MAYA's POV Makalipas ng ilang araw ay malapit na magumpisa ang pasukan, nagimpake na kami ng gamit na dadalhin ko sa dorm, ang nanay ko parang ayaw na ko pauwiin dito, dahil halos ilagay lahat sa maleta at bag ang mga gamit ko dito... tinulungan nila akong ibaba ang gamit dahil ngayon na ko aalis at nasa labas na ng bahay ang taxi na tinawag ni mama... "magiingat ka doon anak ha? tatawag ka samin pag may kailangan o problema ka, o kahit wala kang problema tumawag ka ha?" paalala nanaman ni mama simula pa nagiimpake kami kanina ayan na ang sinasabi ni mama, at nakailang ulit na sya.... "oo nga po mama, andyan na yung taxi aalis na ko" pagpapaalam ko kaya inihatid na nila ko sa sasakyan at nagpaalam na nakakakaba at naeexcite ako ngayon, di ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko dahil halo halo na, ilang oras din kaming bumyahe at sa wakas ay narating na namin ang cidium, may dala kong isang malaking maleta at isang bag... agad akong tinulungan ng guard at dumiretso ng gymnasium dahil may sasabihin pa daw muna saamin, pagkarating ko doon ay nakita ko na si Yra pati na ang iba pa naming mga kasama at iba pang section, kagaya ko may mga bitbit din silang mga gamit. ilang minuto pa kami naghintay at dumating na ang SC President, nakalimutan ko ang pangalan nya, pinaalala nya lang ang ibang rule, habang nagsasalita sya ay di ko mapigilan mamangha sa gym nila, di ko naappreciate ito noong una kong pasok dahil masyado akong natuwa at focus sa sinabi sa amin noon napakalaki ng lugar na to parte pa lang ito ng school pero napakalaki na nya, sabagay maraming estudyante ang cidium kaya kailangan din nila ng malawak na espasyo.. ilang saglit pa ay sinabi na ng President ang tungkol sa dorm, hiwalay ang lalaki sa babae, syempre magkaibang building ang dorm ng babae at lalaki. sa babae, ang magkasama sa isang kwarto ay dapat nasa isang section lang at dalawang tao bawat kwarto, sakto namang kaming dalawa lang ni Yra sa ATHERIAN na babae kaya kami na ang magkasama, ilang saglit pang hinati ng President ang magkakasama sa kwarto bago nya kami papuntahin sa kanya kanya naming dorm, may umalalay samin na iba pang member ng SC kaya sa mga babae ay ang secretary ng SC ang naghatid... nung makapasok kami ni Yra bumungad samin ang napaka aliwalas na kwarto, napakalinis at ang bango, kung titingnan mo sya ng buo para kang nasa hotel, di sya kalakihan pero okay na rin sya saamin ni Yra dahil dalawa lang naman kami, may dalawang kama, banyo, lamesa at tv. ang ganda pa ng view sa kwarto na to kita namin ang ibang parte ng school, napakalawak nito at ang hirap libutin sa isang araw lang sa sobrang lawak... nagunpack lang kami ng gamit ni Yra at pagkatapos may kumatok sa pinto, ang SC secretary, sinabi nya na pinapatawag kaming muli sa gym, kayat agad kaming nagbihis ni yra at pumunta ng gym, pagkarating namin doon ay naroon na rin ang iba pa... may mga iba pang kasama ang SC President sa harap namin, at may mga bitbit sila, mga damit?? pero iba iba sila ng kulay, sa bawat SC member ay may uniform na hawak na iba ang kulay sa iba pa. "This will be your uniform in everyday class, each section has its own theme color, the gray with light blue color uniform is for the section MAHALIA, the green color is for HAMARI, for the Blue color is for the section VENYARD, Red is for ATHERIAN, and lastly yellow is for the section of HIRAYA. " Mahaba nyang explanation, naaamaze ako dahil di ko alam na may color coding pala ang section nila pinapila nila kami bawat section at binigay ang uniform namin, same lang ang amin sa boys, pero sa kanila ay plain slacks lang na kakulay din ng section namin na may kasamang coat, ang coat ay nasa samin na kung isusuot namin ito, samin ay ribbon ang nasa leeg na part samantalang ang sa boys ay necktie na checkered... may kasama na rin itong badges, at logo ng bawat section ang nakalagay, pati na rin sapatos, kaya naman pala kinuha nila ang sizes namin nung nakaraan ang uniform daw na iyon ang isusuot namin in every regular class, nirerequire saamin iyon lalo na ang badge, at pinaalalang palagi itong isuot, dahil bukod sa uniform namin ay ito ang patunay na isa kami sa special sections nila,... sinabi rin nila na every Wednesday and friday ay free kami na magsuot ng gusto naming suot, malaya kaming di isuot ang uniform namin basta lamang daw ay wag kakalimutang isuot ang badge namin dahil iyon ang pagkakakilanlan namin, once daw na nakita kami ng SC President or ng ibang may higher position sa school ay may katumbas na parusa, mild lang naman pero di pa rin naman daw namin dapat suwayin, lalo na at kami ay isa sa mga role model na estudyante sa school... grabe,ang hirap din pala na maging isa sa section na to, pero at the same time masaya, marami daw benefit ang katulad namin, may binigay saming handbook, nandoon lahat ng info about sa benefits na meron kaming nasa special sections, at maging iba pang rules.. Pagkatapos kaming idismiss sinabihan kaming pwede kaming maglibot sa loob ng school... bukas ay magsisimula na ang klase kaya't susulitin ko na ang libreng oras ko, si Yra ay nagpasyang bumalik ng dorm dahil gusto nya daw muna magpahinga at matulog, kaya ako na lang mag isang naglibot feeling ko maliligaw ako sa lugar na to, wala pa naman akong mapa, sa laki nitong school kakailanganin mo talaga ng mapa kung ayaw mong maligaw... dinala ako ng mga paa ko sa cafeteria ng school, grabe ang ganda, bukod sa malaki ang lugar, ang sosyal nya, literal na sosyal ang datingan,may iilang staff ang naandito at mukang naghahanda sa unang araw bukas, hindi ka na rin luge sa binabayaran mo dito dahil sa ganda ng facilities nila, cafeteria pa lang itong nakikita ko pati na ang dorm at gymnasium pero namamangha na talaga ko sa facilities na meron sila, dahil hindi talaga biro ang ganda nito... sa kabilang parte nito ay mukang tambayan ng mga students dahil puro lamesa at upuan dito malinis, maaliwas, maliwanag ang paligid, ang simple nya pero napakaganda nya... pagkatapos ko mamangha sa cafeteria ay sinubukan kong hanapin kung nasaan ang library, dahil hilig ko talaga ang pagbabasa, ay hinanap ko ito para di na ko mahirapan sa paghahanap sa susunod na araw, natagalan pa ko dahil sa laki talaga ng cidium at nasa kabilang building pa ang library... maya maya pa ay pumasok ako sa loob nito, may mga tao sa loob ng library, malamang mga officials ito or mga profs dahil puro tables nila, ang library ay mas malaki pa sa cafeteria, hindi rin biro ang laki nito, nahahati sa tatlong part ang library, ang nasa mga tables ng mga nagtatrabaho ay nasa ibaba kasama na ang nagtataasang bookshelves, ang gitna at itaas na parte ay puro narin bookshelf at kung saan pwedeng magbasa ang student. grabe talaga ang lugar na ito, di biro ang gastos ng school na to, kaya buti na lang talaga sikat ito at hindi nasayang ang perang ginastos, dahil tingnan mo pa lang ang labas ng Cidium mahahalata mo na sya na pinaggastusan talaga... nakaramdam na ko ng pagod at hapon na rin, napagod ako sa kalalakad sa laki at lawak ng eskwelahan na to, nakakatamad maglibot, pero worth it dahil sa ganda ng mga lugar at facilities..... kumain muna ako bago bumalik ng dorm, naabutan ko pa si Yra na natutulog pa rin, di ba sya kakain?? bahala sya pagod na talaga ko, namiss ko tuloy yung pusa kong si husky dapat pala dinala ko sya... sana pwede magdala ng alaga dito.. hays bukas magsisimula na ko bilang isang estudyante ng cidium at miyembro ng ATHERIAN section... GOODLUCK AL! ...
I like it 😊
18/07
0next pls
24/07/2023
0new update sana?
22/05/2023
0ดูทั้งหมด