MAYA's POV Kinabukasan nagising ako ng maaga, sa totoo lang di ako nakatulog ng maayos kaiisip sa kung ano man ang totoong sikreto ng CIDIUM binasa ko ang handbook na binigay sa amin, hindi ako makapaniwala sa mga nakasulat doon, hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng iyon, dahil kilala ang Cidium bilang isang magandang paaralan na humuhubog sa mga estudyante.... pero iba ang sinasabi sa handbook, ayon sa nakalagay dito, ang CIDIUM ACADEMY ay itinayo para sa mga katulad naming mga estudyante, mga indibidwal na may kakayahang protektahan, hindi lamang ang aming sarili ngunit ang iba pang tao sa mundo.... ang bawat estudyante na nakakapasok sa espesyal na seksyon ng CIDIUM ay tinatawag na espesyal din na mga estudyante, dahil nagtataglay sila ng pambihirang lakas, talino at iba pang kakayahan na higit pa sa isang normal na tao ang CIDIUM din ay itinayo ng isang tao na nagtataglay din ng kakayahang mayroon kami, ang mga ito ay hindi raw namamana sa aming pamilya, sadyang maswerte daw ang mga indibidwal na nabiyayaan nito... biyaya nga ba talaga ito, nakakalito, masakit sa ulo dahil hindi ito ang inaasahan ko sa pagpasok ko rito isa lamang akong normal na bata sa pagkakaalam ko bago ako pumasok dito, kaya't hindi ko na malaman ngayon kung ano ba talaga ako, KAMI, o kung totoo nga ba ang lahat ng ito... marami pang nakasulat sa handbook pero sa sobrang lito at lutang ko hindi ko na maintindihan ang iba kahit nababasa ko ito... isa lang ang solusyon para makumpirma at malaman ko ang totoo sa lahat ng ito, yun ay ang pumasok muli at alamin ang katotohanan sa loob ng classroom na iyon... agad akong kumilos at ginising si Yra, tulad ko ay tahimik at malalim syang nagiisip, noong una ay tulala syang bumangon, ngunit mukang desidido na rin syang alamin ang katotohanan sa lahat ng ito... nung handa na kami ay nagkatinginan pa kaming muli ni Yra at tumango sa isat isa, agad kaming lumabas ng dorm at pumasok na sa aming klase, bago pumasok sa classroom ay napahinto ako malapit sa pinto... ito na iyon, sa loob ng kwarto na yan malalaman ko ang lahat... habang kinukumbinsi ko ang sarili ko ay may naramdaman akong humawak sa kamay ko kaya't agad ko syang nilingon.... si Yra, ngumiti sya sa kin at inaya na nya kong pumasok... "sabay nating aalamin ang lahat AL" nakangiti nyang sabi sakin, na ginantihan ko din ng ngiti, tama, lahat kami ay gustong malaman ang totoo, kasama ko silang lahat... pagpasok namin ni yra ay nakita ko ang iba pa naming kasama kahapon, tama nga ko, katulad namin ni yra ay gusto nilang malaman ang totoo sa likod ng lahat ng ito... umupo ako sa upuan ko at naghintay ng pagdating ni Ms. Pam ilang sandali pa ay dumating na sya, may panandaliang gulat ang lumatay sa muka nya, siguro ay di nya inakalang lahat kaming nakita nya kahapon ay kumpleto pa rin sa harapan nya ngayon, ang pagkagulat na iyon ay nawala rin naman agad at napalitan ng ngisi... sa totoo lang ang hilig nya ngumisi ah? buti na lang bagay sa kanya... maganda si Ms. Pam, sexy, matangkad at may magandang brown na mahabang buhok "mukang matatapang ang mga nasa ATHERIAN ngayong taon ah?" sabi nya habang may mga ngiting nakaharap sa aming lahat, hindi lang tapang ang kinailangan namin dito, lakas ng loob at curiosity ang nagdala at nagtulak samin para bumalik dito, it's now or never, ngayon na ang pagkakataon namin para malaman ang totoo sa loob ng cidium kaya di na namin pwedeng palagpasin pa ito. "binasa nyo naman na siguro ang handbook at alam na ninyo kung ano nga ba ang dahilan kung bakit itinayo at nabuo ang Cidium Academy" paguumpisa nya, ito na, kailangan kong makinig ng mabuti sa bawat detalyeng sasabihin nya.. "once again magpapakilala ako, I'm Pam Guerrero a Former Atherian student of CIDIUM ACADEMY" Nakangiti nyang pagpapakilalang muli lahat sa amin, hindi ko inaasahan ang bagay na yun, kung ganun ay talagang marami na syang alam sa Cidium lalo na sa Section na kinaroroonan namin, dahil once na syang naging part nito... " Ang cidium ay humuhubog sa mga kagaya natin upang hindi gamitin ng gobyerno o ng kahit sinong kalaban sa kahit na anong masamang gawain o bagay" dagdag pa nya, tahimik lang kaming nakikinig sa kanya... " ang bawat indibidwal na nasa loob ng bawat section ay nakabase sa mga kakayahan at nakitang lakas sa inyo ni Ms. Leila, si Ms. Leila ay anak ng nagtayo nitong Cidium Academy, at naging kaklase ko sa ATHERIAN noon" nakangiti nya pang muling sabi habang palakad lakad sa harap... "ang tao ay binabalot ng energy sa buong katawan, ngunit tayo lamang ang mga may kakayahang kontrolin at gamitin ito ng mas mahusay pa sa normal na tao" habang sinasabi nya iyan ay para kong nakikinig o nanonood ng mga anime dahil doon lang ako nakakakita ng ganoon "ang ginawa ni Ms. Leila sa inyo ay isang halimbawa nito, ang pagpasok sa isip ninyo, ang pagbabasa ng isip, at maging ang pakikipagusap gamit ang isip lamang natin, iyon ang isa sa mga kakayahan ng ATHERIAN student, tanging ang mga nasa ATHERIAN lamang ang may kakayahang gawin iyon... at kung mayroon mang kayang gumawa noon sa iba pang section ay kinakailangan silang ilipat dito upang maguide pa sila sa tamang paggamit nito... " kung totoo man ang sinasabi nya ay nakakaexcite gawin ito ngunit hindi ko pa rin mapigilang magduda, pero sa nangyari at naranasan ko noong exam ay patunay iyon na totoo ang sinasabi ni Ms. Pam " para magawa ang kakayahang ito ay ginagamitan ito ng energy na mayroon tayo sa ating katawan, ang energy na mayroon tayo ay mas malakas at mas marami kumpara sa isang normal lamang na tao, kaya kayo naandito sa section na ito ay upang maituro namin kung paano ito gagawin, dahil hindi biro ang paggamit nito, sa oras na gamitin nyo ang lakas nyo sa maling paraan ay masasayang lamang ito at bibigay ang katawan nyo, malakas ang impact ng paggamit ng lakas sa katawan ninyo, matinding concentration at pasensya ang kailangan para magawa ito" iniisip ko pa lang ang lahat ng sinabi ni Ms. Pam parang nakakapagod at masakit sa katawan maging sa utak ang bagay na yun "kaya kami naandito ay para gabayan kayo sa bagay na iyon, marami kayong dapat matutunan, hindi lang puro physical ang ituturo sa inyo dito, mostly mental kayo, kaya naman may mga activity din kayong gagawin, may mga ipapasagot sa inyo, iyon ay para maenhance ang utak at isip ninyo at hindi mahirapan sa pagaadjust sa paggamit ng energy sa katawan ninyo, dahil sa oras na gawin ninyo iyon na hindi handa ang isip ninyo sa energy na magagamit nya, ay imbes na magawa iyon ay iba ang magiging epekto sasakit ang ulo ninyo dahil di nya kayang maabsorb ang energy na nakukuha at natatanggap nya, kaya bago kayo turuan ng bagay na iyon ay kailangan nating maexercise pa ang mga utak ninyo okay? " mahabang pagpapaliwanag nya... napakahaba na halos lahat ng sinabi nya ay di ko maabsorb lahat, parang ngayon pa lang naeexercise na ang utak ko sa kaiisip ng maraming bagay at sa maraming tanong na natakbo sa utak ko ngayon.... "sa ngayon tungkol naman sa bawat section, ang Section na mayroon sa CIDIUM na bukod sa sinabi ko kahapon ay mayroon pang dapat kayong malaman, ang Section nyo ngayon, ang ATHERIAN ay katulad ng sinabi ko kahapon, KAYO ang utak ng limang section na mayroon tayo sa Cidium, at ang HIRAYA ang puso nito" panibagong topic nya "karamihan sa mga misyon na mayroon ang Cidium ay ATHERIAN ang may hawak dahil kayo ang nakaatas na alamin ang pangyayari na nagaganap sa paligid natin, hindi lang tayo ang nakakaalam sa tunay na katauhan natin, mayroon pang iba, kung kaya't kinakailangan nating protektahan ang isat isa, sa atin nakadepende ang gagawin pang kilos ng iba pang mga section, lahat ng malalaman natin at madidiskubre ay ipaparating sa iba pang section para aksyunan ang iba pang bagay na trabaho nila" pagpapaliwanag ni Ms. Pam " "ang MAHALIA ay isa sa mga sasabak sa mga bagay na kailangan ng aksyong gawin sa labas ng Cidium, ang mga self defense at mga atake na ituturo sa kanila ang gagamitin nila, lahat ng section ay sasabak sa labas ngunit, ito ay pinapangunahan ng MAHALIA, madalas ay sila ang unang sasabak para alamin ang dapat gawin, kung kakailanganin ng back up o suporta ng mga section ay doon tayo sasama" tuloy tuloy nyang sabi, nakikinig lang kaming lahat na ani mo'y mga batang nakikinig sa isang fantasy story ng kanilang guro... "ang HAMARI naman ay ang mga batang maalam sa kapaligiran hindi ba?, sila ay pinoprotektahan ng lahat ng section pati na ang HIRAYA, ngunit kaya rin nilang lumaban, gamit ang Nature o ang lakas ng kalikasan ay humihiram sila ng dagdag lakas dito, kaya nilang gumamit ng iba pang elemento ng panandaliang oras sa kalikasan, ngunit ito ay delikado kaya't hindi sa lahat ng pagkakataon ay nirerequire silang gamitin ito unless ay emergency" lahat ng antok at puyat na nararamdaman ko kanina ay nawawala dahil sa interes at curiosity na nararamdaman ko ngayon "ang VENYARD naman ay ang nakaatas sa mga laboratory things, pageexperimento at pagtuklas ng iba pang bagay na makatutulong sa atin upang mas matuklasan pa ang mga bagay na kaya nating gawin gamit ang lakas na mayroon tayo" iniiwasan kong matulog at pinipigilan ito dahil gusto kong malaman ang lahat tungkol sa CIDIUM at bawat section "ang sa ATHERIAN ay nasabi ko na kanina tayo ang incharge sa mga bagay na kailangan lutasin, gamit ang mga matututunan natin sa loob ng silid na ito, lahat ng uri ng paglutas ay gagawin natin, magiging detective kayo sa section na ito hahahaha, kinakailangan nyong ilagay ang sitwasyon ninyo sa mga problema at kung minsan ay kailangan ninyong maging utak kriminal para malaman kung paano magisip ang kalaban, kaya kayo ang tinawag na UTAK ng limang section maging ng buong CIDIUM ACADEMY"dagdag nya habang nakaupo na sa desk nya, mukang napagod na sya kalalakad sa harap namin... "at ang pang huli ay ang PUSO ng academy at ng limang section, ang HIRAYA, dahil lahat ng mga sakit o sugat na matatamo ng bawat isa ay ang HIRAYA ang incharge sa paggagamot, sa misyon ay hindi maiiwasan ang may uuwing may sugat at pinsalang natatamo, kung kaya't meron tayong mga kasama na may kakayahan sa pang gagamot, sa oras na mawala sila ay tapos na rin tayo, kung kaya ay kinakailangan silang ingatan" pagpapaintindi sa amin ni Ms. Pam, natatakot ako, ayokong umuwi sa pamilya kong may mga natamong sugat o kung ano pa man "hindi ninyo kinakailangan makipagkompitensya sa ibang section dahil iba iba kayo ng kakayahan at kinakailangang gawin sa Academy, ang mga kakayahan na matututunan o ituturo sa inyo ay hindi nyo pwedeng gamitin sa isat isa not unless di kayo makakasakit ng ibang kasama ninyo, sa oras na mahuli kayong ginagamit ito sa kapwa special section nyo upang makapanakit ay mapaparusahan kayo" paalala ni Ms. Pam sa amin "pirmahan ninyo itong papel na ito, lahat ng pipirma sa papel na ito ay patunay na patuloy kayong papasok sa klaseng ito at ipagpapatuloy ang nasimulan ninyo, at ang hindi tutuloy ay sumama sa akin sa office ni Ms. Leila" sabi ni Ms. Pam at iniabot sa isang kaklase ko ang papel, ipinaikot ito hanggang umabot sa akin lahat ng nauna sa akin ay nakapirma na kasama na roon si Yra.... pipirma ba ako? di naman siguro ako mamamatay dito hindi ba? gusto ko pang makauwi sa pamilya ko, gusto ko pa silang makasama ng matagal, gusto ko pang matupad mga pangarap ko....habang nagiisip ako ay nagsalita uli si Ms. Pam "Don't worry di namin hahayaan na may mapahamak sa inyo" nakangiti nyang sabi habang nakatingin sa akin, mukang nabasa nya ang isip ko, alam ko iyon dahil sabi nga nya ay isa syang estudyante ng ATHERIAN dati kung kaya't alam kong nabasa nya ang nasa isip ko... huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mata... sa pagmulat ko ay nakapagdesisyon na ko... napagdesisyunan ko na mananatili ako, agad kong pinirmahan ang papel at iniabot ito kay Ms. Pam, nakangiti nyang kinuha ang papel sa akin, at may narinig na lamang akong tinig sa aking isip SISIGURADUHIN KONG HINDI MO ITO PAGSISISIHAN sabi nito sa aking isip, ngumiti lamang ako at bumalik na sa aking upuan... tinanaw ko ang labas, sana nga... sana nga ay hindi ko ito pagsisihan ...
I like it 😊
18/07
0next pls
24/07/2023
0new update sana?
22/05/2023
0ดูทั้งหมด