhang pera ang gago!” galit na wika naman ni Donna.
Hindi ako sigurado kong girlfriend ni Primo si Hana wala naman siyang nababanggit sa akin. Si Hana ang nababalitang nali-link kay Primo nung college days namin, after graduation nawalan na ako ng balita sa dalawa.
Hindi ko sila masisisi kung ganiyan ang attitude nilang tatlo. Maliban kay Lolo Acio sa kanila ko rin sinasabi ang lahat kaya alam nila ang storya ng buhay ko.
“Pero ang alam ko may relasyon si Hana at Daylan. So, ibig sabihin niloloko nila si Primo,” bulong na turan ni Cindy.
Si Daylan ay bestfriend ni Primo pero ang balita ko na nasa ibang bansa ito. Alam ko rin na may gusto si Dylan kay Hana nagpapatulong pa nga siya sa akin noon pero hindi ko alam kung sila ang nagkatuluyan.
“Tama na girls baka marinig nila tayo,” mahinang turan ko sa tatlo.
“Sa pagkakaalam ko masaya ang wedding, pero bakit parang búrol?” umikot ang matang tanong ni Donna.
Hindi ko na lang sinagot ang tanong ni Donna. May punto naman siya, after ng seremonya kainan na agad then wala man lang program tulad ng cutting of the bake, wedding toast at iba pa. May bouquet nga ako wala naman nangyari na bouquet toss. Dapat nga kami ang magkasama ni Primo pero mas pinili niya na makasama ang bisita kaysa sa akin.
“Alis na kami beshie tawag ka lang kapag may problema,” paalam sa akin ng aking mga kaibigan.
“Aalis na rin kami anak,” wika nina Daddy at Mommy.
Kumaway ako sa kanila hanggang makasakay ang mga ito sa kanilang sasakyan. Dahan-dahan kong naibaba ang aking kamay nang makita ko si Primo na paparating.
“Dad, Mom,” tawag nito sa kaniyang magulang. “Uuwi na po kami sa aming bahay,” sabi niya nang makalapit na ang mga ito. Nagtaka naman ako akala ko rito kami titira sa kanilang mansion.
-----
DIM subdivision ang basa ko sa pinasukan ng sasakyan ni Primo. Kung hindi ako nagkakamali isa ito sa pinatayo ni Lolo Acio kaya sa kaniya pinangalan ang nasabing subdivision. Halatang mayayaman ang nakatira dahil palakihan at pagandahan ang mga bahay.
“Primo, dapat do'n na lang tayo sa bahay niyo o sa amin tumira,” pangungumbinsi ko.
Malaki ang bahay nila kahit ilang pamilya pa ang tumira, mas okay kung doon kami para malapit sa magulang ko.
“Utos ng magulang ko na rito tayo tumira, mas mabuti para hindi na ako bumili o magpagawa ng bahay. Kung ikaw lang naman hindi ako mag-aaksaya ng pera at pagod,” sagot nito na nakatingin sa daan.
Hindi na lang ako nagsalita pa. Insulto para sa akin ang sinabi niya. Binaling ko na lang sa bintana ang tingin at palihim na pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi ko. Pagdating namin sa bagong bahay hindi ko man lang na-appreciate ang ganda nito. Pinasok ni Primo ang maleta namin sa loob. Sobrang tahimik ang buong paligid, nilibot ng aking mata kung may ibang tao.
“Kung iniisip mo na may makakasama tayo rito, wala. Tayong dalawa lang ang nandito kaya lahat nang gawaing bahay ikaw ang gagawa,” madiin ang pagkasabi niya.
“Pero may trabaho ako sa school,” katuwiran ko naman sa kaniya.
Isa akong teacher, kung lahat ako ang gagawa kasama na ang pagsilbihan siya kukulangin ako sa oras.
“Kapag natapos mo na lahat saka ka pumasok sa trabaho,” walang gana na sabi nito. Binitbit niya ang kaniyang maleta at nauna nang umakyat. “Sa kabilang kwarto ka matutulog, huwag mo na akong hintayin dahil aalis ako.” Tinalikuran niya ako na parang wala siyang kasama kanina.
-----
Nagising ako nang marinig ko ang ugong ng sasakyan ni Primo. Tiningnan ko ang oras alas dos na ng madaling araw. Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang paglabas nito sa kaniyang sasakyan. Pagkatapos bumaling siya sa passenger seat at may pinagbuksan. Isang babae ang lumabas buhat doon. Sumikip ang dibdib ko nang makita silang magkayakap at nagtatawanan.
Binuksan ko ng konti ang pinto ng aking kwarto. Nakita kong sinandal ni Primo ang babae sa pader. Panay hawak naman ng babae sa katawan nito. Unti-unting kinakalas ng babae ang suot nitong long sleeve. Ito pa iyong sinuot niya kanina sa kasal namin. Hinawakan ni Primo ang babae sa baywang nito saka sila naghalikan. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Pumasok sila sa kwarto kaya dahan-dahan akong lumabas. Dahil nakabukas ng konti ang pinto nakikita ko ang nangyayari sa kanilang dalawa.
Kitang-kita ko kung paano paligayahin ni Primo ang babae. Hubo't hubad ang dalawa habang pinagsasaluhan ang init ng kanilang katawan. Pumaibabaw ang babae sa kaniya, napapikit si Primo dahil sa galing ng kanaig nito. Nakaramdam ako ng pagka-inggit dahil dapat ako ang nagpapaligaya sa kaniya. Nakita ko sa mukha ni Primo kung paano siya napasaya ng babae.
Honeymoon dapat namin ngayon at ako dapat ang katalik niya, pero ibang babae ang kasama niya sa kama. Ako itong asawa pero nagmukha akong kabit para sa kaniya. Ako lang dapat ang may karapatan sa katawan niya pero pinaubaya niya sa iba. Ako itong asawa niya pero hindi niya akong magawang halikan at hawakan man lang. Hindi ko na kaya pang tingnan ang kanilang pagtatalik kaya umalis na ako.
Napakapit ako sa hawakan ng hagdan habang nakatakip ang bibig. Ayaw kong marinig nila ang aking pag-iyak. Napahinto ako sa pag-iyak nang bumukas ang pinto.
“Ano ang iniiyakan mo riyan? Wala kang karapatan na mag-inarte, asawa lang kita sa papel itatak mo iyan sa kokote mo!”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (263)

  • avatar
    Emie Cabanban

    super like the story.

    19d

      0
  • avatar
    Thor Odin

    Nice story

    22d

      0
  • avatar
    Zyrene Mendoza

    good

    26d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด