logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

BOLCT-6

BOLCT-6
CALVIN ENZO
"TOL! Alis na ako," paalam sa akin ni Andy.
"Don't forget the flowers everyday," pahabol ko pa. Andy saluted at me.
"Syempre naman," nakangisi niya pang sagot at tuluyan nang lumabas ng condo ko. Tumunog naman bigla iyong phone ko. And as I've seen, it was Marinel.
"Veronica! Pambihira naman oh! Umuwi ka na nga! Na-in love ka lang, ayaw mo nang umuwi! Iyong upa sa bahay! Bakit dinala mo kasi 'yong pera! Pambihira naman oh! Napalayas ako ng wala sa oras! Umuwi ka na!" text niya.
I frowned and immediately grab my car keys at lumabas ng condo ko. Ni hindi ko na naisipang magpalit ng damit. I just don't know why I am doing this, the fact that we don't really have this 'connections' pero she needs my help.
MARINEL
PARA akong tangang napapatitig sa phone ko. Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Nagkalat din sa paanan ko ang nabitawan kong mga gamit. Pati nga kaluluwa ko lumabas din. Nanlulumo akong napaupo at napatakip ng mukha at napapadyak sa sobrang katangahang nagawa ko. Iyong text na dapat sana kay Veronica ay na i-send ko kay Enzo. Villaraza kasi ang inilagay na name niya sa contacts ko. Lagot na! Nag-text ako agad ulit para humingi ng paumanhin pero hindi ko pa naman naipapadala 'yong text ko ay lumitaw na lang ang isang pulang BMW sports car sa harap ko.
Pagbaba sa kotse, naka-shade siyang kulay brown at nakasuot ng kulay pulang sando bilang pang-itaas. Bakat na bakat ang kamachohan ng loko! Pinarisan din niya ng cargo pants na talagang bumagay naman sa kanya. Pigtasan na ng lace ng panty ito! Papalapit siya nang papalapit sa kinauupuan ko at pamatay pang ngumiti sa akin. Sa akin lang! Hindi ko alam kung maiihi ako sa kaba o matatae. Excuse me po! Nakapamaywang siyang humarap sa akin.
"Hey?" ngiting-ngiti niyang untag sa akin.
Nabitawan ko pa telepono kong 51'10. Putik! Alam ko, sinauna pa phone ko pero at least makakatawag at makakapag-text pa naman ako kaya ayos lang. Agad kong pinulot ito at napatayo ng tuwid. Hiyang-hiya akong napayuko.
"Sorry talaga! 'Di ko sinasadya. Dapat kay Veronica 'yon e!" parang maiiyak ko nang paliwanag.
Sumingit namang bigla 'tong si Aling Lukring. Tsk!
"Aba'y ikaw ba ang boyfriend ni Nel? Nandito ka ba para bayaran ang upa nila? Aba'y malaki din 'yon! Ten thousand and five hundred pesos!" sabi pa ni Aling Lukring sabay lahad ng dalawang kamay.
Si Enzo naman nakangiti lang. Ang lapad pa! Napatampal ako sa noo ko! Pambihira!
"Aling Lukring, 'di ko po siya boyfriend. Promise po, pagkadating ni Veronica, magbabayad ho kami," pakiusap ko pa at ibinaba 'yong kamay niya.
Ikinumpas naman niya 'yong pamaypay niyang gawa sa balahibo ng manok. Nakain ko pa 'yung nalipad na feather! Buwesit! Bigla namang nag-abot ng pera sa Enzo at sa tantsa ko, marami 'yong ibinayad niya. Si Aling Lukring naman, halos lumuwa ang mga mata sa nakitang kay bagong-bago na pera na mukhang galing pa sa bank o kung saang lupalup na ATM. Inagaw ko 'yong pera kay Enzo.
"Just give it to her, Nel," sabi pa ni Enzo sa akin.
"Hindi puwede!" angal ko.
Hinapit naman niya ako sa baywang bigla na siya ring ikinagulat ko. Walang ano pa't naagaw niya sa akin 'yong pera. Ibinigay niya ito kay Aling Lukring. Mangislap-ngislap namang binilang niya ito.
"Aba'y galante ang nobyo mo Nel! Hmp! Para sa limang buwan mahigit din ito. Oh siya, aalis na ako."
At biglang kinuha ng manananggal si Aling Lukring. Inabot niya pa kay Enzo mismo ang susi. Kainis! Padabog akong napaupo sa hagdan ng apartment namin. Napatakip ako ng mukha at napapadyak. Naiinis ako, na naiiyak! Nilingon ko naman si Enzo. Feel free pa ang kumag na 'to na buksan ang apartment ko at iniisa-isang ipanasok ang mga gamit namin ni Veronica.
"Come on Nel. Stop pissing your self and move," nakangisi niya pang utos sa akin.
Pasalamat 'to at guwapo! Hmp! Padabog akong tumayo at tumulong sa pag-aayos ulit ng gamit namin.
ILANG oras lang nang pag-aayos ay pareho kaming hapong-hapo ni Enzo na nakasalampak nang upo sa sofa.
"Buti na lang pala at nakasando ako, ang init," reklamo pa niya at panay ang pagtaas-baba sa laylayan ng damit niya.
Diyos ko pinagpala! Ang pandesal! Walang ano pa'y panay na ang paglunok ko.
"Nel?" pukaw niya sa akin.
"Ah oh?"
Tama ba sagot ko? Tumawa naman siya nang pagkalakas. Hagalpak talaga! As in! Napahampas ako sa balikat niya.
"Ano'ng nakakatawa ha?" nayayamot ko pang tanong.
Laking gulat ko nang hawiin niya ang buhok ko at isinukbit sa likod nang tainga ko.
"Because you are cute," nakangisi niya pang sagot.
Napaatras naman ako at napagapang.
"Ha-ha-ha! Ano... Mainit nga!" natataranta kong wika.
Pakiramdam ko, para akong nasa drum contest. Panay ang paglakas nang tibok ng puso ko, na kahit sa tanang buhay ko ay ngayon ko pa lang naramdaman ang ganitong pakiramdam.
"Nel, can I have some water please?"
"S-sure."
Bakit ba ako nauutal? Kumuha na ako ng tubig at ibinigay sa kanya.
"Salamat nga pala sa ginawa mo kanina kahit ayoko talaga. Promise! Babayaran ko 'yan," sabi ko pa.
E sa nakakahiya naman talaga 'yong nangyari kanina. Inilapag naman niya 'yong baso sa lamesita no'ng wala na itong laman.
"No. It's just a money Nel. Ang importante may matutuluyan kayo ng kaibigan mo." Napataas naman ako ng kilay.
"Hindi ako papayag na free lang 'yon. Every drop of it is important Enzo. Pinaghirapan din 'yan at ayoko ng ganyan," matapat ko pang dipensa.
"But at least pansamantala kayong hindi mamumroblema sa upa. Come on Nel, I am not really helping you just for a change." Napahilot na lang ako sa sintido ko.
"Ah! Basta, babayaran kita, okay? Hindi man pera dahil ayaw mong tanggapin. In other way na lang. Okay?" sabi ko pa.
"Okay," tipid niyang sagot.
"Wanna come with me mamaya?" yaya niya sa akin bigla.
Huh? Ano 'to? Date? Asa naman!
"Saan?" tanong ko pa.
"To be a cheerer. May laro si Andy ng basketball mamaya." Bahagya pa siyang napasulyap sa sports watch niya na sa tantsa ko ay mamahalin din kahit na ang simple lang ng design.
"Around six," dagdag niya sa naunang paliwanag.
"May trabaho ako mamaya at ayoko mag-absent," sagot ko.
"Hindi na ba puwede…"
Ikinumpas ko ang kamay ko dahilan para mapatigil siya. Nagkibit-balikat naman siya.
"Every drop of it is a treasure," sabi niya pa.
"Nadali mo," segunda ko.
"I have to go Nel," paalam niya pa.
Nakasunod lang ako sa kanya habang papalabas kami ng apartment.
"Bye Nel," nakangiti niya pang paalam sa akin nang matapat na ito sa kotse niya.
Tumango lang ako at matipid na ngumiti. Nakamasid lang ako sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Napasandal ako sa pinto matapos ko itong isinirado. Gusto ko mang sumama pero alam kong hindi tama at hindi dapat. Alam kong masiyadong mabilis ang mga pangyayari at pati ako ay naguguluhan sa takbo nito. Wala namang masama kung maging magkaibigan kaming dalawa. Bukod kasi sa kung anong mayroon siya ay sadyang likas na siguro sa kanya ang pala kaibigan kahit sa maikling panahon lang. Pero may kung ano rito sa loob ko ang hindi mapanatag sa nabubuo naming pagkakaibigan ni Enzo. Para bang may kung anong bagay ang pumipigil sa akin.
"Ugh Nel! Kalma! Ang dami mong iniisip," naibulong ko sa sarili ko.
Umayos na ako nang tayo at tumungo na sa kuwarto ko para makapag-ayos. May pasok pa kasi ako ngayon sa trabaho.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (38)

  • avatar
    SanchezRosielyn

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    13d

      0
  • avatar
    Yzagbi

    ganda ng story po

    03/05

      0
  • avatar
    Anid Aicard

    very nice story

    28/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด