MAYA's POV Alas sais na ng umaga at nagising ako sa tunog ng alarm ko, habang ang katabi ko ay mahimbing pa ring natutulog, gumising man lang ba to? inabutan kong tulog kahapon, pati ba naman pag gising ko tulog pa rin sya?, baka naman patay na to? agad ko syang nilapitan at nakitang nahinga pa naman, sadyang tulog lang talaga, ano sya pusa? puro tulog... "Yra, gising na may pasok pa tayo, tara na para makapag asikaso na" pag gising ko sa kanya, nagmulat naman sya ng mata, at kumurap kurap pa ng ilang beses bago umupo sa hinihigaan nya " kumain ka ba? " tanong ko sa kanya at pumunta sa mini kitchen nito, may lugar din kasi ito para makapagluto, buti na lang at may alam ako sa pagluluto kaya mabubuhay akong magisa.. " hindi pa, balak ko sana kagabi kumain kaso anong oras na, ayokong lumabas" pagpapaliwanag nya habang kinukusot ang mata nya, ang cute nya para syang batang bagong gising tapos nakapout pa hahahaha "eh bat hindi ka na lang nagluto dito ng kahit ano man lang?" tanong ko sa kanya, dahil pwede naman syang magluto na lang kahit instant noodles man lang... "di ako marunong" sagot nya sakin habang nagiiwas ng paningin, mukang nahihiya sya, tiniis nya ang gutom nya dahil lang sa di sya marunong? tsk masama kayang nagpapalipas ng gutom.. "edi sana ginising mo ko" agad syang napalingon sa sinabi kong iyon at nanlalaki ang mata, bakit may mali ba sa sinabi ko? wala naman diba? "seryoso ka ba AL? gabi na, tsaka tulog ka na ayaw kitang bistorbohin" mabilis na pagpapaliwanag nya, para talaga syang si luna kung magreact, magiging magkamukha na sila " okay fine, simula ngayon sabay na tayo kakain pag nandito sa dorm okay?? ako na bahala sa pagkain, marunong naman ako magluto" sagot ko sa kanya at nagumpisa na magkalkal sa kusina para magluto ng agahan, meron naman ng mga gamit at grocery, provided na ng school, oh diba mapera talaga sila, isa daw yan sa benefit pag nasa kilalang section ka agad nya kong niyakap mula sa likod ko, ang bilis nya makarating dito ah, may lahi talaga tong pusa, mabilis kumilos at di ko man lang namalayan ang paglapit "talaga baa?!!! sa wakas wala na kong problema sa pagkain hahahaha" tuwang tuwa nyang sabi habang nakayakap sa kin "oo kaya ikaw maligo ka na para pagkatapos ko magluto dito, ako naman ang maliligo, at saktong luto na ang pagkain para di tayo malate sa first day natin" agad nya namang sinunod ang sinabi ko at nagsimla na kaming kumilos nung bandang 7:30 ay ready na kami pero sa gym muna ang punta namin since sasabihin pa lang samin ang designated room ng bawat section habang papunta sa gym marami na rin ang student ang pumasok ng Cidium, mukang excited na rin sila sa first day of school, napansin ko na pinagtitinginan kami ni Yra, siguro ay dahil kakaiba ang kulay ng uniform namin, lalo na at kulay pula pa ito, madaling mapansin... sa ordinary student kasi ng cidium ay black color lang ang uniform nila, same design sa amin, kaya't malalaman mo talaga agad ang mga nasa special section ng school na to.. nung narating namin ang gym ay marami rami na rin ang naandun, inantay pa namin matapos ang sinabi ng SC Pres at pagkatapos ay pumunta na ng room namin, nakakailang ang tingin ng ibang student, kung tingnan nila kami para kaming mga kakaibang nilalang na ngayon lang nila nakita di na rin naman nakakapagtaka dahil pangarap ng lahat ang mga section na ito, swerte talagang napasama ako sa iaa mga ito, di ko lang alam kung bakit nasa ATHERIAN ako napunta pagkapasok ng room ay agad kaming namili ng sarili naming upuan, at pinili ko ang upuan sa tabi ng bintana sa bandang dulo ng classroom, dahil gusto ko ang hangin na pumapasok sa bintana ng room, at pati na rin ang view sa labas nito nung alas otso na ay may biglang pumasok, I think sya ang prof namin for the first subject "Good morning everyone, I'm Ms. Pam Guerrero, your class adviser at professor until you graduated" pagpapakilala nya habang prenteng nakaupo sa desk nya "may idea ba kayo sa section na naroroon kayo?" tanong nya sa amin na may halong ngisi at excitement, mukang di maganda ang kutob ko rito, parang may kakaiba sa way ng pagtatanong nya, para bang may dapat pa kaming iexpect sa section na ito "maniniwala ba kayo pag sinabi ko sa inyong hindi lang kayo basta bastang estudyante lang ng Cidium?" tanong nya pang muli, hindi pa man nasasagot ang mga nauna nyang tanong ay nagbigay nanaman sya ng panibago "Did you know the meaning of the word CIDIUM?" cidium? oo nga noh?, di ko man lang naisip na alamin ito, nagiisip ako ng biglang nagtaas ng kamay ang lalaking nakasama ko sa examination room noong entrance exam, kasama ko nga pala sya dito "yes Mr?" pagtawag sa kanya ni Ms. Pam, hindi nawawala ang ngisi sa mga labi nya, ani mo'y tuwang tuwa sya sa mga ekspresyon na nakikita nya sa mga mukha namin, pagtataka, nalilito, at naguguluhan sa mga sinasabi nya "Death or Killing" sagot ng lalaki, ano daw? death or killing? bakit naman pangangalanan ang eskwelahan na ito ng ganun? mas lalong lumawak ang ngisi ng guro at sinabing "BINGO!" sabay umaktong binaril yung lalaki, mas lalo na akong naguguluhan, bakit ganun, bakit naman maiisipan nilang pangalanan ng ganun ang sikat na eskwelahan na ganito? "Ang bawat section sa cidium ay may role na ginagampanan, lahat ng info sa bawat section na sinabi sa inyo ay tama, pero di lahat sinabi at nabanggit" paguumpisa ni Ms. Pam "Ang Cidium ay mayroong limang espesyal na section, ang MAHALIA, HAMARI, VENYARD, ATHERIAN at ang HIRAYA.. sila ang mga batang may kakaibang galing at talento sa ibat ibang bagay, ang nasa pangkat na MAHALIA ang sa field, sila ay itetrain physically, maalam sila sa ibat ibang uri ng arts, itinuturing na rin naming arts ang ibat ibang uri ng self defense na ituturo sa MAHALIA, ituturo din sa ibang section iyon ngunit mas angat at advance ang sa MAHALIA" Naamaze ako sa paliwanag nya pero di maabsorb ng utak ko, para akong nagbabasa ng isang unrealistic na libro sa mga sinasabi ni Ms. Pam " Ang HAMARI ay isa sa misyon ng bawat section na protektahan sila dahil kayamanan sila ng school, dahil na rin sa mga kaalaman nila at talento sa pangangalaga at pag alam sa kapaligiran" dagdag pang muli ng guro " ang VENYARD at ATHERIAN naman ang incharge sa taktika, pagpaplano, at paglutas ng mga bagay na hindi basta basta maresolba... sila o KAYO ang utak ng eskwelahan at ng limang espesyal na section ng Cidium" malaking ngiti pagpapaliwanag ng guro habang isa isa silang tinitingnan "at ang panghuli ay ang HIRAYA katulad ng HAMARI ay kailangan sila protektahan dahil sila ang gumagawa at dumidiskubre ng mga lunas at gamot sa sakit at pinsalang matatanggap ng iba pang section, kung kayong nasa ATHERIAN ang utak ng limang section at ng school. Ang HIRAYA naman ang puso nito" sa sinabing ito ni Ms. Pam, at sa mga nauna nya pang sinabi, may mali, di ko maintindihan, para kaming makikidigma sa explanation nya, or may gagawin kaming mga kung anong bagay na delikado "You are the chosen ones, alam kong nakita ninyo ang mata ni Ms. Leila nung time ng exam dahil di naman kayo magiging isa dito kung hindi nyo iyon nakita, at di nya kayo kinakitaan ng talento at bagay na magsasabing nararapat kayo rito" sa parteng iyon ng sinabi nya ay napatigil ako, so tama talaga ko? hindi sya guni guni?, di ako nababaliw nung mga oras na iyon? " may kakaiba sa inyo, di kayo basta ordinaryong mga teen ager lang, may nananalaytay sa mga dugo ninyo na lakas upang lumaban sa mga taong umaabuso sa kapangyarihan at ginagamit sa masama ang mga kagaya pa ninyo" dagdag pa ng guro "ang cidium ay natanggap ng mga katulad nyo at humuhubog sa inyo upang hindi kayo matulad o makuha ng mga taong umaabuso sa kapangyarihan na meron kayo"pagpapaintindi nya pa sa amin, pero anong kapangyarihan? anong lakas? ang gulo di ko maintindihan " basahin nyo ito, pagkatapos ay bukas, pumasok kayo sa klase ko kung naniniwala at handa kayong makinig sa kung ano paman ang mayroon ang special sections ng cidium, at lalo na kung anong meron sa inyo, at ano talaga kayo... pero kung hindi, at para sa inyo ay kalokohan lamang ito ay libre kayong pumunta ng office at magpaalam na aalis ng section nyo, at hindi na tumuloy pa sa pagpasok dito" pagkatapos nya iabot ang parang handbook ay lumabas na sya ng classroom nakatitig lamang ako sa handbook at binasa ang nakasulat "THE TRUTH BEHIND CIDIUM AND SPECIAL SECTIONS" Pagbasa ko sa harap ng handbook, ano ba itong napasok ko? tama pa bang naandito ako?? hindi naman kaya panaginip naman ito? agad kaming bumalik ng tahimik sa dorm ni Yra, wala ni isang nagsasalita sa amin, ani moy nagaantayan kami kung sino unang magsasalita at ano ang sasabihin... umabot ang gabi na di kami nagsasalita at naguusap ni yra.. tahimik lang din kaming kumain kaninang hapunan at malalim ang iniisip hindi ko na alam kung gusto ko pa ba magpatuloy, tama pa ba ito? di ko kaya ikakapahamak ang bagay na to? hays sa lahat ng naranasan kong first day of school, ito ang pinaka kakaiba at masakit sa ulo, orientation pa lang mababaliw na ko hayss... CIDIUM ACADEMY ano ba talagang meron sayo? ano bang tinatago ninyo? ...
I like it 😊
18/07
0next pls
24/07/2023
0new update sana?
22/05/2023
0ดูทั้งหมด